logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 4

OUT of boredom inilibot niya ako sa buong mansion. Masyadong maluwang ang bahay, nakalulula o sadyang hindi lamang ako sanay dahil mas sanay ako sa simpleng bahay namin. After wandering at their beautifully appointed mansion made me feel like I’m part of their rich family. Mahina ako sa industrial designs, but I do feel well-relaxed ambient just like how relaxed I am at Maurel’s office.
Naglalakad kaming dalawa sa gilid ng swimming pool at hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Hindi namin kailangang magpanggap dahil siya at ako lang ang magkasama ngayon. May pinuntahan ang mga kuya niya’t asawa nila sandali at babalik din daw sila while his parents are also busy doing something important in preparing their big celebration for tomorrow. The angelic smile on his lips is livelier in the mist of telling his childhood story.
“Si Kuya Greg, itutulak niya ako rito sa swimming pool tapos ako namang medyo lalambot-lambot na noon, at ayaw pang mabisto ay pinigilan kong tumili sa lamig ng tubig at umiyak!” He laughed and gestured his hand to the pool. Reminiscing his childhood days with his brothers.
“At saka takbuhan pa kaming lima rito. Habul-habulan, patintero at kung ano-ano pa na sobrang saya talaga. Kapag may nagkasigawan na dahil sa pikunan, itutulak namin sila sa pool tapos pagtatawanan. Si mommy may dala ng cookies na sunog dahil hindi niya alam mag-bake, pero kakainin pa rin namin. Si daddy, sasayaw bigla at kakanta kahit napaka-istrikto,” dagdag niya at muli siyang natawa pagkatapos niyang magkuwento.
How I wish that he is always like this. Every time he tells stories about his childhood his smile will remain genuine, but he cannot hide his sadness on his eyes.
“Ang saya bumalik sa pagkabata, bes. Iyong wala ka pang alalahanin at hindi pa mabigat sa loob ang magtago ng sekreto.”
Nahimigan ko ang kalungkutan sa boses niya. I tapped his broad shoulders, my way to ease his lonliness.
“Kung maibabalik lang natin at hilinging bata na lang tayo habambuhay, pero hindi ganoon, e,” sambit ko. Gusto ko ring bumalik sa pagkabata para makasama ko pa ang mga magulang ko. Masarap maging bata kahit napapalo sa kakulitan. Bigla akong natawa nang mahina nang maalala kong gustong-gusto ko na ang maging adulto noong bata pa ako, pero ngayong adulto na ako, gusto ko hilingin na sana bata pa lang ako. Less problems and more happiness, but life must go on.
Bagsak ang balikat niyang isinandal ang ulo sa aking balikat. “Bes, nahihirapan na ako,” sisinghot-singhot niyang ungot, parang umiiyak pero hindi.
I caressed his hair without his permission at hindi na ako nagulat nang mag-angat ito ng ulo kasabay ng pagtampal nito sa aking palad. Ayaw na ayaw niyang may humahawak sa kaniyang buhok.
I sarcastically laughed. “Huwag kang mahirapan, mahal pa kita.”
Sabay kindat ko rito sa kabila ng pagkainis niya sa aking nagawa. Mabilis siyang lumayo, niyakap ang sarili nang nakaangat pa sa likod ang kanang paa niya.
“Kaloka! Nakakadiri ka!”
Tumawa ako nang malakas dahil sa ekspresyon niya. “Excuse me, nakakadiri iyong hindi naliligo.”
He rolled his eyes and cringed. “Whatever! I love you too.”
Pakiramdam ko ay medyo namula ang pisngi ko sa narinig. Well, madalang ko lang marinig sa kaniya ang katagang ito kaya medyo nakakapanibago at nagtatambol sa saya ang puso ko.
“Kikiligin na sana ako kaso pagpapanggap lang ito,” ngiwing himutok ko sa pabirong paraan.
Mas lalo niyang niyakap ang sarili. “Bes, binabalaan kita. Natutuwa ako sa mga pick-up lines mo pero hindi bagay sa isang tulad mo. You’re giving me goosebumps!”
Lumapit ako at hinawakan ang braso niya. Iginiya ito palapit sa gilid ng pool at umalingawngaw na lamang ang tawa ko nang mapasigaw ito sa lamig nang itulak ko siya bigla.
“Bahala kang taasan ng balahibo diyan!” Tinalikuran ko ito matapos akong dumila na parang batang nanalo sa laro.
“Althea!” patiling tawag niya sa pangalan ko. Mabilis akong lumingon at itinutok ang hintuturo sa labi kasabay nang paglapit ko.
“Huwag ka ngang tumili riyan, baka marinig ka!” nandidilat ang mga matang suway. Yumuko ako para pitikin ang kilay niya pero mabilis niya akong hinila dahilan para mahulog ako sa pool kasama niya.
“Walanghiya ka, Maurel!” nanggigigil kong sigaw sapagkat napakalamig. Naramdaman ang bisig niyang yumapos sa akin at inilapit ang bibig sa aking tainga.
“Kyla sa gabi,” pagtatama niyang bulong na ikinangiwi ko’t ikinatirik ng mga mata.
Hindi ako nakaramdam ng awkwardness. Pakiramdam ko nga ay isa ako sa kanilang pamilya. Maingay at masaya, magkabilaan ang tawanan, at hindi nila ako hinahayaang maramdamang hindi ako belong. For a while, kinalimutan ko munang pagpapanggap ito.
“So, how did you two end up together?” kuryusong tanong ni Kuya Frank matapos niyang lunukin ang kinakain.
Kahit wala sa akin ang tingin ng lahat ay ramdam kong naghihintay sila ng kasagutan mula sa isa sa amin. Narinig ko ang pagtikhim ni Maurel.
“She’s my sexiest employee that time and she promoted as my executive secretary,” kumpiyansa niyang bulalas na kamuntikan naman akong mabilaukan. In character ang bakla.
“Then?”
“Dahil nga secretary ko siya at palagi kaming magkasama sa kahit saan ako pumunta, hindi napigilan ang sariling nahulog kaya ito, we ended up together for a few years and I asked her to be my fiancée,” dagdag niya para lingunin ko siya.
Tumingin din siya at tinanguan ako nang marahan saka nito pinitik ang kamay kong nasa ilalim ng mesa.
“And I said, yes to be his fiancée.” He nodded and we both smile in a sweetest way to convince them that we’re deeply in love each other.
“Too sweet!” kinikilig na komento ng mommy nila.
“Kayo ba, tita?” kuryusong intriga ko.
Ambang sasagot si tita at nasa kalagitnaan na kami ng main course nang biglang bumukas ang pinto sa kusina dahilan para manlaki ang mga mata niyang napasigaw, “Frence!”
Bigla ay napatahimik ang hapag, na para bang walang nangyaring kaingayan kanina. Ang mga mata nilang lahat ay dumako sa lalaking kararating, kung saan nakatayo ang isang lalaking naka-shades at may hawak-hawak na helmet sa kanang kamay niya. Matangkad siya at malaki ang katawan, magulo ang medyo kulot niyang buhok. Nakasuot siya ng puting t-shirt at tattered pants. Halos hindi ko pa naaaral masyado ang mukha niya nang bigla siyang yakapin ng mommy nila at maginoo namang yumakap ang lalaki.
“Akala ko hindi ka na uuwi anak,” masayang bulalas ng mommy nila.
Paniguradong siya ang tinutukoy nilang black sheep of the family. Sa wakas nakilala ko rin ang ikapaat niyang kapatid. Liningon ko ang mga taong biglang natahimik sa mesa. Nakita ko sa kanilang mukha ang gulat maliban sa daddy nilang tila hindi nagtaas ng tingin dahil patuloy lang ito sa pagkain, hindi masaya sa pagdating ng anak.
“Maupo ka, Frence. Join us.” Narinig kong paanyaya ni Kuya Greg nang makabawi ito sa gulat.
Inilibot ng lalaki ang mga mata niya sa mesa hanggang sa magtama ang mga mata namin ngunit agad akong nag-iwas. Wala ng ibang bakante maliban sa upuang nasa tapat ko.
“I’m glad you’re here,” masayang bulalas ni Kuya Frank. Naupo ito sa harapan ko at tila kinabahan ako.
“Thank you, Kuya,” sagot niya and for the first time ay nakaramdam ako ng familiarity nang marinig ko ang boses niya. “But apparently not everyone is happy to see me,” dugtong pa nito ng puno ng sarcasm itong tumingin sa daddy nila.
Umangat ang tingin ng matanda at kung apoy ang mga mata nito ay baka kanina pa nagliyab si Frence sa harap ko. Bigla akong nakaramdam ng pagpisil sa braso ko. nilingon ko si Maurel na tinablan ng awkwardness ang mga mata niyang tinitigan ako.
“Eat, may bisita tayo,” malamig na sabi ng daddy nila at saka ito nagpatuloy sa pagkain.
“Bisita?” mabagal na bigkas niya kasabay nang paglibot ng kaniyang paningin sa mesa hanggang sa dumako sa akin.
Tiningnan niya ako na para bang iyon ang unang beses niyang nakita ako, kahit kanina ay nagtama na ang mga mata namin at lalong hindi ko maintindihan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. For the second time, that familiarity hits me. Nangunot ang noo ko habang pinipilit na inaalala kung saan ko siya nakita. I studied his face, kulay kape ang mga mata niyang nakatitig sa akin, na parang kinikilatis din ako. Matangos ang medyo malaking ilong niya, at mapula ang labi niya na para bang naglagay ito ng liptint kahit hindi. Saan ko nga ba nakita ang lalaking ito?
“Frence, meet my fiancée, Althea Katriel,” pakilala ni Maurel sa akin sa kapatid niyang hindi pa rin nakababawi sa pagtitig.
“Fiancée?” mahaba ang pagkakabigkas niya, nang-iinis. Smirk formed on his lips.
“Fiancée, I’m Frence,” ang sabi pa niya sabay abot ng kamay.
Hindi pa rin umaalis ang tingin ko at nang ngitian niya ako… doon! That dimpled-smile hit me. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon few months ago. In a flash, para akong bumalik sa gabing iyon.
-flashback-
“Althea, couz, tara party tayo!” biglaang pag-aaya ni Maureene habang nakalulan kaming pareho sa taxi, naipit sa trapik.
“Party saan?” kunot-noong tanong.
“Bar,” maikling sagot niya pero bakas ang katuwaan sa boses.
“Ayoko. Alam mo namang hindi ako umiinom ng alak, hindi ba? Never in my life.” I crossed my arms and shook my head.
“Ano ba, ngayon lang ito. Break your own rules sometimes,” pasaring niyang panghihikayat sa akin.
“Kung lalabas ako sa comfort zone ko, gusto ko iyong magandang karanasan, hindi iyong maglalasing ako nang walang dahilan,” katwiran ko ngunit natawa lang ito, kahit wala namang nakakatawa.
Niyugyog niya ang balikat ko. “Sige na, my treat. At mahal mo naman ako as your cousin, 'di ba?” And she looked at me with her puppy eyes.
“Of course!” mabilis kong sagot.
“Then, pagbigyan mo ako. Kung hindi isusumbong kita kay mamita na nag-aaya ka ng night out.” Bumuntong-hininga ako.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa isang high-in bar kasama ang pinsan kong tuwang-tuwa, at hindi alam kung paano na-afford ng pinsan ko ang ganitong kamahal na lugar. Party mood agad si Maureene nang nagpalit ang tugtog habang ako ay panay iwas sa mga babaeng gumigiling at ang katawan nilang dumidikit sa akin. Bigla ay hinigit niya ako patungo sa isang semi-private booth. Maureene, is a sociable being, party girl and play girl, while I’m the opposite of her. Tiningnan ko lang ang kamay niyang nakalahad habang may hawak na baso na may lamang alak. Mabilis kong iwinagayway ang palad ko bilang pagtanggi.
“Hindi ba’t alam mo namang hindi ako umiinom ng alak?” paalalang tanong sa kaniya. Tumawa lang siya at hinawakan ang kamay ko habang nakalahad ang baso, na gusto niyang inumin ko pagkatapos ilapag ng waiter ang maraming klase ng alak sa mesa.
“Maureene...” tawag ko nang may diin.
“Please.” She pouted to insist.
Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang iniabot niyang baso at mabilis na nilagok ito. Mainit at nasugat yata ang lalamunan sa pait at hindi maintindihan ang lasa, subalit sa pinakahuling lagok sa baso ay tila tumatamis. Masarap ang bawal. Nabilang ko kung nakailang baso ako… mga apat, pero hindi alam kung anong klase ng alak ang pinainom niya sa akin. Nahihilo na ako, umiikot ang mundo ko.
“Maureene, comfort room lang ako,” paalam ko pero hindi niya ako tinugunan dahil abala ito sa pakikipagsayaw sa kakikilala niyang foreigner, kaya hindi ko na sila inistorbo. I shook my head from disbelief and leave to find the comfort room.
Kahit nahihilo na ako ay nahanap ko pa ang comfort room at matiwasay akong nakaihi. Sa pagbalik sa aming booth ako nahirapan. Masyadong maingay at malikot ang ilaw sa pagpapalit-palit ng kulay dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo. Hindi ko na maaninag si Maureene o mahanap ang booth na pinanggalingan ko.
Tumawa akong mag-isa sabay iling saka sasandal sana ako sa pader nang may mabunggo akong malaking bulto. Matutumba sana ako kung hindi ako nagawang yakapin ng lalaking nabunggo ko. Malabo ang mga matang tiningnan ko kung sino itong mabait na sumalo sa akin. Nakayakap pa rin siya sa katawan ko kaya nagawa ko siyang tingnan nang husto. Naakit ako sa dimple niya habang nakangiting nakatitig din sa akin.
“Miss may kasama ka ba?” bulong niya sa pagitan ng tainga ko, at hindi ko maipaliwanag ang kakaibang init na nararamdaman ko.
“Nasaan sila? Ihahatid na kita sa booth n’yo,” bulong pa niya na nagsitayuan ang balahibo ko nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking leeg.
“Miss?” pukaw niya sa akin saka hinawakan pa ang magkabilang pisngi ko. Hindi alam kung ano ang pumasok sa isip ko.
Hinawakan ko rin ang mukha niya at bigla-bigla kong idinampi ang labi sa malambot at mapupula niyang labi nang ilang segundo. Nang bumitaw ako ay saka ako medyo nahimasmasan, nakita sa mukha niya ang gulat at parang hindi nagustuhan ang ginawa ko. Afterall, hindi ako marunong humalik, that was my first kiss.
Aatras na sana ako sa pagkapahiya nang bigla niya akong halikan. It was a real kiss this time. Nalasahan ko ang kakaibang lasa ng alak. Hindi lang basta paglapat ng aming labi, kundi parang sayaw na tanging mga labi lamang namin ang may alam. Iyong tipo ng halik na ayaw mo ng matapos. Iyon bang mapupugto na ang hininga mo pero wala kang pakialam. Ang mahalaga ay hindi matapos ang moment na ito, at hindi ako nababagabag sa posibleng patutunguhan nito bago matapos ang gabi.
Naalimpungatan ako nang marinig ko ang lagaslas ng tubig. Inalala ko ang nangyari kagabi. Hindi man gaanong kalinaw kung nasaan ako ngayon at kung ano ang buong nangyari, pero iisa lang ang alam ko… ibinigay ko ang pagkababae ko sa lalaking hindi ko kilala, na ni pangalan niya ay hindi ko alam. Imbes na matakot sana ako ay hindi. Sapagkat ang gut feel ko na ang nagsasabing hindi ako mapapahamak, hindi niya ako tatakbuhan sakaling may mabuo dahil aalagan niya ako at hindi sasaktan. There is something that I couldn’t explain that it thrilled me.
Agad akong napabangon nang walang saplot habang tinitiis ko ang matinding sakit ng ulo at nahimasmasan ako sa aking katangahan. Kumabog ang dibdib ko at any moment ay lalabas na siya. Hindi alam kung haharapin ko ba siya o tatakbukhan. Pero heto ako… namimilipit sa sakit habang nagmamadali akong magbihis. Ibinalik ko ang suot ko kagabi at isusuot na sana ang sapatos ko nang tumigil ang pagbuhos ng tubig sa shower. Agad akong kumaripas nang takbo palayo nang nakayapak. Walang lingon-likod akong nagtatakbo hanggang makalabas ako ng hotel. Nagmistula akong ninakawan sa hitsura ko at mabilis na kinontak si Maureene para sunduin ako.
- end of flashback -
Hindi na kailanman sumagi sa isip ko ang nangyaring iyon hanggang ngayon, not until I met that man in front of me… he was sitting comfortably with a irritating smile.
“Babe?” Narinig kong sambit ni Maurel sabay siko sa aking tagiliran. Nakaupo pa rin ako sa mesa habang unti-unti kong iniabot ang kamay niyang nakalahad pa rin. Nang mahawakan niya ang kamay ko ay naramdaman ko ang pamilyar na init sa katawan. Walang duda dahil siya nga ito. Hindi ako makatingin nang diretso at ramdam kong nakikilala rin niya ako. Ang lalaking nasa harapan ko ay kapatid ng boss ko, na best friend ko, slash fake fiancé ko ngayon. Bakit ang liit naman ng mundo namin?
So, here goes the million-dollar question… ano ang gagawin ko?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (14)

  • avatar
    Rejane Saavedra

    ma ganda

    28/10

      0
  • avatar
    Renz Garcia

    I love it

    09/10

      1
  • avatar
    Kim Villavicencio

    ❤️❤️❤️

    12/08/2023

      1
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด