logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

'.-- .. -. - . .-. / .... . .- .-. - / --- ..-. / -.-- --- ..-
... ..- -- -- . .-. - .. -- . / .. / .... --- .--. . / - --- / -.-. --- -- .
-- . .-.. - / - .... --- ... . / .. -.-. . / -... .- .-. .-. .. . .-. '
𝑀𝑔𝑎 𝑔𝑢ℎ𝑖𝑡 𝑎𝑡 𝑡𝑢𝑙𝑑𝑜𝑘 𝑛𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑑𝑒𝑟. 𝑁𝑎 𝑎𝑛𝑖𝑚𝑜'𝑦 𝑡𝑖𝑛𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑔 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑖𝑡𝑜. 𝑁𝑎𝑖𝑖𝑛𝑡𝑖𝑛𝑑𝑖ℎ𝑎𝑛 𝑘𝑜, 𝑝𝑒𝑟𝑜 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑏𝑖𝑔𝑘𝑎𝑠. 𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑤𝑎𝑟𝑖 𝑝𝑒𝑟𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑖𝑛𝑖𝑝𝑖𝑔𝑎 𝑛𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜. 𝐷𝑢𝑔𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑢𝑙𝑎𝑡 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑎'𝑡 𝑎𝑦 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑘𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎𝑏𝑜𝑡 𝑖𝑡𝑜. 𝐷𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑑𝑎ℎ𝑎𝑛 𝑘𝑜 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑖𝑙𝑎𝑝𝑖𝑡𝑎𝑛, 𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑛𝑎𝑛𝑔𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛𝑖𝑔 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑎𝑦 𝑎𝑦 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑖𝑡𝑜𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑛𝑎𝑤𝑎𝑘𝑎𝑛.
Napabalikwas ako nang bangon, panaginip na naman. Tumingin ako sa'king kaliwa para kasing may dumaan. Bumangon ako at ginulo ang aking buhok. Guni-guni mo lang 'yun, nababaliw ka na naman Sky.
Niligpit ko na ang aking higaan ngunit 'di parin mawala sa aking isipan 'yong aking napanaginipan na naman. Ano ba ang ibig ipahiwatig at ibig sabihin noon? Nakakakilabot, parang parte siya ng buhay ko at kailangan kong malaman kung ano ito. Walang araw na hindi ko ito napapanaginipan. Ni hindi man lang ako magkaroon nang maayos na tulog. Kung may gamot lang talaga sa kahibangan bumili na ako nang marami at nilaklak. Wala naman akong may mapagsabihan, kasi for sure pag ikwekwento ko ito sa mga kaibigan ko. Pagtatawanan lang ako ng mga iyon. Tingin pa naman nila sa'kin is joker ng taon. Sasabihin lang nila na kakanood ko ito ng mga movies na aking kinahihiligang libangan. 'Pag bored kasi ako, tamang kalikot ng phone at punta sa website kung saan pwedeng manood 'yon ang ginagawa ko. Eh hindi ko naman kasi afford bumili ng TV. Mag-isa lang naman ako sa buhay. At may ginagastosan pang renta ng tinutuluyan ko.
Ay sandali, naaalala ko wala na pala akong pera. Hayss, saan na naman kaya ako kukuha nito.
Naubos na 'yong ipon ko, ano ba naman 'yan. Wala naman akong may mapapasukang trabaho kasi ayaw nilang tumanggap ng mga estudyante gusto nila yung full time. Nakikisuyo nga lang ako kay Mang Ricardo sa may kabilang kanto na kung pwede paminsan minsan ay magtrabaho ako sa Carwash shop nila. Pinayagan niya naman ako ang kaso nga lang nitong mga nakaraang araw kumuha siya ng mga tauhan na dagdag sa shop kaya wala na rin akong trabaho. Sila kasi makaka full time eh ako tamang part time lang.
At oo nga pala muntik ko nang makalimutan may pasok pala ako ngayon, kaya dagli dagli akong naligo at nagbihis. 'Di na ako kumain hindi na uso 'yon, tipid tipid din sa hirap ba naman ng buhay ngayon. At least gwapo pa rin kahit gutom.
Nang matapos akong mag-ayos ay sumibat na ako palabas ng apartment. At naglakad papuntang highway, para mag-antay ng jeep. Taenang araw, ang tingkad tingkad. Kay aga aga ang sakit mo agad sa balat men.
Nang makarating ay naghintay muna ako sandali. At nang may paparating na jeep ay saka ako nagpara, pero bago ako nakasakay ay may nabunggo akong babae.
Kay bilis nang pangyayare, sa pagmamadali ay hindi ko man lang namalayan na may kasama pala akong naghihintay rin sa jeep.
Bigla akong napatingin sa kanyang mukha, ayos lang naman wala namang anghel sa lupa. Pero andito siya sa harapan ko, ehem blessing ba 'to.
"Ayos ka lang?" Tanong ko rito.
Namumutla siya at nakatulala lang sa harapan ko. Ang ganda sana pero naging estatwa na. Nagmumukha siyang tanga, alam ko naman na gwapo ako pero 'wag naman sana niyang masyadong ipahalata. Baka ma discover eh.
Pero nagulat kami ng may tumawag, "Hoy! 'di ba kayo sasakay?" Ito namang si manong driver kay aga aga high blood. Panira nang moment 'to.
May dumaang dalawang babae at tumitingin pa sila sa direction namin. Mga chismosa 'to. Sabay akyat nila sa jeep.
Napaiwas nang tingin sakin ang babae at umalis nalang bigla. Aba aba ang bastos ah, at saka hindi ba sasakay 'yon? Hanep yan ah.
"Iho! Sasakay o sasakay?" Aba nagbigay pa siya nang choices bravo ang galing galing.
At nang makasakay na ako sa jeep ay napaisip pa rin talaga ako tungkol doon sa babae. Sa pagtingin ko palang sa kanyang mga mata may naramdaman agad akong kakaiba. Hindi ko lang ma point out kung ano. Pero it felt familiar. May bigla rin akong naalala.
Eniffa edoc
Nbibm
a1b1
'Yan 'yung nakasulat sa likod na damit ng babae. Weird, kasi hindi ko maintindihan. At ano ba naman 'yon? Address? May gano'n ba? O baka trip lang nung nagprint ng damit? Tama! Baka iyon nga, gutom lang ito kaya kung ano ano na ang naiisip ko. Pero nabobobo ako sa pakiramdam na ito. Hindi kasi maganda parang sinasakal ako.
Naalala ko na naman tuloy 'yung panaginip ko. Dugo. Kung sana idinonate na lang doon sa babaeng maputla edi sana magkakulay siya.
"HAHAHA." Pagtawa ko. Nakuha ko pa talagang ijoke iyong gano'n. Pero may point naman ako ah.
Nang may biglang sumiko sa akin at napatingin agad ako sa katabi ko. Kasi for sure siya 'yong sumiko sa'kin, sa kaliwa nanggaling eh. Pinandidilatan niya ako ng kaniyang mga mata. Naguluhan pa ako no'ng una. Pero nang mapatingin ako sa mga pasahero rito sa loob ng jeep ay siya ring paglukob nang sobrang kahihiyan sa aking katawan. May ibang pasimpleng tumatawa na mas lalong ikinahiya ko.
Napalakas ata iyong pagtawa ko. Ayan, ang aga aga napahiya na agad.
Kaya no'ng malapit na sa school iyong jeep ay pumara kaagad ako at dagli dagling nagbayad. At sabay takbo papunta sa entrance ng school.
May kasalanan talaga siguro 'yong past life ko noon. Kaya ako 'yung sumasalo nang karma niya. At kasalanan din nung babae eh, ginugulo niya utak ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (29)

  • avatar
    Geraldine Asonalleba

    so good

    8h

      0
  • avatar
    ambhet Cabanes

    Napakaganda

    17d

      0
  • avatar
    Geldin Hshs

    ndfjjficr

    20/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด