logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2: Miss Alvarado

"Mamimiss ko ‘yong dati nating section, pero Einstein-1 na 'to choosy pa ba?" natatawang pahayag ni Bea.
She's so cheerful. Kahit kahapon paglabas niya sa office ni Dean Arranya ay tuwang-tuwa siyang ipinakita sa'min ang envelope na nagsasabing nakapasa siya.
"Manahimik ka na nga Bea, rinding rindi na 'ko sa paulit-ulit mong sinasabi oo nga! nakapasok na tayo sa section na 'yon wag kang parang sirang plaka diyan," pagmamaktol ni Ken na kanina pa nagtatakip ng tainga.
"Ang kapal! kala mo naman di ka excited if I’m not wrong, sa loob-loob mo nagwawala na yung mga bituka mo na makatungtong sa room ng Einstein-1!" pang-aasar ni Bea kay Ken.
"Anong mga tinanong niya sa'yo?" di ko na napigilan ang sarili ko na sumingit sa usapan ng dalawa.
Tinignan ako ni Ken ng may mga matang nagbababala.
"Well, He just ask me how much I want to be part of the section so I asnwered, 'sobrang gusto ko po, fetus palang ako pangarap ko na 'yon," dinaan ko lang siya sa mga jokes ko. Ewan ko nga bakit bentang-benta sakanya eh, ako nga nacocornyhan sa sarili ko,"
Kumunot ang noo ko. Why does he ask simple questions to Bea?
"He doesn't ask you about serious stuffs?" tanong ko ulit.
"Serious stuffs like, anong oras ako natutulog sa gabi? may boyfriend na ba ako?"
I almost slap her face. I'm asking seriously and she just ruined the mood.
"Nevermind,"
Ngingiti-ngiti siyang tumango.
Habang naglalakad ay bumibilis ang tibok ng puso ko, hindi ko naman dapat 'to maramdaman normal lang naman na lumipat ng section diba? bakit ganito? I feel like there's something that will happen soon. kailangan iwaglit ko muna sa utak ko lahat ng mga alalahanin ko lalo na ngayon na dapat mag umapaw sa saya ang nararamdaman ko imbis na takot sa mga pwedeng mangyari.
"Sandali! sainyo ata 'to," isang sigaw mula sa hindi kalayuan.
Napahinto kaming tatlo sa paglalakad at isa isang humarap sa lalaking may hawak na panyo lumapit saamin ang lalaki.
"Hala akin yan! salamat!"
Agad na kinuha ni Bea ang panyo niya.
"Uhm, my name is Daniel Karasuno," he said out of nowhere.
Is he ahlf-Japanese? Well, base on his surname, sure he is. And he doesn’t look pure Filipino at all.
"Kenzyren, Ken for short,"
Nagulat ako sa biglaang pagsasalita si Ken.
"Jelcy, and this is Bea," pagpapakilala ko rin.
Tumango-tango siya matapos kong magpakilala.
"Kayo pala 'yong bago naming kaklase,"
Nagkatinginan kaming tatlo nila Bea.
"I'm from E-1,"
"Oh, nice to meet you!" maligayang bati ni Bea.
"Mind if I take a walk with you guys?"
Tumango nalang kami at sabay-sabay na naglakad patungong silid. No'ng malapit na kami ay nakakabinging katahimikan ang namayani sa kapaligiran.
Everyone was quiet at walang nagbabadya na lumingon sa kanan o kahit sa kaliwa.
After a while the four of us decided to enter the room with five empty seats at the far end and two in the front. Eventually, we agreed to sit at the back.
No one even threw a glance at us when we entered. Iginala ko ang mata ko at nakita ko ang babaeng nakausap ko kahapon sa tapat ng bintana.
"Jelcy,"
Nilingon ako kay Bea na naglilibot din ngayon ng tingin yung dalawa naman, seryoso lang na nakaupo.
"This is creepy," wala sa sariling sabi niya.
"Huh?bakit naman?" Maang-maangan na tanong ko. Animo'y hindi nakakaramdam ng kaibahan.
"Everbody is just staring at that blackboard since then! ano bang meron diyan?" nagkibit balikat ako bilang sagot.
Kakaiba ang E-1. Parang nasa sarili nila silang planeta na hindi pwedeng pasukin ng kung sino lang.
"Good morning,"
Napabalikwas ako sa inuupuan ko ng biglang may magsalita sa harap.
Tinignan ko ang kabuuan niya matangkad na babae, maputi may mahabang buhok at naka salamin walang duda, isa siyang guro. Sa kalkulasyon ko ay nasa middle age na siya idagdag pa ang matinis na boses niya at magandang accent ng pagsasalita.
Nagsitayuan ang lahat at ganoon rin naman kaming apat lahat sila ay seryoso parin.
"Good morning Miss. Alvarado," sabay-sabay na sabi nila.
Pagkatapos bumati ay umupo na kaming lahat. Ngunit ang akala ko ay magsisimula na ang discussion pero hindi, ilang minuto muna kaming tinignan ni Miss Alvarado kumukunot ang noo niya at nangingiwi ang labi.
"You three must be the newbies," tumunog ang sapatos niya habang naglalakad papalapit sa pwesto namin.
"Poor newbies," tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Let's start,"
Naiwan kaming nakatunganga lang doon naghihintay ng kasagutan sa mga binitawan niyang salita.
Anong ibig niyang sabihin? why do I feel like she's threatening us? wala akong ideya sa mga nangyayari pero ang alam ko at sigurado ako ay... Hindi maganda 'to.
Naging normal ang discussion niya, ang totoo niyan ay magaling siyang magturo bawat estudyante ay nakikinig sakanya pati na si Bea at Ken at gano'n rin naman ako pero kahit gano'n di ko parin mawaglit sa utak ko ang gusto niyang ipahiwatig
sa sinabi niya kanina hindi kaya nasabi niya 'yon dahil mahirap talaga maging parte ng E-1?
"M-miss,"
Lahat ng atensyon ay nagawi bigla sa babaeng hindi mapakali ngayon sa inuupuan niya.
"Yes darling? do you need anything?" Maligayang sabi ni Miss Alvarado.
Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang siyang humagulgol at umalingawngaw sa bawat sulok ng kwarto ang mga hikbi niya.
"Tell me, what's the problem?"
Nakangiting lumapit si Miss Alvarado sa estudyanteng umiiyak.
"C-chloe," pinilit na itayo ni Miss Alvarado ang babae.
May hawak na plastic ang babae pero hindi ko masyadong makita kung anong laman dahil nakatalikod siya saamin habang ang lahat naman ay nagsimula narin umiyak.
"It's okay Brianna, she deserved it," sabi ni Miss Alvarado sa malambing na tinig.
Umiling iling ang babae.
"W-wala naman siyang ginawang masama b-bakit?" tanong ng babae.
Nasusuka na ang iba at ang iba naman ay nakuha ng magdasal. hindi ko na malingon sila Bea dahil tutok na tutok ako sa panonood sa nangyayari.
"She did nothing wrong?"
Isang nakakapangilabot na halakhak ang nanggaling kay Miss Alvarado. Napayuko ang iilan ang iba naman ay nanlalaki ang mata.
Ngumiti si Miss Alvarado. Hinawakan niya sa braso ang babae at inalalayang lumabas ngunit sa pag-alis nila ay napatingin ako sa lapag.
My heart start beating so fast dahil sigurado ako sa nakikita ko ngayon. Sigurado ako at hindi ako pwedeng magkamali kung ano ang pulang likidong tumulo mula sa plastic na hawak ni Brianna. Dugo, dugo 'yon.
Ilang sandali pa ay nararamdaman ko ang malamig na kamay na nakahawak sa braso ko. Halos mapatalon ako kung hindi ko lang nakitang si Bea 'yon.
"Bea?"
She's breathing heavily. Nanlalaki ang mga mata niya at bakas ang takot sa kanyang mga mata.
"Bea, calm down,"
"Calm down? How can I calm down kung ganito ang nangyayari sa harapan ko?!" umalingawngaw ang sigaw ni Bea sa silid.
Nilingon ko si Ken na gulat rin sa pangyayari pero nagawa paring tumulong pakalmahin si Bea.
"Bea, we'll get out of here, okay?" malumanay na sabi ni Ken.
I'm also catching my breath. Daig ko pa ang tumakbo sa marathon. Pakiramdam ko ay lalabas na ang sarili kong puso sa sobrang lakas ng tibok nito.
Nagsimula nang umiyak si Bea. Nanginginig ang buo niyang katawan.
"Tulong please, pwede bang ireport na natin 'to sa mga pulis? may... may dugo. D-dugo ng tao 'yon 'di b-ba?" Hindi ko mapigilang hindi mautal.
Sa isang iglap, humapdi and kaliwang braso ko na parang may isang matulis na bagay ang dumaan doon.
Tinignan ko 'yon at napabalikwas ako ng makitang duguan ang kaliwang braso ko.
"Jelcy!" sigaw ni Ken.
"If you want to live, you better shut your mouth newbie,"
Nanggaling sa isang lalaking nakasalamin mula sa harapan ang boses. May hawak siyang kumpol ng mga daggers sa kamay niya. Sa tingin ko'y siya ang naghangis ng matulis na bagay sa'kin.
"Hey what the- argh!"
"Ken!" sabay na sigaw namin ni Bea.
Napaluhod si Ken sa sahig habang hawak ang mukha niyang dumudugo dahil sa daplis ng dagger na inihagis ng lalaking nasa harapan.
"Sa susunod na may magbuka pa ng bibig ng isa pa sainyo, hindi lang daplis 'yang makukuha niyo,"
Nararamdaman ko ang panghihina ko. Kahit saglit lang na tumama sa'kin ang dagger malaking sugat ang natamo ko.
"Shit," mahinang bulong ni Ken.
"That's enough, Knight,"
Iniangat ko ang tingin ko kay Daniel. Nakatayo na siya ngayon at binibigyan ng pagbabanta ang lalaking tinawag niyang Knight.
"Daniel, tulungan mo si Ken at Jelcy! We need your help!" halos pabulong na sabi ni Bea.
Tinapunan ng tingin ni Daniel si Bea. Ngunit wala pang ilang segundo ay inalis niya na agad ang tingin dito.
"Kung gusto niyo magpatayan, 'yong wala sana ako dito. Naririndi ako sa ingay niyo,"
Gulat na gulat ako sa inasta ni Daniel. Parang iba siyang tao mula sa nakilala namin sa labas ng room. Naging itim ang aura niya at parang mas malala pa ang kaya niyang gawin kaysa kay Knight.
Mabilis na lumabas si Daniel sa loob ng silid. Hindi ako makapagsalita. Bumalik ang lahat sa upuan nila na parang walang nangyari. Parang hindi kami sugatan at parang wala lang sakanila ang pagkamatay ng kakilala.
Naikuyom ko ang kamao ko at mabilis na hinablot ang braso ni Bea at Ken.
How can they stay in this hell? I'll leave this place with my friends and I'll leave them rot in hell.
Nang malapit na kami sa pintuan ay isang kutsiyo ang mabilis na bumaon sa pisara. Sa gulat ay napaatras kaming tatlo.
"Walang dapat makaalam ng nangyari dito,"
Pamilyar saakin ang boses ng nagsalita. Isang babaeng malamig ang boses. Siya 'yong nakausap ko sa labas ng silid kahapon. Ngunit ngayon, mas malamig pa ang boses niya.
I won't stay in this place. No, I won't stay in this school!

หนังสือแสดงความคิดเห็น (90)

  • avatar
    Mak Kodok

    good

    19/08

      0
  • avatar
    Rizza Loreanne Palomata

    ganda ng story huhu

    25/06

      0
  • avatar
    Jayson Lapiguera

    wee

    22/05

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด