logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

06

MYRENE
"Ganito ba, Ken?" tanong ni Zenn sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa sala ng condo unit nila at nag-aaral ng lesson namin sa calculus at si Ken ang nagtuturo, tutal magaling naman siya sa math. My mood is getting better because of them. Thank you, guys.
Tumingin si Ken sa notebook ni Zenn at napakunot ang noo na parang mali ang isinagot nito. "Hindi gan'yan! Ganito kasi, 'yan oh! Tingnan mo nga nang mabuti, nakikinig ka ba sa explanation ko?"
"Hoy! Ang hirap hirap kaya! Palibhasa kasi 'smartie ka sa math' kaya ganiyan mo kadali ma-gets!" sagot ni Zenn, nagsisimula na ng away sa pagitan nila.
"Ayaw mo pala sa math eh! Bakit ka nag STEM, ha? ha? Sagot!" pang hahamon pabalik ni Ken. Nagulat naman ako nang biglang batukan ni Zenn si Ken pero tinatawanan lang sila ni Emman at Archie. Si Neil naman, nanonood lang din sa pagtatalo nila gaya ko.
"Hindi ko alam kung anong strand kukunin eh, mema lang, ano ba paki mo, ha? Turuan mo na lang ulit ako!" pagrereklamo pa nito. Napa-angal na lang si Ken at pinaliwanag ulit kay Zenn ang lesson sa mas madali na terms, this time, nakuha na ni Zenn 'yon kaya nakahinga na ng maluwag si Ken.
Ako naman, nag ta-take note lang sa iPad ko tapos sinusubukan ko rin i-solve 'yung ibang problems at nakukuha ko naman ng tama pero nagulat ako nang biglang hawakan ni Neil ang baba ko at tingnan ang noo ko.
“H-Hoy, Neil. Anong ginagawa mo, ha?”
"Hala hala, ayieee! Papi Ace, anong gagawin mo? Huwag mo hahalikan si frenny kahit kinikilig ako sa inyo!"
"Mamaya ka na nga kiligin teh. Gets mo na ba 'yung lesson ha? Aral muna bago lovelife, you know?"
Natanaw ko mula sa peripheral view ko na nakatitig lang si Archie at Ken sa amin, mukhang ino-obserbahan kami at nag-uusap naman si Emman at Zenn, pero ayaw pa rin bitawan ni Neil 'yung baba ko!
“Mukhang ayos naman 'yong sugat. That’s good,” he said and let goes of my chin. Mukhang tiningnan niya 'yung sugat at agad akong nakahinga naman ako nang maluwag doon, ang awkward ng ginawa niya sa totoo lang.
Bumalik na si Neil sa pag-aaral ng ibang lesson pero naalala ko na nakalimutan ko pala magpasalamat. “Thank... you,” nahihiya ko na sabi sa kaniya. Humarap naman ito nang nakangiti pero confuse at the same time.
“For earlier… salamat,” dagdag na sabi ko para mawala ang pagtataka niya. Ngumiti naman ito sa 'kin pero bakit ang gwapo niya kapag nakangiti? No, Myrene! Get yourselves together! Mali 'yan!
“No problem. You’re hurt, I just helped you.” Bigla ko namang narinig ko naman na pumitik ang daliri ni Ken sa gilid namin, kinukuha ang atensyon namin.
“Hoy mga lovebirds! Mamaya na mag harutan aba! Focus, mamaya na ang baby time!” Ken said, still clicking his fingers.
“Ikaw Ken, kahit kailan panira ka ng moment 'no? Nakita mo na ang sweet tapos sisirain mo? Ampalaya ka ba sa past life mo? Ang bitter mo naman!” sabi ni Zenn sa kaniya, nawala naman ang atensyon nito sa amin at napunta kaagad kay Zenn.
“Syempre ikaw dahilan ng bitterness ko. Ikaw 'yung lupang slapsoil na pinagtaniman sa 'kin.”
“Ay baka iba naman ang cause ng bitterness mo. Sure ka na siya lang yung lupa ha? Baka siya talaga ang root kung bakit ka broken? Halimbawa, naging mag-jowa kayo two days ago tapos nag-break kaagad. Puppy love ba,” komento ni Emman at tiningnan silang dalawa nang naniningkit ang mga mata niya. Iba rin pala imagination nito, eh.
“Yuck. Naririnig mo ba sarili mo bakla? Hinding hindi ko 'yan magugustuhan!” Zenn said disgustingly. Mukha namang na-offend si Ken sa sinabi niya kaya 'di ko alam kung matatawa ako sa kanila o kikiligin.
“Pinaglihi ka siguro sa sama ng loob Zenn 'no? Kaya ganiyan naging resulta mo,” he fired back and looked at Zenn from head to toe.
Kung titingnan mo silang dalawa, para silang dalawang dragon na hindi pwede pagsamahin kahit anong mangyari kasi magpapatayan lang sila. Their eyes really look like dragon now that can fire at each other anytime. Hindi ko alam kung pwede ba sila pagsamahin sa iisang lugar o hindi. May chemistry rin kasi silang dala kahit ganiyan sila na nagtatalo lagi.
“Tama na nga 'yan. You guys can’t really meant to be. Iisipin ko pa lang magiging ugali ng anak niyo, siguro nasa guidance office lagi ang anak niyo dahil sa kapilyuhan ng magulang niya,” singit naman ni Archie. Nang tingnan ko naman si Neil ay natatawa na ito sa kanila.
“Tama na nga 'yan, bili na lang tayo ng merienda sa labas,” awat na sabi ko sa kanila. I just use an excuse that I'm hungry to stop them. Baka kasi lumala 'yung biruan nila na sagutan.
Mukha namang gumana ang excuse na 'yon dahil nakita ko nalang ang sarili ko na nasa harapan ng table ng isang pizza restaurant at kumakain ng pizza kasama sila.
“Oh? Anong nangyari sa noo mo frenny? Ba't may sugat?” tanong ni Zenn sa 'kin at tinuro ang sugat ko na nilagyan ng ointment ni Neil kanina. Mukhang ngayon niya lang 'yon napansin.
“I don’t know either. Neil noticed it earlier,” sagot ko at saka kumagat ulit sa hawaiian pizza na hawak ko pero lahat sila ay biglang napukaw ang tingin kay Neil na ngayon ay tahimik lang na kumakain sa tapat ko. Umangat naman ang tingin niya sa kanilang lahat na animo'y hindi alam ang sasabihin.
Mukhang kriminal si Neil ngayon na hindi alam ang gagawin dahil nahuli ng mga pulis sa ginawa niyang kasalanan.
“W-What? I just noticed the wound. B-Bakit ganiyan kayo makatingin.. you’re scaring me,” he said to them pero hindi siya pinansin nang mga 'yon at patuloy lang siyang tiningnan.
“Umamin nga kayo. Mag jowa kayo, 'no?!” Zenn suspiciously asked. Muntikan na tuloy ako mabulunan sa iced tea na iniinom ko dahil sa tanong niya.
“Zenn what the hell. He just noticed the wound and applied ointment on it, nothing special,” sabi ko sa kanila ng tuloy tuloy at saka pinunasan ang natapon na iced tea sa baba ko. Tiningnan naman nila si Neil at tumango ito bilang pag sang-ayon kaya natahimik na sila.
“Sayang naman..” sabi ni Zenn, mukhang disappointed.
“H-Huh?” Kunot-noo na tanong ko.
“Ano kasi.. bagay kasi kayo.. bet ko kayo magkatuluyan promise! Tapos tawag sa inyo Olivaire University Number 1 couple!” sagot nito na ikinalaglag ng panga ko. What the heck. Napapaisip tuloy ako ngayon kung tama ang desisyon ko na sumama sa study group nila.
“Ang baduy mo mag pangalan. Palibhasa baduy ka eh,” sabat ni Ken na ngayon ay tapos na kumain at nagpupunas na ng mukha niya.
“Mama mo baduy,” Zenn mocked him.
“But how did you notice the wound Neil? I didn’t noticed it, kahit sila,” I asked out of curiosity. Napa angat naman 'to ng tingin sa 'kin at saka binaba ang pizza na hawak niya sa plate niya bago sumagot. Lahat kami ay iniintay ang sagot niya.
“I see a ring in your dad’s hand earlier when you got… slapped. Mukhang may matulis sa ilalim nang singsing niya kaya inakala ko na may sugat ka.”
“Ay assume? Ibig sabihin hindi mo sure? Ang angas mo naman mag assume,” Emman commented.
“At first, akala ko walang sugat so I ignored it. But when we arrived at the condo, I noticed it so I put ointment on it.”
“Ay ang sweet! Ship ko talaga kayo!” sigaw ni Zenn, halatang kinikilig. Nagtitinginan na yung ibang costumers sa kaniya dahil kanina pa siya nag iingay, pati yung cashier rinig na rinig na siya. Hindi ba siya nahihiya?
“Teh, ang ingay mo. Nagtitinginan na yung ibang tao sa 'tin,” rinig kong bulong ni Emman sa kaniya. Nanahimik naman kaagad si Zenn nang mapansin niya na marami na ang nakatingin sa pwesto niya. Napailing na lang ako at tinapos ang pagkain ko.
Nang matapos kami kumain ay bumalik kami sa condo pero nang papasok na sana kami sa entrance ay biglang may sumingit na bike sa daanan namin at nagkabanggaan pa. Natumba ako sa gilid pero agad akong inalalayan ni Archie.
“What the hell! Who’s that guy?!” irita na sabi ni Neil at nilapitan ang lalaki na natumba sa kabilang gilid pero thankfully, may helmet at safety gear naman siya na suot kaya kumalma ako.
"Ayos ka lang ba, Myrene?" tanong ni Archie pero ngumiti ako sa kaniya bago sumagot. "Ayos lang. Natumba lang naman ako." Pinagpag ko ang kamay ko sa ere para matanggal ang buhangin na napunta sa kamay ko at pinagpagan ko rin ang damit ko dahil may napunta rin na buhangin doon. Natanaw ko naman si Neil na papunta roon sa bike rider na nakabangga sa amin at inalalayan niya tumayo pero mukhang magrereklamo rin siya sa kaniya.
“Why did you do that dude? Nagkabanggaan tuloy tayo! Bakit hindi ka kasi nag-iingat? Ayos ka lang ba?” irita na sabi ni Neil. Naglakad ako papalapit sa kaniya para tapikin ang balikat niya para kumalma siya. Baka makipag-away kasi siya.
“I’m sorry,” paghingi ng despensa ng lalaki sa kaniya habang pinapagpag ang damit nito na nadumihan din.
“That’s it? You don’t wanna introduce your self? I think I need to need your name. Am I right, Mr?”
“Alexis Shawn Garcia. Just call me Alex,” he proudly introduce himself and took off his helmet. He's a handsome guy and he looked like around our grade and from a wealthy family too.
"I just compensate you if you're hurt. Is that okay?" sabi muli nito at nilabas ang wallet niya pero pinigilan ko siya.
"No need, wala namang nasaktan."
Napaharap naman ako sa likuran kung nasaan sina Zenn at nakita ko na parang may iniinda si Zenn doon kaya agad akong lumapit sa kaniya.
"Zenn. Ayos ka lang?" Nakapikit ito habang hawak ang legs niya pero wala namang sugat doon pagtingin ko. Tinapik nito ang braso ko na nasa balikat niya at hinila ito kaya bigla akong napalapit sa gilid ng tainga niya. "Kunwari nasaktan ako frenny, sayang, pera rin 'yan," bulong nito sa akin.
Napabuntong hininga na lang ako at hinawakan ang dalawang braso niya para alalayan siya patayo. Nilapit ko rin ang bibig ko sa gilid ng tainga niya para bulungan siya. "Stop playing tricks, Zenn." Bumaling ako ng tingin doon sa bike rider at ngumiti ng magalang. "My apologies. She's not hurt. Wala talagang nasaktan kaya umalis ka na, mag-ingat ka sa susunod."
Pagtapos noon ay inayos niya ang bike niya patayo at nagpaalam sa amin bago umalis, kami naman ay bumalik na sa condo unit nila pero noong pauwi na sana kami ay bumuhos ng malakas ang ulan na hindi namin inaasahan. Sabi kasi sa weather forecast, wala raw ulan at saka ang ganda ng panahon kanina.
“Paano kayo uuwi niyan? Ang lakas ng ulan,” sabi ni Zenn habang nakatingin sa bintana.
“Yung papa mo Neil, pwede ba tayo sunduin?” Bumaling naman ng tingin sa akin si Neil. "No, he can't. He said that the road is too slippery to drive."
Naglakad-lakad naman si Zenn sa harapan namin, nag-iisip ng paraan kaso biglang nagsalita si Emman. "May idea ako."
Nagulat naman ako nang biglang takpan ni Ken ang katawan niya gamit ang dalawang kamay niya, animo’y pinoprotektahan ang sarili niya kaya napakunot ang noo ko. Napatigil din sa paglakad si Zenn at nagtataka rin na tumingin si Emman.
“Pwede lahat ng idea bakla pero hindi ko huhubarin 'yong damit ko!”
"Shunga ka, Ken. Ang sasabihin ko kasi, rito na lang sila magpalipas ng gabi tapos bukas magpasundo. Sure ka na matalino ka? O baka sa math lang?" sabi ni Emman habang naka cross ang legs niya at nakatikom ang bibig, agad namang inalis ni Ken ang kamay niya na nakalagay sa katawan niya at kinamot ang batok niya. Nahihiya.
“Ayan kasi. Assumero, tanga tanga,” natatawang sabi ni Zenn at saka binatukan siya nang mahina.
"Aray! Kanina ka pa nang babatok ah! Gusto mo pektusan kita?"
"Hala, bakla. Pumapatol sa babae. Emman, mukhang hindi ka na nag-iisa rito," pang-aasar ni Zenn at binalingan ng tingin si Emman.
"Tama na nga 'yan Zenn at Ken. Myrene, tama si Emman, dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi. Kami-kami lang din naman ang tao rito," pagkokonsidera ni Archie sa suggestion ni Emman.
Tumango na lang ako at ngumiti ng tipid sa kaniya. Wala rin naman kaming choice kaya pumayag na ako. Nilabas ko na rin ang phone ko para i-text si Nay Manang na hindi ako makakauwi dahil sa ulan.
Pero hindi ko akalain na nagsama pala sila sa condo na 'to simula noong grumaduate sila ng highschool. Si Archie raw ang nagluluto, si Zenn ang taga-hugas at si Emman ang taga-laba at tigalinis ng unit. Si Ken? Wala raw ginagawa, pabigat lang daw siya sabi ni Zenn kaya hindi ko maiwasan matawa.
Noong matapos kami maghapunan, pinahiram ako ni Zenn ng damit na pwede ko isuot sa pagtulog kaya naglinis ako ng katawan ko, ganoon din si Neil. Tapos doon daw kami matutulog ni Zenn sa kwarto niya, si Neil naman, sa kwarto ni Emman.
But unfortunately, when we are about to sleep, biglang nag brownout kaya lumabas kaming lahat sa mga kwarto namin at nagkabanggaan pa dahil madilim. Hindi ako makakita dahil kahit ang bintana nila ay kulay itim ang kulay ng kurtina kaya nahaharangan nito ang ilaw na nagmumula sa labas kaya natumba na naman ako, bwisit.
"Aray Kenneth! Ang tigas ng ulo mo!" malakas na sigaw ni Zenn sa kanang gilid ko. Wala akong makita kaya kinakapa ko ang sahig pero parang may kung anong tekstura akong nakapa sa harapan ko. Ano 'to?
"That's my body, who are you?" rinig ko na tinig ni Neil sa harap ko kaya agad kong binitawan ang katawan niya. "Sorry, hindi ko alam," sabi ko at sinubukan tumayo pero wala talaga akong makita. I think I know what it feels to be blind.
"Aray Zennaih! Bakit ang tigas din ng ulo mo! Sino ba may flashlight d'yan?" sigaw naman ni Ken ngayon. Mukhang kanina pa sila nagkakauntugan. Siguro para silang mga nilagang itlog na binabasag para balatan.
Nang malaman ko na nasa harapan ko pala si Neil, kinapa ko na lang ang kanan ko na parte at nakapa ko yata si Zenn, hindi ko alam kung anong parte ng katawan niya ang hinawakan ko pero basta ko na lang 'yon hinawi pero bigla siyang napasigaw.
"Aray, aray! Ba't may nanabunot sa akin!" sigaw ni Zenn, mukhang buhok niya pala ang nahawakan ko. Agad ko na binitawan ang buhok nito pero nalimutan ko na mauuntog pala siya sa sahig, sasaluhin ko pa sana ito kaso hindi ko ma-tantsa kung saan siya mapupunta kaya nauntog na naman ito.
"Aray naman! Ang gago naman nang nanabunot sa akin! Sinabunutan mo na ako, inuntog mo pa ako!" pagrereklamo niya, hindi ko alam kung matatawa ako sa sitwasyon namin o hindi. Para kaming mga sanggol na nakawala sa crib tapos hindi marunong maglakad.
May naramdaman akong kaluskos sa likod ko pero hindi ko naman makikita 'yon kahit tingnan ko dahil sa dilim pero paglipas ng ilang segundo, nagawa ko nang makatayo, inalalayan ko na rin sila Zenn na tumayo dahil mukhang hirap na hirap sila.
"Hoy mga teh, nasaan si Archie? Archie!" sabi ni Emman. Mukhang wala nga si Archie rito dahil apat lang sila na inalalayan ko tumayo. Siya kaya 'yong narinig ko na kaluskos kanina?
"Nandito ako! Wait lang, ayaw gumana no'ng flashlight," rinig ko na tinig ni Archie na papalapit sa amin. Mayamaya ay may narinig ako sa kaliwang gilid ko na parang may hinahampas pero nagulat ako nang biglang bumungad ang mukha ni Archie na may ilaw na nagmumula sa baba niya kaya napaatras ako. Bigla ko namang narinig ang sigaw ni Zenn at mukhang may nanghampas pa sa mukha ni Archie dahil sa gulat.
"Aray! Sinong humampas sa akin?" sabi ni Archie habang hawak-hawak pa ang mukha niya. Narinig ko ang mahinang tawa ni Emman sa gilid ko, siya siguro 'yung nanghampas kay Archie pero hindi siya sumagot.

Mabuti naman at tumigil agad sa pagsigaw si Zenn kanina dahil parehas sila ni Celine na sobrang lalakas ng boses, mabuti na lang at soundproof ang unit nila kaya walang magigising sa sigaw ni Zenn. Inalis naman ngayon ni Archie ang flashlight na nakatapat sa baba niya at inilawan ang daanan namin papunta sa sala, nilagay niya muna ang flashlight na dala niya sa isang kanto kung saan namin makikita ang daanan at naglakad kami roon at umupo sa couch pero sila Ken at Neil ay sa sahig na umupo kasi hindi na sila kasya sa couch.
Nakita ko si Zenn sa tabi ko na hawak pa rin ang ulo niya dahil siguro sa ilang beses na pagkakauntog niya kanina. "Ang sakit pa rin... Guys! Alam niyo ba kung sino 'yung sumabunot sa 'kin kanina?" tanong nito. I cleared my throat, about to tell that I was the one who pulled her hair. "Uh... ako 'yong sumabunot sa 'yo, Zenn. Sorry, masakit pa ba 'yung ulo mo?"
"Hindi naman masakit pagkakasabunot mo, frenny. 'Yung ulo ni Ken 'yong masakit! Ang tigas tigas kasi!" reklamo nito at binatukan na naman si Ken na ngayon ay nakaupo sa tapat niya. "Aray! Akala mo ang lambot lambot ng ulo mo, ha! Pinaglihi ka rin yata sa bato eh!" reklamo ni Ken pabalik dito. Nagsimula na naman sila magtalo kahit brownout, wala silang pinipiling lugar.
Matutulog na sana kami pero nagkaayaan kami manood ng movie sa iPad ko dahil hindi kami makatulog pagtapos namin matumba-tumba kanina. Akala ko mga pampaantok na movie ang papanoodin nila kaso nakita ko na lang ang sarili ko na nanonood ng horror movie kasama nila at may hawak na popcorn.
"Wahhh!!! Papasok siya sa kwarto, papasok na siya frenny!!" natatakot na sigaw ni Zenn sa tabi ko dahil papasok 'yung bidang babae sa kwarto kung saan nandoon 'yung papatay sa kanila. Noong makikita na siya no'ng papatay sa kanila, bigla namang may umingay sa labas kaya bumalik sa labas 'yung bida.
"Yan! 'Wag ka na babalik! Girl, mamatay ka kapag bumalik ka!" sigaw ni Zenn at binabato pa ng popcorn ang iPad, pagtapos naman noon, biglang humarap sa amin si Ken at tinakpan ang bibig ni Zenn. "Manahimik ka, nanonood tayo! Puputulin ko dila mo babae ka!" reklamo nito, napakunot naman ang noo ni Zenn at sapilitan na tinanggal ang kamay ni Ken sa bibig niya. "Ano ba! Nanonood ako, tabi nga!" sagot ni Zenn sa kaniya at hinawi ang mukha nito papunta sa kanan kaya natumba siya sa tiles.
The movie is getting better but I suddenly heard noises at my back, when I looked at it, Archie is there. Hinahawi nito ang kurtina sa bintana at binuksan 'yon para may pumasok na hangin dahil mainit sa loob. Binalik ko na lang ulit ang paningin ko sa iPad at nanood ng movie kaso bigla na namang nagsalita si Ken.
"Zenn. Tingnan mo nasa likod mo." Humarap si Zenn sa likuran niya at bigla na namang tumili nang napakalakas kaya tinakpan ko ang tainga ko. Hahampasin sana ni Zenn si Archie na nasa likod niya pero agad na nahawakan ni Archie ang palapulsuhan ni Zenn.
"Mahahampas na naman ako. Grabe kayo sa 'kin ha."
"Si Ken kasi eh! Shuta ka Brandon, kakalbuhin na talaga kita!" sabi ni Zenn at tiningnan naman ng masama si Ken na ngayon ay nakahiga pa rin sa tiles.
"Kakalbuhin mo ako? Sige, lapit ka rito," pang-aasar pa ni Ken at inaabot ang kamay niya kay Zenn tapos babawiin ulit pero no'ng ma-tsempuhan ni Zenn ang kamay ni Ken ay agad niya itong hinila papunta sa kaniya kaya napatayo si Ken bigla. Ngumisi muna ng nakakaloko si Zenn sa kaniya bago ilipat ni Zenn ang kamay niya sa damit ni Ken at hinila ito nang malakas, sa pag pa-panic ni Ken, bigla niyang nahila ang leeg ni Neil, dahilan para sapilitan na tumayo ito at natumba sila parehas sa couch. Nahulog si Neil sa harapan ko at si Ken ay nadaganan sina Emman at Zenn. Akala ko, hanggang doon na lang ang mangyayari pero naramdaman ko na humangin bigla at bigla na lang kaming napasigaw lahat dahil nahulog kami sa couch. Hindi naman kami prutas pero kanina pa kami lamog na lamog simula mag-brownout!
"Aray pucha! Likod ko!" rinig ko na inda ni Ken. Hindi likod ang masakit sa akin, mukha ko. Paano ba naman, nasubsob 'yung mukha ko sa tiles nila dahil sa pagkakatumba!
"Ouch!! Ulo ko, wah!!" malakas na tili ni Zenn, nang sulyapan ko ito ay nagkauntugan pala sila ng noo ni Ken, hindi ko lang alam kung nagkahalikan ba sila nang aksidente o hindi.
"Archie, bakit mo tinumba 'yung couch, hoy!" rinig ko na reklamo ni Emman na ngayon ay nakatayo na pero mukhang nasaktan din siya mula sa pagkakatumba.
"Hala gagi sorry! Humangin kasi tapos 'yung kurtina, dumaplis sa paa ko, akala ko kung ano kaya nagulat ako tapos natulak 'ko 'yung couch. Ayos lang ba kayo?" pagpapaliwanag nito at binalik ang couch sa dating pwesto nito at inalalayan kami isa-isa. 'Yung mukha ko talaga, punyeta naman.
"Ano mga bakla? Kumusta ang utak ninyong dalawa? Gumagana pa ba?" tanong ni Emman kina Zenn at Ken. Hawak-hawak ni Ken at Zenn ang kaniya-kaniya nilang mga ulo at noo, mukhang nasasaktan. Gusto ko sila tawanan pero naawa rin ako sa kanila at the same time.
"Mukhang hindi ko na kailangan mag roller coaster pa, nandito pa lang tayo, alam ko na ang pakiramdam. May roller coaster home edition na pala, hindi niyo naman sinabi," pagdaldal pa ni Ken habang hawak pa rin ang ulo niya kaya natawa ako. Natawa rin naman silang lahat no'ng tumawa ako. Nakakatawa nga naman, ilang beses kami mauuntog untog kanina, para kaming siraulo tingnan sa malayo.
"Maganda sana gawing wallpaper 'yung mukha ni Zenn kanina no'ng mahulog tayo sa sofa eh, sayang," disappointed na sabi ni Ken at ginaya ang mukha ni Zenn kanina na nakanganga kakasigaw.
"Oy teh, Myrene. Ayos ka lang ba? Para kasing ginawang floor wax 'yung mukha mo kanina. Kumiskis sa tiles, akala mo hindi ko nakita 'no?" nakataas na kilay na tanong ni Emman sa akin at tinuro pa ang mukha ko kaya natawa na naman sila.
"Baka naman gumanda bigla 'yung bahay namin dahil sa mukha mo, Myrene," komento ni Archie sa usapan at inasar naman kami bigla nang mga 'to.
Akala ko, hindi na kami makakatulog pa simula mag brownout pero nakita ko na lang sina Zenn na bagsak na sa couch, tulog na tulog at nahilik pa si Ken. Hindi ako makatulog kaya ilang oras ko na rin tinitigan 'yung view sa labas ng bintana nila. Walang bituin pero malamig dahil sa pag-ulan kanina.
"Can't sleep?" dinig ko na boses ni Neil sa tabi ko. Rito na kami nagkayayaan matulog dahil mas malamig dito at inaantok na raw sila masiyado para maglakad sa kwarto nila.
"Mmm. Ikaw rin ba?" bulong na sagot ko dahil baka magising si Zenn.
"Something like that. I'm just thinking what happened between you and your... dad."
Napangiti ako nang mapait sa kaniya, ayaw ko na alalahanin pa ang mga nangyari noon. "It's a long story. It all started when I was six. When my mother died."
"I'm sorry to hear that."
"It's fine," sagot ko na lang at binalik ang paningin sa bintana, makulimlim pa rin ang langit, uulan pa siguro mamaya. "Sayang naman. It's nice to see the stars in this view."
"What do you mean?"
"It's about the story my mom told when I was young. It says in that story that the people who died became stars in the sky," sagot ko nang hindi bumabaling ng tingin sa kaniya.
"And you believed that?"
This time when he asked, I glanced at him. "Hmm, not really. Pero ang saya siguro kung magkatotoo 'yon."
Kumunot ang noo niya, nagtataka. "Why is that?"
"I will always see my mom every night."
"Pero sa rami nang tao na namamatay, how will you know if that star is your mom?"
I sighed deeply before answering. "Well, it's all about my heart. If my heart tells that star is my mom, then she is." Mukhang nagtataka pa rin si Neil dahil nanatiling nakakunot ang noo niya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Our hearts is really not trustworthy sometimes, Neil. But when our hearts love and trusts a person, your heart can never lie. And love is an excellent thing in this world, sometimes, love can make an impossible thing work. Like that," I answered and pointed at the one star in the sky shining so brightly at a one rainy night.
Nakangiti ako na humarap sa kaniya. "See? I told you, it can make things possible. Like God's love for us."
:)

หนังสือแสดงความคิดเห็น (9)

  • avatar
    Rowena Suela

    laban po

    11/08

      0
  • avatar
    Bassig Rico Renz

    hahahahha

    10/08

      0
  • avatar
    BlancaAj

    a high quality

    12/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด