logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Six

Chapter Six
BAGO MATULOG AY NAGAWA MUNANG tawagan ni Ella ang kanyang mga magulang kahit alam niyang masyado nang malalim ang gabi. Halos ilang ring palang ay narinig na niya ang matinis na boses ng kanyang Mama. Halos ilayo niya ang kanyang tenga sa kanyang cellphone dahil sa walang tigil na pagmumura nito. 
"Kung hindi pa nagsumbong sa amin si Glenda na sumama ka diyan sa mga pakawala mong kaibigan, hindi pa namin malalaman ng Papa mo na plano mo palang sirain ang buhay mo! Kung ganoon din pala ang gagawin mo, sana tumalon ka na lang sa building at ako mismo ang tutulak sa'yo!" mahabang litanya ng Mama niya sa kabilang linya. 
"Sorry po, Ma..." nahihiyang tugon niya, "...Hindi na po mauulit. Nahihiya na rin po kasi ako sa inyo, kasi wala akong maitulong sa inyo para sa pagpapagamot ni Papa."
"Alam mo bang alalang-alala sa'yo ang Papa mo! Eksakto naman na dumalaw sa amin si Jinjin kanina rito kaya nalaman niya!" sabi pa nito. 
"Kaya nagawa ninyong magpirmahan ng kontrata na hindi n'yo man lang ako tinatanong kung papayag ba ako?" may himig na panunumbat din niya sa kanyang Mama. 
"Hay naku, Ella! Kung nandito ka lang binugbog na kita!" nanggagalaiting sabi ng Mama niya, "Ano'ng gusto mo? Pumayag kaming sirain mo ang buhay mo? At magaya ka sa mga kaibigan mong pakawala? Saka nangako sa amin si Jinjin na mapapangalagaan ka niya d'yan!" 
Nagpakawala siya ng marahas na hininga. 
"Hindi ka pa nagpasalamat na may tao pang handang tumulong sa atin!" dagdag ng Mama niya. 
Napakuyom ang kamao niya. Hindi alam ng Mama niya ang kanyang nararamdaman. Palibasa kasi wala itong alam na nagkaroon sila ng relasyon ni Jinuel noon. At kung gaano siya nanliliit ngayon sa kanyang sarili. 
"Pagbutihin mo ang pagtatrabaho dyan, Ella! Nakakahiya kay Jinjin!" bilin pa nito. 
"Opo," tugon na lang niya para wala nang masabi ang Mama niya.
Tinapos na rin niya ang pag-uusap sa kanyang Mama dahil masyado nang lumalalim ang gabi. Bago pa naman siya iwan ni Mimi kanina, sinabi nito na six 'o clock ng umaga ang calltime nilang mga trainees. 
Napapaisip na rin siya kung anong lugar ba ang napuntahan niya ngayon. Naguguluhan na rin kasi siya. Una, sabi sa kanya ni Jinuel na agent ang magiging trabaho niya. Pero sabi rin nito bago sila maghiwalay na iaasign muna siya sa bahay? Home base agent ba siya? Saka sa nakikita niya sa paligid niya, parang hindi naman Call Center Company ang pinamamahalaan nito, para pa nga siyang nasa military camp kung titignan dahil halos lahat ng yata ng mga tao sa paligid ay may bitbit na armas. At kung kumilos daig pa ang mga sundalo. Tapos ang ibigay pa sa kanyang uniform, parang pang-P.E. 
Ano ba mayroon sa bahay nila Jinuel?
Dahil sa kakaisip ng anu-anong bagay na nakita niya sa bahay nila Jinuel, hindi na namalayan ni Ella na nakatulog na siya. Kung hindi pa siya nakarinig ng mga kaluslos sa paligid ay hindi siya magigising. 
Nagtatakang napabangon siya sa kanyang higaan kung saan nakita na niya ang ilang kababaihang abala sa pag-aasikaso sa kani-kanilang sarili. 
"Bago ka rito?" biglang tanong ng babae sa kanya na sa tingin niya ay mukhang higschool student palang. 
"O-Oo," gulat niya. 
"It's already 5:30 am! Kung hindi ka pa kikilos diyan baka malate ka sa calltime!" babala nito. 
"O-oo nga pala!" aniya saka siya natatarantang inasikaso ang sarili. Wala pa siyang ideya kung ano ba ang nangyayari pero nagawa niyang sumunod sa mga kasama niya. 
Nagsisipilyo pa nga siya nang makarinig siya ng malakas na musikang umalingawngaw sa buong paligid. 
"Newbie! Tumunog na Calltime! Labas na!" utos sa kanya ng bata babae. 
Natigilan si Ella. At saka na siya nagmamadaling kumilos. Halos hindi pa nga siya tapos sa pagsisipilyo ay nagawa na niyang magmumog. Tumakbo na rin siya patungo sa field.
Napaawang ang bibig niya nang makita niya ang mga nakapilang parang mga sundalo ang lahat ng empleyado roon. 
Para talaga siyang nasa Military Camp!
Nakaagaw ng kanyang pansin ang pagkaway sa kanya ng isang babae. Kung hindi siya nagkakamali, ito si Mimi. Nagmamadali siyang lumapit rito. 
"Dito ka pumila!" anito saka ito naglakad patungo sa gilid. 
Nanlaki naman ang mga mata ni Ella nang nakita niya ang pamilyar na pitong lalaking na nakatayo sa unahan. Sa tagal ng panahon ngayon na lang ulit niya nakita ang pitong kapatid ni Ate Lyra na magkakasama. Ang laki na rin pinagbago ng mga ito. Hindi na ito mga batang nakilala, at kalaro niya noon. Ang titikas na kung tumindig ang mga ito. Lalaking-lalaki na kung umasta. Baka nga may mga babae pang naghahabol sa mga ito.
"Ayusin mo iyong uniform mo," sita sa kanya ni Mimi at nagawa pa nitong i-zipper ang varsity jacket niyang kulay pink. 
"S-Sorry..." nahihiyang napatingin siya rito.
"Binasa mo ba ang handbook mo?" tanong ni Mimi sa kanya. 
"H-Hindi pa po," pag-amin niya. Gusto sana niyang sagutin pa ito dahil paano niya mababasa iyon kung halos madaling-araw na siyang nakatulog, tapos ang aga-aga pa ng call time. Pero hindi na niya nagawang isatinig iyon dahil nagsalita na sa kanilang harapan si Jinuel. 
Lihim siyang namangha dahil para itong isang opisyal ng gobnyerno kung magsalita sa kanilang harapan. Hindi na rin nakawala sa kanyang paningin ang simpleng suot nitong dilaw na sweater at maong pants. Parang kakagising lang din nito pero nakuha pa ring magsalita sa lahat ng empleyado sa loob ng bahay na iyon. 
Napatingin na rin si Ella sa paligid. Hindi pala niya akalain na ganito karaming empleyado ng mga Infantes. Lahat ba ng nakikita ay mga call center agent rin? 
Halos wala naman naiintindihan si Ella sa mga sinabi ni Jinuel patungkol sa mga emplayado nito. 
Ewan niya sa dami-daming taong naroroon bakit pakiramdam ni Ella ay napatingin sa kanyang kinaroronan si Jinuel. Naramdaman pa nga niya ang pagkabog ng dibdib niya nang magtama ang paningin nila.
Si Jinuel ang pinakamatanda sa magkakapatid. At ito rin ang pinakamatangkad. Napapatanong na rin si Ella sa kanyang sarili, kung ito ba talaga ang Jinjin na nakilala niya noon? Parang ang hirap-hirap na itong abutin ngayon. Malayong-malayo na ang itsura nito sa Jinjin na nakilala niya. 
Nakafocus noon ang mga mata ni Ella kay Jinuel nang nilabas ng dalawang lalaki ang isang taong nakagapos. At nakablind-fold ito.
Napakunot ang noo ni Ella nang makilala niya ang matabang lalaking iyon. Iyon si Boss Ricky, ang may-ari ng Bar na pinagtatrabahuan nila Myrna at Kakay.
Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ni Ella.  
Ano'ng ginagawa ng lalaking ito sa lugar na iyon. At bakit nakagapos ito? 
Aktong magtatanong pa sana si Ella kay Mimi nang makita ng dalawang mata niya ang pagbunot ni Jun ng baril, at walang sabi-sabi na binaril nito ang lalaki sa ulo.
Halos mabingi si Ella sa lakas ng pagputok ng baril. Kitang-kita rin niya ang pagtalsik ng sariwang pulang likidong nanggaling sa ulo nito. At paghandusay nito sa sahig.
Dahil sa kanyang nasaksihan, malakas na tili ang pinakawalan ni Ella na halos umalingawngaw sa buong lugar. 
Napatingin sa kanya ang lahat.
Ngayon lang kasi siya nakasaksi ng ganoong pagpatay sa mismong harapan pa niya. At hindi lang iyon, kilala pa niya ang taong bumaril at binaril!
Nagsimulang mangatog ang kanyang mga kamay. At nagsimula ring magdilim ang kanyang paningin. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (2290)

  • avatar
    Sean Palor

    give me cp in codm plsss

    8d

      0
  • avatar
    Nico Aljure Gaffud

    sobrang ganda

    9d

      0
  • avatar
    Dulatre Roselyn Mintac

    "kayo ni jinuel sa pag papagamot sa papamo,gusto mo bang magkaroon Ng utang sa loob sa ex mong nag ghost Sayo?Ikaw narin nagsabi na nanliit ka sa sarili mo nang Makita mo ulit sya." "matagal tagal narin syang niyaya Ng mga kaibigan nya sa bar na pinag tratrabuhan Ng mga ito Minsan natutukso narin syang sumama Lalo na sa tuwing nalalaman nya kung gaano rin kalaki Ang kinikita Ng mga ito pero may dangal syang hinahawakan".omsm Ang Ganda hahahahahahhahaha Ganda Ng kwento nakakaiyak hahahha but good

    15d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด