logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 19 Prank to Proposal Real Quick

ARIELLE
" Umupo ka nga, kanina pa ako nahihilo sayo " angil ni Liah.
Hindi ko sya binigyang pansin, palakad lakad ako, paroon parito. Hindi mapakali dahil hanggang ngayon hindi pa din tapos ang operations.
Ganon ba kalala ang tinamo nya?
Umiling iling ako para iwaksi sa isipan ang mga negatibong dahilan. Sabay sabay kaming lumapit sa doctor ng lumabas ito.
" He's stable now, ililipat nalang ng private room " nakangiting balita ng doctor.
Sabay sabay kaming napabuga ng hangin at nakahinga ng maayos sa balitang narinig.
" salamat doc "
Nailipat na sya sa private room pero hindi pa rin sya nagigising kaya nag alala na ako.
" Doc, bakit hindi pa rin sya gumigising? " tanong ko sa doctor habang chinecheck nito si Rome.
" Magigising din sya Ms., His body needs rest! ulo ang problema sa kanya. to be honest pwede sya magkaroon ng Amnesia " sagot nito.
" Possible amnesia? "
paano kung hindi nya ako makilala?
Napaupo ako sa panghihina.
" I'm going now " paalam ng doctor pero hindi ko na iyon napansin. hinawakan ko ang kamay ni Rome.
" Babe, please! wake up, wag mo ako kalimutan "
Naiiyak kong pagkausap sa kanya.
Pagdating talaga sa kanya ay nanghihina ako.
Natuto akong umiyak at masaktan ng dahil sa kanya. ganon ko na ata siya kamahal.
Paulit ulit ganon ang ginagawa ko, kinakausap siya para gisingin almost one week na syang tulog, aalis lang ako sa tabi nya kapag magbabanyo, dinadalhan ako ng pagkaen at damit ni Jessa.
" Babe, kelan ka gigising? " tanong ko muli kay Rome, muling naglandas sa pisngi ko ang mga luha.
Kasalanan ko naman ito.
Sabi ko poprotektahan ko sya pero ako pa ang nanakit sa kanya.
" babe, please! wake up, i promise to make it up to you "
Gumalaw ang balikat ko sa sobrang iyak, sobrang paghihirap na makita syang nakaratay sa hospital bed ng dahil sa akin.
Paulit ulit nalang ang pag iyak ko.
Nagising ako sa marahang katok sa pinto, bumukas iyon at bumungad sa akin sila Rafa at Nydell.
" Ms. Uwi ka muna, kami na muna bahala kay Boss, pahinga ka " nakangiting sabi ni Nydell saka inilapag ang mga prutas sa table.
Umiling ako saka tumitig kay Rome.
" Ms. sige na, kapag nagising si Boss at nakita nya ang mukha mo baka di ka nya magustuhan "
nakangiwing pamimilit ni Nydell.
" why? " kunot noong tanong ko.
Hindi ako nakakapag ayos ng sarili, at paniguradong busog na busog ang eyebags ko. kulang ako sa tulog at sigurado akong haggard na ako.
" Panget na ba ako? " tanong ko pa.
" Ah! hehehe sige na Ms. tatawagan ka namin pag nagising na sya " pamimilit nya pa.
" Mahilig si boss sa magagandang babae " nilingon ko si Rafa dahil sa sinabi nya. Nakita kong siniko sya ni Nydell pero nagkibit balikat lang sya.
Maganda naman ako, pero ngayon hindi ko na sigurado.
" Ow, sige mamaya uuwi ako tapos lunch time bukas babalik ako "
Tumango silang dalawa.
Ayoko naman na gumising sya na panget ako.
Paano nalang kung hindi nya ako maalala tapos ang panget ko pa. edi hindi nya na ako magugustuhan sa unang tingin palang.
4:11 ng hapon kahit labag sa loob ko ay umalis ako ng hospital. Ayoko pang umuwi sa bahay kaya dumiretso ako sa mall, ididivert ko ang atensyon ko sa pamimili.
Pumasok ako sa isang botique.
" Hi Ms. Arielle " bati ng saleslady na palaging nag aassist sa akin. nginitian ko lang sya saka nagpatuloy sa pagpasok. Nakasunod sya sa akin.
Lahat ng damit na nagustuhan ko ay ibinigay ko sa kanya, inayos nya yun at dinala nya sa cashier.
Natapos non ay para akong zombie na naglalakad sa mall, pinagtitinginan nga ako ng mga tao pero ang isip ko patuloy na naglalakbay sa mga negatibong naiisip.
Kumain ako sa isang fastfood at umuwi sa condo, pabagsak akong nahiga sa kama at di namalayan ang pag idlip.
*phone ringing*
Sa tunog na cellphone ay nagising ako. Maayos na akong nakahiga sa kama ko, maayos na din ang mga pinamili ko, siguro ay si Jessa ang gumawa.
Nasa side table ko ang cellphone, agad ko iyong kinuha at sinagot ang kanina pang tumatawag.
" Hey? "
" Ms. gising na si Boss " ang masayahing boses ni Nydell ang sumalubong sa akin.
Natulala ako saglit dahil sa balitang narinig.
" Is it true? " paninigurado ko. Mabilis na bumuhos ang luha, akala ko ay ubos na. Hindi pa pala. Parang dagat na hindi ata mauubusan ng tubig.
" Hindi Ms. each a Prank " natatawa nyang sinabi, pero tumigil din ng hindi ako magsalita.
" punta kana Ms. gising na si boss " seryoso nyang sabi.
" i'll be there " at pinatay ang tawag. tumulala pa ako ng panandalian at kumilos. pagbaba ko sa hagdan ay hinarangan ako ng lima.
" I'm going to hospital "
" kumain ka muna " nakangiting aya ni Ela.
" Doon nalang "
Hindi nila ako pinayagan, hinila nila ako papasok sa kusina at pinaupo. Inihanda din nila ang pagkaen ko kaya wala akong nagawa kundi kumain.
Todo todo ang kaba ko habang binubuksan ang pinto. Bumungad sa akin si Rome nakaupo sa bed. seryoso ang kanyang mukha habang nakikinig sa kwentuhan nila Nydell at Rayon.
Nakangiti akong lumapit sa kanya at niyakap.
Narinig ko ang pagsara ng pinto.
"Im glad you're awake now " naiiyak kong usal habang yakap sya.
" I miss you babe, I'm sorry " patuloy ko ng di sya magsalita.
" Sino ka? " napaigtad ako sa tanong nya.
Seryoso ang boses nya at mahihimigan na hindi sya nagbibiro. Ni hindi rin sya yumakap pabalik.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya, nawala ang ngiti sa labi ko at tinitigan sya.
" Sino ka? " ulit nya.
Ang makita syang seryosong nakatingin sa akin, tingin na nangingilala ay napahiya ako sa sarili ko.
" I-im so- sorry " pinigilan kong humikbi pero nakatakas pa din.
" I-im sorry "
Naglakad palabas dahil hindi ko kaya. hindi ko kaya salubungin ang mga tingin nya. tingin na parang isa akong sa paningin nya.
Bakit kailangan mo ako kalimutan?
Bakit nakalimutan mo ako?
" Ms. okay ka lang? " tanong ni Rayon pero tila hindi ko sya narinig dahil nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad.
Nakakainis ka Rome, dahil kinalimutan mo ako, pero naiinis ako sa sarili ko kasi ako ang dahilan kung bakit nasa ganito kang sitwasyon.
Nakarating ako sa Park ng hospital, nanghihina akong naupo sa swing. Wala akong pake sa mga makakakita at makakakilala sa akin.
Sunod sunod na tumulo ang luha ko kasabay non ay ang pagpatak ng ulan.
Nagtatakbuhan na ang mga tao papasok ng hospital pero nanatili parin ako. nakatulala, lumuluha.
Parang nakikisabay ang panahon sa aking pighati, kulog at kidlat ay di ko alintana. Parang ipinaparinig nito ang sakit na nararamdaman ko.
Gaano ko man gustuhin na umalis sa kinaroroonan ko, parang ayaw makisama ng katawan ko. nagugustuhan nito ang bawat patak ng ulan.
Kung sana hindi ako nasasaktan, paniguradong umiikot,tumatalon at tumatawa ako habang nasa ilalim ng ulan pero hindi.
Kahit gustuhin kong ienjoy, ayaw ng puso ko. Mas gusto nitong umiyak at magdalamhati.
Kung sana ay napigilan ko ang sarili ko na hindi lamunin ng galit, edi sana hindi ko sya nasaktan, edi sana hindi nya ako nakalimutan.
Kaso tulad ng karagatan naging mabagsik ang alon na nagawa ko. Tulad ng kidlat at kulog na tila hindi mapipigilan ng kahit sino.
Napatingala ako ng hindi na maramdaman ang ulan, may payong na nagbibigay sa akin ng proteksyon. Ngunit huli na ang lahat dahil basang basa na ako.
" Bakit ka nagpapabasa babe? " ang baritonong boses nya ang nakapagpatayo sa akin sa swing, nasa likod siya kaya hinarap ko sya ng may nanlalaking mata at nakaawang ang labi.
" b-babe? " nagtataka kong ulit sa huling salitang sinabi nya.
Kitang kita ko ang pagplaster ng ngisi sa labi nya.
Naglakad sya papalapit sa akin, kung kanina ay ang duyan ang distansya namin, ngayon ay wala na. Halos magdikit na kami. Binitawan nya ang payong, hinawakan niya ako sa bewang at hinapit.
" Akala mo ba makakalimutan kita? Akala mo ba ganon ako kagago para kalimutan ang pinakamagandang babaeng nakilala ko? " nakangisi pero seryoso ang boses na sabi nya.
Paano nyang nagagawa iyon?
Nakatitig lang ako sa kanya, hindi maibuka ang bibig, walang salitang mahanap. Tila nakalimutan ang sakit na nararamdaman ngayon ganito kami kalapit. Pinabibilis niya ang kabog ng aking dibdib.
" Huwag ka ng iiyak ulit, fuck hindi ko kinaya " muling sabi nya. Pinatakan nya ako ng halik sa labi, sa ilong, sa Noo saka ako binitawan.
Wala akong naging reaction sa sinabi at ginawa niya. Nanatili lang akong nakatayo don. Inaalam kung totoo ba ang nangyayareng ito.
Dumistansya siya ng kaonti, hahawakan ko na sana sya para masigurong totoo siya. pero umiling sya.
Kumalabog ang puso ko, saglit na kumirot dahil sa pag iling niya. Pero ang kirot ay unti unting napawi. Mas nagwala ang puso ko ng makita ang dahan dahan niyang pagluhod.
Tila kakapusin ako ng hangin dahil sa pagngiti nya, nag unahan sa pagpatak ang luha kong akala ko ay natuyo na.
Sa pagbukas nya ng kahita ay tumambad sa akin ang naghahalong Asul at Lilac na dyamanteng singsing. Napatakip ako sa aking bibig, kumawala na ang hikbi sa sayang nararamdaman ngayon.
Napakaganda ng palamuting iyon. Maraming magagandang alahas sa aming mundo pero hindi ko ata kayang ipagpalit ang isang ito.
" Kung makakalimutan kita hayaan mong maalala kita, kung masasaktan kita hayaan mo sanang mahalin pa rin kita, kung napapaiyak kita hayaan mo sanang mapatawa kita. "
Panay ang pagpunas ko sa pisngi na puno ng luha.
" Arielle, hayaan mo sanang makasama kita habang buhay, gusto kitang maging asawa, gusto kong gumising sa tabi mo, gusto kong maranasan na pagsilbihan mo, papayag ka ba? "
tumango tango ako.
" Will You Marry Me? please... say, Yes "
" Y-Yes! Yes. " nahikbi kong sagot na may kasamang tango. Nagawa kong tumawa at umiyak ng magkasabay. Kung paano ko nagawa ay hindi ko alam. Basta ay masaya ako.
Mula sa hospital ay naririnig ko ang palakpakan pero ang mga mata ko ay nakatuon sa singsing na marahang isinusuot sa aking daliri.
Tumayo si Rome at niyakap ako ng mahigpit.
" I love you babe, please, stop crying " natatawa nyang sabi.
" How to stop? you make me cry " natatawa pero panay ang tulo ng luha ko.
" im sorry " sinsero nyang sabi.
" No, no, No! I'm just happy, this is tears of joy babe "
" shet! mahal na mahal kita, mabuti nalang tumalab ang pang aakit ko sayo"
" I love you too Rome " nakangiti kong sinagot ang sinabi niya.
" Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ka. one week preparation then lets get married " nakangiti nyang sabi.
" alright "
I'm to excited to think. Hindi ko na naisip na kailangan ko palang umalis.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (162)

  • avatar
    Genesis - ECHOGaña,

    HAHAHAHAHAHAHAH

    1d

      0
  • avatar
    DadivasMyisha Aaliyah

    yes nice

    23d

      0
  • avatar
    Jhusmine Manliwat

    jhusminejegsisgbeiegfyrastxtyrufyrsulduoyduoxpxoyzlHkyrgdgxlbudtreerthgewiwvwkejekejdhbsiwiwbhwehehehhsjDjfAfjzsrwrjfxgtaatrazfznkttweiitiqieodksfzgmxkgteetettetokstsmzgstdteitsiititmfmgkftstwtetewtowwttwotwtstststktgdfgjddjjrrifiteeytwydlrruudydydgjststkggkzfdtyeuaeytugkgljvgkskksgRutjrhdjfnfFnGHsyskyoukyrarjtekskyktraeyruarfCahrwdnRifnQrdaudhqfaudhrqfRwfztwfstwnItnfRwxbrqNwfOtgztezgkysftkryetetetketeetkteketwttegeegwtetettetwetfafdjshdjjfdjdjjdkfkfkf7dkfncckfkkrriuedidkdkdkffodfoodofodfkfkfkcm

    07/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด