logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Venus,
Tatlong linggo na akong nakatira sa napakalaking bahay ng mga Deemon. Sa mga araw na lumilipas, wala akong ibang ginawa kun 'di mag-ikot ikot sa bahay nila. Halos dalawang linggo ko inaral ang mga pasikot-sikot at mga smart functions nila rito. Alam ko na ngayon ang mga dapat kong iwasan at mga lugar na hindi ko dapat puntahan.
At ang mga nangyari sa 'kin... hindi pa roon nagtatapos iyon.
"A5! Saan dito ang kwarto ni Uno?" tanong ko sa isa sa mga alagad ni Singko.
Binigyan ako nito ng kakaibang ngisi na siyang ipinagtaka ko. "Anong gagawin niyo sa kwarto ni Boss, Queen?"
My eyes widened. "M-May itatanong ako!" I almost shouted. I shot him a piercing glare when he laughed.
"Ang defensive!" he teased.
Inambahan ko siya ng suntok ngunit agad siyang tumakbo palayo. "'Yung tanong ko, A5! Bumalik ka rito!"
"Pangatlong pinto sa thirdfloor!" he shouted. Napairap nalang ako bago pumasok sa elevator. Oo, mayroon silang elevator dito.
Nang makarating ako sa third floor, sinimulan king magbilang ng mga pinto. Sa first floor ay may apat na kwarto para sa mga Deemon. Sa second floor ay may pitong kwarto kung saan ang lima roon ay pinaghahatian ng sampung miyembro. Ganoon din sa third at ang pinakahuling floor ng bahay.
Napahinto ako nang may makita akong sign na warning sa pinto. Ito ang pangatlong pinto sa kanang bahagi ng floor. Ang sabi ni A5 ay ito na ang kwarto ni Uno.
Kumatok ako ng dalawang beses ngunit wala akong nakuhang sagot. Inulit ko iyon ng dalawang beses hanggang sa naisipan kong pihitin ang door knob nang may humila sa 'kin palayo.
"Sh*t! Hindi mo ba nakita 'yung sign?!" he asked and surveyed me from head to toe.
That caught me off guard. Anong problema ng lalaking 'to?
"Dos," I called him after inhaling a large amount of air to calm myself. "Ano bang problema?"
"Nakakamatay 'yan, Queen," he seriously said. "Nakita mo naman 'yung warning, 'di ba? Kung binuksan mo 'yan sampung bala ang tatama sa katawan mo!"
My eyes widened in shock. "A-Ano?"
"May baril sa loob ng kwartong 'yan. Kapag binuksan mo 'yan ng walang permiso ng may-ari, automatic na may tatama sa 'yong bala. That's how dangerous this room is."
My hands started fidgeting. "H-Hindi ko naman alam..." My voice trailed off, looking down.
Sht. Muntik na naman akong mamatay. Kung hindi na naman dahil sa taong ito ay baka wala na akong buhay.
"May babaeng maganda ubod ng tanga," Dos sang before walking away. I was left there dmbfounded. My eyes blinking.
Did he just said ubod ng tanga?!
Sa kabila ng pangyayaring iyon, napaapansin ko parin na malayo sa 'kin si Dos. Hindi niya ako ganoong kinakausap o nilalapitan hindi tulad ng ibang Deemons. Minsan pakiramdam ko, ayaw niya sa 'kin. Minsan pinipilit ko nalang isipin na baka ganoon lang talaga ang personality niya, pero kapag nagiging makulit at kasing daldal siya ni Uno, hindi ko mapigilan na isipin na baka nga ayaw niya sa 'kin. Kapag kasi nakikita niya akong nakikitawa o kahit nakikinood sa kulitan nila, umaalis nalang siya bigla.
Ibinaba ko ang hawak kong blueprint. Paulit-ulit ko na iyong tinitingnan. The first time I saw this blueprint, I couldn't believe that I'm now living in an 8000 square foot technologically advanced house with 25 bedrooms and 10 other rooms. Some of them are controlled by a smartphone including the lightning, some door access, the windows, app-controlled skylights, mattresses that are just too ideal firmness and a customizable security system that includes 16 outdoor security cameras.
Napailing nalang ako at lumabas na ng kwarto ko. Gusto kong tulungan ang Deemons sa paghahanda ng pagkain. Umagang-umaga ay busy ang iba sa kanila.
Mayroon namang nag-e-exercise sa gym. Guess what? A wall-mounted iPad grants access to a motorized sliding door leading to an outdoor terrace gym with electronic fitness equipment. Gano'n ka-high tech ang lugar nila.
"Good morning, Queen!"
"Morning, Queen!"
"Hello, Queen!"
"Queen!"
I smiled and gave them a nod. "Good morning," I greeted back.
Deemon's Mansion has a trendy kitchen boasting a variety of smart kitchen appliances centers around a beautiful infused glass dining table leading from a large living area and a contemporary pool table.
Nakita ko naman si Tres na nagluluto. "Queen, gising ka na pala," bungad sa 'kin nito. Kakakain ko lang kaninang madaling araw pero heto at nakakaramdam na naman ako ng gutom. Muntik pa nga akong mahuli ng isa sa kanila habang kumukuha ako ng pagkain sa ref. Mabuti nalang at magaling akong magpalusot.
Agad ko siyang nilapitan at sinilip ang niluluto niya. "Ang bango, ah."
"Kumain na kayo, Queen. May hotdog, eggs, ham, at bacon d'yan," saad niya. Naupo naman ako matapos kumuha ng mga plato.
"Nasaan sila Uno?"
"Wala sila, Queen. Sinama ni Master," sagot nito na ipinagtaka ko. Napansin kong dalawang linggo naring nagiging busy si Marcus. Ano kayang ginagawa ng lalaking iyon?
Naglagay ako ng kanin sa dalawang plato. "E, ikaw? Bakit naiwan ka rito?" tanong ko at inilapag sa harapan niya ang isang plato.
"Wala kasing magbabantay sa mga kasamahan natin, Queen," sagot naman niya, nilalagay ang mga nailuto niya sa plato. "Sabi rin ni Master, bantayan kita."
Napatigil ako sa pagsubo sa sinabi ni Tres. "A-Ako? K-Kaya ko naman ang sarili ko," naiilang kong sagot. Ngumisi lang ito kaya hindi na 'ko umimik at nagpatuloy sa pagkain.
"Tatawagin ko lang sila, Queen," paalam nito na ikinatango ko nalang. Sunud-sunod ang naging pagsubo ko nang tumunog ang telepono sa kusina.
"Tres, may tumatawag!" sigaw ko ngunit mukhang hindi naman ako narinig nito.
Napatingin ako sa telepono sa gilid ko. Sasagutin ko ba o hihintayin nalang makabalik si Tres?
"Tres!"
Dahan dahan kong binaba ang hawak kong kutsara at tinidor at mabilis na sinagot ang telepono.
"What the fuck, Tres?! You know I hate waiting!" Galit na boses ni Marcus ang sumalubong sa 'kin na siyang ikinairap ko. "I'm talking to you, Tres. What you took so long before answering my fucking call?!" inis na tanong pa nito nang hindi ako nagsasalita.
I bet umuusok na ang ilong niya at nakakuyom pa ang mga kamao. Pft!
I let out a short sigh. "Ang aga-aga nanggagalaiti ka riyan," sagot ko bago pa tuluyang masira ang araw niya. Lumipas ang ilang segundo at hindi parin ito nagsasalita. "Anong problema?"
"H-How are you? H-Have you eaten? What are you doing now?" sunud-sunod niyang tanong sa akin.
Just like that, I felt my heart aching in a good way. My mouth opened to say something but nothing came out. The shock rubbed me off speech. Concern ba siya?
"Hey, I'm asking-"
"A-Ah, o-okay lang ako. Actually, ngayon palang kami kakain tinawag lang ni Tres 'yung mga kasamahan n-natin," I answered, my voice were like a whisper.
"Good," he simply said.
I bit my finger nails and asked him. "K-Kayo ba? Dalawang linggo ka nang busy, tapos ngayon pati sila Uno kasama mo na. Saan ba kayo nagpupunta?"
"W-We're fine-"
Napalingon ako kay Tres na bigla itong pumasok. Hindi ko na tuloy narinig ang sinasabi ni Marcus. "Queen! Si Master ba 'yan?"
"Ah, oo, ito oh," sagot ko at inabot sa kaniya ang telepono. Bumaling naman ako sa mga kasamahan namin. "Blue, kumain na kayo? Nasaan sila Red?"
Napangiwi siyang bigla. "Queen, ako po si Red. Si Blue po 'yung kulay pulang buhok," sagot niya.
I looked at him with an embarrassed face. "Ah, tawagin mo na," I said and forced an awkward smile. Palagi ko talaga silang napagpapalit ng pangalan ni Blue. Siya kasi ang may kulay blue na buhok, si Blue naman ay may kulay pulang buhok.
Alam niyo bang inutos pa ni Uno na kulayan ang buhok nila base sa mga pangalan nila para sa 'kin? Nagrereklamo kasi sila kay Uno na A1 raw palagi ang tinatawag ko sa kanila. Pinagtatawan sila ng ibang Deemons kasi ang pagkakarinig nila kung minsan ay 'ewan'. Lalo na kapag tinatawag ko silang 'hoy, mga A1!'.
Si Blue at Red lang talaga ang sumuway at nagpalit ng kulay ng buhok, nalilito tuloy ako sa kanilang dalawa.
"Deemons, kain na raw!" sigaw nito sa kanila.
Agad kong hinila ang isa sa mga lalagyan ng plato at inabutan sila. "Kami na, Queen, hindi mo dapat 'yan ginagawa," pigil sa 'kin ni Green, the living broccoli.
My eyebrows furrowed, confused. "E, kasi Queen, dapat sa King ka lang nagsisilbi. Baka magselos 'yon," sambit naman ni Leo.
They all looked at me with creepy smiles. "King? Sino naman ang king?"
"Si Master!" sabay-sabay na sagot nila kaya agad akong napatakip ng tainga.
"Hoy, lagot kayo kay Master, naririnig kayo!" sigaw ni Tres.
"Kumain na nga lang kayo," I told them, shaking my head a bit. Nagtungo ako sa garden matapos kong kumain. Sobrang nakakabagot din sa bahay ni Marcus.
"Hays, ano ba pwedeng gawin?" I asked myself, massaging my temple.
Pumasok ako sa loob at nakita silang mga may sari-sariling ginagawa. May nagbubuklat ng mga files, may nagsusulat, may nakaharap sa computer at kung anu-ano pa. Para silang mga nasa opisina. I wonder kung hindi sila nagsasawa sa paulit-ulit nilang ginagawa.
"Virgo!" tawag ko rito nang makita ko itong palabas ng bahay. "Saan punta mo?"
"Uuwi muna ko sa 'min, Queen," sagot nito at nagpaalam kay Tres. Kung hindi ko pa nababanggit, isa si Virgo sa mga may pamilya pa sa grupo. Bale, napunta siya rito upang humingi ng tulong kay Marcus. Nagkasakit kasi ang bunso niyang kapatid.
"Mag-iingat ka," saad ko pa rito nang maihatid namin siya sa gate.
Nakangiting humarap si Tres sa 'kin. "Pumasok na tayo, Queen."
"Ah, Tres, nakapag-enroll na ba kayong lahat?" I suddenly asked. Malapit na rin kasi ang pasukan.
"Opo, Queen, 'yung iba naman, dito na lang daw sila," he answered which made me nod. Ayaw naman naming pilitin sila kaya binigyan sila ng time ni Marcus para makapag-isip. Alam kong tulad ko, may mga pangarap din sila. "Ikaw, Queen?"
Mapait akong napangiti. "O-Oo, nakausap ko na si Marcus at pumayag na siya," sagot ko.
"Sa Addyvelle nalang dapat kayo, Queen para mababantayan ka namin!" aniya.
"Kaya ko naman ang sarili ko, Tres. Gusto kong tumayo mula sa sarili kong mga paa. Saka hindi pa ako pwede roon," sambit ko at naunang pumasok ng bahay. Pang-college lang kaya sa Addyvelle.
Pabagsak akong humiga sa kama at ginawa ang nakasanayan kong pagtitig sa kisame. "Boringgggg!" saad ko at nagpagulong-gulong sa kama.
Ano kaya kung...
Agad akong napaupo nang makaisip ng paraan para hindi mabagot. Mabilis akong dumiretsong banyo at naligo. Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng pants at simpleng black shirt bago bumaba.
"Queen, saan po ang punta niyo?" Leo asked me nang makasalubong ko ito.
"Ah, pupunta lang akong mall," I said and gave him a soft smile. When I noticed the sudden change in his expression, my forehead creased.
"Queen, k-kasi ano," pigil nito sa 'kin at nagkamot ng ulo. "Bilin kasi ni Master na bantayan ka namin. Bawal ka pa raw pong lumbas ng bahay."
My jaw partly dropped, my eyes were in disbelief. "A-Ano? Bakit daw bawal?"
Leo averted his gaze at me."Delikado kasi sa labas ngayon, Queen."
"E, 'di samahan mo nalang ako!" I exclaimed.
Napangiwi ito. "E, kasi Queen, bawal talaga, e." My shoulder suddenly dropped. "Sorry talaga, Queen," he added.
I nodded and looked down."Sa garden nalang ako," I said and smiled weakly at him. I heaved a long sigh, taking a seat. "Anong trip niya at pinagbawalan akong lumabas?" I asked, getting irritated.
Napatingin ako sa gate at napangisi nang makita itong nakabukas. Naiwan siguro ni Tres. Dahan dahan akong tumayo at lumabas doon.
"Let's go, Venus!" Naitaas ko pa ang isang kamao ko sa sobrang tuwa. Mabilis akong tumakbo palayo matalos tingnan mula rito ang mala-palasyong bahay ni Marcus at ng mga alagad niya. "Kuya, para po!" sambit ko matapos makalabas ng street. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid sa mall.
Nang makarating ako ay agad akong naglibot-libot. Buti pa rito, maraming pwedeng gawin para hindi ma-bored.
Napahinto ako at lumingon sa likuran ko. "Ano ka ba, Venus?" bulong ko. Para kasing may sumusunod sa 'kin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at pumasok sa isang bookstore.
"Ano kayang magandang basahin ngayon-ay, s-sorry po," paumanhin ko nang maibagsak ko ang librong hawak ko. Muli akong lumingon sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaking naka-leather jacket na malapit lang sa pwesto ko.
I stood frozen on the ground when our eyes met. I felt goosebumps all over my body as my eyes lay on his sinister grin. I quickly went outside the bookstore and walked faster as I can.
"Sinusundan ba nila ko?" I asked myself in a low voice. Nakikita ko sa pheriperal vision ko ang mga lalaking nag-uusap at nakatingin sa 'kin.
Nagmamadaling pumasok ako ng grocery at naghila ng push cart. "Damn! Anong gagawin ko?" I asked. I felt my heart racing inside and anxiety started to rise in me.
"S-Sorry po," I apologize when I bumped into someone. My eyes widened as I recognized who he is. Siya 'yung lalaki sa bookstore!
"Hi, Ms. Beautiful."
* * * * *
Tres,
"Leo, nakita mo ba si Queen?" tanong ko rito nang makasalubong ko ito. Kanina ko pa hinahanap si Queen dahil may pinapasabi si Master sa kaniya. Pwede naman siya nalang ang magsabi pero knowing him, hindi niya iyon itatanong ng diretso sa kaniya.
"Nasa garden, boss. Bakit?"
"Galing kasi akong kwarto niya, iche-check ko lang. May sasabihin narin," sagot ko at tinapik ito sa balikat. Pinapasabi lang naman ni Master kung may gusto siyang ipabili o kainin.
Agad akong nagtungo sa garden, para kamustahin ito. Bilin pa naman sa 'min ni Marcus na huwag na huwag naming aalisin ang mata sa kaniya.
"Queen!" tawag ko rito nang marating ko ang garden. "Queen-"
Napahinto ako, wala rito ang Queen. Akala ko ba...
Nagmamadali akong pumasok ng bahay. "Leo! Leo!"
"Boss, bakit ho?" tanong sa 'kin ni Red. Mukha namang nabagabag din ang ilan naming kasama sa biglang pagsigaw ko. Agad kong tinungo ang kwarto nito. "Nasaan si Leo?"
"Nasa basement ata boss," sagot naman sa 'kin ni Blue.
"Blue, Red, hanapin niyo nga ang queen, bilis!" utos ko pa bago pumuntang basement. Sumakay ako ng elevator at pinundot ang letrang B. "Leo!"
"Bakit boss?" sagot sa 'kin nito, tumutulong siya sa paglilinis ng mga baril.
"Nasaan ang queen? Wala siya sa garden."
May kakaiba akong nararamdaman. Hindi pwedeng umalis si Queen dahil alam ng mga kalaban na may babaeng namumuno sa grupo namin. Ito rin ang dahilan kung bakit laging wala si Marcus at ang iba pa naming kasama. Kailangang makasigurado kaming hindi mapapahamak si Queen lalo na ngayon, dumadami ang gustong kumalaban sa Deemons. Kinakausap nila ang mga ibang brotherhood o gang na nasa pamumuno namin para humingi ng proteksyon at information tungkol sa mga kalaban.
"Baka bumalik ng kwarto niya boss hindi naman siguro-B-Boss."
Nagtatakang napatingin ako rito nang bigla itong natigilan. Maging ang baril na hawak ay nabitawan pa niya.
"A-Ang queen-hindi! Fuck!" Mabilis niyang kinuha ang baril at jacket niya.
"Ano ba, Leo? Sabihin mo muna sa 'kin, anong nangyari sa queen!?" inis kong tanong dito matapos ko siyang pigilan. Takbuhin ba naman ang elevator nang hindi nagsasabi kung anong nangyayari?
"Kanina kasi boss, sabi niya gusto niyang pumunta ng mall," sagot nito na ikinagulat ko.
"A-Ano?!"
"Baka tumakas-"
"Bakit hindi niyo binantayan?! Malilintikan tayo, e!" inis kong sigaw at lumabas ng basement. Sumabay naman ito sa 'kin. Mabilis akong nag-type sa phone ko upang ipa-monitor ang mga camera sa paligid.
"Boss!" tawag sa 'kin nila Blue. Hinihingal pa ito at nagpunas ng pawis. "Wala po ang queen sa buong bahay."
"Ch-in-eck niyo na ba lahat?!" I asked, panicking. I messed up with my hair in frustration, closing my eyes.
"Opo boss, pinuntahan narin namin si Black para i-check ang cctv footage," Red amswered.
"Boss!"
"Ano?!" I asked, getting irritated. Marcus will surely punch my soul out of my body.
"S-Si Master po," sagot ni Ivander at inabot sa 'kin ang telepono. I stared at the phone for a seconds before getting it from him. Napapikit ako saglit at nag-sign of the cross bago sagutin ang tawag.
Pilit ang naging ngiti ko. "M-Master?"
"How is she, Tres? Pauwi na kami-"
"E, kasi boss..." Kinagat ko ang ibabang labi ko at sinenyasan ang mga kasama ko. Umiling lang ang mga ito. Paktay na!
"Is there any problem, Tres?" tanong nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi dahil panigurado ay sasabog si Master sa sobrang galit. "Tres, may problema ba?" pag-uulit nito.
Napabuntong hininga ako at sinenyasan si Blue na ihanda ang sasakyan. "A-Ang queen kasi Master-"
"What happened to her?" tanong nito. Napapikit ako sa sobrang kaba at takot.
Ayoko pang mamatay, Lord!
"Answer my fucking question, Tres! What happened to her?!" sigaw nito kaya agad kong nilayo ang telepono sa tainga ko sa lakas ng boses niya.
"T-Tumakas siya, Master. H-Hindi namin alam kung saan pumunta ang queen-"
"What the hell?! Hindi ba sinabi kong huwag na huwag niyong iaalis ang mga mata niyo sa kaniya?! You know it's dangerous, Tres!"
"E, Master, hindi ko naman alam-"
"Saan daw siya pumunta, Tres? Baka may sinabi siya," rinig kong tanong ni Uno.
"Sa mall daw sabi ni Leo, pinigilan daw niya ang queen-"
"Ikaw ang malalagot Tres, kapag may nangyaring masama sa kaniya. I will kill you, Tres, I swear!" putol sa 'kin ni Marcus at pinatay ang tawag. Napalunok ako ng maraming beses. Nalalapit na Tres. Makakasama mo na ang tiyuhin mong nagmamay-ari ng impyerno.
"Boss, nakahanda na ang sasakyan-"
"Huwag na Blue," putol ko rito at pabagsak na umupo sa sofa. "Ihanda mo na ang ano."
Nagtataka silang napatingin sa akin. "Ang ano po boss?"
Nag-angat naman ako ng tingin sa kanila at nagpilit ng ngiti. "Ihanda mo na ang kabaong ko."
***
The Lost Princess Series II
by: thesweetest_thing

หนังสือแสดงความคิดเห็น (49)

  • avatar
    Ronielyn Arguelles

    it's so very nice story, 😊 I like it🥰

    27/07

      0
  • avatar
    mark angelo

    Angelo

    08/07

      0
  • avatar
    DudoyanJessie

    so beautiful story

    08/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด