logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 6

Lizzie's POV
"Class dismissed!" mabilis na tumayo si Floryn sa harap ko.
"Sisig. Kol?" pag-aaya sa akin ni Floryn pagkatapos ng klase. Nakagawian na namin ang kumain sa sisigan ni Aling Bineng tuwing break time or uwian.
Umiling ako. "Pass." inayos ko na ang mga notebook ko at nilagay iyon sa bag. 
Sumimangot ang mukha ni Floryn. "Pass na naman?" 
"May kailangan pa akong puntahan, bessy. Pasensya na, ah?" saad ko rito habang patayo na.
"Ano ba kasi 'yang inaasikaso mo at palagi ka na lang namin hindi nakakasama?" ani Floryn na halata ang nagtatampo sa boses.
Lumapit si Franz. "Oo nga, Liz. Ano ba 'yang inaasikaso mo? Palagi ka na lang nauunang umuwi sa amin, saan ka ba nagpupunta?" takang tanong ni Franz. 
Tiningnan ko si Franz at Floryn sa mata. "Next time, ha? Sasabihin ko rin sa inyo, siguro kapag may resulta na." 
Tumango naman si Franz pero si Floryn ay nakasimangot pa rin. "Basta mag-ingat ka, ha?" saad ni Franz.
Tumango naman ako nginitian sila. Lumabas na ko sa room namin, bumiyahe ako patungo sa lola ko sa cavite, baka sila ay alam nila kung nasaan si nanay. 
Pagod man ako galing sa school ay hindi ko na 'yon iniinda, ang tanging gusto ko lang ay mahanap ko si nanay. Sumakay ako sa bus at jeep, medyo may kalayuan rin ito sa kabihasnan kaya naman kinakailangan ko pang sumakay ng tricycle dahil looban ang bahay nila. Nagpahinto ako sa kanto at nilakad ko na lang ang looban nila, mahirap rin kasi itong sakyan ng tricycle dahil makaldag ito, baka makunsumi pa sa akin ang driver na pagsasakyan ko at isa pa ay baka hindi na rin kumasya ang baon ko dahil mamamasahe rin ako pauwi. 
Nakarating na ako sa bahay nila lola. Mabuti na lang at matandain ako sa direksyon dahil hindi ako naligaw. Malaki ang bahay nila at may sarili silang sasakyan. Huling punta ko dito ay maliit lamang ito na kubo, ngayon ay halos hindi ko na makilala ang bahay nila dahil sa sobrang laki ng ikinaganda nito.  
Tumapat na ako sa higante nilang gate. Sana lang ay alam nila kung nasaan si nanay, o kung sana nga ay dito ko siya matagpuan. 
Pinindot ko na ang doorbell. Hindi naman nagtagal ay sumagot si lola. "Sino 'yan?" 
Hindi ako sumagot bagkus ay hinintay ko lang na buksan niya ang  gate nila. Pagkabukas niya ng gate ay tumambad sa akin ang makinis at maganda kong lola. 
Nakangiti ko itong binati. "Lola.." 
Nangunot ang noo nito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sino ka?" ani lola.
Naikunot ko rin ang sariling noo at tipid na ngumiti. "Ako po 'to, si Lizzie po, apo ninyo." magalang kong pagpapakilala.
"H-ha? Wala akong apong Lizzie ang pangalan, umalis ka na hindi kita kilala." pagkasabi nito ay mabilis na nitong sinara ang gate. Nagulat ako sa ginawa niya, pinagmasdan ko ang bahay nila. 
"Ito ba talaga ang bahay nila lola?" tanong ko sa sarili ko.
Pero hindi, tanda ko pa ang itsura ni lola kahit matagal ko na siyang hindi nakita. Oo, nagbago ang kutis niya dahil pumuti ito pero hindi ko maaaring makalimutan ang mata nitong bilugan na pinagmanahan ni mama, at ang boses nito.
Muli kong pinindot ang doorbell. Hindi pa ako nasiyahan at sumigaw na ako. "Lola! Ako po 'to, si Lizzie! Anak po ako ni Leatrix!" kumakatok na rin ako. 
Sobra na akong desperada na mahanap si nanay. Ang dami kong gustong itanong sa kanya, isa na roon kung bakit niya kami nagawang iwan ni tatay.
"Umalis ka na o tatawag pa kami ng pulis!?" ani lola mula sa loob ng gate nila. 
"Lola! Ako nga po 'to.. si Lizzie po!" 
Muling bumukas ang gate at niluwal niyon si lola. "Hindi ka ba talaga aalis bata ka? Sinabi nang hindi kita kilala! Umalis ka na bago pa ako tumawag ng pulis para kaladkarin ka!" aktong isasara na ni lola ang gate pero mabilis ko itong napigilan.
"Gusto ko lang po sana magtanong, lola. Promise po, kapag nasagot niyo po ang katanungan ko ay ako na po ang magkukusa para umalis. Please, lola."
Hinigit nito ang gate at nang isara nito ulit iyon ay iniharang ko ang kanang kamay ko. 
Masakit iyon, pero wala nang mas sasakit pa sa ginagawa nila sa akin ngayon. 
"Hindi kita kilala. Umuwi ka na at huwag ka nang babalik rito, wala akong apo!" pagkasabi nito ay malakas nitong tinulak ang kamay kong nakaharang sa gate na naging dahilan ng pagkakabagsak ko sa lupa.
Nagsisimula na akong maiyak, nagtutubig na ang mga mata ko. Pero hindi ako titigil dahil alam kong alam nila kung nasaan ang nanay. Muli akong tumayo sa pagkakasalampak ay muli kong pinindot ang doorbell at hindi pa ako nakuntento kaya't kinakatok ko na rin ang gate nila. 
Wala akong pake kung ano man ang maging itsura ko ngayon, ang tanging gusto ko lang naman mangyari ay ang malaman kung nasaan si nanay.
Pero bakit ganito na lang nila ako i-trato, parang hindi nila ako isang kamag-anak. Apo nila ako, anak ako ng anak nila. Paano nila nagagawa sa akin 'to.
"Lola! Please po.." 
Pilit ko pa rin kinakalampag ang gate nila pero hindi na nito binuksan iyon. Nagsisimula nang dumilim ang paligid. Mukhang nakiki-ayon sa akin ang panahon dahil nag-uumpisa nang dumilim ang kalangitan kasabay nito ang mahihinang pagkulog. 
Patuloy lang ako sa pag kalampag sa gate, siguro ay inabot rin ako ng isang oras.
Mga kamay at paa ko rin ang sumuko sa huli, namamaga na ang kanang kamay ko na ihinarang ko kanina, maging paa ko ay masakit na rin dahil sa matagal na pagtayo ko sa harap ng gate nila. 
May ilan-ilan na ang nagdadaan pero ni-isa sa kanila ay walang lumapit sa akin para tanungin kung ano ang problema. 
Bakit ang lupit mo, Panginoon. 
Gusto ko lang naman malaman kung nasaan si nanay, pero bakit parang pinagdadamot mo siya sa akin? Gusto ko lang naman malaman kung bakit niya kami nagawang iwan ni tatay, kung kamusta na ba siya o kung masaya na ba siya.
Napaupo ako sa sahig nang mangatog ang paa ko. Nanlalambot na ang mga binti ko marahil ay dala ng gutom, nag-uumpisa nang bumuhos ang malakas na ulan. Rinig na rinig ko ang malalakas nitong pagpatak at ramdam ko ang lamig nito sa katawan. 
Nanginginig na ang labi ko at nanlalabo na rin ang paningin ko. 
Naisip ko ang bag ko dahil mababasa ang mga notebook at book ko rito. Walang problema kung damit ko lang ang mabasa dahil madali lang naman itong labhan at patuyuin, ang mahirap lang ay ang mga notes ko dahil sa oras na mabasa iyon ay hindi ko na mababasa pa ang mga nakasulat roon. 
Kahit hinang hina na ang katawan ko ay buong lakas ko pa rin ini-angat ang katawan ko upang humanap ng masisilungan pansamantala. 
Dahil nga mapuno itong lugar ay nabigo akong humanap ng masisilungan para sana roon ay magpatila muna ng ulan. Hindi ko na pinagod pa ang sarili ko sa paghahanap ng masisilungan, i-nenjoy ko na lang ang malakas na ulan at kulog, ano pa ba ang magagawa ko? Mukhang ang ulan ang nagko-comfort sa akin ngayon. 
Bagsak ang mga balikat kong tinungo ang sakayan ng jeep pauwi. Pinagtitinginan ako ng mga tao, wala ring gustong tumabi sa akin dahil nga basang basa ako. Magang maga na rin ang mga mata ko at namumula na rin ang mata ko dala ng lakas ng ulan na sinalubong ko kanina.
Pagkababa ko ay sumakay na rin ako sa bus, noong una nga ay ayaw pa akong pasakayin ng bus driver dahil basang basa raw ako at mahahawa ang upuan nila. Sinabi ko na lang na tatayo na lang ako para hindi iyon mabasa. Pumayag naman ito at katulad ng sinabi ko ay tumayo na lang ako sa gitna. 
Lalong sumakit ang paa ko dahil sa tagal ng byahe. Malayo ang cavite sa amin, inabot ako ng apat na oras hanggang limang oras dahil inabutan pa namin ang traffic. 
Pagod na pagod ako, hindi lang ang katawan ko maging ang puso at isip ko. 
Ang init ng pakiramdam ko, gustong gusto ko nang ihiga ang katawan ko sa malambot na kama. 
Nakarating na ako sa bus stop, sumakay na lang ako ng tricycle pauwi sa bahay namin. Nang bumaba ako sa motor ay naaninag ko ang maraming ilaw sa loob ng bahay namin. Marami ring tao, nagkakagulo sila dahil sa mga taong nagsusugal sa lamesa. Marami ring lamesa at upuan sa harap ng bahay namin. 
Alam kong hindi marunong magsugal si Tatay, alam kong may mali sa mga oras na ‘to. 
Dahan dahan akong humakbang papunta sa bahay namin, palapit nang palapit ay palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko. 
"Liz.." ani Floryn sa gilid. Sinalubong nila ako ni Franz pero hindi ko sila nagawang pansinin dahil napukaw ng isang poster ang atensyon ko.
Nakasulat roon ang 'In Loving Memory of Lucio R. Davis. December 18, 1976 - November 30, 2021.' at naroon rin ang picture ni tatay.
Pasuray suray akong lumakad papasok ng bahay. Ang kaninang maingay at nagkakagulong mga tao ay biglang tumahimik nang dumating ako. 
Pumasok ako sa loob. "Lizzie.." ani Imelda. 
Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa loob ng bahay. Ang daming mga bulaklak sa ibaba at itaas, nakakasilaw rin ang mga ilaw nitong malalaki na nakapalibot sa gitna.
"T-tay.. anong g-ginagawa mo dyan?" nanginginig kong hinawakan ang salamin ng kabaong. "T-tay.. tumayo ka dyan.. ano bang g-ginagawa mo dyan? H-hindi magandang biro yan 'tay.. h-halika na bumangon ka na dyan, ipagluto mo ako.." nagsisimula nang pumatak ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. 
Si tatay.
Wala na siya. 
"T-tay.." muli kong pagtawag sa kanya nang marealized ang nangyayari. 
Hinawakan ako ni Floryn at Franz sa balikat. "Bakit mo 'ko iniwan, 'tay? Hindi ba't may pangako ka sa akin? 'Tay.. gumising ka na d'yan.. hanapin na natin si nanay.. Tatay!" hindi ko na mapigilan ang sarili kong yakapin ang kabaong ni tatay. Basang basa na ang salamin nito dahil sa pagpatak ng luha ko. 
"Lizzie, hija, tama na 'yan." ani Imelda habang pilit ako nitong nilalayo sa kabaong ni tatay. 
"Bitiwan mo 'ko! Mula nang dumating ka ay nasira na ang buhay ni tatay!" 
"Lizzie, inatake ang tatay mo sa puso.. wala akong kinalaman roon." ani Imelda. 
Hinarap ko siya. "Ikaw ang pumatay kay tatay, Imelda! Masaya kami noong wala pa kayo, pero nung dumating kayo ay ang dami nyong sinira. Sinira niyo ang relasyon namin ni tatay!-" 
Tumabingi ang mukha ko dahil sa lakas ng palad na tumama sa pisngi ko. 
"May sakit sa puso ang tatay mo, Lizzie! Hindi mo alam? Paano mong malalaman e ang paghahanap mo sa nanay mo ang inaatupag mo!" ani Mika pagkatapos nitong sampalin ang pisngi ko.
Tama.. 
Sa sobrang pagka desperada kong mahanap si nanay ay hindi ko na inaalagaan si tatay. Hindi ko na ito nabigyan ng oras. Hindi na kami nagkaroon ng bonding dahil sa pagka desperada kong mahanap si nanay, bakit nga ba lubos kong inubos ang oras at panahon ko sa taong ayaw naman magpakita sa akin, gayong napabayaan ko na ang taong malapit lang sa akin. 
"Hindi ka naman matawagan kanina dahil patay ang cellphone mo. Hindi rin alam ng dalawa mong kaibigan kung nasaan ka.. alam mo ba? Bago tuluyang mawala ang tatay mo ay tanging pangalan mo lang ang sinasambit niya. Hanggang maubusan siya ng hininga ay ikaw ang hinahanap niya. Pero nasaan ka? Inaatupag mo ang nanay mong iniwan ka at wala namang pake sayo!" madamdaming saad ni Mika. 
Sa ikalawang pagkakataon, tama ulit siya..
Nakalimutan kong may tatay ako kahit nagawa akong iwan ng nanay ko.
'Patawad 'tay..'
Patawad dahil hindi ko nagawa ang mga maliliit na bagay na gusto mo noon. Hindi man lang tayo nagkasabay kumain bago ka nawala. 
'Patawad 'tay..'
"Kaya wag mong sasabihin sa amin na kami ang pumatay sa kanya, dahil ikaw.. ikaw mismo ang pumatay sa tatay mo!"
Napapikit ako sa huling sinabi nito.. 
Ang lahat ng sinabi niya ay tama. Muling nanumbalik sa akin ang mga araw na palagi kong pinagdamot kay tatay ang oras na gusto lang naman nito na makabonding ako. 
Sana'y pumayag ako na makasabay kita sa pagkain, sana'y pumayag ako noong alukin mo akong ihatid ako sa school, at sana ay hindi lang si nanay ang inalala ko, sana ay sayo ko na lang binuhos ang oras at pagmamahal ko na sinayang ko lang sa paghahanap kay nanay.
Sana ay kaya ko pang maibalik ang oras.. para makasama ka pa.
Patawad, tatay..
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (6)

  • avatar
    Ma Rebecca Vedas Geslaga

    next episode pls

    20/02

      0
  • avatar
    Felipe Brito

    O amor da minha mãe está bem se você está chorando amor eu te amoo demais meu amor maravilhosa incrível diva deusa coisa mais linda desse jeito que você está com você e o que eu não vou amor e carinho e a senhora sabe o quanto é o amor da minha vida eu te amo dmsss minha princesa mais linda desse mundo meu aprendendo com você é muito grande e o meu lar e o amor da minha vida e a gente já está vindo aqui amor e a senhora sabe que não é o amor da minha vida eu te amo muito e eu te eu vou fazer um

    19/11/2022

      0
  • avatar
    SueltoGlyn

    greatful

    11/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด