logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Melancholy

Melancholy

Haeya


Kabanata 1

Ako si Lizzie Leigh Davis. Pitong taong gulang pa lang ako nang iwan ako ng aking ina, hindi ko alam ang dahilan pero naniniwala akong babalikan niya kami ni tatay. Nasa kinse anyos na ako ngunit kahit walong taon na ang nakalipas ay umaasa pa rin ako na isang araw ay babalikan din kami ng aking ina.
'Babalikan niya kami dahil mahal niya kami ni tatay.'
Nandito kami ngayon ni tatay sa kusina habang pinapanood ko siyang magluto ng maraming pagkain. Ang sabi kasi ni tatay ay may bisita raw siya kaya dapat ay marami at masarap ang luto niya. 
Kasalukuyang nagliligpit na namin ang pinag gamitan ni tatay sa pagluluto nang may biglang pumasok sa pintuan namin. Nagulat pa nga ako dahil bigla lamang nito binuksan ang pintuan ng walang kahit anong katok. May isang matandang babae ang pumasok at may kasama itong dalawang bata, isang babae at lalaki.
"Itay, sino po sila?" nakangiti kong tanong sa tatay ko at saka ngumiti ng matamis sa kanila. 
"Ah, anak... sila ang bago mong makakasama sa bahay. Si Imelda, siya na ang bago mong nanay. At ito na lang dalawa ay sila ang maging kapatid mo." 
Nagulat ako sa nalaman ko dahil ito ang kauna-unahan na magdala si itay ng mga bisita dito sa bahay namin. Hindi kami mahirap pero hindi rin naman kami mayaman, sakto lang. 
Lalo pang nakaragdag sa pagkagulat ko ay ang sinabi nito na ito ang magiging bago kong ina. Sa pagkakatanda ko ay wala naman itong nababanggit sa akin na may nobya siya.
Tiningnan ko si Tatay na may pang gilid ang luha sa mga mata. 
"Ano po, 'tay? Magiging nanay ko na po siya?" sabay turo ko sa matandang babaeng nasa harapan namin.
Tumango si tatay at lumapit sa babaeng pinakilala nitong magiging nanay ko at hinawakan ito sa kamay.
"Tay, bakit po? Hindi ba hihintayin pa po natin si nanay?" hindi ko na napigilan ang sariling maibulalas ang nasa isip.  
Lumapit sa akin si tatay. 
"Nangako ka pa nga 'tay, 'di ba po? Ang sabi niyo po.. na kahit anong mangyari ay hindi po tayo mapapagod na maghintay sa kanya? Nangako kang hahanapin natin si nanay kapag nag-aral ako ng mabuti, 'di ba, 'tay? Nagjo-joke ka lang 'tay, 'di ba?" tuluyan nang nag-agusan ang luha sa pisngi ko. Umupo si tatay sa harap ko at pinunasan nito ang mga luha ko sa pisngi. 
"Shhh. Huwag ka nang umiyak." pinahid nito ang luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya sa daliri.  "Anong sasabihin ni tatay sayo? Hindi ba't ayokong nakikita kang malungkot? Paano pa kaya na nakikita ka ni tatay na umiiyak? Mas lalong ayaw ni tatay 'yon." pilit niya akong pinapatahan pero sadyang makulit ang mga mata ko dahil patuloy lamang ito sa pag-iyak. 
Bigla ko naman na-alala ang mga pinagsamahan namin ni nanay kasama si tatay. Ang saya naman namin noon, bakit biglang nagkaganito ang pamilyang dati ay kuntento na naman at masaya.
Bakit kailangan ko pa magkaroon ng bagong ina kung maaari namang iyong luma at orihinal, hindi ba?
Hindi ko napansin na lumapit na pala sa akin yung batang babae na kasama nila, sa tatay ko ay magka edad lang kami. Pinahid ang mga luha ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako dahil ngumisi ito at saka ako sinampal. 
Namalayan ko na lang ang sarili kong nakatagilid ang mukha. 
"My God, Mika! Bakit ginawa mo yun sa magiging kapatid mo, ha!?" Mukhang gusto na nitong saktan ang anak ngunit nagpipigil lamang ito. 
"Nothing, Mom. Ayoko lang sa lahat ay yung maarte katulad ng babaeng 'yan." tinuro niya ako at inirapan, binuggo pa ako nito habang papasok sa bahay namin at saka iginala ang mga mata nito sa buong bahay.
"Tss." napatingin naman ako sa may-ari ng boses na 'yon. Nakita kong umiiling ito saka lumapit sa akin. 
"Ako na ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng kapatid ko." tumitig ito saglit sa akin at sumunod na sa kapatid niya. 
Napatingin ako kay tatay dahil parang wala lang itong nakita sa ginawa ng anak ng bago niyang mapapangasawa. 
"Tay.." naisambit ko na lamang.
Bahagyang umupo si tatay para magkapantay ang mukha namin. 
"Pagpasensyahan mo na lang muna sila anak, ah? Naninibago lang sila kaya siguro ganon siya sayo. Intindihin mo na lang siya, okay?" ngumiti si tatay saka bahagyang ginulo ang buhok ko. "Intindihin mo na lang muna si tatay, ha?" dagdag pa niya.  
"Pumasok ka muna sa kwarto mo, magbihis ka ng maganda at ayusin mo 'yang mukha mo, punasan mo ang pisngi at mata mo. hindi bagay sayo ang umiiyak."
Napatango na lamang ako kahit hindi ko maunawaan ang mga sinasabi ni tatay. Ano naman ang dahilan niya para intindihin ko siya? 
Pumasok na ako sa kwarto ko. Saglit akong napatitig sa salamin. 
Bakit ganito 'ang nararamdaman ko? 
Bakit kinakabahan ako? 
Bakit parang may hindi magandang mangyayari? Ang bigat ng dibdib ko, bakit kailangan pa magkaroon ng bago? Ang orihinal ang kailangan ko, hindi isang bago. 
Parang hindi naman yata tama itong ginagawa nila? 
"Ang sakit, ah?" pinagmasdan ko ang pisngi kong sinampal ng Mika na 'yon. 
Sino siya para gawin sa akin 'to? Tingin niya ba ay tatanggapin ko siya bilang kapatid ko? 
H*ll no!
Nag-asikaso na ako sa sarili ko bago ako lumabas sa kwarto ko. Naabutan kong nasa kusina si Imelda at tatay.  Naupo naman  ako sa isang tabi habang pinagmamasdan ang kanina pang  pabalik balik na si Mika sa kwarto ni tatay at sa buong bahay. 
Tinawag naman ako ni tatay dahil kakain na raw. Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi pwede, tinuruan kasi ako dati ni tatay at nanay na huwag tumanggi sa grasya. Hangga't may kakainin raw ay kainin na.
Uupo na sana ako sa tabi ni tatay pero mabilis na umupo si Mika sa tabi ni tatay. Malakas na buntong hininga ang narinig ko mula sa lalaking kasama ko ngayon rito sa bahay, hindi si tatay pero ang magiging kapatid at kuya ko raw.. Hindi ko pa ito kilala dahil mukhang madalang lang ito magsalita at hindi ko rin alam ang pangalan nito at wala akong balak na alamin ang buo nitong pagkatao. Huwag na huwag lang nila sisirain ang relasyon namin ni tatay, malilintikan sila sa akin.
"Daddy, ikaw po ang nagluto nito? Ang sarap naman po!" masayang pang-uuto ni Mika sa tatay ko. 
Bahagya namang tumawa si tatay at kinurot ang pisngi nito.
"Oo, anak. Gusto mo pa ba? Luto kong lahat iyan mabuti naman at nagustuhan mo." hindi maalis ang ngiti ni tatay sa mga oras na 'to. 
"How sweet, sana all." sarcastic kong sinabi saka ngumiti ng sagad hanggang ngalangala. "Alam mo ang plastik mo, pwedeng mawala ka na lang?" saka ako umirap at aktong tatayo na ngunit agad itong nagsalita at saka tumawa ng nakakaloko.
"What kind of plastic ba, trash? Oh, well.. pwede naman akong mawala, mauuna ka nga lang. Kailan mo ba gusto? Kain ka pa po daddy!" sabay pa-cute nito kay tatay. 
"Mika, itigil mo na 'yan.. nakakahiya sa tatay niyo." pagsunog ng nanay niya ang isa pang imp*kta. 
"Wow! Tatay niyo, ha? At ano nga ulit ang tinawag mo sa babaeng 'yan, tay? Anak? Wow, ha! Kailan pa kayo naging close?" sarkastiko kong saad.
Natawa naman si Mika sa sinabi ko. 
"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" mataray kong tanong. 
Lalo namang lumakas ang ang pagtawa nito. 
What the h*ck!? Is she crazy?
"Omg! So hindi mo alam na madalas sa amin si daddy? My God! Anak ka ba talaga? Ang kuwento ng tatay mo sa amin ay matalino ka." pinasadahan niya ako ng tingin. "Mukhang hindi naman." natigilan ako sa nalaman.
"Mika! Enough!" suway ng ina nito.
Hindi naman natinag si Mika at nakuha pa nitong taasan ng kilay ang ina. 
"What? Why? Ano bang pakialam mo? Stop acting like naging mabuti kang ina sa akin."
"Mika!"
"Shut up, kuya! Wag kang makialam. Hanapin mo na lang tatay mong manya-" hindi nito natapos ang sasabihin dahil tumaas ang kamay ng kuya nito sa ere. Alam kong nagtitimpi lang itong wag sampalin ang imap*ktang babaeng 'to.
"Fine. Hindi kita pakiki-alaman at huwag na huwag mo rin ako pakiki-alaman. Try to say that again, papatayin kita.." napanganga naman ako sa nakita kong ugali ng mga tao na 'to. 
Nakatitig ang lalaking ito sa mata ng Mika. Kitang kita ko sa mga mata nito na seryoso ito sa sinasabi. Nakikita ko rin ang magkahalong galit at lungkot sa mata nito.
Tumingin ako kay tatay na nakayuko lang. 
Sila ba? Sila ba ang gusto mong makasama tatay? Iyang ganyang mga pag-uugali? gustong gusto ko ito sambitin sa harap ni tatay, nagpigil lang ako. 
Tumayo si Mika sa harap ng kuya niya. "Oh, sige, patayin mo! 'Di ba d'yan naman talaga kayo magaling ng tatay mo!? Parehas kayong mga walang modo!" 
"Mikayla, enough!" sigaw Imelda sa anak. 
Tumayo na ako nang hindi ako nakatiis. "What a great scene." pumalakpak ako habang tinitingnan sila isa-isa. "Ano tapos na ba? Grabe, hindi rin kayo marunong mahiya, huh? Hindi mo ba sila tinuruan noon, Imelda? Nasa harapan kayo ng pagkain tapos ganyang mga pag-uugali ang pinakikita niyo. Mga wala kayong delikasadesa! Kahit anong gawin niyo ay hindi ko kayo matatanggap bilang pamilya ko!" pagkasabi ko ay pumasok na ako sa kwarto. 
Padabog kong hiniga ang katawan at tumitig sa kisame. 
Alam kong gutom ako, pero kung ganoon lang din naman ang mangyayari sa harap ng hapag kainan ay mas mabuti nang huwag na akong kumain at pigilan na lang itong gutom ko na lumipas.
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at niluwal non ay si tatay. Umupo ito sa gilid ng kama ko. 
"Liz.."  sambit niya sa pangalan ko.
"Ano 'tong pinasukan mo, tatay?" 
"Liz.. please, intindihin mo na lang si tatay, ha? Huwag ka na sanang sumali sa away nila, labas tayo roon." ani tatay.
Umayos ako ng upo at tinitigan si tatay. "Tay, okay ka lang ba? Ikaw ang nagdala rito sa kanila, tapos sasabihin mong huwag na ako makisali sa gulo nila? Hindi ba't ikaw mismo ang may dala ng gulong 'to? Kahit gusto-hin ko man na huwag makisali ay damay rin ako. Una sa lahat, ayokong may ibang kasama rito sa bahay bukod sa'yo, tay." nakita kong bumuntong hininga si tatay. 
"Liz, anak, hindi mo ba ako pwedeng pagbigyan?" 
"Tay, paano si nanay? Hindi ba't nagpromise ka sa akin na hahanapin natin siya?" nagbabadya nang bumaba ang mga luha ko. 
"Pano naman ako, anak? Paano naman ang kaligayahan ko?" malungkot nitong sabi. 
Natahimik naman ako at biglang napa-isip. "Mahal mo ba si Imelda, tay?" tanong ko. 
Tumango siya nang paulit-ulit at hinawakan ako sa kamay. "Matanda na ang tatay mo, anak. Hindi ba pwedeng ako naman? Paano na lang kapag nagka-asawa ka na? Sino na ang makakasama at mag-aalaga sa akin?" 
Bumuntong hininga ako. "Tay, nandito naman ako, kahit naman tumanda at makahanap na ako ng makakasama sa buhay ay hindi naman kita iiwan, 'tay. Isa pa ay buhay naman si nanay, bakit kailangan mong sabihin ang mga bagay na 'yan?" pangangatwiran ko pa. 
"Paano na lang kapag nakita mo na ang nanay mo at sumama ka sa kanya? Hindi ba't kawawa naman ako?" namumula na ang mata ni tatay, marahil ay nagpipigil ng iyak. 
"Paano naman ako sasama sa kanya? Mabubuo tayong muli, 'tay. Hindi ko na kailangan pang mamili sa inyong dalawa dahil parehas ko kayong pipiliin."
"Anak, kahit kailan ay hindi ako naging masama at pabayang ama sayo. Hindi mo ba pwedeng pagbigyan si tatay?" nagmamakaawa na ang mukha nito. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang.
"Sige, 'tay. Hahayaan na kita sa kagustuhan mo, pero sana ay tuparin mo pa rin ang pangako mong hahanapin natin si nanay. At pag nangyari 'yon ay gusto kong ibalik ang dating saya ng pamilya natin. Pwede ba 'yon, 'tay?" 
Tumango ito at niyakap ako. "Salamat, anak. Hahanapin natin ang nanay mo, pangako 'yan." 
(Year 2004)
"Mommy, sino po siya?" unang tanong ng batang babae nang pagkababa sa kwarto'y isang batang lalaki ang nabungaran nito sa kanilang kusina. 
"Ah, anak, siya si Tyron. Tyron, siya naman si Mika, ang kinakapatid mo." pagpapakilala ng isang hindi katandaang babae. 
"Hi, Mika! Ilang taon ka na?" ang cute nito. Mamula-mula ang matambok nitong pisngi at kaunting ngiti lamang ay sumisilay na ang malalim nitong dimples. 
"Fouy! (Four) Ikaw, Ty-yon?" masayang sagot ng batang babae sa tanong nito. Hindi nahihiya kahit pa nabubulol ito sa pakikipag-usap sa batang lalaki. 
Nakakawili itong kausap dahil kahit bata pa ito ay halata na sa kanya ang likas na pagiging madaldal at mabungisngis. 
"Five na ako. Kuya mo na ako, Mika!"
Mabilis namang nagkapalagayan ng loob ang dalawang bata.  
"Mommy, magrararo lang kami ni Tyon. Pwede po ba?" paalam ng batang babae sa kanyang ina. 
"Oo naman, baby. Huwag lang kayo magdudumi, ha? Maya-maya lang ay darating na ang daddy niyo, at ang tito Lukas mo para sunduin ang kuya Tyron mo." 
Sabay na masayang tumango ang dalawang bata. Sabik na mas makilala ang isa't isa. 
Itutuloy...

หนังสือแสดงความคิดเห็น (6)

  • avatar
    Ma Rebecca Vedas Geslaga

    next episode pls

    20/02

      0
  • avatar
    Felipe Brito

    O amor da minha mãe está bem se você está chorando amor eu te amoo demais meu amor maravilhosa incrível diva deusa coisa mais linda desse jeito que você está com você e o que eu não vou amor e carinho e a senhora sabe o quanto é o amor da minha vida eu te amo dmsss minha princesa mais linda desse mundo meu aprendendo com você é muito grande e o meu lar e o amor da minha vida e a gente já está vindo aqui amor e a senhora sabe que não é o amor da minha vida eu te amo muito e eu te eu vou fazer um

    19/11/2022

      0
  • avatar
    SueltoGlyn

    greatful

    11/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด