logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 42

"Saan mo ako dadalhin?!" Parang bata akong nagmamaktol sa kaniya. "Hinila mo na lang ako tapos sinakay mo ako rito sa sasakyan mo! Ni hindi ko man lang nakausap sila William dahil sa plano niyo!" Nakahalukipkip kong saad pero tinawanan niya lang ako.
Pagkatapos niyang sabihin na mahal niya ako, hindi ako nakapag-react sa kaniya kasi hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nabigla ako noong sinabi niyang mahal niya ako! Mahilig siyang mang-bigla kaya hindi tuloy ako nakakapag-react sa mga sinasabi niya. Marami nga akong tanong sa kaniya pero bigla naman niya akong hinila papasok dito sa sasakyan niya.
Gusto ko nga sanang puntahan sila William kanina dahil kasabwat pala sila kaya pala parang iba iyong mga itsura nila kanina. Gawain kasi nila iyon kaya hindi na talaga bago sa akin na nage-entertain pa rin sila pero hindi ko alam na lola pala ‘yon ni Edvin! Hindi ko naman kasi kilala yung mukha ng lola ni Edvin kaya hindi ko alam na lola pala niya iyon! Kung alam kong lola niya edi sana hindi ako nagpunta roon.
Charot lang. Pupunta pa rin ako baka anong sabihin niya sa akin.
"Kalma lang, mahal," Natatawang sabi niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas sa braso, "Kalma mo mukha mo! Ang dami mong pakulo!" Pero hindi man lang siya natinag sa hampas ko. Sabagay, nagmamaneho kasi siya.
"Init ng ulo mo, mahal. Palamigin natin ‘yan, gusto mo?" Walang kwenta niyang tanong habang pasulyap sulyap sa akin. Halatang nag-iingat na ito dahil ayaw niya sigurong maulit ulit yung nangyari sa akin dati.
Kung sabagay, pati ako natatakot na rin baka maaksidente ulit ako. Palagi akong sinasabihan ng magulang ko na mag-ingat ako sa pagmamaneho baka maaksidente raw ulit ako. Buti na lang hindi nagkakatotoo iyong mga sinasabi nila. Pasalamat na lang talaga ako na hindi ako nagka-amnesia kundi mas lalo akong mababaliw kapag nagkataon. Iyong pa nga lang sa pagpapanggap nila na may relasyon sila, naguluhan na agad ako. Paano pa kaya kapag nagka-amensia ako?!
Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa hita ko at pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa at tumingin sa akin. Doon ko lang napansin na nakahinto pala kami kasi traffic kaya nagawa niyang tumingin sa akin. Nakatitig lang ako sa kamay naming dalawa na nakapatong sa hita ko habang hinaplos-haplos niya ito. Napangiti naman ako sa naramdaman ko ngayon.
Ang saya pala kapag kasama mo ‘yong taong mahal mo.
"Saya, ah?" Napatingi ako sa kaniya, nakangiti siya habang nakatingin sa daanan. Kinurot ko nga ‘yong kamay niya. Mapang-asar ka, ha. "Bakit nangungurot?!"
"Mapang-asar ka kasi," Inirapan ko siya.
"Napansin ko lang na masaya ka, anong mapang-asar doon?" Nakakunot ang noo niyang tanong habang sumulyap-sulyap sa akin. Magsasalita na sana siya kaso bigla siyang napa-preno ng malakas dahil biglang may maglalakad na sana. "Tangina!"
Napahawak ako sa dibdib ko na grabe ang kabog ngayon dahil sa malakas na pagpreno niya. Bigla tuloy akong kinabahan baka maaksidente ulit ako. Nanginginig na iyong mga kamay ko kaya napansin ‘yon ni Edvin. Nag-aalala siyang tumingin sa akin bago siya lumabas ng sasakyan para kausapin ‘yong lalaking muntik na mabunggo. Hindi rin naman siya nagtagal at pumasok na ulit siya sa loob ng sasakyan niya.
Hinawakan niya muna ang magkabilang pisngi ko bago ako niyakap, "Kinabahan ako roon. Akala ko maaaksidente tayo. Hindi ko kakayanin kung maaaksidente ka ulit," Mahina niyang saad, naramdaman kong hinalikan niya ‘yong gilid ng ulo ko.
Nararamdaman ko nga ‘yong kabog ng dibdib niya ngayon dahil sobrang lapit ng katawan namin. Ganoon din kabog ng dibdib niya katulad sa akin. Sino bang hindi matatakot kung muntik na kayong maaksidente diba? Kumalas na siya sa pagyakap sa akin, hinalikan niya ako sa noo, ilong hanggang sa mapunta sa labi. Mabilis lang iyong paghalik niya, hinaplos-haplos niya ang magkabilang pisngi ko habang nakatingin sa akin.
"Okay lang ako. Buhay pa tayong dalawa," Nakangiti kong sabi sa kaniya, pinapagaan ko ang loob niya dahil alam kong takot na takot siya ngayon.
"Hindi ko kayang mawala ka," Nahihirapan niyang sambit.
Hinawakan ko iyong kamay niyang nakahawak sa pisngi ko, "Hindi ako mawawala at hindi na ako maaaksidente, mahal." Bigla niyang tinanggal ang kamay niya na nasa pisngi ko at napansin kong namula siya sa sinabi ko. "Kilig ‘yan?" Mapang-asar na tanong ko sa kaniya, sinamaan niya lang ako ng tingin.
Nagsuot na siya ng seatbelt at nagsimula ulit magmaneho. Inaasar ko pa rin siya ngayon at napipikon naman siya. Asar talo talaga. Hanggang ngayon namumula pa rin ang tainga niya dahil sa sinabi kong 'mahal' kaya ang sarap lang asarin.
"Hindi ka titigil? Hahalikan kita!" Banta niya sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at mapanuksong tumingin sa kaniya, "Well... Bakit ako tatanggi sa halik mo? Willing pa akong asarin ka para halikan mo ako!" Napaawang ang labi niya dahil sa sinabi ko. Pasulyap-sulyap siya sa akin pero mapang-asar iyong mga tingin niya.
"Ikaw, ah! Gusto mo rin akong halikan!"
"Sarap mong humalik eh," Kibit balikat kong sabi.
"Mamaya ka sa akin! Hahalikan kita magdamag!"
Natawa na lang ako dahil sa sinabi niya. Sino ba ako para tumanggi sa halik diba?
Nagdrive thru muna kami saglit nang makaramdam kami ng gutom. Hindi ko alam dito kung saan niya ako dadalhin. Hindi na lang ako nagtanong ulit kasi alam kong hindi niya ako sasagutin. Kumain na ako ng burger ko at sinusubuan ko naman siya para maka-kain din siya. Nakakahita sa kaniya.
Nag-usap kami para rin hindi siya ma-bored baka antukin siya sa pagmamaneho. Mahirap na baka maulit-ulit iyong kanina. Pinatugtog din namin iyong 'Falling for you by The 1975' kaya masaya ang byahe naming dalawa.
"Nandito na tayo."
Napakunot ang noo ko nang tingnan ko iyong lugar kung saan niya ako dinala. Nagtanggal na siya ng seatbelt at lumabas na siya ng sasakyan. Umikot siya sa akin para pagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan naman niya ako na akala mo may sakit ako. Sinara na niya iyon at hinawakan niya ang kamay ko.
Tumingin ako sa kaniya habang nakakunot ang noo ko, "Anong ginagawa natin dito sa Balesin Island?" Nagtatakang tanong ko rito pero nginitian niya lang ako at hinila.
Bakit niya ako dinala rito? Totoo bang kina Green ito? Hinihila niya lang ako habang may halong pagtataka pa rin sa mukha ko. Pinagmamasdan ko lang ‘yong paligid at sinusuri kung may nagbago ba rito. Walang nagbago bukod sa si Edvin lang ang kasama ko rito. Sa panaginip namin, anim kaming pumunta rito pero ngayon... isa lang ang kasama ko at si Edvin ‘yon.
Nakatingin lang ako sa dagat nang may yumakap sa likod ko at nilagay niya ang baba niya sa balikat ko, "Kwento ni Green na pangit daw ang alaala mo rito sa panaginip niyong dalawa. Hindi nga pala totoong kina Green itong Balesin Island," Natatawang kwento niya, natawa na lang din ako. "Panaginip lang naman iyon kaya okay lang." Dugtong nito.
"Bakit mo ako dinala rito?" Nakatingin ako sa kaniya habang nakalagay pa rin iyong baba niya sa balikat ko. "Bakit dito mo ako dinala? Alam mong pangit pala alaala ko rito... Sana sa iba mo na lang ako dinala pero hindi... Bakit?"
Umalis na siya sa balikat ko, pumunta siya sa gilid ko at hinarap ako sa kaniya. Hinawakan niya ako sa bewang ko habang seryosong nakatingin sa akin. "Gusto kong palitan iyon ng magandang alaala. Yung pangit mong alaala rito sa panaginip mo... Papalitan ko ngayon ng magandang alaala para sa tuwing pupunta tayo rito, hindi ka na malulungkot. Hindi mo na maalala ‘yong nasa panaginip mo."
Nakatingin lang ako sa kaniya habang sinasabi niya ‘yon. Nag-effort pa siya para lang hindi ko maalala iyong nasa panaginip ko. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Gusto kong ako ang maalala mo rito sa lugar na ‘to," Malambing niyang sabi at hinalikan ako sa noo.
Bakit ako kinikilig?! Hala! Grabe na naman ang kabog ng dibdib ko! Kailangan ko na atang magpa-check up. Hindi na tama ‘yong pagkabog ng dibdib ko!
"Sabi ko sayo kanina, mahal kita. Gusto kong ipakita at iparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Handa akong magsakripisyo para lang sayo. Kahit ano, gagawin ko."
Pinangsikitan ko siya ng mata, "Kahit ano?" Tumango naman siya. "Bibigyan kita ng 10 million, layuan mo lang ako," Pangloloko ko sa kaniya.
"Wala kang ganoon kaya hindi mo ako maloloko," Natawa kaming pareho sa sinabi niya.
"Epal! Hindi makisakay!" Sinabunutan ko buhok niya kaya mas lalo siyang natawa.
"Ako na lang sakyan mo. Pabor pa sa akin ‘yon!" Natatawa niyang sabi pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
Sakyan ko siya? Sure, why not?!
Lumapit ako sa kaniya, humawak ako sa bewang niya at nakangiti na nakatingin sa kaniya. Ganoon din ang ginawa niya kaya para kaming tanga na nakangiti sa isa't isa pero wala kaming pakialam. Wala naman masyadong tao sa paligid namin kaya okay lang. Pinagmamasdan ko lang siya at ganoon din ang ginawa niya.
Sinong mag-aakala na siya pala talaga ‘yong type ko? Akala ko si Green talaga yung type ko at siya talaga iyong makakatuluyan ko pero mali pala ‘yong nasa panaginip namin. Si Edvin pala talaga ‘yong type ko. Siya pala talaga gusto ko. Mahal ko...
Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at mabilis siyang hinalikan. Nagulat naman siya sa ginawa ko. "Mahal kita. Mahal kita, Edvin," Mas lalo siyang nagulat sa pag-amin ko sa kaniya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (89)

  • avatar
    Princess Aretaño Torecillo

    stories are so nice

    27/07

      0
  • avatar
    Alfonso Jr.Marlon

    so beautiful

    08/07

      0
  • avatar
    Eva Abad

    sola

    19/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด