logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Loving Cullen

Loving Cullen

marya_makata


Simula

SIMULA
Ang buhay ay isang napakalaking shit na minsan, parang gusto ko na lang maging damo kesa tao.
I turned the alarm clock off and checked the time. Nine thirty. Kanina pa ito paulit-ulit na tumutunog gayong hindi ko matandaan na bumili ako nang kulay pink na orasan.
Madami akong nainom sa nagdaang gabi kaya ramdam na ramdam ko ang pagkirot nang sentido ko kasabay nang padarag na pagbangon ko sa kama.
My head is screaming shits because it aches terribly bad.
I gently massaged my temple and straightly go to the bathroom. Kailangan kong gumawa nang mas catchy na story line o gawing mas exciting ang nobela ko bago matapos ang bakasyon na ibinigay sa akin ni Chicky.
My gosh! I'm so dumb. Siguradong ikakahiya ko ang sarili ko pagkatapos nito. Writer's block isn't my thing. Kaya ako tinawag na 'queen of dreams' dahil natural na lumalabas sa utak ang mga salita kapag nagsusulat na ako. Ngayon? Nevermind ayoko nang malaman dahil wala talaga ako sa sarili netong mga nakaraang buwan.
I remember writing my manuscript while drunk and doing many more crazy stunts to escape from heartache.
Napamulagat ako nang imbis na maliit na banyo, bumungad sakin ang isang malaking silid na kompleto sa mga kagamitan, may bathtub at shower pa.
Lumakad ako paatras at napahawak sa dibdib ko nang makumpirmang wala ako sa kwarto ko. Hindi rin ito ang guestroom sa condo ni Kath.
Kumpara sa dapat ay puting dingding nang kwartong inuukupa ko, ang silid na ito ay nag uumapaw sa kulay pink na halos ikasakit nang mata ko. I hate pink.
Kinapa ko ang damit na suot ko kagabi at napanganga nang makitang silk nightgown iyon na lagpas tuhod ang haba.
"Where the hell am I?" gulantang kong bulalas nang pumasok sa sistema kong hindi ito ang itsura nang alin man sa mga silid na pamilyar sa akin.
My heart is pounding loud and fast like crazy.
Malalaki ang hakbang ko patungo sa isang dingding na natatabingan nang kulay rosas na kurtina at halos mapamura dahil masakit sa mata ang sinag ng araw mula sa labas. Nang makapag adjust ay wala akong ibang matanaw kung hindi mga building sa pamamagitan ng floor to cieling glass window. At umaga na dahil kalat na kalat na ang liwanag sa paligid.
Nasa Manila pa naman siguro ako.
Wala akong pera kaya siguro naman walang kikidnap sakin dahil bukod sa wala akong mayamang magulang, sobrang wasak din ako gaya ng bank account ko.
Sinuot ko ang tsinelas na nakita ko malapit sa paanan ng kama kahit halos isuka ko na ang itsura kong bagong gising kasama ang silid na nag uumapaw sa mga pink na kagamitan.
Dahan-dahan ang ginawa kong pagbubukas ng pintuan pati na rin ang paghakbang palabas sa takot na baka nakidnap pala ako o ano. Iniwasan kong gumawa ng ingay para na rin sa kaligtasan ko ng sa ganon ay hindi ako agaw pansin. O baka nga agaw pansin na ako dahil sa suot kong damit at sabog na buhok na mas pinagmukha akong ghost in pink.
Halos nanginginig ang tuhod sa bawat tapak na ginagawa ko sa sahig na gawa sa marmol dahil sa kaba at pagpasok ng kung ano-anong karumal-dumal na pangyayari sa utak ko. Like those canibalistic scenes in the movies or the rape cases I've read.
Napatigil ako sa akmang pagbaba sa hagdan nang bumungad sa akin ang engradeng staircase na nababalot ng ginto at marmol na sahig. Mataas ang kisame na kinasasabitan ng crystal chandelier. Napapalamutian ito ng magandang abstract mural na dahilan kung bakit hindi ako agad nakagalaw sa kinatatayuan ko. It created an illusion above as if you're in the middle of something unknown yet breathtakingly beautiful.
Suminghap ako para maghabol ng hininga. I can't wait even breath properly because of excitement, anxiety and amazement. Is this some kind of a palace like the one in the movies?
Humakbang ako nang dahan-dahan sa marmol na hagdan at dinama ang purong ginto nitong hawakan na napalilibutan ng mga dyamanteng tila sinadya para dito.
Sa bawat hakbang ko pababa ay mas lalo ko lamang narerealize na ang bawat sulok ng bahay na ito ay nagsusumigaw ng engrandeng yaman. Ang malalaking pundasyon na inukitan pa nang mga anghel at bulaklak ay parang sapat na para isiping bumalik ako sa nakaraan.
Nasan ka Eishen Veronica? Ano itong pinasok mo? Baka nag aalala na si Kath sayo!
Napatigil ako tatlong hakbang bago marating ang dulo ng hagdan dahil sumalubong na sa akin ang pamilyar na matandang babaeng makasuot nang isang navy blue and white victorian maid dress bitbit ang isang nakatuping puting abaniko.
Kunot noo ko syang tiningnan at inalala kung saan ko sya nakita pero kahit anong pagbabaliktad ng memorya ang gawin ko, hindi ko sya maalala.
"Senyorita Veronica gising na po pala kayo" puna niya na tila hindi na nagulat sa presensya ko.
Veronica? No one calls me by that name except for my mom.
Sino sya at bakit nya ako tinatawag na senyorita? Siguradong hindi ako ampon dahil kamukha ko ang mama ko pati ang mga ninuno nya.
Gaano nga ba kaposible ang pangarap ko nung highschool na sana ay anak ako nang isang mayamang mafia boss na may limang mansyon at nagma may-ari ng malaking korporasyon sa states? Napakaimposible! With capslock and bold letters.
"Masakit po ba ang ulo ninyo? Ipapadala ko na lamang ang tsaa sa inyong silid Senyorita. Linggo po ngayon kaya maari kayong magpahinga buong araw."
Napakurap-kurap ako at hindi na naalala ang iniindang sakit ng ulo dahil masyado akong nawindang sa mga nangyayari.
Bumaba ako ng hagdan para maging magkapantay kaming dalawa ngunit humakbang sya ng dalawang atras palayo sa akin na tila bawal kaming magdikit.
"Sino ka? Nasan ako? Kidnap ba to? Kaninong bahay to? Bakit senyorita ang tawag mo sakin? Hindi ako mayaman at... At... Oh my gosh nababaliw na ba ako? Epekto ba to ng alak?"
Nalilito na ako sa dami ng mga tanong na naiisip hindi ko na alam kung alin ang unang ipoproseso ko.
Hinawakan ko ang pumipintig na sentido at umiling-iling.
"Illusyon lang to sigurado ako"
Tumalikod ako sa kanya at kinurot-kurot ang sarili sa pag-asang magigising ako pero sakit lang ng braso ang naramdaman ko Ngunit ang babae ay nandon pa rin ng humarap ako.
"May imaginary friend ako dati pero hindi ko naman ginusto na mabaliw ng ganito."
Bulong ako ng bulong hanggang sa putulin nya iyon ng isang nakakapanindig balahibong ngisi.
"M-Manang... Hindi po ako mayaman. K-Kung may gagawin po kayong masama sakin, please naman maawa na kayo I don't wanna die virgin!" pakiusap ko.
Luluhod na sana ako sa harapan nya nang bigla syang tumawa ng malakas.
Maang akong napatingin sa kanya dahil kulang na lang ay gumulong sya sa sahig dahil sa labis na katuwaan.
Anong nakakatawa? Buwisit na matanda to. Kanina nakakatakot, ngayon nakakairita. Tawanan ba naman ang death wish ko duh I don't wanna die virgin talaga.
"Veronica, sa tanang buhay ko— Oh well hindi pala ako buhay. Oo nga pala. Sa hinaba-haba ng panahon, ngayon lang ako tumawa ng ganito" aniya na bakas ang pinipigil na tawa.
I snorted.
"Bakit ako nandito? Paano ako makakauwi? Manila pa ba to?" sunod-sunod kong tanong.
"Ang sagot sa tanong mo ay nandito"
Ngumisi sya at ipinitik ang kamay. Sa isang iglap, lumitaw sa palad nya ang isang kulay itim na bagay.
Iniabot nya yun sa akin at nanliit ang mga mata ko. Flash drive?
"Kailangan ko nang umalis. Mag iingat ka dito Veronica"
"T-Teka manang ako lang mag isa dito? Asan ba ako? Paano ako makakauwi? Pwede ba akong mag bus o kaya taxi?" nalilito kong tanong habang hindi makapag formute nang maayos na sentences dala ng kalituhan.
Luminga-linga ako ngunit walang makitang ni isang tao maliban sa aming dalawa.
"Hindi ka mag iisa, babantayan kita pero hindi mo ako makikita"
"J-Joke ba to? Prank? Manang ayoko ng ganyan ah... Kanina ka pa weird"
Napakurap-kurap ako.
"Manang teka makakabalik ba ko samin?"
"Your heart will know when it is time to go," she said with a mysterious glint on her eyes.
What the hell? Kelangan kong malaman kung sino sya at nasaan ako!
"Manang anong pangalan mo?"
Hindi nya ako sinagot, tumalikod na sya at humakbang palayo. Sinubukan ko syang sundan pero ilang hakbang pa lang ay naglaho na sya sa paningin ko.
Nahihintakutang luminga linga ako sa paligid.
Is this place magical? Manang snapped a finger and a flash drive appeared then she went invisible or maybe teleported in another dimension as she walks away.
Am I crazy?
Kinapa-kapa ko pa ang aking noo para malaman kung may lagnat ba ako o ano pero lahat normal maliban na lang sa utak kong lumipad na yata kasama ng hangin.
"Manang? Hello? Manang asan ka? May tao ba dito? Uuwi na po ako!"
Sigaw ako ng sigaw hanggang sa makarating malapit sa pintuan.
Napaatras ako ng bumukas iyon ng tuluyan kahit hindi ko pa hinahawakan at napamulagat ng bumungad sa akin ang dalawang lalaki na tila gwardya, parehong matikas at walang kakurap-kurap na nababantay malapit sa pinto.
Mas lalo akong napatanga ng mapansin ang mga nakapila na tila naghahanda sa masusing inspeksyon. Walo sa kanila kung tama ang bilang ko ang naka uniporme ng kagaya ng kay manang kanina at apat na naka black suit at puting inner polo.
Nagpanic ako agad at dumapo ang tingin sa flash drive na hindi ko alam kung paano napunta sa kamay ko.
What on earth are they doing here? Ako, bakit ako nandito? Nasaan ang mga gamit ko kagabi? Ang kotse ko? Ang wallet ko?
Sa pagbahang muli ng katanungan sa utak ko, nakita ko ang sarili kong tumatakbo pabalik sa silid na pinanggalingan ko.
Inilock ko ang pinto pagkatapos ay ang mga bintana at naglakad back and forth malapit sa kama hindi ininda ang pagod sa pagtakbo kanina.
Napatitig ako sa flash drive na hawak ko at agad naghanap ng laptop o kahit anong compatible para makita ko ang laman neto.
Good thing, walang password ang personal computer na nasa isang mesa katapat nang isang puting gaming chair kaya agad ko yung nabuksan.
I manipulated the gadget easily like I'm so familiar with it.
Panay ang punas ko ng pawis dahil mabagal bago nadetect ang flashdrive.
Ang kasagutan sa mga tanong ko?
Iisang folder lang na may pangalang Veronica ang laman at isang document na walang pangalan. I opened it and my forehead immediately crested.
Bumungad sa akin ang synopsis nang ginawa kong nobela na halos itapon nang editor ko. Anong mayroon dito?
Sinuri ko ito at tiningnang mabuti pero wala akong napansing kakaiba. Ito pa rin ang dokomentong iniwan ko noon.
Paano masasagot nang isang patapong nobela ang tanong ko?
Iniwan ko iyon at humiga sa kama.
Nakatitig lang ako sa kisame habang iniisip ang lahat.
Ano bang nangyari bago ito? Naglasing ako tapos ano? Hindi ko alam.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (38)

  • avatar
    Rayzel Dical

    bet ko un mga gantong genre, coz of manhwa .. more story author , godbless ❤🥰

    11/08/2022

      0
  • avatar
    kyutie_naya

    The title caught my attention that's why I decided to read it and lol bro I was like happy at first then go crying the next few hours. This.Is.Crazy. I mean... Great job author, you tricked my emotions so well. Happy new year 😚😚😚

    01/01/2022

      0
  • avatar
    MorpeKate Nicole

    masterpiece

    17/07/2025

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด