logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 4 III: Hindi nag-iisa

ANPIMA (Ang pinakamalakas ay mananatili) - ay isang patimpalak na naganap noong ika-19 na siglo, kung saan may mga kalahok na mayroong iba't ibang kapangyarihan ang maglalaban upang mapasama sa limang malalakas na tauhan ng kaharian ng Prostatévo.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
Dumaan ang ilang araw ngunit hindi pa rin natutuloy ang nasabing paglusob. Nagdaan na din ang ilang araw na tuluyan nang mag-isa si Luna, hindi na siya nasisiyahan sa nangyayari sa buhay niya, hindi na niya kayang intindihin pa ang mga paliwanag ng kaniyang ama kung bakit siya naririto sa silid at nag-iisa.
Para na siyang masisiraan ng ulo kaiisip kung nasaan na ang mga taong dati ay nasa tabi niya. Napapaisip siya kung bakit lagi siyang naiiwang mag-isa? Ano bang kasalanan niya? May kwento pa bang hindi naikikwento sa kaniya? May mga hindi pa ba siya nalalaman?
At tulad nang nakasanayan niya, nandito siya sa kaniyang silid. Nakadungaw sa bintana habang gumuguhit ng mga bagay na pumapasok sa isip niya. Daig pa ang lumpong wala ng pag-asang makalakad pa at wala ng pag-asang maramdaman pa ang pagtapak sa lupa. Dahil malamig na semento, silid na sagrado, at bintanang nagsisilbing pinto para makita niya ang kagandahan ng mundo lang ang nakikita niya. Nagsasawa na siya.
"Mahal na prinsesa." Hindi niya nilingon ang nagsalita, alam niyang si Edmondo 'yon kaya hindi na siya nag-abala pa. Pinakinggan niya na lang ang nilapag nito sa mesa niya.
"Kumain po kayo ng marami, ako po ay liliban na."
"Sandali-" Hindi na niya napigilan ang sarili. Tuluyan na siyang napahagulgol. Ang papel na pinagguguhitan niya ay basang-basa na dahil sa luha niya.
"Prinsesa? Anong problema?" nag-aalalang tanong ni Edmondo. Nilingon siya ni Luna at nagulat siya dahil tumakbo ito papunta sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit. Walang siyang nagawa kung hindi hayaan ang Prinsesa na umiiyak sa balikat niya.
"Ano bang problema, Prinsesa?"
"Pakiusap, hindi ko na kaya pang magtagal dito sa loob. Sabik na sabik na akong makita ng malapitan ang dati ay dito ko lamang nakikita. Sabik na sabik na akong makasama nang matagal ang aking Ama at sabik na sabik na din akong makita ang inyong anak na si Arayan," umiiyak niyang sagot.
"Ngunit Prinsesa-"
"Pakiusap, nagmamakaawa ako! Hayaan mo akong makalabas kahit saglit lang, kahit konting oras lang!" pagmamakaawa ni Luna.
"Prinsesa..."
"Edmondo!" padabog na tawag ni Luna habang nakayakap pa rin dito.
"...maghanda na po kayong lumabas."
Nanlaki ang mata ni Luna dahil sa sinabi nito, binitawan niya ito upang tignan sa mga mata.
"Sigurado po kayo?" nag-aalangan na tanong ni Luna.
"Ayaw niyo po ba?" tanong nito.
Napangiti ng malaki ang Prinsesa. "Maraming salamat! Ako ay magbibihis na!"
"Maghihintay po ako sa labas at huwag niyo pong kakalimutang maglagay ng tela sa mukha." Paalala nito bago lumabas ng silid. Agad na nagpalit si Luna ng damit, nag-suot siya ng puting bestida at naglagay ng mamahaling tela sa pagitan ng ilong at ng kaniyang bibig.
Mabilis siyang lumabas at naabutan niya doon si Edmondo na naghihintay. "Saan niyo po gustong pumunta?" tanong nito habang naglalakad sila sa kahabaan ng pasilyo.
"Gusto ko sanang pumunta kay ama ngunit baka magalit ito kapag nakita niya akong nakalabas," sagot ni Luna.
"Kaya po kita inilabas dahil wala ang Hari, wala ang iyong Ama," sagot ni Edmondo.
Nanlaki ang mata ni Luna habang nakatingin sa malapad na likod ni Edmondo, nakasunod siya kasi dito at sadyang napakakisig nitong tingnan kahit nakatalikod.
"Kung gano'n, nasaan siya?"
"Marami siyang pinagkakaabalahan ngayon, masyado niyang pinaghahandaan ang nasabing paglusob-"
"Paglusob?"
Natigilan si Edmondo dahil sa sinabi ng Prinsesa, napaisip tuloy siya kung bakit niya nasabi ang bagay na 'yon.
"Wala po iyon Prinsesa."
"Ngunit-"
"Nandito na tayo," sagot ni Edmondo. Huminto sila sa harap ng pintuan sa likod ng kaharian. Sa labas nito ay may malawak na lupain na kadalasan pinipiling lugar para pag-ensayuhan ng mga kawal. Namangha ang prinsesa sa ganda ng tanawin, may gubat sa malayo at malapit na niyang maapakan ang mga damo tulad ng nais niya.
Tinanggal niya ang sapin sa kanyang paa at tumapak sa maliliit na damo, nakaramdam siya ng kiliti kaya naman sobrang gumaan ang pakiramdam niya.
"Ayon po ang aking anak," sabi ni Edmondo sabay turo sa isang makisig na lalaki na nag-eensayong pumana , lahat ng tama ng palaso ay nasa gitna, hindi ito pumapalya kahit na malayo ang pinapatamaan. Lalong naging matingkad ang kulay dilaw nitong buhok, ang kulay asul niyang mata ay napakaganda at punong-puno siya ng baluti sa makisig niyang katawan.
Napangiti ng wala sa oras si Luna habang sinusuot muli ang sapin niya sa paa, mas lalong gumaan ang pakiramdam niya at naluluha siya sa hindi alam na kadahilanan.
"Puntahan natin siya."
Tumango si Luna at sumunod kay Edmondo.
"Arayan, may gustong makakita sa'yo. Siguradong gustong-gusto mo na din siyang masilayan," sabi ni Edmondo sa anak niyang abala sa ginagawa.
Hindi man lang ito nilingon ni Arayan. "Sino po?" tanong niya. Tumira ulit siya ng isa bago tuluyang ibaling ang tingin sa ama. Ngunit una niyang nakita si Luna kaya kumunot ang noo niya at tinignan ang ama na nasa tabi nito.
"Bakit niyo po siya hinayaang makalabas? Baka may makakita sa kaniya," sabi ni Arayan.
"Maiwan ko muna kayo," sagot ni Edmondo na hindi pinansin ang sinabi ng anak. Lumakad na siya palayo at iniwan ang dalawa na nakatayo.
"Kumusta?" nakangiting tanong ni Luna. Tumingin sa kaniya si Arayan at saka yumuko.
"Anong kailangan niyo sa akin prinsesa?" tanong nito dahilan para mapawi ang ngiti ni Luna.
"I-Ikaw," malungkot na sagot ng Prinsesa. Pinilit niyang ngumiti, ngunit hindi niya magawa. Siguro ay dahil nakikita niyang iba na ang tingin ni Arayan sa kaniya at hindi na ito tulad ng dati. Tatanggalin niya sana ang takip sa kaniyang mukha, ngunit pinigilan siya ni Arayan.
"Paumanhin, ngunit kailangan mo nang bumalik sa iyong silid. Siguradong magagalit ang Hari kapag nalaman niyang lumabas ka. Ihahatid na kita, Prinsesa," sabi ni Arayan.
Ngunit mistulang naging estatwa si Luna na nakatitig kay Arayan. Wala siyang masabi, hindi niya alam ang magiging reaksyon.
"Arayan," tawag ng isang boses babae. Ilang minuto ang lumipas bago 'yon nilingon ni Luna.
Isang magandang babaeng nakatali ang puting buhok ang bumungad sa kanila, may dala itong armas na pana. Naguguluhan pang tumingin ang babae kay Luna, ngunit agad ding niluhod ang isang tuhod nito para magbigay galang.
"Prinsesa, patawad kung hindi ko kayo agad nakilala. Patawad kung naistorbo ko ang pag-uusap niyo," paghingi ng paumanhin ng babae.
"Maaari ka nang tumayo," utos ni Luna, sinunod naman ito ng babae. Ngayon lang siya ulit nakakita ng ibang nilalang bukod sa mag-ama, ngunit imbes na masiyahan ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon.
"Ako po si Maia, tapat po akong naglilingkod sa inyo. Anak po ako ni Cerberus, ang heneral," pagpapakilala ni Maia.
Nginitian siya ni Luna at nakita naman iyon ni Maia sa manipis na telang nakatakip sa mukha ng Prinsesa.
"Tara na, Prinsesa. Ihahatid na kita sa iyong silid," pagprisinta ni Arayan.
Kumirot naman ang puso ni Luna nang marinig 'yon, naramdaman niyang ayaw na siyang makita ni Arayan kaya hindi na ito bumibista sa kanyang silid at napatunayan niya iyon ngayon, sa mga titig pa lang nito ay nakikita na niyang wala na itong pakialam sa kaniya.
Lumunok si Luna bago magsalita, "Ayos lamang ako, kaya kong maglakad mag-isa. Maaari na kayong umalis." Kahit masakit ay pinilit niyang maging mahinahon.
"Ngunit hindi kita maaaring iwan mag-isa," sagot ni Arayan.
"Nagawa mo na, Arayan," seryosong sabi ni Luna na nagpatahimik sa dalawang kasama niya ngayon.
"Prinsesa?"
"Iwan niyo na ako." Nagtitigan sila ng ilang minuto bago yumuko si Arayan at nagpasya na umalis sa harap niya, umalis na din si Maia pagkatapos nitong magpaalam sa Prinsesa.
Tuluyang bumuhos ang luha ni Luna. Ngayon, totoo na ngang mag-isa na lang siya. Kinuha niya ang pana at pinatamaan ang maliit na bilog na kanina pa inaasinta ni Arayan, para ibaling doon ang atensyon niya.
"Nakita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Pinipilit niyang ngumiti, ngunit walang nagagawa ang mga iyon. Sobrang lungkot niya," sabi ni Maia habang naglalakad sila ni Arayan palayo.
"Wala na akong magagawa," seryosong sagot ni Arayan na hindi maalis sa isip ang mga titig sa kaniya ni Luna.
"Siya na mismo ang lumabas para makita ka. Kqhit alam niyang malalagot siya sa Hari hindi niya 'yon inintindi, masilayan ka lamang."
"Anong gusto mong iparating?" Huminto si Arayan sa paglalakad at hinarap si Maia.
Nag-iwas naman ng tingin si Maia. "May gusto siya sa'yo Mahal mo siya, hindi ba? Bakit hindi mo siya ipaglaban?" nakanguso nitong tanong.
"Kaibigan lang ang turing niya sa akin." Nagpatuloy muli sa paglakad si Arayan.
"Ngunit kitang-kita sa mga mata niya ang pananabik sa'yo," sabi ni Maia.
Huminto muli si Arayan sa paglalakad.
"B-Bakit? May nasabi ba ako?"
"Kailangan kong bumalik," sagot ni Arayan sabay takbo pabalik sa likod ng palasyo.
"Sandali!" sigaw ni Maia, pero hindi na niya ito sinundan pa.
Pagkadating ni Arayan kung saan niya iniwan si Luna ay nakita niya itong pumapana, napansin niya ding humihikbi ito.
Naglakad siya ng dahan-dahan papunta kay Luna. Pumwesto siya sa likod nito at hinawakan ang kamay nito na nakahawak sa pana, inalalayan niya itong pumana kahit nakikita naman niyang halos lahat ng tama na pinakawalan ni Luna ay sakto at walang palya.
Nagulat si Luna at lumayo sa kaniya, pinunasan muna nito ang luha bago humarap kay Arayan. Nagawa niya pang ngumiti dito. "Bakit ka bumalik?" tanong niya.
Binaba ni Arayan ang pana at kinuha ang naiwan niyang armas. "Naiwan ko 'to," sagot niya.
Tumingin doon si Luna at tumango. "Kung gano'n, aalis na ako. Paalam." Ngumiti ulit siya at naglakad na palayo.
"Prinsesa, ihahatid na kita."
Napahinto sa paglalakad si Luna at nilingon si Arayan.
"Huwag ka mag-alala, kaya kong mag-isa at makakasigurado kang hindi na ako lalabas." Malungkot na ngiti ang iniwan ng Prinsesa bago tuluyang talikuran si Arayan.

Naglalakad si Luna sa pasilyo ng kaharian, hindi niya maiwasan ang muling maluha. Napahawak siya sa dibdib dahil sa sakit na nararamdaman.
"Oh-"
Biglang may humatak sa kaniya papunta sa isang kwarto. Napasandal siya sa pintuan habang may lalaking nagtatakip ng bibig niya.
"Sa tingin niyo sino siya?" tanong ng isang babaeng kulay itim ang mahabang buhok, pula ang pang-itaas na damit nito tulad ng kaniyang labi at kita pa ang kaniyang dibdib, ang kulay itim naman nitong leggings ay may stripe na pula sa gilid, mataas ang takong nito na kulay ginto. Ginto din ang kulay ng hawak nitong baril.
"Baka kalaban?" tanong ng isa pang babae na kulay puti ang buhok, kakaiba ang baluti nito sa katawan na nakalabas pa ang kaniyang dalawang hita, may hawak itong latigo at may kapang kulay pula. Kulay lila ang mata nito.
"Sobrang ganda niya, paano naman siya magiging kalaban?" tanong naman ng isang lalaki na may kulay abo na magulong buhok. Ang baluti niya sa katawan ay gawa sa ginto at kulay asul ang mata niya.
Tumayo naman ang isa pang babaeng dilaw ang mahabang buhok. Lumapit ito at tinulak palayo ang lalaking nakahawak kay Luna para maharap ito ng maayos.
"Hindi dahil maganda, hindi na kalaban." Pinunasan niya gamit ang daliri ang luha na nasa mata ni Luna bago tanggalin ang tela na nasa mukha nito.
"Kakaiba ang kagandahan niya! Isa ba siyang diyosa?" namamanghang tanong ng lalaking may kulay abong magulong buhok.
"Tumahimik ka nga, Sebastian!" Awat ng babaeng nagtanggal ng tela mula kay Luna.
"Sinasabi ko lang ang totoo, Hazel. Napakaganda niya talaga," sabi ni Sebastian.
Inirapan lang siya ni Hazel.
"Sabihin mo ano ang pangalan mo?" tanong ng makisig na lalaki na humila sa kaniya. Kulay kayumanggi ang hanggang balikat na buhok nito gano'n din ang maganda nitong mata at makisig nitong katawan na parang kasing tibay ng bato.
"A-Ako si Luna," kinakabahan na sagot ng Prinsesa.
"Luna?" gulat na tanong ng babaeng maikli ang puting buhok. Agad itong yumuko kaya gumaya na din ang apat pa. "Paumanhin sa nagawa naming kalapastanganan, Prinsesa!" paghingi ng tawad nito.
"Kung gano'n, ikaw ang prinsesa?" tanong ng lalaking humila sa kaniya papunta dito. Hinawakan nito ang buhok niya ngunit agad iyong hinampas ni Sebastian.
"Huwag mo siyang hawakan!" reklamo ni Sebastian. Tumingin siya sa Prinsesa at nginitian ito. "Ako si Sebastian, ang pinakamagandang nilalang sa balat ng lupa," pagpapakilala nito. Mukha siyang anghel, ngunit matinik na mandirigma dahil sa peklat nito sa kaliwang mata.
"Ako si Cassius, Mahal kong Prinsesa," pagpapakilala naman ng lalaking kulay kayumanggi ang buhok, sabay halik sa kamay ni Luna.
"Ako si Lucy! Ang pinakabata at pinakamaganda!" Malaki ang ngiti ng babaeng maikli ang puting buhok. Nakipagkamayan pa ito sa Prinsesa.
"Pwede ba natin siya hawakan?" tanong ni Sebastian.
"Ginaya ko lang si Cassius," nakangiting sagot ni Lucy.
"Hindi ako kasali kapag pinugutan kayo ng ulo ha," sabi ni Sebastian.
"Ako naman si Hazel at ito si Lydia." Pagpapakilala ng babaeng may mataray na mukha at may dilaw na buhok. Pinakilala rin nito si Lydia na kulay itim na mahabang buhok. Lahat sila ay magagandang babae't lalaki, magaganda pa ang hubog ng mga katawan.
"Masaya akong makilala kayo." Ngumiti si Luna sa kanila.
"At gano'n din kami Mahal na Prinsesa, hindi namin inaasahan na napakaganda mo! Ang sabi kasi ni Hazel, baka daw pangit ka kaya ka tinatago-" Natigil sa pagsasalita si Lucy nang takpan ni Hazel ang madaldal niyang bibig.
"Kami nga pala ay naglilingkod sa iyong Ama, sa Hari. At pinapangako naming ikaw ay paglilingkuran din namin ng tapat," pag-iiba ni Hazel ng usapan.
"Kami ang limang malalakas na tauhan ng kaharian, madami kaming sumubok para mapasama sa taga-protekta ng Prostatévo ngunit kaming lima ang nagtagumpay," kwento ni Sebastian. Tumango naman si Luna na nakikinig lang habang pa-ikot silang nakaupo sa malawak at malaking silid.
"Tinatawag na ANPIMA ang kompetisyon na 'yon," sabi pa ni Lucy, nagpatuloy ang pagbibigay nila ng kaalaman tungkol sa palasyo sa Prinsesa kahit na nagbabasa naman ito ng mga libro tungkol sa kanilang palasyo.
Nakaramdam si Luna ng gaan sa pakiramdam, pakiramdam niya ay ligtas siya sa mga bagong nakilala. Unang araw pa lang ay tinuturing niya na itong mga kaibigan. Hindi na ulit siya nag-iisa dahil ang totoo ay may mga taong naghihintay sa kaniya para makilala siya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    CristinaKetlhen

    Não é ruim

    07/01

      0
  • avatar
    Erinea Heshan

    Ang ganda ng story ang sakit lang talaga nung part ni Luna.

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ian Anglo Gualva

    wow

    31/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด