logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

บทที่ 2 I: Tore ng palasyo

Prostatévo - Kaharian kung saan nagmula ang alamat ng buwan. Makikita ito sa silangang bahagi ng Magia.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
Lahat ng nilalang sa kaharian ng Prostatévo at ang mga mamamayan nasasakupan nito ay nagsasaya bilang pagdiriwang sa kaarawan ng prinsesa. Walong taong gulang na ito ngayon at dalawang taon na itong pinoprotektahan ng palasyo sa napakataas na tore, kung saan walang makakita o makakaabot man sa kaniya.
Nakahiga ang prinsesa sa kaniyang braso habang pinagmamasdan ang tanawin sa ibaba, hindi masyadong kita ngunit halatang nagsasaya ang lahat.
Bumukas ang pintuan ng tinuturing na niyang silid, nilingon niya ito at nakita niya ang kaibigan niya palang si Arayan ang pumasok. May itinatago ito sa likod kaya umupo ng maayos si Luna at gumuhit ang ngiti sa mukha niya na para bang alam na niya kung ano ang hawak nito.
Yumuko si Arayan bilang pagbati. "Magandang araw Luna at maligayang kaarawan, sana ay maging masaya ka ngayon. Meron akong regalo para sayo ngunit kailangan mo munang ipikit ang iyong mga mata." Sinunod naman ni Luna ang sinabi nito at wala sa oras na napangiti.
"Pwede na ba akong dumilat?" tanong ng prinsesa, hindi maitatago sa kanyang ngiti ang pagkasabik. Pagkadilat niya ng kanyang dalawang mata ay isang purselas ang nakita niya.
"Pasensya na ngunit ito lang ang nakayanan ko. Hayaan mo galing naman 'yan sa puso ko at ako mismo ang gumawa nito." Nahihiyang ngumiti si Arayan sa kaniya.
Nilahad naman ni Luna ang kamay niya para mailagay nito ang regalo nito sa kaniya. "Kahit anong bagay naman tatanggapin ko kung ikaw ang magbibigay, alam ko naman kasi na taos sa puso mo ang pagbibigay sa akin." Ngumiti din si Luna.
Sa hindi alam na kadahilanan ay bumilis ang tibok ng puso ni Arayan, hindi niya alam kung dahil ba ito sa ilalagay niya ang purselas sa prinsesa o dahil sa nararamdaman niya para dito.
Mas matanda ng isang taon si Arayan kay Luna, bata pa lang sila pero mahal na niya ang prinsesa. 'Yon ang tinuro sa kaniya ng kanyang ama—ang mahalin at protektahan ang prinsesa, pero ano bang malay niya? Baka mabaliwala ang tinuro sa kaniya ng kanyang ama at ang pagmamahal niya para sa prinsesa ay magbago ang kahulugan balang araw.
Pinagmasdan ni Luna ang purselas na kulay abo, kagaya ng mga mata niyang kakulay din ng isang buwan sa langit, may palawit pa itong kalahati ng buwan. "Maraming salamat, isa kang mabuting kaibigan. Mahal kita," nakangiting sabi ni Luna.
Napakamot sa ulo si Arayan at ngumiti. "Mahal din kita Luna, madaming nagmamahal sa'yo pero tandaan mong mas minamahal kita kaysa sa kanila." Kahit na sobrang lakas ng tibok ng puso ay nagawa niya pang kindatan si Luna.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
Nagdaan ang ilang mga taon hanggang sa nagdiwang muli ng kaarawan ang prinsesa at labing walong taong gulang na siya. Tulad ng mga nagdaang kaarawan niya nandito lamang siya sa kwartong matagal na niyang pinagtataguan, hindi pa niya lubos maintindihan kung bakit kailangan siyang itago dito ng matagal kahit na naipaliwanag naman ito sa kaniyang ama.
Nakatingin lamang siya sa pintuan na mistulang may hinihintay na dumating, sa mga nagdaang kaarawan niya kasi ay si Arayan lamang ang matagal niyang nakakasama habang ang ama niya ay sumasaglit lang sa silid niya at nag-iiwan ng regalong pagkakaabalahan niya—tulad ng kagamitan sa pagpipinta. Nagtataka na tuloy siya kung bakit ang tagal dumating ng kanyang kaibigan.
Nagtungo na lamang siya sa maliit na bintana at pinagmasdan ang mga tao sa baba at ang malawak na bayan sa labas ng kaharian nila, mga nandiriwang sila sa kaarawan niya kahit na matagal na nilang hindi nakikita ito.
Ang prinsesa na anim lang ang edad ang nakita ng iilan noon kaya siguro ngayon ay nagtataka na sila kung ano na nga ba ang itsura ng prinsesa ngayon.
Malungkot na napaupo ang prinsesa, kanina pa niya kasi hinihintay ang kaibigan niya gano'n na rin ang kaniyang ama.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
"Hindi na pwedeng makalapit pa si Arayan sa prinsesa mahirap na at baka-"
"Ngunit mahal na hari hindi ko po kayang ipahamak si Luna," sagot ni Arayan. Sinamaan siya ng tingin ni Haring Gualtiero.
Nandito sila ngayon sa balkunahe ng silid ng hari, habang ang mga kinatawan ng kaharian ay nasa bulwagan at nagsasaya sa kaarawan ng prinsesa.
"Pagpasensyahan niyo po ang aking anak sa nagawa niyang kamalian," paghingi ng paumanhin ni Edmondo: Ama ni Arayan.
"Ama, mabuti po akong kaibigan hinding-hindi ko po kayang ipahamak si Luna- Aray!" Reklamo ni Arayan nang palihim na tinapakan ng ama niya ang kaniyang paa.
"Paumanhin po mahal na hari." Paghingi ulit nito ng tawad sabay yuko ng mas mababa.
"Bakit po ba kayo humihingi ng tawad, ama? Nagsasabi lamang po ako ng totoo. Matalik ko pong kaibigan si Luna- Ah!" reklamo ulit ni Arayan.
"Humihingi po ako ng tawad," sabi ulit ni Edmondo at yumuko pa ng mas mababa.
"Ama!"
"Tigil," suway ng hari kaya tumayo sila ng diretsong mag-ama.
"Gusto ko lamang na maprotektahan ang aking anak, naiintindihan mo naman 'yon Edmondo. Nung anim na taon pa lang si Luna muntik na siyang mapahamak noong may magtangka sa kaniyang buhay..."
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
( Tuwang-tuwa ang anim na taong gulang na si Luna habang tumatakbo kasama ni Arayan paakyat ng isang burol.
"Huli ka!" Niyakap ni Arayan si Luna sa likod kaya tumigil na sila sa pagtakbo at humiga sa damuhan. Iba't ibang hugis ng mga ulap ang nasa kalmado at nakakagaan ng loob na bughaw na kalangitan, ang bawat hibla ng damo ay gumagalaw sa simoy ng tag-araw kasabay ng buhok ni Luna, hindi mawawala ang mga huni ng ibon sa itaas, ang araw na ito ay parang may haplos ng mahika.
"Gusto ko lagi tayong ganito, Arayan." Hinawakan ni Luna si Arayan sa kamay kaya namula ito.
"Laging nakahiga sa damuhan?" inosente nitong tanong. Hinahaplos ng Prinsesa ang bawat daliri niya, kaya naman hindi niya maiwasang mamula na para bang nagsiakyatan ang lahat ng dugo niya sa kanyang ulo.
"Hindi, gusto ko lagi tayong maglaro. Ikaw at ako, tayong dalawa."
"Ah?" Napatango si Arayan habang nakanganga.
Natigilan sila sa pag-uusap nang may malaking anino silang nasilayan. Napabangon sila ng wala sa oras para lingunin ang malaking nilalang na humarang sa mainit na kalangitan, nagulat sila dahil isa itong malaking asong lobo.
"Arayan!" Agad na nagtago si Luna sa likod ni Arayan at pinrotektahan naman siya nito, ngunit tinabig ng asong lobo si Arayan at hinawakan sa damit si Luna para itaas sa ere.
"Bitawan mo siya!" sigaw ni Arayan habang pinapalo ang asong lobo sa katawan nito. Malakas na sigaw ang ginanti sa kaniya ng asong lobo, halos tangayin siya sa lakas ng hangin na nilabas nito na may kasama pang laway.
"Paki-usap, kunin mo itong matamis at pakawalan mo na ako!" Nilahad ni Luna ang kaniyang pagkain sa pagaakalang tatanggapin ito nito.
Isang babaeng may hood na itim ang dumating, sa isang pitik lang ng daliri niya ang kaninang mabangis na asong lobo ay naging maamong maliit na nilalang. Nalaglag si Luna sa damuhan kaya't agad siyang dinaluhan ni Arayan.
"Tsk. Tsk. Tsk." Ayon lamang ang tanging nasabi ng babae bago umalis. )
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
"Ngunit ang babaeng nagpaanak sa dating reyna lang din ang may pakana non dahil nga mahalaga na mabantayan natin si Luna-" Bago pa apakan ulit si Arayan ng ama niya ay umiwas na siya at pinagpatuloy ang sasabihin.
"Dahil nga maaaring kapag dumating na ang panahon na sinabi ng babae kung saan dadanak ang dugo ay mapahamak si Luna-ah ang prinsesa dahil nga maaaring dukutin siya para gamitin sa kasamaan."
Nagtaas ng kilay sa kaniya ang Hari.
"Ang gusto ko lang pong sabihin ay hindi ko naman po iyon kayang gawin, nandito po ako para protektahan siya hindi ko po hahayaang magamit siya ng iba para sa kasamaan. Hangga't nabubuhay po ako hindi ko po 'yon hahayaan," sabi pa ni Arayan.
"Hindi pa rin maaari," hindi pagsang-ayon ng Hari.
"Ano po?!" Aksidenteng nasigawan niya ang Hari kaya naman agad siyang humingi ng tawad gano'n din ang kaniyang ama.
"Hindi pa rin ako makakasiguro kung magiging tapat ka kagaya ng iyonf ama," sagot ng hari.
"Ngunit tapat po kaming lahat sa inyo, tapat po ako sa inyo lalo na po kay Luna…sa prinsesa." Ngunit hindi pa rin nito nakumbinsi ang Hari kaya sa huli hindi siya nakapunta kung saan ito tinatago, nagkulong na lamang siya sa kwarto habang ang ama niya ay nanatili sa tabi ng hari.
"Paumanhin ngunit hindi naman siguro magagawa ng aking anak na mapahamak ang mahal na prinsesa, alam kong pinoprotektahan niyo lamang ang inyong anak ngunit hindi mo ba naiisip na nagiging masaya lang ang prinsesa sa tuwing magkasama sila ng aking anak?" tanong ni Edmondo. Sila na lang dalawa ang natitira sa silid.
"Sa tuwing dumadalaw ako sa prinsesa upang dalhan ng makakain ay lagi ko siyang nadadatnan na tulala, gano'n ba ang gusto niyong mangyari sa kaniya? Hanggang kailan niyo po ba siya itatago?" dagdag pa niya.
"Itatago ko siya hanggang sa hindi na dumating ang panahon na sinasabi ng babae," sagot ng Hari. Labing dalawang taon na ang nakakaraan simula nung magpakita ulit ang babae para balaan ang hari sa pwedeng mangyari kung hahayaan nilang maglabas pasok si Luna sa kaharian lalo na't hindi lang sila ang may alam tungkol sa bilog na buwan.
Hangga't wala pa sa tamang edad ang prinsesa at wala pang alam sa pakikipaglaban lalo na sa kakayahan niya ay dapat nila itong pangalagaan.
"Ngunit sinabi ng babae na may tinatagong kakayahan ang prinsesa paano natin iyon malalaman kung itatago lang natin siya?" tanong ni Edmondo.
"Huwag mo na lamang kwestyunin ang mga pasya ko," sagot ng Hari na hindi na muling sinagot pa ni Edmondo. Hinayaan niya na lamang ito sa pasya niya.
━━━━━・ 。゚★: *.☪.* :★ ゚。・━━━━━━
Natapos ang kaarawan ni Luna ng hindi man lang bumibisita sa kaniya si Arayan. Minsan na nga lang itong payagan ng kaniyang ama na dalawin siya tapos ngayon pang kaarawan niya ito hindi pinayagan. Kahit na nagpunta ang ama niya para batiin siya ay hindi pa rin siya naging masaya dahil saglit lang ito nagpunta tapos naging mag-isa na ulit siya.
Nakatingin siya sa mga bituin at sa kahalati ng buwan na kanina ay puti ngunit ngayon ay naging pula na. Nararamdaman niyang sobrang lapit na niya sa langit, dahil sa taas niya ngayon.
"Kailan kaya ako makakababa para naman makita nang malapitan ang lupa? Hindi sa nagsasawa na ako na pagmasdan ang langit gusto ko lang talaga na maramdaman ang pakiramdam na tumatapak sa mga damo," sabi niya sa sarili niya.
"Ina, siguro naman ligtas ako kung lumabas ako, hindi ba?" tanong niya sa kanyang ina habang nakatingin sa langit. "Sabik na sabik na akong makita ka, hindi man lang kita nasilayan. Maganda ka din siguro katulad ko?"
"Sino naman ang nagsabing maganda ka?"
Napalingon agad si Luna dahil sa narinig niyang boses. Napangiti siya nang malaki nang makita si Arayan na nakasandal sa pintuan niya. Tumakbo siya papalapit dito upang ito ay yakapin, sinalubong din naman siya ni Arayan nang mahigpit na yakap.
"Akala ko hindi mo na ako bibisitahin," naluluhang sabi ni Luna. Parang sobrang tagal nilang hindi nagkita dahil sa higpit ng yakap nila sa isa't isa ngayon.
"Hindi naman ata pwede 'yon," nakangiting sabi ni Arayan.
Bumitaw si Luna sa pagkakayakap sa kaniya. "Wala ka man lang bang regalo sa akin? Kahit tapos na ang kaarawan ko?" Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata, kanina niya pa ito pinipigilan ngunit hindi niya alam kung mapipigilan niya itong tumulo ngayong nasa harapan na niya ang lalaking hinihintay niya.
Ngumiti naman si Arayan para mapagaan ang loob niya. "Paumanhin, ngunit ito lang ang mabibigay ko sa'yo ngayon," sabi nito. Tumango si Luna at saka pumikit, ganito lagi ang sitwasyon sa tuwing kaarawan niya kailangan niya munang pumikit bago makuha ang regalo niya.
Nilapit ni Arayan ang mukha niya sa prinsesa para mahalikan ito sa labi, ngunit nang malapit na siya sa patutunguhan niya ay huminto siya at pumikit.
Hindi niya dapat gawin iyon kung gusto niyang mabuhay pa ng matagal.
Hinalikan niya na lang ito sa noo dahilan para dumilat ang prinsesa.
"Para saan naman iyon?" Napalunok si Luna habang seryoso siyang pinagmamasdan ni Arayan.
"'Yon lang ang nakayanan ko. Handa naman ako kung ano ang parusang ibibigay niyo sa akin mahal na prinsesa."
Yumuko si Luna at pinaglaruan ang daliri. "Hindi naman sa hindi ko gusto ang iyong regalo, pero ayon lang ba talaga 'yon?" nahihiya niyang tanong.
"Bakit, nais mo bang dagdagan ko pa?" nakangiting tanong ni Arayan. Ngumiti din si Luna.
"Kung ayon ang iyong nais," sabi nito sabay maingat na humawak sa leeg ni Luna. Hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi at pati na din sa ilong. Ngumiti lang si Luna at mahigpit siyang niyakap.
"Hindi mo alam kung gaano ako kalungkot kanina, ang akala ko hindi mo na ako pupuntahan. Si ama, nagpunta siya ngunit umalis din agad," umiiyak na sabi ni Luna habang mahigpit niyang yakap si Arayan.
"Nandito na ako. H'wag ka na umiyak," sagot ni Arayan sabay hagod sa buhok ng prinsesa. Humiwalay sa kaniya si Luna para maharap siya nito.
"Bakit ba kasi ngayon ka lang?" inis na tanong ni Luna.
"Sa totoo lang hindi ako pinayagan ng iyong ama na puntahan ka, ngunit dahil ang makita ako ang tangi mong kasiyahan ay nilabag ko ang utos niya," sagot ni Arayan. Sinuntok siya ng mahina ni Luna dahil do'n.
"Aray!" reklamo ni Arayan nang gawin iyon ni Luna, napahawak pa siya sa kaliwang braso niya dahil sa suntok nito.
"Bakit nasaktan ba kita? Hindi naman iyon malakas hindi ba?" nag-aalalang tanong ni Luna habang hinahawakan niya ang braso ni Arayan.
"Biro lang," nakangiting sagot nito. Pinalo siya ni Luna dahil do'n, ngunit nagreklamo ulit siya na masakit pero hindi na 'yon sineryoso ng prinsesa.
"Bakit mo ba kasi nilabag ang utos ng hari? Baka kung ano ang gawin niya sa'yo," nag-aalalang tanong ni Luna.
"Gusto kitang makita, gusto mo akong makita. Sa makatuwid, kailangan nating makita ang isa't isa. Tulad ng sabi mo malungkot ka kapag wala ako at ganon rin ako kapag wala ka, kaya bakit hindi ko susuwayin ang hari edi parehas lang tayong naging malungkot hindi ba?" nakangiting tanong ni Arayan. Nakahawak pa din ito sa sariling braso.
Tumango at ngumiti si Luna. "Maraming salamat."
"Matulog ka na Luna, hating gabi na. Basta lagi mong tatandaang mahal kita maliwanag?" tanong ni Arayan sabay hawak sa pisngi ni Luna.
"Mahal din kita Arayan," sagot ni Luna. Ngumiti si Arayan dahil do'n ngunit napawi din nang magsalita ulit si Luna.
"M-Mahal na mahal kita at napakahalaga mo sa akin d-dahil matalik kitang kaibigan."
Hanggang sa paglabas ng silid ng prinsesa ay hindi niya pa rin makalimutan ang sinabi nito. Iniwan na niya ang prinsesa na mahimbing nang natutulog, hindi kasi siya umalis hangga't hindi pa malalim ang tulog nito.
( "M-Mahal na mahal kita at napakahalaga mo sa akin d-dahil matalik kitang kaibigan." )
Tuluyan na niyang iniwan ang silid upang makababa na ngunit napahinto siya sa nakita niya. Isang makisig na lalaking madilim ang mga mata habang pinagmamasdan siya.
Yumuko siya bilang paggalang.
"Sumunod ka."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (18)

  • avatar
    CristinaKetlhen

    Não é ruim

    07/01

      0
  • avatar
    Erinea Heshan

    Ang ganda ng story ang sakit lang talaga nung part ni Luna.

    22/08/2023

      0
  • avatar
    Ian Anglo Gualva

    wow

    31/07/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด