logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 13

THIRD PERSON'S POV
"That's all I want. Mahirap bang ibigay 'yon?" galit na sigaw ng lalaki kay Amy na kanina pang nanginginig sa takot dahil sa presensya niya.
Mabilis na umiling ng paulit-ulit si Amy dahil hindi siya sa sang-ayon sa plano ng lalaki. Hindi sila close ng lalaki pero bigla nalang siyang kinausap nito at pinapagawa ng bagay na hindi niya gusto.
Mariing pumikit si Amy nang sabunutan na naman siya ng lalaki. Wala siyang magawa kundi umiyak at magmakaawa sa lalaki na tigilan na siya nito.
"Hindi ko magagawa 'yang gusto mo." pautal-utal na sambit ni Amy dahil sa kanyang pag-iyak.
Suminghal ang lalaki at inis na hinatak ang buhok ni Amy upang mapatingala ito at magtama ang paningin nila, "Gusto mo bang ikaw naman ang isabit ko sa rooftop? Ang lalaking 'yon... Hindi niya nagawa ang simpleng pinapagawa ko sa kanya kaya buhay ang naging sukli. Gusto mo din ba?"
"Please... I'm begging you! Hindi mo kilala si Kalia." pagmamakaawa ni Amy.
"She's just a petty top student na ubod ng yabang. I know her!" sigaw ng lalaki sa mismong mukha ni Amy.
"No, you don't!" hindi na nakapagtimpi pa si Amy. Wala siyang ibang nagawa kundi lumaban na dahil ayaw siyang pakinggan ng lalaki. Inuntog niya ang sarili niyang ulo sa ulo ng lalaki upang mapabitaw ito sa kanya.
Kahit nanghihina, agad siyang tumayo at humakbang papatalikod para mapalayo sa lalaki. Malakas na napasigaw ang lalaki dahil sa sakit na ginawa ni Amy. Susunggaban niya sana si Amy muli pero mabilis na nakapulot ng basag na bote si Amy at itinutok ito sa kanya.
Napasinghal ang lalaki dahil sa biglaang tapang na ipinakita ni Amy. Hindi niya halos maisip na maglalakas loob itong lumaban sa kanya kahit na alam ni Amy ang pwede niyang kahantungan dahil sa paglaban nito sa kanya.
"Stop your bullshit!" galit na sigaw ni Amy dahilan para matawa ang lalaki. Mas sumama ang tingin ni Amy sa kanya dahil hindi man lang ito nakakaramdam ng takot. "Kalia will never fall with your traps. Ano bang gusto mula kay Kalia? Her life? Then make a better a plan to kill her! Don't use me or the mafia!"
Walang paga-alinlangang tinalon ni Amy ang second floor sa pamamagitan ng pagbasag sa bintana ng kwrtong kinaroroonan niya. Mabilis na tumakbo ang lalaki upang habulin sana si Amy pero hindi na niya ito nagawa ng biglang may sumulpot na mga estudyante upang tulungan si Amy mula sa pagkakahulog sa second floor na kinaroroonan niya.
Mabilis siyang umalis sa bintana upang hindi siya makita ng mga estudyante na tumulong kay Amy. Galit na pinagbabato niya ang mga bagay na mahahawakan niya at padabog na lumabas ng kwarto na para bang walang nangyari ilang minuto lang ang nakakalipas.
"Magbabayad ka, Amy!" galit na sigaw niya sa kanyang isip.
KALIA'S POV
"Amy was rushed at the St. Simon's hospital." agad akong napalingon sa kakarating lang na si Kris. Hindi niya kasama si Wally at mukhang nag-iba nga talaga ang aura niya simula ng makalabas siya.
It's been three days. Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko but as much as I can, I need to act normal na para bang wala akong nalaman. I told my friends about except sa bagay na nalaman ko when I read his mind. I need to confirm it first before telling them about it. Hindi din ako komportable sa bagay na 'yon. Hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan o isangtabi lang ang nalaman ko.
I'm not looking for another brother. Ang kambal ko nga ay hirap na akong pakisamahan, 'yung tao pa kayang pumatay sa sarili naming tatay?
But of course, I don't judge him just because of the small thing that I know. I still need a lot of things to find out.
Isa na doon eh kung bakit nakakulong ang totoo kong nanay sa HQ ng sinasabi niyang mafia when she gave birth and why mom chose us over the mafia.
I asked Wally about the threat na natatanggap ko sa pamamagitan ng mga bangkay noong nakaraan and he said, he doesn't have any idea about it. He personnaly looking for an answer also. Niwala na daw siyang balita sa mafia ever since he decided to enter the school kasi para daw sa kanya dito ang normal na buhay na gusto niya kahit papaano.
But unfortunately, we met.
Everything will be changed once the mafia find out about me.
"What happened to her?" usisa ni Aisha kahit na puno pa ang bibig.
"She fell from the second floor sa science building." Kris said.
"But why?" dagdag na tanong ni Ashton.
Kris shrugged sabay kuha sa siomai ni Aisha, "No one knows. But I think something happened eh."
Looking at Kris right now, she's more comfortable now. Hindi na din niya hinahayaan na mabully siya ng the sluttery.
The sluttery is the group of girls na binuo ni Supremo para sa mga babaeng gusto magreyna-reynahan dito sa school. They are part of our clan pero wala daw silang sinasanto. Mapa-clanmate nila or galing sa ibang clan basta nakasalubong lang nila, you know what will happen already. Palagi ko silang iniiwasan kasi I know having interaction with them is so tiring knowing the fact that they are a bunch of idiots.
I'm not sure if what is the purpose of the sluttery but I don't really like their existence. Wala silang ibang ginawa kundi manggulo.
"Baka the sluttery ang may gawa?" kunot noong sambit ni Aisha. Like me, Aisha hate those girls so much. Siya palaging nakakaaway ng mga 'yon. Ilang beses ko na siyang pinagsasabihan na tigilan na ang pagpatol but she's not listening because she's having fun. That's what she said.
"They can't do that to Amy. She's a top student. Remember?" sambit ni Kris.
"I know but you never know. At isa pa, Alexa ---" natigil si Aisha sa pagsasalita ng bigla akong tumayo. "Saan ka pupunta?"
"Matutulog." walang ganang sambit ko.
"Hindi ka pa tapos kumain." pagpapaalala naman ni Ashton.
Inilapit ko kay Aisha ang tray ko na puno ng mga paborito niya. Siya ang umorder nito para sa akin para kapag hindi ko maubos eh siya ang kakain. Nakangiting nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Sure ka?" paninigurado niya. "Kakain ko talaga 'to."
Magsisimula na sana si Aisha sa paglapang sa tray ko ng biglang hatakin ni Dustin ang tray at hinatak ako sa pulsuhan ko papaupo. "Hindi ka aalis dito hangga't hindi ka kumakain. Kalia, you didn't touch your food. At ikaw naman Aisha, tumigil ka sa pagiging patay gutom."
"I don't have appetite. May pagkain naman ako sa dorm, I'll eat when I get hungry." walang ganang sambit ko at saka hinatak ang kamay kong hawak pa din ni Dustin.
Hindi na ako nagpaawat pa sa kanya at dire-diretso na akong lumabas ng cafeteria. May three hours vacant kami since may meeting ang mga instructors namin. I have time to sleep kasi ilang araw na akong hindi nakakatulog ng maayos.
Bumabalik na naman ang insomia ko.
THIRD PERSON'S POV
Pipikit-pikit ang mata ni Kalia habang naglalakad papunta sa kanyang dorm unit dahil sa sobrang antok. Sa hindi malamang dahilan, ayaw gumana nang kanyang pincode na ilang beses na niyang paulit-ulit na sinusubukan upang mabuksan ang kanyang dorm unit.
Dahil sa inis, napaupo nalang siya sa sahig at doon makailang beses na humikab. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa dalawang tuhod at tinignan ang paligid. Nangunot ang kanyang noo ng mapansing hindi ito ang floor kung nasaan ang kanyang dorm unit.
Mabilis siyang tumayo at agad na chineck ang unit number na kanyang kanina pang sinusubukan pasukin.
"What the heck am I doing here?" kunot noong tanong niya sa sarili.
Hindi siya makapaniwala na dinala siya ng kanyang sariling mga paa sa dorm unit ng kanyang kakambal. Dahil sa sobrang antok ay hindi na niya napansin na ibang floor pala ang pinuntahan niya. Wala kasi siya sa sarili niya na sumunod lang sa nakasabay niya sa elevator nang lumabas ito dahil sa pagaakala na nasa third floor na din siya.
Aalis na sana siya upang bumaba at makatulog na sa sarili niyang dorm unit ng matigilan siya. Wala sa sariling nakatitig lang siya sa smart lock ng pinto ng kanyang kambal.
Ilang beses niyang binalak na ienter ang pincode ng kambal pero paulit-ulit din siyang umatras dahil iniisip niyang baka nasa loob ang kanyang kambal.
"Should I?" nagdadalawang isip na tanong niya sa sarili.
After four years, ngayon lang siya naligaw sa dorm unit ng kambal niya. Niminsan kasi ay hindi niya naisipan na dalawin ito sa dorm unit niya since alam naman niyang okay lang ito at kaya naman niya na ang mag-isa.
"Wala naman mawawala." naiiling na sabi niya sa sarili at hindi na siya nagpigil pa. Mabilis niyang inenter ang pincode at pumasok sa loob ng dorm unit ng kanyang kambal.
Hinubad niya ang kanyang sapatos sa tapat ng pinto habang naglilibot ng paningin sa kabuuan ng kwarto.
Hindi siya makapaniwala na hanggang sa St. Simon ay dinala ng kanyang kambal ang mga bagay na pinagkakaabalahan nito sa labas. Lumapit siya sa study table nito at doon nakita ang litrato nilang magkambal noong sila'y anim na taong gulang pa.
"Freak." bulong nito sa sarili.
Nakakaramdam siya ng inis at lungkot dahil sa nakikita sa loob ng kwarto ng kapatid. Hindi halos mawala ang kanyang tingin sa litrato nilang magkapatid na nasa side table naman nito.
Halos sampu ang litrato nilang dalawa sa loob ng kwarto pero bukod tanging ang litrato lang na nasa side table ang nakakuha ng husto ng kanyang atensyon.
Kinuha niya ito at tinitigan. Ito ang huling litrato nilang magkapatid at ang kanilang kinikilalang ina pa ang kumuha nito sa kanilang dalawa. Maganda at malaki anv kanilang ngiti na halos umabot na sa tenga habang nakaabay si Sky sa nakayakap na si Kalia sa kanya.
"How we became so cold to each other when we were unseparable before?" malamig na tanong niya habang nakatitig sa litratong hawak-hawak.
Hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng mainit na likido na nagmula sa kanyang mga mata.
All this time, she stopped herself to approach his own brother. Ito lang ang naiisip niyang paraan to keep him safe kahit na alam niyang mas magiging safe ito if she keep him by her side. Iniisip ng mga tao sa kanilang paligid na wala silang pakialam at kahit anong mangyari sa isa't-isa ay hindi nila nakikitaan ng mga tao ng anumang emosyon mula sa kambal. That's why she kept him away for her.
"I miss you!" bulong ni Kalia sa sampung taong gulang na katabi niya sa litratong kanyang kanina pang tinititigan.
She decided to lay down on her twin brother's bed habang nakayakap sa picture frame. Hindi na siya nagdalawang isip na ipikit ang kanyang mata at sinubukang matulog.
Hindi na niya inisip kung makita pa siya ng kambal niya o hindi pero para sa kanya ay mas magandang hindi na muna bumalik ang kambal niya dahil ayaw niyang makita siya ng ganito ang sitwasyon.
Para kay Kalia, sobrang sakit na ipagtulakan ang kanyang sariling kakambal. Hindi man niya sigurado kung parehas sila ng nararamdaman ni Sky ay wala na siyang pakialam doon.
Lalo na ngayong malapit na niya makaharap ang mga pumatay sa kanilang kinikilalang ina, mas mabuting lumayo na muna siya dito.
After three hours, nagsimula na ulit ang kanilang klase pero hindi nagawang makapasok ni Kalia dahil sa mahimbing na pagkakatulong sa kwarto ni Sky.
Paulit-ulit na lumilingon si Sky sa table ng kanyang kakambal pero hindi na ito dumating pa upang humabol sa klase.
"Kung may super power lang ako, napateleport ko na si Kalia dito kanina pa." pang-aasar ni Ashton dahil kanina niya pa napapansin ang paglingon ni Sky sa kanilang table.
Umiwas lang ito ng tingin at tumuon na ng pansin sa instructor nilang nagsisimula ng magturo. Hinanap pa nito si Kalia dahil sa unang pagkakataon, hindi ito umattend ng klase.
Ayaw na ayaw ni Kalia na umaabsent sa klase o kahit nale-late pero dahil sa sobrang antok at mahimbing na pagkakatulog ay hindi niya nagawang pumasok sa klase na pinagtataka ng lahat.
Kahit palaging nagpapanggap na tulog si Kalia sa klase upang hindi makuha ang atensyon ng lahat, mas gusto niyang ganoon nalang ang gawin dahil hindi niya talaga ugaling magsubsob sa pag-aaral. Sadyang may angkin talaga siyang talino na hindi na kailangan magsunog ng kilay upang makakuha ng matataas na marka.
"Where's Kalia?" tanong ni Uno kay Ashton nang maagang matapos ang kanilang klase.
"Hanapan ba ako ng nawawalang tao?" kunot noong tanong nito.
"I saw you in cafeteria with her. Bakit hindi mo alam kung nasaan siya?" kunot noo ding tanong nito.
"Ano naman sayo kung nasaan si Kalia?" inis na tanong ni Ashton at saka umalis na ng classroom ng hindi hinintay ang sagot ni Uno.
Sa totoo lang, nag-aalala din siya kay Kalia dahil nagpaalam lang ito na matutulog lang siya pero hindi na siya nakapasok. Iniisip na lang niya na nasobrahan ito sa pagtulog pero ang pinagtataka niya ay sinabi ni Asiha na madalas nahihirapan si Kalia matulog kaya hindi niya maiwasan na hindi mag-alala. Agad siyang nagtungo sa green field upang tignan si Kalia sa usual spot nito pero wala si Kalia doon.
Nagtungo siya sa star building at diretsong nagtungo sa dorm unit ni Kalia. Kakalipat lang niya sa star building dahil nakapasa siya sa exam upang makakuha ng top student badge. Ginawa niya ito upang mas mapalapit kay Kalia at malaman niya ang bawat galaw ng dalaga.
Dahil mailap si Kalia sa mga tao, mas pinili niyang lumipat sa star building para magkaroon ng access dito at malaman kung sinu-sino ba ang mga top student dahil hindi alam sa kanilang eskwelahan ang mga pangalan ng top students bukod tanging si Kalia at iilang mga kilalang top students lang alam ng lahat pero bukod pa doon ay wala na.
Ilang beses siyang doorbell sa kwarto ni Kalia pero hindi ito lumalabas. Naisip niya na kung wala ito sa green field, marahil nga ay napahimbing ang tulog nito sa kanyang dorm unit.
Sa kabilang banda naman, tahimik na tinahak ni Sky ang kanyang dorm unit. Nakita niya si Ashton na papasok ng star building at kahit nagtataka ay hindi na niya ito pinansin pa. Alam niyang hindi nabibilang si Ashton sa top students list kaya nagtataka siya
Bago pumunta sa dorm unit niya, dumiretso muna siya sa unit ng kambal. Plano niyang magdoorbell sana pero hindi na niya ito ginawa pa. Dumaan lang siya at muling sumakay ng elevator upang magpunta sa dorm unit niya.
Nang makapasok sa sariling unit, laking gulat niya ng may pamilyar na sapatos ang bumungad sa kanya. Agad siyang lumapit sa kama at tinignan ang nakaumbok na kumot upang masigurado kung tama nga ba ang hinala niya.
"Kalia..." bulong nito upang hindi magising ang kapatid.
Nakuha ng atensyon niya ang picture frame sa pagitan ng mga braso ni Kalia. Napatitig ito sa mukha ng kambal at linunod ang sarili sa pag-iisip.
"It's my first time to stare at you this close after several years." emosyonal na sambit niya habang nakatitig dito.
Dahan-dahan niya tinanggal sa pagkakayakap ni Kalia ang picture frame at tahimik itong binalik sa side table. Inayos niya ang kumot na nakabalot dito at saka siya nanatiling nakaupo sa bean bag habang nakatitig sa kapatid.
"I miss you!" bulong nito sa natutulog na si Kalia.
Mabilis siyang umalis sa side kung nasaan ang nakaharap si Kalia nang marinig niyang umungol ito. Nagpanggap siyang may kinukuha sa cabinet nang makitang nag-uunat na si Kalia na para bang magigising na.
Nilingon niya ang kambal niya ng mapansing tahimik na ito.
"I overslept." wala sa sariling sambit nito habang nagkukusot pa ng kanyang mga mata na nakaupo na sa kama.
Pasimpleng napangiti si Sky dahil parang batang umasta ang kapatid na matagal na niyang hindi nakikitang ganito umarte.
Napatitig si Kalia sa kanya ng tuluyan niyang mabuksan ang mata.
"Ah, I slept here." walang ganang sambit nito. "Sorry but I find it too comfy."
"Are you having a hard to sleep again?"
Umiwas ng tingin si Kalia dahil hindi niya naisip na halata sa kanya ito.
"If you're having a hard time to sleep and my bed is too comfy for you, just go here and take a nap." dagdag pa nito.
"Why will I do that?" walang emosyong sambit nito habang blangko ang matang mukhang nakatitig sa picture frame sa side table.
Napabuntong hininga si Sky dahil sa biglaang pagbabago na naman ng kapatid. Hindi na niya talaga mabasa ang kilos at iniisip nito simula ng magkalayo ang loob nilang dalawa.
"Kalia..." mahinang tawag nito.
Tumayo na ito mula sa kama at akmang isususot na ang sapatos ng muli niyang harapin ang kambal na pinapanuod lang siya sa bawat kilos niya.
"Don't trust anyone, Sky. It's better for you if you'll not be bothered about what's going on." paalala nito sa kambal. Nararamdaman niya kasing palagi itong nakatingin sa kanya at iba ang sinasabi ng mga mata nito sa tuwing magkakasalubong ang kanilang paningin.
"Don't be bothered?" hindi makapaniwalang usal nito. "Someone's threatening you and yet you don't want me to be bothered?"
"Yes, don't be bothered like what you always do." at saka niya tinalikuran si Sky upang magsuot ng sapatos.
"And who are you to tell me what should I do?" inis na usal ni Sky kaya nagtataka siyang lumingon muli dito. "Kahit kailan hindi kita diniktahan sa mga ginagawa mo. So don't do that me! If you don't want my existence, I don't care. Just let me do what I want!"
"And what do you want to do?" walang emosyong tanong niya.
"I want to protect you this time."
Napatitig lang siya kay Sky at hindi nakasagot.
"I know what you're doing all this time. Kalia, I'm not clueless about what's going on. Don't make me like a numb person." lumapit siya kay Kalia upang sana hawakan ang kamay nito pero agad na umiwas si Kalia dahilan para mapabuntong hininga siya.
"Let's fight together against the mafia. Let's protect each other, Kalia."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (1)

  • avatar
    PaetJan Jethro

    its very good but its hard to win

    16/02/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด