logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER: 6

Chapter: Six
NANDITO ako ngayon sa dati kong condo, nakapag desisyon kong pumunta muna dito para malinis ulit.
Nagpaalam ako kay dad kung pwede muna ako dito para malapit sa ipinapatayong coffee shop ni dad. No choice ako ngayon, kailangang masanay na ako dito sa lungsod lalong lalo na at may negosyo na ako dito.
Buti nga pumayag si dad akala ko pa nga nung una hindi siya papayag.
Sa'kin muna ibinilin ni dad ang paghandle sa bago niyang negosyo dahil hindi na rin kaya ng katawan ni dad ang pagod.
Dito muna ako tutuloy pansamantala para malapit sa pinapagawa naming negosyo. Inilipat ko 'yong mga dati kong gamit na hindi ko na gagamitin at nilagay sa isang malaking karton.
Ng mailagay ko na 'yung mga gamit na hindi ko na gagamitin kaagad kong isinara 'yong karton gamit ang tape at binuhat papunta sa storage room ko.
Binuksan ko naman ang isang karton kung saan ando'n 'yong mga pinamili ko para sa condo ko. Isa isa kong inilabas ito, ng mailabas ko na 'yong iba kaagad ko itong inilagay sa dapat nitong pwesto.
Ilang oras na rin ang nakakalipas ng matapos kong ayusin ito. Nakaupo ako ngayon habang umiinom ng hot choco.
Napatingin naman ako sa orasan na nakakabit sa aking mini kitchen. 2 pm na pala. Naramdaman ko naman na tumunog na ang tiyan ko kaya pumunta ako sa ref at binuksan ito para tingnan kung may mailuluto ba ako.
Napasinghal naman ako sa kawalan ng wala akong madatnan, naalala ko pala hindi pa ako nakapag-grocery.
Nagtungo ako sa aking sasakyan at pinaandar ito sa malapit na grocery store. Mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko at humakbang papasok dito.
Ng makapasok na ako kaagad akong nagtungo sa vegetables area at sa meat section . Tumungo naman ako sa mga delata at kumuha ng ng iba't ibang klase ng corned beef at sausage. Nagtungo din ako sa chocolate area at kumuha ng M&M at hershey.
Kaagad akong nagtungo sa counter at binayaran 'yong mga pinamili ko, ng mailagay na 'yong mga pinamili ko sa paper bag kaagad itong binigay sakin.
Naglalakad ako ngayon patungo sa aking sasakyan ng mahagip ng mata ko si husserl na may kausap na babae. Sino naman kaya ito.
Bigla naman itong napadako sa pwesto ko kaya dali dali akong pumasok sa sasakyan at mabilis na binuhay 'yong makina.
Kita ko pa sa side mirror ng 'yong tingin nito kaya mabilis kong ipinaadar ang aking sasakyan paalis doon.
Hayst sa dinami dami pang grocery dito ko pa talaga siya nakita! Napabuga na lang ako ng hangin.
Agad kong inayos ang mga pinamili ko sa lalagyan nila, ng matapos ko na itong maayos kaagad kong hinanda 'yong lulutuin ko, magluluto ako ngayon ng adobong manok.
Ng matapos ko ng nagluto nito kaagad ko itong inilagay sa isang lalagyanan at inamoy. "Hmm..." tumunog ulit ang tiyan ko kaya napatawa ako ng mahina.
Isusubo ko na sana 'yung pagkain ko ng biglang tumunog ang cellphone ko na nakalagay lang sa table ko. Inopen ko ito at kaagad na bumungad sa akin 'yung text ni husserl.
'Ba't hindi mo ako nilapitan kanina?'
I chuckled. Bakit ko naman gagawin 'yon? Manigas ka diyan. I Ignore it at nagpatuloy sa pagsubo.
Ng matapos ko ng kumain kaagad ko itong hinugasan at nagtungo sa salas upang manood ng movie.
Inabot ko 'yong remote at inopen 'yong tv, agad kong clinick 'yong 'Midnight sun'. Hinanda ko naman na 'yong popcorn at drinks ko.
Grabe nakakaawa 'yung babae, siguro kung hindi niya na kilala ang lalaki hindi mangyayari sa kanya 'yan.
Hay, buhay nga naman. Na-pailing iling na lang ako.
Nasa kalagitnaan ako ng panonood ng biglang may nag-doorbell kaya napasinghal ako, nagtungo doon at mabilis itong binuksan.
Nanlaki naman ang aking mata sa gulat dahil si husserl ang bumungad sa'kin. "Anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Nakasuot siya ng itim na polo at naka denim jeans, ito parin 'yong suot niya ng makita ko siya kanina.
"Your not replying my text so I decided to come here–"
"Paano nalaman na andito ako?"
"Sinundan kita kanina..." napatanga naman ako.
Napahilamos naman ako ng aking palad at napatingin muli sa kanya. "Anong bang kailangan mo?"
"I just want to apologize to you."
Napa Buntong hininga ako. "Then apologize accepted... So makakaalis ka na." Nakatayo parin siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Ano?"
"Can you give me first a cup of coffee?" Nakaangat naman ang labi ko.
"Really?"
Ngunit nanatili lang itong walang kibo. Napairap naman ako sa kawalan at hinila 'yong pinto upang papasukin siya.
"Pasok..."
Mabilis naman itong humakbang papasok, agad itong umupo sa sofa kung saan ako nakapwesto kanina kaya napasighal ako.
"Feel at home tayo dyan ah..." sarkastikong ani ko.
Lumapit naman ako sa kanya at nagsalita, "Kung gusto mo ng coffee... Free to make your own just go there in the kitchen."
Sumunod naman siya sa sinabi ko kaya napangisi ako. Mautak ata 'to tsk.
Nakaimprenta akong naka-upo sa sofa ng lumabas siya habang may dalang dalawang cup at dahan dahan niya itong inilapag sa coffee table.
Napatingin ako sa kan'ya na ngayo'y kakaupo lang sa tabi ko. "Ba't dalawa?" tanong ko.
"Para sa'tin..."
"Para sa'tin?"
"Yes."
"I don't like coffee," ani ko sa kanya pero bigla siyang ngumiti.
"I know..." sabi niya.
"Bakit mo pa ako ginawa ng ganyan kung alam mo naman pala."
"Because the other one is hot choco..."
Nagkasalubong naman ang dalawa kong kilay. "Paano mo nalaman na choco 'yong gusto ko?" takang tanong ko sa kan'ya.
"When we met in the coffee shop, I noticed that you ordered a lot of chocolate flavor so I assume that you like chocolate."
Napaawang naman ang labi ko habang pinapakinggan ang sinasabi niya.
"Wow..." wala sa sarili akong na palakpak sa kawalan. "Manghuhula ka ba o may special power?" Napakunot noo naman siya dahil sa sinabi ko.
"I don't have a power–"
"Grabe you impressed me!" ani ko sa kan'ya.
"Ano ka ba talaga?"
"I'm an attorney, all attorneys like me are skilled in memorizing and observing details about people we encounter every day."
"In short we're good in observing and judging." Nakanganga lang ako.
Ng marealize kong nakanganga parin ako kaagad ko itong isinara at tumikhim. "Attorney ka pala?"
Tumango naman siya.
Nakakabinging katahimikan ang namamayani samin, ingay lang ng pinapanood namin ang naririnig namin.
Naiilang naman akong tumingin sa kanya, nakatutok lang siya sa pinapanood. "Bakit ka pala pumunta dito?" pagbasag ko sa katahimikan namin.
Napatingin naman siya sakin at nagsalita, "You forgot your necklace–"
"Alam ko... Asan na pala?"
Kaagad niyang kinapa 'ying bulsa niya, ilang sandali pa'y nagsalita ito, "Shit! I forgot to get it."
Napatampal naman ako sa aking noo. Pupunta dito pero nakalimutang dalhin.
"Nevermind... Ibigay mo na lang sakin sa next..." ani ko.
Napatingin naman ako sa ginawa niyang hot choco sa'kin, kinuha ko ito at humigop ng kaunti. Napangiti naman ako ng makuha niya ang tamang panlasa ko.
"Sarap..." ani ko sa kawalan.
Napatigil naman ako ng marealize kong katabi ko nga pala siya kaya sumeryoso ako at napatingin sa kan'ya.
"Pwede na... Pwede ng pagtyagaan."
Narinig ko naman ang mahina niyang tawa kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Anong nakakatawa?"
"I just can't believe that you like it," aniya na ngayo'y may ngiti sa kanyang mga labi.
"Ang gwapo mo pala kapag nakangiti." Napatakip naman ako sa aking bibig ng narealize ko kung ano 'yung nasabi ko.
Kita naman sa mukha niya 'yong pagkagulat. "What? Can you repeat it again?"
Umiwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring busy sa pinapanood.
Bigla naman siyang nagsalita, "I'm sorry hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Natapos na ang movie na pinanood namin.
Nakatayo ako sa'king pinto habang nakahawak ang aking kamay sa locker. Nakaharap siya ngayon habang nakatingin sa'kin. "Thank you for the coffee..." Tumango naman ako.
"Pwede ka ng umalis."
Tumalikod na ito at humakbang na paalis, isasara ko na sana ang pinto ng narinig ko 'yong sinabi niya, "Your more beautiful when you always smile."
Ng tuluyan ko ng maisara 'yong pinto, napasandal ako dito habang inaalala 'yong mga sinabi niya sa'kin. Ba't parang apektado ako?
Napahilata ako sa higaan habang yakap yakap 'yong isa kong unan. Nasa ganito akong posisyon ng kusa na lang na pumikit ang mata ko dahil sa antok.
Nagising ako na may parang nagyuyugyog sa aking paa kaya iminulat ko ang aking mata at bumungad sa akin si jessi na nakapamewang na nakatingin sakin.
Umayos naman ako ng upo at tumingin sa kan'ya. "Alam mo na ba kung anong oras na?" tanong niya kaya napatingin ako sa wall clock ko.
"10:32 na bakit?"
"Ang ibig kong sabihin late ka na–"
"Late? Saan?" wala sa sarili kong tanong.
"Gaga. 'Di ba ngayon mo na ime-meet 'yong architect na magdedesign sa coffee shop mo."
Nagising bigla 'yong diwa ko dahil sa sinabi niya, oo nga pala! Ngayon 'yon.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa bathroom upang maligo. Ng matapos na akong maligo kaagad kong isinuot 'yong jacket at jeans.
Nadatnan kong nakaimprentang naka-upo si jessi sa kusina habang kumakain ng chocolate.
"Sinabi ko bang kainin mo 'yan!"
Napaigtad naman siya at nakahawak sa kanyang puso. "Ano ka ba–ba't ka ba nanggugulat!"
"Sinong hindi magugulat eh kinain mo 'yang favorite kong chocolate!" Sabay turo ko sa hawak hawak niyang hershey.
Napairap naman siya. "Bayad mo na 'to sa'kin, pasalamat ka pa nga at ginising kita–"
"Oo na..." putol ko sa sinabi niya baka humaba pa.
"I would like you to meet architect marx johann..." pagpapakilala ni jessi. Napataas ang aking kilay, sa dinami dami ng architect dito sa pilipinas ito pa 'yong napili ni jessi para sa'kin, hayst.
Nag Sukatan lang kami ng tingin ni marx, bigla naman akong siniko ni jessi at bumulong. "Umayos ka nga."
"This is clarity–"
"I already know her..." ani ni marx na siyang ikinatingin ni jessi sa'kin.
"Magkakilala kayong dalawa?" hindi makapaniwala na tanong niya saming dalawa.
Walang gana akong tumango.
"Magkakilala na pala kayong dalawa kaya hindi na kayo mahihirapan dito."
"Alis na muna ako, tutal magkakilala naman na pala kayo." Naglakad na ito paalis.
"Hindi ko akalain na magkikita ulit tayo..." nakangiting aniya.
"Oo nga eh hindi ko rin akalain na magkikita ulit tayo..." panggagaya ko sa kanya.
"So... Let's start?" Tumango naman ako.
"This is the design in your entrance door." Turo niya sa ginawa niyang design. Napatingin ako sa tinuturo niya.
"Ganito kalaki ang banda sa counter para hindi nagsisiksikan ang mga customer."
"And this way is for some couples na gusto ng may privacy and space,"aniya sabay turo sa area na mas malawak.
"Okay lang ba? If you have some questions or ideas just feel free to ask me."
Napaisip naman ako habang nakatitig sa drawing na ipinakita niya sakin, itinuro ko naman 'yong pang couple area.
"Ba't parang mas malawak diyan?" tanong ko sa kan'ya kaya napatingin din siya rito.
"In this generation mas marami na ang mga couples kaya mas maganda ang malawak para maraming space para sa kanila lalo na kapag month of February, dagsaan sila."
Napatango naman ako. "Sabagay tama ka rin..."
"Wala bang space para naman sa mga single?" tanong ko sa kanya kaya napatawa siya.
"Actually meron... Doon nga lang sa bungad."
"Okay na."
"Okay na?" tanong niya.
"Pwede na 'yan," ani ko sa kanya sabay turo sa design niya.
"Are you sure?" naninigurado niyang tanong
"Oo, kung gusto mo maghanap na lang ako ng ibang archi–"
"No need, you said it's okay so you don't need to find another."
"Kumain ka na?" tanong ni marx sa'kin. Lunch time na ngayon kaya nakaramdam na rin ako ng gutom.
Umiling naman ako. "Come with me, may alam akong restaurant malapit dito."
Sumunod naman ako sa kanya dahil siguro sa gutom kaya hindi na ako nakipag argumento sa kanya.
Naglalakad lang kami papunta doon sa sinabi niyang restaurant 'di kalayuan sa coffee shop ko. Kumuha agad ng pwesto si marx, hinila niya ang isang upuan upang paupuin ako. "Seat." Umupo agad ako.
"What's your order ma'am and sir?" ani ng waiter. Kaagad ko namang tinignan 'yong menu.
"Sweet and spicy chicken for me," ani ni marx, bumaling naman ang tingin nito sa'kin.
"Ano sa'yo clarity?"
"Same with him..." ani ko at tumango naman 'yong waiter.
"So... Is this your first time to handle a business?" tanong niya, umiling naman ako.
"Meron akong mga business sa probinsya... This is my first time to handle a business in the city."
"Hindi ka na pala mahihirapan dahil may experience ka naman about business."
Inabot ko naman 'yong tubig at uminom. "I hope so..." nilunok naman niya 'yung kinakain niya at nagsalita ulit.
"I know you can do it."
Napangiti na lang ako sa kanya.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    Radine Felipe

    I want to read untill the end

    20d

      0
  • avatar
    BanugonRyan

    thank you

    26d

      0
  • avatar
    delorazomark

    Good story

    17/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด