logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER: 3

Chapter: Three
"Gaga ka Clar..." sambit ni jessi na ngayo'y ka-video call ko.
"Wala na akong magagawa bigla na lang lumabas sa bibig ko... Naaawa kasi ako kay dad kanina kaya na sabi ko na lang 'yon bigla."
"So, anong gagawin mo ngayon?" napabuntong hininga naman ako.
"Ewan, bahala na." Kibit balikat na ani ko.
"Basta kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
Hayst ano kayang gagawin ko ngayon? Saan ako maghahanap ng lalake? Ano ba 'tong pinasok ko.
Napahilot naman ako sa aking sintido.
Nakahilata ako ngayon sa dati kong silid habang nakasubsob ang aking mukha sa higaan. Paano ko gagawin 'to? Saan ako maghahanap ng lalake?
Paano kaya kung magpatulong na lang ako kay jessi? 'Wag na lang kaya ko naman siguro ito.
Napaderetsyo naman ako sa higa at tumitig sa kisame. Mom sorry wala akong nagawa para sayo non kaya gagawin ko ang lahat para mapasaya si dad ngayon.
Hindi ko namalayan kusa ng pumikit ang mga mata ko.
Nagising ako sa liwanag na sumisilip sa aking bintana, maingat akong bumangon at nagtungo ako doon, kaagad ko namang binuklat ang kurtina. Napapikit ako ng dahan dahang tumapat ang aking mukha sa sinag ng araw.
Ilang segundo pa'y dahan dahan kong iminulat ang aking mata at napangiti sa kawalan. Kinapa ko naman 'yong kwintas sa aking leeg, sinuot ko na ito kanina para hindi ko ito mawala.
Ng mahawakan ko na ito kaagad akong napangiti sa langit. Alam kong masaya ka na diyan mommy hindi ko po pababayaan si dad.
Ilang sandali pay nakapag desisyon ko ng bumaba upang mag-breakfast. Ilang hakbang palang ang ginagawa ko ng marinig ko ang tawanan nila kuya clark at kuya clio sa salas.
Ng tuluyan na akong makababa kaagad ko silang binati isa isa.
"Kumain ka na clar," ani ni kuya clark na ngayo'y sumisimsim ng kape.
Tumango naman ako at tumungo sa kusina. Naabutan ko naman si feyya at si ate lia na kumakain.
"Say ah..." ani ni ate lia sa anak niyang si feyya kaya agad namang ibinuka nito ang kanyang bibig.
"Yummy?" tanong nya kay feyya at tango lang ang sagot nito kaagad namang napabaling ang tingin niya sa'kin.
"Oh ikaw pala clarity... Halika sumabay ka na samin." Pag-aaya niya sa'kin kaya umupo ako sa tapat ng inuupuan nila.
"Kamusta na? Matagal tagal na rin no'ng huling dalaw mo dito."
"Naging busy kasi ako sa probinsya no'n," aniko tumango tango naman siya.
Bigla naman dumating si manang kuring na may dalang kape at inabot sakin kaya tinanggap ko ito.
Habang sumisimsim ako ng kape biglang nagsalita si ate lia, "Maghanda ka na ng damit mo mamaya..."
"Bakit?"
"Pupunta tayo sa beach ngayon," aniya. Nakakunot noo naman ako.
"Anong meron?" takang tanong ko. Wala namang okasyon ah.
"Family outing."
Inaayos ko ngayon 'yong dadalhin kong damit para sa family outing namin. Ng mailagay ko na lahat ng kailangan ko kaagad kong nilock 'yong zipper ng luggage ko.
Nakasuot ako ng jeans at polong pula, nakasuot din ako ng sombrero ko. Ng marinig ko na ang pagbusina ng sasakyan namin kaagad akong bumaba habang bitbit 'yong luggage ko.
Mabilis namang kinuha ito ni kuya clark at inilagay sa likod. Pumasok na ako sa loob ng van malapit sa bintana, katabi ko si claire na ngayo'y nakikinig ng music.
Pumasok naman sila dad at kuya clio, nasa bandang harapan sila. Ng makompleto na kami kaagad binuhay ni mang kanor 'yong makina at pinaandar.
Nakaidlip naman ako.
Nagising ako sa paghinto ng sasakyan namin kaya dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata at kinusot kusot. Tinignan ko naman sa labas ng bintana kung nasaan na kami at nakita ko naman 'yong karatulang "Welcome to subic bay"
Maya maya pa'y pinaandar na nila ito papasok doon. Nagsilabasan naman na kami sa van habang bitbit ang sari sarili naming gamit. Napalinga naman ako sa paligid, magtatakip silim na pala.
Sinundan ko naman sila kuya clark papasok sa isang penthouse. "Clar and claire dalawa kayo dito." Binaba naman niya 'yong ibang gamit sa coffee table.
"Saan naman kayo kuya?" tanong ko.
"Doon ako sa kabila kasama si dad," aniya.
Kaagad ko namang ipinatong 'yong gamit ko sa sofa. "Kung may kailangan kayo tawagin nyo lang ako sa kabila, okay ba?" tanong niya at tumango naman kami bilang sagot.
Ng makaalis na si kuya clark kaagad akong umupo ako sa sofa. "Clar gusto mo maglakad lakad muna tayo sa labas?" tanong ni claire.
Binalingan ko naman siya at nagsalita, "Ikaw na lang–"
"Ang kj mo..." aniya sabay irap sa'kin.
"Mauna ka na, susunod na lang ako."
Bigla naman siyang ngumiti. "Sabi mo 'yan ah."
Tumango naman ako.
Kaagad naman siyang humakbang palabas sa penthouse habang may ngiti sa kanyang labi. Napabuga naman ako ng hangin.
Ilang minuto ang lumipas ng lumabas na rin ako para makalanghap ng hangin. Sa aking paglalakad nakaramdam ako ng lamig.
Napa-upo naman ako sa buhangin, nakapikit ang aking mga mata habang dinadama ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha.
I feel relieved. Ang ganda sa pakiramdam habang pinapakinggan ang bawat paghampas ng alon. Napadilat naman ako ng may biglang lumapit sa'kin.
"What are you doing here?" ani ng baritonong boses kaya napatingin ako dito.
Naka jacket siya ng black habang magulo ang kanyang buhok na parang bagong gising, nakasuot din siya ng sunglass. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa dilim na bumabalot sa pwesto namin.
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Bakit sayo ba 'to?" masungit na tanong ko sa kanya.
"Dapat na sa loob ka na, malamig dito sa labas." Napairap naman ako. Concern lang?
"Ba't naman kita susundin?" mataray na tanong ko sa kanya.
Tumiim ang kanyang panga. "Just follow me."
"Sorry I don't follow a stranger like you," ani ko sabay tayo sa aking inuupuan.
Maglalakad na sana ako paalis ng hinawakan niya ang aking braso kaya hinarap ko siya. Magsasalita na sana ako ng bigla niyang inalis 'yong suot niyang jacket at inilagay sa aking balikat.
"'Yan... Hindi ka na lalamigin."
Para naman akong na estatwa sa aking kinatatayuan dahil sa ginawa niya. Napabalik naman ako sa sarili ng tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad paalis.
Kita ko naman 'yong bulto niyang papalayo sa pwesto ko. Tumingin naman ako sa jacket na isinuot niya sa'kin, napasinghot ako sa jacket na hawak ko ngayon dahil sa bango nito.
Napatigil naman ako sa pagsinghot ng marealize ko kung anong ginagawa ko. Naigtad naman ako ng makita ko si claire na ngayo'y nasa harap ko.
"Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Tumingin naman siya sa jacket na suot ko.
"'Di ba hindi ka naman naka jacket kanina?" takang tanong niya.
Sa dinami dami pang pwedeng mapansin ito pa!
Kaagad naman akong nagsalita, "Pinahiram 'to ni kuya clark sakin kanina." Napatango naman siya. Buti naman at naniwala.
"Tara na pala kanina pa tayo hinahanap nila tito para na daw makapag hapunan na tayo..." nag-umpisa naman na kaming maglakad pabalik doon.
Paano ko naman kaya isasa-uli itong jacket na 'to? Napasinghal naman ako.
Kakatapos lang namin kumain, nandito ako ngayon sa higaan at nakadungaw sa bintana habang nakatingin sa mga bituin sa kalangitan.
Walang bituin kung walang dilim. Kung hindi mo madadaanan ang dilim hindi mo mahahanap 'yong liwanag.
Naramdaman ko na lang na kusang pumikit ang mga mata ko at nilamon ng dilim.
"Ganiyan kang maliligo sa dagat?" hindi makapaniwalang tanong ni claire sa'kin napatingin naman ako sa suot kong polong puti at short.
Binigyan ko naman siya ng may pagtatakang tingin. "Anong problema sa suot ko?" tanong ko sa kanya
Napa Hilamos naman siya ng kanyang mukha. "Maliligo tayo hindi papasiyal."
"Bakit, pwede naman akong maligo kahit ganito suot ko ah." Nagmamaktol ko sa kanya.
Huminga naman siya ng malalim at nagsalita, "Palitan mo 'yan!" Utos niya sakin.
"Ako naman ang nagsusuot hindi ikaw."
"Saan ka ba nakakita ng babaeng ganiyan 'yong suot sa beach?" Napaisip naman ako, tama siya saan nga ba ako nakakita ng babaeng naka polo sa beach?
"Ano? Ginagawa mo lang tanga 'yang sarili mo."
Tinignan ko naman siya ng masama.
May kinuha siya sa kanyang luggage at inabot sa akin.
"Ano na naman 'yan?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa hawak niya.
"Swimsuit, 'yan ang suotin mo."
Napa-atras naman ako at nagsalita, "Hindi ko 'yan susuotin–"
"At bakit naman?"
"D-Dahil..."
"Dahil?"
"D-Dahil meron ako–Oo meron ako ngayon."
"Oh ba't sumisigaw ka."
"Gusto ko lang..." ani ko. Ibinalik naman niya 'yong swimsuit sa luggage niya kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pero mas lalong nanlaki ang mata ko ng may inabot na naman siya sa'kin. "Oh baka ito pwede?" tanong niya.
Kita ko naman 'yong bra na hawak.
Kaagad naman akong umalis na parang walang nangyari. "Hoy bumalik ka nga!" sigaw niya kaya mas lalo kong binilisan 'yong hakbang ko paalis doon.
Napasandal naman ako sa puno at napahawak sa aking dibdib. Wooh, buti nakatakas ako do'n. Sumilip naman ako ng kaunti upang tignan kung sinundan niya ba ako, nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi niya ako sinundan.
Aalis na sana ako sa pwesto ko ng napaigtad ako ng may tao pala na nakaimprentang nakaupo sa duyan habang nakatingin sa'kin.
Napailang naman ako at akmang aalis na sana ng magsalita ito, "Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya sa'kin.
"Pake mo ba." Nakatalikod parin ako dito.
Nakaka-isang hakbang palang ako ng magsalita muli ito, "Why are you hiding?" tanong nito sa akin.
"Sorry I don't talk with–"
"Stranger?" dugtong nito kaya napaharap ako sa kanya. Nakatayo na siya ngayon, nakasuot ito ng sunglass.
"Oo bakit?" irritado kong ani sa kanya..
Ilang sandali pa'y inalis niya 'yong sunglass na nakasuot sa kanya. Ng magtama ang mata namin kaagad kong naalala ang lalaking gusto kong burahin sa mundo.
Napaawang ang labi ko ng marealize kong siya iyon. Nanggagalaiti ko siyang tinuro. "Huh, sobrang liit nga naman ng mundo natin, " sarkastikong ani ko na siyang ikinakunot noo niya.
"What are you saying?" takang tanong nito.
"Really? You don't remember me?" sarkastikong ani ko. "Well hindi mo ako naalala pero ikaw." Turo ko sa kanya.
"I remember you..." biglang napalitan ng inis 'yong mukha ko. "Ikaw lang naman ang manyak na pinagsamantalahan ang kalasingan ko!" I glowed at him.
"What?–for your information hindi kita pinagsamantalahan, I helped you that night." Napatawa naman ako ng mahina.
Well naalala mo na pala ako!
"Really? You call it help?"
"So, may tumutulong palang nanghahalik?" sarkastikong tanong sa kanya.
"It just an accident–"
"Accident din bang kusang gumalaw 'yang labi mo sa labi ko no'n?"
Hindi naman siya nakasagot. Accident? Huh ako ba pinagloloko nito.
"Ano? Wala ka pala eh!"
"Can't you stop?"
"Ayaw ko nga..." pang aasar ko dito.
"Ayaw mo talaga?" tanong nito sa akin.
"Oo." matigas na ani ko.
Bigla naman siyang lumapit sa'kin kaya napaatras ako. "A-anong ginagawa mo, lumayo ka nga." Sigaw ko sa kan'ya pero hindi parin siya nakinig mas lalo pa niyang nilakihan ang kanyang hakbang papunta samin.
Napatigil naman ako sa pag-atras ng tumama ang likod ko sa puno. Nagulat naman ako ng isinampa niya ang kanyang dalawang kamay sa gilid ng balikat ko.
"L-lumayo ka nga!"
"What if I don't?" aniya na siyang ikinainis ko.
Magsasalita na sana ako ng may nagsalita mula sa likod namin. "Kuya? What are you doing?" tanong ng babae siguro kapatid niya.
Mabilis naman niyang inalis 'yong kamay niya at humarap doon. "Nothing..." bigla namang lumipat ang tingin nito sa'kin at may pilyong ngiti na binigay sa amin.
"Okay kuya aalis na ako..." ani nito at mabilis na umalis.
Ng makaalis na 'yong babae kaagad itong humarap sa'kin, sinamaan ko naman siya ng tingin. "Ano?!" singhal ko.
"Subukan mong lumapit ulit sa'kin sisiguraduhin kong mababalian ka ng buto." Pananakot ko ngunit parang wala lang ito sa kanya.
"Really? You can't do that to me."
Napataas naman ang aking kilay. "Wanna bet?" tanong ko dito.
Kita sa mukha ko ang pagka seryoso, akala mo nagbibiro ako? I'm that kind of woman na susuko na lang.
Bigla naman itong nagsalita, "Nevermind..." ani nito.
"Huh, bakit suko ka na?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "I respect you as a woman..." napa tahimik naman ako sandali. Sa tanang buhay ko siya lang ang lalaking may respeto pa rin sa babae kahit hinahamon na siya ng away, totoo ba 'to?
"Then, don't think that I'm a woman."
Umiling ulit siya. "Kahit ano pang dahilan mo re respetuhin parin kita," aniya.
Napasinghal naman ako at nakapamewang na tumingin sa kanya. "Kahit pa ipagsabi kong manyak ka?"
Tumango naman siya
"Kahit pa sabihin kong talunan ka?"
Tumango ulit siya. Grabe naloloka na talaga ako sa lalaking ito.
Huminga naman ako ng malalim at nagsalita, "Oo na ikaw na ang may respeto," ani ko sa kanya
"Makaalis na nga." Bulong ko sa kawalan. Nakaka-ilang hakbang palang ang ginagawa ko ng magsalita siya, "Sa susunod kapag nilalamig ka magdala ka ng jacket para walang naaawa sa'yo." ani nito at mabilis na naglakad paalis.
Napatanga naman ako sa aking pwesto.
Siya! Siya ang nagbigay ng jacket sa akin kagabi, grabe! Nakaka-awa ba ako? Kasalanan ko bang hindi ako nakadala ng jacket? At kasalanan know bang binigay niya sa'kin 'yon.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (42)

  • avatar
    Radine Felipe

    I want to read untill the end

    20d

      0
  • avatar
    BanugonRyan

    thank you

    26d

      0
  • avatar
    delorazomark

    Good story

    17/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด