logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7: Dinner

May kumatok sa pintuan ng kwarto ni Traveller Francisco. Pareho namin itong nilingon. Tumayo si Traveller Francisco at inakbayan ako sabay bulong ng, "Secret lang natin iyon, ha. Baka kasi mangingialam si Painter Philip."
Tumango ako at napangiti. Ito ang gusto ko kay Traveller Francisco, ang kaniyang pagiging playful. Ang tatlo niya kasing mga kapatid ay parehong seryoso. Nagbibiro naman si Papa pero tuwing tumatanda siya, pati ako, umiiba na ang aming usapan. Mas seryoso na, kadalasan tungkol sa aming pamilya at mga problema.
Noong bata pa ako, gusto kong lumaki agad. I thought being an adult is cool, you can do whatever you want. Tama naman. Pwede mong gawin ang gustong mong gawain pero may consequences din iyon. Habang tumatanda, mas dumarami ang mga responsibilidad.
Nakatatawa na medyo masakit. Hindi pa pala ako adult pero parang ang bigat na ng aking mga balikat. Bakit parang ang dami at ang bibigat pa ng aking responsibilidad na dinadala? Kung isisipin ko naman kung ano ang aking responsibilidad, wala akong maisip.
Tungkol sa magiging future leader ng Summa, hindi ko alam kung sino. Hindi rin ako pwede kahit ako lang mag-isang Balindong sa aking generation dahil wala akong potentia. I mean, magpapalagay ako ng APM. Required ang potentia sa magiging pinuno ng Summa. Ang anak naman ni Painter Philip, si Mara Soren, paniguradong sa Pecunia siya mamumuno. Hindi na magkakaanak si Beamer Lolita at si Papa naman ay walang asawa. Si Traveller Francisco, nasa ibang dimension ang babaeng minamahal niya. Weird. Nakapaninibago ang salitang minamahal.
"Francisco, nandiyan ba si Alverda?" tanong ni Beamer Lolita na nasa labas ng kwarto.
"Yes."
"Bumaba na kayo. Nakahanda na ang mga pagkain." Pagkatapos iyong sabihin ni Beamer Lolita, naramdaman ko ang kaniyang pag-alis.
"Kaya ang dami ng sakit ng babaeng iyan dahil ang tamad maglakad. Panay potentia lang," komento ni Traveller Francisco, mukhang naramdaman din ang pag-alis ni Beamer Lolita.
Tumawa ako nang mahina. Hindi naman dapat tinatawanan 'yon pero natatawa talaga ako sa mga pinagsasabi ni Traveller Francisco. Nakapaninibago lang ang enerhiya niya.
Ngumiti rin si Traveller Francisco nang mapansing tumawa ako. Hinaplos niya ang aking buhok habang makahulugang nakatingin sa akin. Hindi ko alang kung guniguni ko lang pero may kakaiba talaga sa kilos niya.
"'Wag ka rin magpagupit, Avery. Mas lalong 'wag kang magpakalbo-" lumapit siya sa akin at bumulong "-magiging katulad ka kay Beamer Lolita, walang minamahal." Tumawa siya nang malakas habang ako tumawa na rin nang malakas.
"Totoo 'yon," dagdag niya. "Pansin mo? Ang mga Summan na may mga minamahal ay matataas ang buhok?"
Saglit akong napaisip bago tumango.
"See?Pero-" tumikhim siya at umayos sa pagtayo "-wag ka munang pumasok sa mga ganiyan, alam mo na, nobyo. Ang bata mo pa."
Hindi agad ako naka-react sa sinabi niya. Hindi ko pa naman talaga naisip ang ganoong bagay. Sa aking natatandaan, pamilya at potentia ang palaging nasa aking isipan. Damang-dama ko naman ang pagmamahal ni Papa sa akin. Ito siguro ang dahilan kung hindi na ako naghahanap ng ibang uri ng pagmamahal galing sa iba.
"Hindi naman po 'yan sumagi sa isip ko, Traveller Francisco," wika ko.
Nag-thumb up siya. "Good."
--
Nang dumating kami sa baba ay kasabay naming dumating si Papa. Mukhang bago pa silang natapos sa pag-uusap ni Nilo. Nang nakita niya ako ay ngumiti siya at agad na lumapit sa akin.
"Naayos ko na, anak. 'Wag ka ng mag-alala tungkol sa nangyari," sabi niya habang umuupo na kami.
Ngumiti ako. "Salamat, Pa."
Noong bata pa ako, tuwing naririnig ko na maraming pinapatay ang mga Gourmand, palagi kong tinatanong ang aking sarili kung bakit nila kayang gawin 'yon. Bakit parang normal lang sa kanila? Tulad ng sabi ni Papa, habang kumakain kami, pumapatay ang mga Gourmand. Pero hindi ba nila naiisip na tulad nila, may buhay rin ang kanilang mga biktima?
Napatingin ako sa ulam na inilagay ni Papa sa aking plato. Adobong manok ito. Paborito ko ang manok. Kahit araw-araw ko pa itong kinakain, hindi ako magsasawa. Habang tumatagal, mas sumasarap.
May buhay rin ang manok pero pinatay upang makain ko. Normal lang ito para sa akin, para sa iba. Ganito rin kaya ang nararamdaman ng mga Gourmand tuwing pumapatay sila? Pero kakaiba pa rin ang buhay ng mga tao, may potentia o wala.
Napatingin ako sa aking mga palad. Kanina, pinatay ko si Ancestor Nita. Ang aking naramdaman nang nalasahan ko ang kaniyang dugo at puso ay katulad ng kumakain ako ng adobong manok. Nang naramdaman ko ang kaniyang potentia ay katulad ng pakiramdaman tuwing nabubusog ako. Pero tulad ko, alam kung gustong mamuhay ng masaya at payapa si Ancestor Nita, pati ang ibang nilalang. Ibig sabihin, dapat kong itigil ang pagkain ng adobong manok?
"Alverda, anak!"
"Avery!"
Natauhan ako nang marinig ang pagtawag nina Papa at Traveller Francisco sa akin. Tumingin ako sa paligid. Nakaupo na ang lahat, nasa kaniya-kaniyang upuan. Nasa bawat dulo sina Painter Philip at Beamer Lolita habang nasa left side kami ni Papa at nasa right side si Traveller Francisco.
"Anak," marahan na wika ni Papa habang hinahaplos ang aking buhok. "Naayos na ang lahat. Alam kong walang galit na nararamdaman sa 'yo si Ancestor Nita. 'Wag kang mag-alala."
Tumango ako at saglit na itinago sa ilalim ng mesa ang aking mga kamay bago hinawakan ang aking kutsara at tinidor. Una kong kinagat ang manok, at sa unang pagkakataon, nakapaninibago na ang lasa nito.
"You're craving for blood." Lahat kami ay napalingon kay Painter Philip dahil sa sinabi niya. Nakatingin siya sa akin kaya lumipat ang tingin nila sa akin. "Or human's heart."
Marahan na hinawakan ni Papa ang aking kaliwang balikat. "Anak, hindi ka ba nasasarapan sa pagkain?"
Napatitig ako sa kaniya. Masarap naman ang adobong manok kaso may kakaiba lang. Hindi na katulad ang aking nararamdaman tuwing kumakain ako ng adobong manok noon.
"That's not the case," komento ni Traveller Francisco habang kumakain ng gulay. "She thinks killing the chicken is wrong. Iniisip niya na kapag pinapatay ang manok upang makain niya ay katulad na sa mga Gourmand na pumapatay upang maibsan ang gutom o panghihina nila."
Napatitig ako kay Traveller Francisco, gulat at nalilito kung bakit alam niya ang aking iniisip kanina. Napatanto ko na maliban sa pagiging traveller, kaya niyang manipiyulahin ang memorya ng iba. Kaya niyang makapasok sa aking isipan.
Titig na titig sa akin ang tatlong matatandang Balindong pero si Papa lamang ang nakakunot ang noo. Yumuko na lamang ako upang iwasan ang mga titig nila.
"Anak, lahat tayo ay may purpose sa mundong ito. Ang manok, noon, ginagamit lamang upang pangsabong. Alam mo ba 'yon?"
Umiling ako.
"May matatalo talaga, ibig sabihin, may mamamatay. Ngayon, kinakain na ang manok. Ang maging pagkain ay isa sa mga purpose ng manok kaya hindi mali ang pagpatay sa kanila upang kainin," malumanay na pagpapaliwanag ni Papa sa akin.
Tumango lamang ako.
"You should also remember, Alverda, we live in this world with different creatures. You must adjust to your environment, thrive, and survive. Survival of the fittest," sabi ni Beamer Lolita habang naghihiwa ng isda pero diretso ang titig sa akin.
"Your goal is to survive. Eliminate anyone who's in your way, even if that someone is from our family," makuhulugang dugtong ni Traveller Francisco.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (179)

  • avatar
    samantha

    this novel is really a masterpiece. sa lahat ng nabasa ko, ngayon lang ako nag rate at sa first time na 'to, five star pa. it's really amazing. keep on writing fantasy story, author <3

    08/03/2022

      29
  • avatar
    Zophia Membreve Barason

    grave ang ganda ng kwento kapopolotan talaga ng aral

    1d

      0
  • avatar
    Rj Hermano Rauch

    good story i really like it keep up the good work don't stop writing stories because i really like it

    18d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด