logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 13

💙Ehhan's POV💙
Good morning Saturday!
q^___^q
Ang sarap ng tulog ko hays,kahit bitin ang tuloy ay damang-dama ko ang malakas na energy na bumabalot sa buong katawan ko.
Ngiting-ngiti ako habang nakaharap sa salamin at kasalukuyang inaayos ang aking kurbata.
Masaya akong papasok ngayon sa trabaho at maaga rin ako.
Hindi ko alitana ang kulang na tulog dahil sa selebrasyong iyon ni Candice kagabi na Hindi ko akalaing magtatapos ng maganda(。♡‿♡。)
Hehehheheheheh
"I'm going Mom"paalam ko bago lumabas Ng bahay at dumiresto sa.
Leanders Corp.
"Good morning sir"
"Magandang umaga po Sir"
"Good morning sir"
"Ang gwapo talaga ni sir...kaya ginaganahan akong magtrabaho dahil sa kaniya eh...ay good morning sir!"
"Good morning ho,sir"
Bati ng mga empleyado ng simula akong maglakad papasok Ng opisina.
"Good morning sir"bati sakin ng secretary ko at nakingiti naman akong tumango sa kaniya saka pumasok sa sarili Kong opisina.
As a COO of this company I am the second boss here.
The chief operating officer (COO) is a senior executive tasked with overseeing the day-to-day administrative and operational functions of a business. The COO typically reports directly to the chief executive officer (CEO) and is considered to be second in the chain of command.
I Design and implement business strategies, plans and procedures....
I Set comprehensive goals for performance and growth....
I Establish policies that promote company culture and vision...
And definitely Oversee daily operations of the company and the work of executives ;IT, Marketing, Sales, Finance and etcera.
Kasunod ko namang pumasok si Lena at ininabot ang tablet laman ang sched ko.
"I will also remind you sir that your meeting together Mr.De la fuente is at 2:00 P.M at La Sierra Hotel"paalala nito at napatango ako.
"Bring me a coffee"Ani ko at muling inabot ang tablet sa kaniya saka naman siya tumango at muling naglakad papalayo.
"Mr. De la fuente... finally"I whispered tricky and turn to the wall glass of my office and look at the bunch of cars stuck brought of traffic.
Naalala kong tawagan si Aaliyah kaya naman nakangiti long kinuha ang cellphone ko at idinial ang number niya ngunit out of coverage area iyon.
Sinubukan ko pa uli ng tatlong beses pero ganun parin. Inisip ko nalang na baka natutulog pa Ito dahil sabado naman ngayon at wala silang pasok kaya muli kong binitawan ang aking telepono at mamaya nalang uli siya tatawagan.
❤️Aaliyah's POV❤️
Alas kwatro pa lamang ay nagising nako,upang lamang umakyat mg bundok malayo mula sa lungsod.
Kahit na nakakaantok ay gising na gising ang diwa ko marahil dahil sa pangyayari kagabi.
Ang naging takbo ng pag-uusap namin ni Ehhan na ngayon ang bumabagabag sa akin. Kung tutuusin ay tatlong oras lang ang tulog ko dahil alas-dosi na ng makauwi ako at ilang minuto pa bago ako nakatulog.
Sabado at Domingo ay ganun ang ginagawa ko,gumigising ng maaga upang lamang umakyat ng bundok at marating ang training field.
Motorsiklo ang aking gamit papapasok sa bukana ng lugar ngunit dahil pribado ito ay kailangan maingat ako sa pagpuslit,walang sinuman ng dapat makaalam ng aking pagdating.
Natitiyak kong maymaya ay bibisita narin sina Michael at ang aking ina sakay ng chopper nito.
Isa nga itong pribado kung kaya't mahirap itong akyatin at marating.
Kailangan kong gumising ng maaga dahil sa layo ng aking lalakbayin,patag na kalsada pa Ang aking tinatahak kanina sakay ng motorsiklo ngunit pagdating sa bukana ay kailangan kung akyatin ang malaking bato upang maakyat ang tuktok nito.
Siya lamang qng gumagawa nun,parte ng pageensayo niya para sa kaniyang sarili ngunit walang kinalaman dun ang kaniyang Ina naging si Michael,ang alam ng mga ito ay nakakarating ako sa lugar sa paraan kung papaano din sila nakarating roon.
Suot ko parin ang itim kong bota,gaya ng dati ay itim na madulas at makintab ang aking salawal at mano. Ang aking mahabang buhok ay nakapusod at ang aking mukha ay nakatakip ng maskara na mata lamang at noo ang makikita.
Mahigpit ang kapit ko sa mahabang pisi na siyang nagsisilbing daan ko para masampa ng tuktok ng malaking bato.
Mayamaya pa ay nasa itaas na ako ng mabatong bundok,gaya ng dati ay hindi alintana ng mga tagabantay nun ang aking pagdating,kampante naman akong naglakad papalapit sa malawak na damuhan hanggang sa maging malinaw na sa mga ito ang aking presensiya,at ng sa wakas ay narating ko na rin ang gitna ng batawan.
Agad na nagsilapitan ang mga bantay at naalarma ng ako'y tuluyan ng mamataan. Napangisi ako ng mababakasan sa mga ito ang gulat at magkahalong kaba at takot. Halatang nabalisa at natinag ang mga Ito sa pagdating ko.
"Ma'am Aaliyah...hindi po namin inaasahan ang pagdating niyo"nakayukong sabi ng nasa unahan na lalaki.
"Malamang,hindi ko naman sinabi sayo'ng darating ako"Sabi ko at napayuko naman siya.
Mas matanda siya sakin bagaman hindi nalalayo ang edad ko sa kanila,para ko lang silang mga kuya.
"Ihanda niyo ang gagamitin ko para sa ensayo,ngayon din"Saad ko at ura-urada naman silang nagsipagkilusan.
Ang araw ay simulang uminit na kayang magpapaso ng balat at magdulot ng malagkit na buo ng pawis sa katawan.
Nasa gitna ako ng field kaya naman salubong na salubong ko ang init at sinag ng araw na naghahalo sa asul na ulap ng kalangitan.
Nagsimula ng lagyan ng maingay at maliit na gong ang bawat sulok ng malawak na batawan hanggang sa palibutan ako nun.
Nagsimula akong kunin ang itim na tela mula sa mahabag mesang naroon kasama ang iba't-ibang klase ng armas na magagamit ko para sa pag-eensayo.
Kinuha ko ang mga blades at isinuot ang belt upang paglagyan nun,katapos ay kinuha ko ang dalawang magkapares na kutsilyo at nagsimula akong maglakad pabalik sa gitna ng batawan.
Isinuot ko ang itim na tela upang piringan ang aking mata hanggang sa purong itim nalang ang aking makita at tuluyan ng walang maanigan.
Sinimulan kong pakiramdaman ang paligid,ang hangin na humahalo sa indayong ng mga puno,dahon at lumilipad na iba't-ibang klaseng ibon sa himpapawid maging ang ihip ng hangin sa magkabilang gilid ko ay pinakiramdaman ko ng mabuti. Kahit na ang kaunting kaluskos na ginagawa ng mga taong naroon na natitiyak kong mariing nagmamasid lang sakin,hinihintay ang susunod kong gagawin at ikikilos.
Pumurma ang mga kamay ko sa magkabilang beywang na siyang nag-aabang sa mga bagay na pwedeng mahugot roon para sa pag atakeng gagawin ko.
Nagtaas ako ng kamay upang humudyat na ako'y handa na sa gagawing pagsasanay.
Mayamaya pa ay naramdaman ko ang isa-isang pagtunog ng gong,nilingon ko ang bawat ingay na maririnig ko at kung saang direksyon iyon nagmumula hanggang sa magkasusunod iyon kaya't naging magkasusunod din ang ginawa kong pagkilos para lingunin at harapin ang ingay na kumakalansing sa aking pandinig, hanggang sa may marinig akong paghagis kasabay ng pag-ihip ng hangin ay mabilis akong humugot ng dalawang blade sa magkabila kung beywang at ipatama iyon sa direksyon kung saan ko naramdamang may inihagis.
Nagpatuloy ang ganoon hanggang sa patalim nalang ang natira sakin.
Muli akong pumihit paharap ng maramdaman ko ang paparating na kung ano mang bagay sa akin na natitiyak kong ibinato nun upang patamaan ako.
Agad Kong ibinato ang aking patalim bilang pagsalubong nun.
Matapos ang hudyat na tapos na ang parte ng ensayong iyon saka ko hinubad ang aking pereng saka nilingon Isa-isa ang paligid.
Nakita ko ang sampung kahil na nahiwalay sa dalawang parte ang mariing pagtarak ng mga ibinato kong blade,nakita ko din ang dalawang mansanas na nahati sa dalawa dahil sa patalim naman na ginamit ko.
Ang pag-eensayong iyon ay para sa talas at lakas ng pakiramdam. Ang maramdaman mo ang mga bagay na papatama maging ang nangyayari sa paligid mo kahit na walang nakikita o namamasid lang.
Matapos nun ay nagsimula akong maglakad patungo sa kabilang parte ng lugar para sa ikalawang level ng pagsasanay... araw-araw datirati ay ganun ang aking naging pag-eensayo lalo na nung bata palamang ako,ngunit nung nagsimula akong tumuntong ng highschool at college ay tuwing weekends na lamang iyon,bawat araw ay magkakaiba ang ensayo na inhahanda ni Ina para sakin...ang dahilan ng lahat ng Ito upang magawa kong protektahan ang pamilyang meron ako,partikular si Mommy dahil siya lang naman ang kilala kong pamilya. Kumbinsido ako dahil alam ko ang katayuan at estado ng buhay na meron ako. Ang sitwasyon at kalagayan nito.
"Papasukin mo ang bahay na iyan Ma'am Aaliyah...sa dulo ng bahay na iyan ay naroon ang bandila na kailangan mong makuha at maibalik rito... senyales na nagtagumpay ka sa ensayong Ito. Ngunit syempre ang pagpasok mo riyan ay hindi madali...ang tatapakan mong kahoy na sahig ay may patibong maaaring ikasugat mo o...ikamatay...kailangan ang kontrol ng iyong timbang ay iyong isaalang-alang,ang gaan ay kailangan ninyong tandaan... kailangan ninyong maiwasan iyon at malagpasan...meron ding nag-aabang na kunwaring kalaban roon na siyang mas lalong magpapahirap sa inyo...Ito ang iyong tatandaan... maging maagap kayo sa iyong mga kilos ng saganon ay hindi kayo mahulog sa patibong... kailangan walang nakakaalam na kayo ay paparating lalo na kung kaharap niyo na ang totoong kaaway"mahabang ani ng tagapagsanay at tumango lang naman ako.
Pinipilit na isaulo ang lahat ng kaniyang sinabi.
Tama siya...sa lahat ng nagdaang pagsasanay ay isinaalang-alang ko ang aking buhay at kapakanan magawa lamang iyon at malampasan...hindi biro ang lahat
Kaya naman ang pagkabigo ay hindi maari...kung hindi ay iyon ang tuluyang magpapahamak sakin.
Inayos ko ang pagkakatali ng aking buhok bago naglakas-loob na lapitan ang entrada ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay na pagsubok sa loob para sakin,gaya ng dati ay kailangan kong lakasan ang aking loob at magtiwala sa aking sarili,dahil walang ibang tutulong sa akin.
Ilang beses akong bumuntong-hininga saka unti-unting naglakad papasok.
Dahan-dahan akong pumasok,ang bawat hakbang na aking ginagawa ay tantiya ko pa,ang bawat kilos ko ay kalkulado at marahan... tahimik ang buong paligid at habang papasok sa loob ay mas lalong dumidilim at lumalamig. Tirik na tirik ang araw pero parang gabi na sa loob, natitiyak Kong pinagawa nila ang bahay na Ito ilang linggo palang ang nakakaraan para sa aking pag-eensayo. Nakakatawa lang dahil gumagawa talaga sila ng paraan para sa ensayo ko lamang,grabe ang pagpapagod at pagpaplano nila para magawa ng tama ang mga patibom at pagsubok na siyang tatantiya ng kakayahan at natutunan ko sa bawat araw,linggo,buwan at taon kong pag-eensayo.
linga-linga parin ako sa paligid kahit wala namang masyadong naaninag,bawat ihip ng hangin sa magkabilang gilid ko lamang ang siyang nagiging dahilan para lungunin ko iyon isa-isa.
Dahan-dahan ko paring inihakbang ang aking paa papasok hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi nang malakas na hangin sa aking likuran kasabay nito ang paglipad ng puting tela sa may bandang bintana nang biglang sumalubong ang isang kutsilyong nakatutok sa akin kaya agad akong umiwas,at nang maihakbang ko ang isang paa paabante ay saka lumitaw ang matatalis na patibom sa ilalim ng sahig dahilan upang agad akong mapatalon patalikod hanggang sa magsunod-sunod ang paglabas ng ilang nakakamatay na patibom pang nakatago sa paligid. Habol-habol ko ang aking hininga dahil sa sunod-sunod ko ding pagtalon at pagtakbo at paglambitin sa maaring mataguan at masampahan doon.
Ilang saglit pa ay naglabasan na ang mga taong naka ninja attire na nagtatago sa dilim.
"Sh*t!"mahinang mura ko ng makita ang mga espadang hawak ng mga ito.
Alam kong hindi sila magdadalawang-isip na patamaan ako,dahil ang nakaraang pag-eensayo ko rin ay halos ikamatay ko na dahil sa mga tinamong sugat dahil sa akalang hindi nila ako sasaktan dahil anak ako ng amo nila at para sa pag-eensayo lamang iyon ngunit ang hindi ko inaasahan ay hindi ako tutulungan ni Ina kung hindi ipinag-utos niya pang sugurin ako hangga't hindi natuto.
[Flashback]
"Mommy"humihikbing pagtawag ko dahil hindi ko na kaya at may mga sugat narin akong sa iba't-ibang parte ng katawan ko dahil sa pakikipaglaban sa tatlong ninjas na kaharap ko.
Napaluhod ako sa sahig hawak ang dalawang arnis lang,itinukod ko ito upang hindi ako tuluyang matumba,ngayon nagsisi ko kung bakit yun ang pinili kong armas para sa pag-eensayong ito,muli akong napaiyak habang nakatingin kay Ina. Gusto kong magreklamo,gusto kong sumigaw at itanong sa kaniya kung bakit hinahayaan lamang niya na saktan ako ng mga taong Ito,gusto kong itanong kong handa ba niyang itaya ang buhay ko dahil sa lintek na pag-eensayong ito.
"Huwag kang umaasa Aaliyah,na may magagawa ako upang iligtas ka,nag-eensayo tayo rito upang matuto ka at ipagtanggol ang sarili mo at hindi dumepende sa tulong ng iba,walang ibang magliligtas sayo rito,kung hindi ang sarili mo!kaya tumayo ka riyan!at labanan sila! hindi ako makakapayag na lalampa-lampa ang anak ko!tumayo ka riyan!"mas lalo akong nawalan ng pag-asa at naiyak nalang ng sobra,Hindi ko akalaing sinabi iyon ni Ina, ngayon hindi ko maiwasan ang magduda,'anak mo ako pero bakit moko pinapahirapan ng ganito?' gusto kong itanong iyon ngunit daglian akong napatayo ng muling magsalita si Ina.
"Sugurin niyo siya!"utos niya sa mga kaharap kong nakaitim na suot at agad naman nilang sinunod si Ina at sinugod ako.
Dali-dali kong pinahiran ang basa kong pisnge at sinimaan sila ng tingin kahit na mata lang naman ang nakikita ko sa kanila.
Daglian kong sinangga ang mga atake nila kahit na hinang-hina nako,kanina ay labindalwa pa sila at ngayon at tatlo na lamang silang natitira,ngunit masyado nakong nanghihina at pagod na pagod na Rin,tagktak na ang pawis ko kahit na nagsisimula nang dumililim ang paligid,Isa pa may mga sugat na rin ako sa likuran,hita at braso maging sa pisnge ay meron na din,halos naliligo nako sa sarili kong dugo dahil pulang-pula na ang suot kong puting kamiseta.
Napakabilis nila at napakalas, unang-una pa lamang ay talong-talo nako,well trained sila at talagang magagaling,pero heto ako sa murang-edad at pangangatawan ay pilit silang nilalaban at tinatapatan ang angkin nilang kakayahan sa pakikipaglaban.
Umaga pa lamang ay nagsimula na ang ensayo ngunit ngayong palubog na ang araw ay hindi parin ako matapos-tapos at hindi ko parin sila matalo,kung pano ko nalabanan ang iba pa nilang kasama ay hindi ko narin alintana,hindi pa nga ako ng aagahan at nagtatanghalian,kanina pako hinang-hina at gutom na gutom narin gusto ko ng sumuko pero natatakot ako dahil alam kong ikamamatay ko kung hindi ako lalaban, Hindi sila nagdadalawang-isip na patamaan ako ng mga espada nila samantalang pinapatulog ko lang naman sila, Hindi nama kac nakakasugat ang sandata kong arnis kaya't talong-talo ako.
Napatapon ako sa sahig ng maramdaman ko ang malakas na sipa sa tiyan na natanggap ko,at hindi ko napigilan ang sariling mapasuka ng dugo,Hindi ko narin napigilan ang muling maiyak.
'Tama na please!'
Gusto ko iyong isan-tinig pero wala nakong lakas, napalingon ako kay Michael na nanonood lang sa tabi ni Ina, kitang-kita ko ang simpatya sa mukha niya pero wala siyang magawa,akala ko pa naman siya wng kakampi ko rito pero wala din siyang ginagawa.
Hindi ko napigilang pagsiklaban ng galit sa loob-loob ko , pakiramdam ko pinagkaisahan nila ako... pakiramdam ko naiwan ako at ang mga taong akala kong tutulong sakin ay pinabayaan at iniwan ako.
Doon ko naalala ang sinabi ni Ina sakin,tama nga siya,walang tutulong sakin kundi ang sarili ko lamang... walang iba...wala...
Hindi ko namalayan ang pagtimbwang ng ninja sa harap ko dahil sa pagpatid na ginawa ko at sa pagpalo sa iba't-ibang parte ng katawan niya,sa tiyan,ulo at dib-dib hanggang sumuka narin Ito ng dugo,pinilit kong tumayo at nang sinubukan din niyang tumayo saka ko hinigpitan ang pagkakahawak sa arnis at pinalo Ito sa mukha niya.
Tulog!
Binalingan ko ang dalawang na paatras dahil sa ginawa ko,tila hindi nila inaasahang sa panghihina kong ito ay meron pa'kong mapapatumba sa kanila.
Habol-habol ko ang hininga ng sabay silang sumugod at atakihin ako, sobrang bilis nila at parang hindi manlang sila nakaramdam ng pagod,sinangga ko ang hampas ng isa ngunit hindi ko na namalayan ang pagsipa pa ng isa sa likuran ko at muli na naman akong napasuka ng dugo.
Hindi ko na alam ang gagawin ko,hinang-hina na talaga ako, napapikit ako ng tuluyan nakong napahiga sa damuhan.
Gusto kong itulog lahat ng 'to at paggising ko isa lang pala tong masamang panaginip.
"Tumayo ka Aaliyah! tumayo ka!"rinig kong sigaw ni Ina at napamulat ako ng mata ng makita ang di inaasahang pag-atake sakin ng isa dahilan upang dagli akong mapabangon.
Dahil sa hindi niya inaasahang pagmulat ko kaya hindi rin niya namalayan ang paghampas ko sa bandang tiyan niya,Hindi nako nag-aksaya ng oras at hinampas ko ng malakas ang batok niya ng mapatalikod siya sakin.
Mas lalo akong nanghina ng tuluyan siyang mapahalik sa lupa kaya binalingan ko naman ang nag-iisang nakatayo nalang.
"Mahina ka parin"pang-iinsulto niya pa,at kahit na may takip ang mukha niya ay alam ko kung sino siya.
"Ipapakita ko sayo kung sino ang mas mahina satin,Nagara"ani ko at alam kong napasmirk naman siya bago sumugod sakin.
Wala akong nagawa kundi ang sanggahin ang lahat ng atake niya,sa kanilang lahat ay si Nagara ang pinakamabilis at magaling,kasabay ko siyang lumaki kahit na nagmula siya sa Japan at dahil nagtatrabaho ang kaniyang Ama kay Ina kaya maging siya ay nagsisilbi narin Kay Ina,ganun din sa iba pang ninja na kasama niya,hindi ko alam kung bakit maraming kakilala si Ina ng mga hapon at ganitong klaseng tao pero ang alam ko lang din ay may lahi kaming hapon at sa side iyon ni Ina.
Sa kanilang lahat ay siya ang may matinding galit sakin,Hindi ko man alam ang pinangagalingan ng galit niya pero ang alam ko lang ay hindi siya magdadalawang-isip na saktan ako,dahil lahat ng sugat na tinamo ko ay nagmula sa sarili niyang espada.
Blaggg!!!
Malakas ko siyang sinipa dahilan para mapaatras siya ng bahagya,pero alam kong hindi siya magpapatalo kaya naman muli siyang sumugod sakin,pero hindi ako kumilos,nanatili lang ako at naghihintay ng pagsugod niya. At ng malapit na siya saka ko hinagis sa kaniya ang hawak kong arnis at sa hindi inaasahan ay nasalo niya iyon,pero hindi niya namalayan ang pagsugod at pagsipa ko sa mukha niya dahilan upang mapatumba siya sa sahig at mapahawak sa nasaktang ilong,pero bago pa siya makakilos ay nasagi ko na ang hawak niyang espada at pinigilan ko naman ang pagtayo niya ng pumaibabaw ako at isakal sa kaniya ang Isa ko pang arnis. Sa sandaling iyon alam kong tapos na.
*Clap*Clap*Clap
Kasabay nun ay ang paghiga ko sa damuhan at pagpikit.
"Kahanga-hanga Aaliyah"dinig kong puri ni Ina ngunit tuluyan nakong napapikit at nakatulog.
[End of flashback]
Nagsimula silang sumugod pero tinakbo ko ang ilang dipa para takasan sila upang lamang makahanap ng sandatang ipasasangga sa kanila.
At wala akong makita kung hindi ang dalawang arnis na nakasabit sa dingding,
Arnis na naman!tss!
"Kailan ba ko makakahawak ng sariling espada kagaya ng sa inyo?"Wala sa sariling usal ko sa kanila kaya naman natigilan sila at nagkatitigan.
Napairap ako ng mapagtantong hindi siguro ako naintindihan dahil pure Japanese ang mga Ito na nanggaling pa sa Japan, malamang ipinadala lang ito ni Ina para sa pag-eensayo ko para may tumapat naman sa kakayahan ko. Tss!
Iwinasiwas ko ang dalawang arnis saka pumorma,pero bago pa sila sumugod ay iginiya ko ang aking paningin upang mahanap ang baderang sinasabi nila,pag nakuha ko iyon ay ibig-sabihin nagtagumpay nako sa ensayong Ito. Ngunit Wala akong makita kaya inis na binalingan ko ang mga ito.
Tiningnan ko rin muna ang mga kilos nila,panay ang tingin nila sa sahig bago titingin din sakin. Para silang isang-kumpol ng grupo na dahan-dahang lumalapit sakin habang naka sangga ang mga espada nila bilang proteksiyon sa sarili nila.
Tiningnan ko lang sila ng mag simula silang sumugod,agad akong sumangga, umiwas,umatake. Takbo dito takbo roon, paulit-ulit at pabalik-balik kami na parang nagpapatintero lang.
Ngayon siguro naiintindihan ko na kung bakit laging arnis ang hawak at binibigay na sandata nila sakin,dahil alam nilang mapapatay ko sila kapag katana na ang hawak ko,pero dahil ensayo nga lang ito,Hindi naman makatarungan maubos lang ang mga tauhan ni Ina Ng dahil sa akin diba?
"Isa-isa lang, ayoko pana'mang pinagpapawisan ako"nakangising sabi ko at gusto kong pagalitan ang sarili ko kung bakit ko pa kinakausap Ang mga to,gayung alam ko namang hindi nila ako naiintindihan, 'maging maangas lang bawal?'
Sinipa ko ang ilan, habang pinapatulog naman ang iba pa,pilit ko paring iginigiya ang paningin ko at hinahanap ang bandera habang nakikipag-espadahan sa mga ito.
"Sabihin niyo na sakin kung na'san ang bandera at pangako,hindi ko kayo sasaktan"pang-uuto ko pa,pero hindi manlang ang mga ito nagabalang magsalita.
Kahit kelan ang susuplado ng mga ninja,kaya ayokong maging katulad nila eh,bastos pa kung minsan kahit sinisigawan mo na para magsalita pero di parin umiimik.
Umiwas ako at patalikod na tumalon para mapunta sa likuran nila at tumakbo papunta sa dulo ng bahay. Ang sabi nila sa dulo ko daw makukuha ang bandera pero bago ko pa mapasok ang kaisa-isang kwarto ay may mga sumalubong at humarang na agad sakin.
Agad nila akong sinugod at napaatras naman ako at agad sinipa ang humaharang at hinampas ko ang isa sa tiyan at ng mamilipit Ito sa sakit saka ako patalikod na umikot sa ibabaw ng likod niya at salubong na sinipa ang isa pa,isang turn kick ang ginawad ko sa isa at hook kick naman sa sumunod pa, matapos nun ay saka ko pinagpapalo ang mga magkabilang binti at braso nila para Hindi na sila makakilos at tuluyang maparalyse ang katawan nila. At binalingan ko naman ang dalawang patuloy na umaatras hanggang sa makapasok ako sa nag-iisang kwarto.
Kadiliman ang agad na sumalubong sakin at naramdaman ko ang pagkilos sa likuran ko kaya agad akong napabaling sa kabila,at hindi nga ako nagkamali dahil may isa pang balak akong sipain mula sa likuran.
'May pagkatraydor din ang isang toh,umaatake ng patalikod,tss'
Hindi nako nag-aksaya ng oras pa at ako na mismo ang sumugod pero bago pako makalapit ng tuluyan ay bigla nalang bumukas ang kalahati ng sahig at sumalubong samin ang kumukulong tubig at umuusok pa ito,sa mag kabilang gilid naman ay ang mga nakatayong matutulis na bagay,at tiyak na mamatay ang sinumang mahulog doon.
Sila na mismo ang sumugod at naging maingat naman ang bawat kilos nila habang tinatalon ang kabila papunta sakin pero agad ko silang sinalubong ng magkasabay na sipa dahilan para muling mabalik ang dalawa at muntikan ng mahulog sa kumukulong tubig. Nakita ko ang kaba nila nang muntikang pagkahulog pero ang isa naman ang sumugod sakin,inilagan ko ang mga sipa at atake niya nang magkaroon ng tiyempo saka ko siya binigyan ng flying kick dahilan para muntikan na siyang mahulog sa patibom pero agad ko siyng nahila at itinulak sa kabilang parte. Nagulat siya sa ginawa ko kaya at maging ang mga kasama niya dahilan upang daglian silang matigilan.
Pero ang hindi ko inaasahan ay paghugot niya sa kaniyang bulsa at pagtambad sakin ng pulang bandera na ngayon ay hawak niya.
Natigilan din ang dalawa sa kaniyang ginawa at agad na tumayo at patalikod na tumalon at tumabi rito.
"(今、何をしてますか?)"
"Ima nani wo shitemasuka?"(what are you doing now?)
pagkausap nito sa Japanese na lenggwahe, kaunti lang ang nasasabi kong Japanese word pero naiintindihan ko ang mga salita nila,yun lang hindi ako masyadong komportable kapag ginagamit iyon,para kasi akong nakikipag-away.
"Iniligtas niya ang buhay ko,at hindi ko inaasahan iyon"sagot ng may hawak ng pulang bandera pero napataas lang ako ng kilay.
Ensayo lang naman kasi ito,kaya hindi ko naman sila kailangang patayin.
'Baka maubos pa ang mga ninja ni Ina'
Inilahad niya sakin ang pulang bandera at natitiyak akong nagulat din ang dalawa sa ginawa niya, astang aabutin ko iyon ng hablutin ito ng isa at itapon sa kumukulong tubig,pero agad akong kumilos at pabalitad na tumalon at kinuha ang bandera bago naglanding sa kabilang parte ng sahig.
Nakangisi akong binalingan sila dahil sa pag kakataong Ito,ay muli akong nagtagumpay sa ensayo.
Tumango sila sakin at sumunod naman sila saking tinahak ang daan palabas.
Agad silang nagpalakpakan at tumango ng makita ang bandera sa kamay ko.
Nakangiti akong pinagmasdan ang lahat at isa-isa silang yumuko at nagbigay galang sa akin,maging ang mga ninja na nakalaban ko ay nakahilira na sa harap ko at nakatungo.
Napangiti ako at ramdam ko ang kaligayahan ng tagumpay.
To be continued....

หนังสือแสดงความคิดเห็น (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด