logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

CHAPTER 10

❤️Aaliyah's POV❤️
Natapos ang klase saka ako nagpaalam sa mga kaibigan kong mauna nang umuwi,kahit na ang totoo ay may bibilhin lang naman ako,at kailangan ko ng ilang Oras para makapamili dahil una sa lahat ay Hindi ko alam ang pipiliin at bibilhin ko.
Linga-linga akong pumasok sa Grentbells Mall upang ibili sana si Candice ng regalo dahil bukas ay idaraos na ang Birthday neto.
Nakakainis! ngayon palang ay naiinis nako! Hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko! Sabi ko na nga bat!kaya ayaw ko ng mga ganito dahil nakakaulol mag-isip. Isa pa tong si Ehhan,nakakainis! Nais daw niyang samahan ko siya pero hindi manlang nagpakita sakin o pinuntahan manlang ako sa UMC.
Ayoko rin naman magtanong kay Caleb na sinundo din si Chloe kanina dahil baka kung ano ang isipin nila. Sinamahan ko pa naman si Chloe na hintayin ang nobyo niya dahil nagbabakasakali ako na baka magkasama na naman sila.
Tss.
Patay ka talaga saking ugok ka!
Salubong ang kilay ko na pumasok sa bag section.
Iling-iling ako na pinagmasdan ang mga bag na naroon.
Louise Vuitton,
Gucci,
Prada-
Naalala ko na bags nga pala ang ireregalo ni Alyssa sa kaniya. Tss!
Inis akong lumabas doon at nagtuloy sa kalapit na store.
Shoes section,
Art section (paintings)
Bazaar
Clothes section
Halos malibot ko na ang buong department stores pero wala parin akong mapili,at nng mas nakakainis ay mas nawawalan ako ng ideya kung ano ang ibibigay.
*KRU..*KRU..*KRU
Tunog ng tiyan yan,wag kang ano!
Nagtuloy nako sa kalapit na restaurant dahil nagugutom nako.
Magdadalawang oras nako dun pero wala parin akong mahanap.
Matapos kumain ay nagtuloy nako sa pamimili.
Nang biglang magring ang cellphone ko.
Nagtataka ko pa iyong tinitigan nung unknown number iyon.
"Who's this?"-Aaliyah
"It's should be hello,not who's this"-Ehhan
"Who the hell is this?or you want me to put this down!"-Aaliyah
"Hey,wait!this is Ehhan"
"Tss, where did you get my number?"-Aaliyah
"I got this from Chloe,I'm fetching you...where are you?"-Ehhan
"Nandito nako sa Greenbelts Mall"-Aaliyah
"Yeah?okay I'm on my way"-Ehhan
"Bilisan mo!"-Aaliyah
"Yeah and-"
*TOOTTT
Binabaan ko.
Kakaiba talaga trip neto kahit kelan,mukhang nakalimutan pa ang usapan ah ..samantalang siya itong nagyaya.
Tss.
Nagcr muna ako bago pumunta sa Entrance ng mall upang dun na lamang siya hintayin.
Mayamaya pa ay,
Lumabas na siya mula sa black lambhorgini niya,at diretsong nagtungo sakin ng makita ako.
"I'm sorry"mahinang usal niya ng makalapit sa akin.
"Nakalimutan ko, I'm sorry"dagdag pa niya pero tinalukuran ko na siya saka muling pumasok sa loob.
"Hey,are you mad?"sabi na naman niya, pero hindi ko na siya kinibo.
"Magsalita ka naman diyan"nagsusumamo niyang sabi pero muli lang akong nagtuloy sa paglalakad.
Nahinto ako ng hawakan niya ang braso ko kaya dahan-dahan ko pang tinitigan ang kamay niyang nasa braso ko pero nasa akin lamang ang kaniyang paningin.
"Something came up,and I had a deal to close at hindi ko na pansin ang oras,katatapos lang namin..."dahan-dahan niya iyong sinabi pero tinitigan ko lamang siya.
Malungkot ang mukha niya.
Kinakabahan siya.
At bahagya pang hinihingal.
Akala mo naman nakipaghabulan.
Tss.
"Kapag hindi ka magsalita diyan hahalikan kita"
Natinag ako at literal na nanlaki ang mata ko ng sabihin niya iyon kaya bahagya pa akong napaatras pero mas lalo niyang hinawakan ang dalawang braso gamit ang dalawa niyang kamay.
Kinabahan ako bigla.
Lintek na toh!
"Hindi ka magsasalita?"nakangisi niyang tanong.
"B-bitawan moko..."nauu-tal kong sagot at pilit na na kumawala sa pagkakahawak niya.
Letse! ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko pero hindi ako nagpapahalata.
At mas lalo nang nanginginig at nanghihina ang mga tuhod ko na kahit ata anong oras ay matutumba ako.
Letseng lalaking 'to! bakit ba hanggang ngayon ganun parin ang epekto mo sakin?
Kingina.
Laking pasalamat ko nang bitawan niya ako kaya agad akong nagpatiuna na halos takbuhin ko na ang kalapit na department store.
Rinig ko ang bungisngis niya kaya mas lalo akong nainis.
Kumalma ka Aaliyah. Kumalma ka.
"Hey,wait! Hintayin moko!"rinig kong sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon at nagtuloy nang pumasok.
Medjo nakahinga ako ng maluwag.
*Sighed*
"Woahhhh"mahinang bulong ko sa hangin.
"May napili ka na ba?"halos mapatalon pako dahil sa biglang pagsalita ni Ehhan na nasa likuran ko na pero hindi ako nagpahalata.
Kumalma ka Aaliyah.
"Hindi pa"tipid kong sagot.
"Kadarating mo lang ba dito?"
"Hindi,Kanina pako dito"
"Pero, bakit wala ka pang nabibili?"
'Ang daming tanong ang kingina'
"Dahil Wala pakong mapili"sagot ko.
Nasa loob na pala kami ng bookstore at hindi ko alam kung bakit ako naroon at luminga-linga pa. Wala naman akong bibilhin dun. Basta may magawa lang,nakakainis na itong si Ehhan.
'Bakit kasi kailangan pa niyang sabihin iyon, nakakainis!'
q>>__<
"What do you think Dee likes?I mean what she wants?what thing makes her happy?"tanong na naman Niya.
Napaisip ako sa sinabi niya,
Ano ba gusto ni Dee?
"Wala naman akong kilalang nagugustuhan niya eh"naiusal ko.
"What?! No-i mean ano ang mga paborito niya!Hindi yung sinong gusto niya!"inis niyang sigaw sakin.
"E Ba't ka sumusigaw?"inis ko ding tanong sa kaniya.
Kung makasigaw halos ilang dangkal lang naman ang pagitan namin.
"Sorry"napapahiyang sabi niya.
"Tss,mahilig siya sa music...mahilig siyang tumugtog para sa lahat"nasabi ko nalang.
"Wala na ba siyang ibang gusto?"
"Mmm,hindi naman kasi siya mapili...kontento siya sa kahit na anong bagay"
"Ahh... that's good,eh mahilig din ba siyang magbasa?"tanong na naman niya.
"Hindi ko alam"
"Eh bakit tayo nandito?kung hindi rin Naman pala?"tanong niya kaya napapahiya naman akong napalingon sa kaniya.
Ewan ko rin! Tss.
"Wala tumitingin lang"mahina kong sabi saka nagtuloy na naman sa ibang stores.
"Your so cute Aaliyah"dinig kong sabi niya.
Alam kong nasa likuran ko siya at sumusunod lang siya sa akin.
"Manahimik ka"
"HAHAHHAHAHA"
Peste!
"I know a place"biglang sabi na naman niya kaya liningon ko siya.
Pumunta kami sa
BAZAAR
Bazaar lang pala.
Puro mga antiques ang karamhihan na naroon, para kang nasa Egypt noong B.C.E (Before Christ Era)PA.
Walang masyadong tao room dahil nga puro luma ang naroon at sa panahong ito. Hindi naman mahihilig ang kabataan o mamimili sa mga ganito lalo pa't ng mamahal.
Antigo nga diba?
May mga lumang paintings din pero parang bago,yung maayos pa.
Maganda tingnan.
Karamihan din ay mga halo-halong alahas.
Hmmm, captivating.
Naagaw ng atensiyon ko ang isang dagger.
Oo,dagger.
Hindi siya alahas, hindi singsing, hindi kwentas.
Napangisi naman ako.
At katabi naman nito ang isang katana.
Nakasealed pa sa isang glass.
Ang astig tingnan.
Kulay lila ang hawakan nito. Hindi ko ito napansin kanina ah.
Nagtingin-tingin nako dito kanina pero,para maman din akong lutang kanina kaya siguro hindi ko napansin.
Wala sa sariling nilapitan ko ito.
Pero bakit naman sila mag titinda ng ganito dito?
Nilingon ko si Ehhan pero ayun siya at busy sa pagtingin ng mga nakahilera na alahas.
Tss,kalalaking tao alahas tinitigan.
Bading talaga.
Nilapitan ko ang dagger na katabi lang ng katana.
Para pa itong kumikinang sa paningin ko.
"Alam mo bang may istorya ang katanang iyan Hija?"
Gulat akong napalingon sa isang ginang,Lola na ba?may kaidaran na siya, sa tingin ko ay nasa middle 50's at pa 60 na at mukhang weirdo.
Hindi ko allam kung bakit ganun ang naisip ko pero yun talaga ang naidescribe ko sa kaniya.
Mukha siyang weirdo sa paningin ko.
At nginitian niya ako.
Hindi ko maintindihan pero parang natuwa ako ng ngumiti siya sa akin.
Kung titingnan mo kasi siya,para siyang seryosong tao. Hindi pala ngiti. At kung ngingiti man ay siguradong totoong bukal sa loob niya ang ngumiti.
Para siyang si Mommy.
Hindi ko nga maintindihan eh,parang may pagkakahawig sila. Yung mata nila,parehong parang ang daming sinasabi.
"Bakit ganyan ka makatingin hija?"
"Ho?"gulat na sambit ko.
Gusto ko pang matawa dahil para kong tinawag ang sarili ko sa apelyido ko.
Natawa din naman siya.
"I said...ang katanang iyan ay meron ding sariling istorya"nakangiting sabi niya at nilingon ko naman kung ano ang tinitigan Niya.
"Ah...ano hong storya?"tanong ko nalang.
"Katulad nang tao ay marami ding pinagdaanan ang katanang iyan,ilang beses na nakipagbuno sa kahit na Sino,para lang buhay ng tao...lumalaban para siya ang Hindi masugatan...para siya ang nakatayo sa bandang huli..."nakangiti niya iyong sinabi.
Hindi ko naman gaaanong naiintindihan pero ngumiti nalang ako ng bahagya sa kaniya.
"Kagaya ng kaniyang naging amo...ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya..."sabi niya kaya naman gulat akong napalingon sa kaniya.
"Alam niyo kung sino ang tunay na nagmamay-ari sa kaniya?"intersanteng tanong ko at tumango naman siya.
"Sino ho?"tanong ko pa.
"Isa siyang babae"seryosong aniya kaya namamangha pakong tumango.
Interesting...
"Nakikita kong interesado ka hija,nais mo ba ang katanang iyan?"tanong niya pa at napaamang naman ako.
"Yeah"nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Pero...hindi ko iyan ipinagbibili..."malungkot niyang aniya.
At nalalag naman ang balikat ko....nanghihinayang ako...meron sa puso ko na parang hinihigop ako ng espadang iyon.
Para siyang kumikinang sa paningin ko.
"Ngunit pag-iisipan ko....bumalik la na lamang kung nais mo talagang makuha iyan...doon ko pag-iisipan kong ipagbibili ko o Hindi"dagdag niya pa at napangiti naman ako.
"Thanks"nakangiting sabi ko na lang.
"Wala ka na bang ibang napili?"tanong niyang muli.
"Ang totoo...kanina pako dito pero wala akong mahanap para ipang regalo..."mahinang usal ko.
"Kanino mo ba ireregalo?sa iyong nobyo?"tanong niya na tumingin sa likuran ko.
Sinundan ko ang kaniyang tingin at naroon si Ehhan at hindi parin matapos tapos sa kapamimili.
"Ah Hindi ho..."mahinang usal ko pa din.
At natawa naman siya.
"Para ho sa kaibigan ko...kaarawan kasi niya bukas"dagdag ko pa.
"Hmm...meron akong alam...ngunit hindi ko natitiyak kung magugustuhan niya...ang bagay na ito ay nagmula pa sa isang taong...naging mahalaga din sa akin...simbolo ng aming pagkakaibigan..."nakangiting niyang sabi.
Yumuko siya at kinuha ang...
Dagger?
"Bakit ho yan?"biglang tanong ko.
"Ibinigay niya ito sa akin ...noong mismong kaarawan ko...ipinsadya pa daw niya ito sa Japan sa isang Japanese swordsmith na si Masamune kilala siya bilang Japan's greatest swordsmith,ang mga gawa niya ay mula sa tachi at tantō kung sa kanilay tawagin"nakangiti niyang Sabi.
Tinitigan ko ang hawak niyang dagger,matalim at matulis ang pagkakagawa nito,ngunit mukha rin namang magaan,may nakasulat pa ito room ngunit hindi ko naman maintindihan dahil nakasulat iyon sa Japanese na lenggwahe.
"Ano ho ang nakasulat?"usisa ko pa sa kaniya.
Ngunit ngumiti lamang siya at iniabot sakin ang hawak na dagger,medyo mabigat lang pero magaan naman...
Parang ganun...
"The Shadow Vile..."bulong niya sakin bagaman nakangiti.
Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng kaunting kilabot...dahil lang ba dun sa pagkakasabi niya o sa pagkakaintindi ko sa mga nakasulat.
"Pero...bakit niyo ipinagbibili? Hindi bat...dapat ay itago niyo ho ito?"
"Nais kong may mag mana na nitong mga gamit ko...ngunit wala naman nakong ibang pamilya kaya't...nakiusap na lamang ako sa isang kaibigan upang maibenta ang lahat ng ito..."aniya at napaamang ako sa gulat.
Ibig-sahihin sa kaniya ito?lahat ng ito?pati ang katana?
"Ang totoo ay nais ko itong ipamana sa dalawa kong Apo...ngunit napalayo na sila sa akin...kaya naman nais kong ipagbili Ito sa isang taong natitiyak kong maaalagaan at papahalagan ang mga Ito...at kanilang magagamit..."aniya at gulat na naman akong napatingin sa kanila.
Sino naman kasi ang gagamit niyan sa panahong ito?puro baril na ang armas ngayon wala ng espadahan...
Makaluma na po yann lola.
"Pero sa tingin ko po...Hindi yan ang nais ni Dee...I mean...wala sa personality niya Ito...hindi rin niya ito magagamit"Sabi ko nalamang.
"Eh ikaw?"
"Ano ho ako?"
"Sa tingin ko ay magagamit mo Ito"nakangiti niyang Sabi.
Ako?
"Pano niyo ho nasabi?"
"Dahil mukhang may alam ka nito,nung ipinahawak ko Ito sayo ay nakita ko kung paano mo laruin sa iyong mga kamay...nais mo itong magamit hindi ba?"Hindi ko alam kung nakangisi siya o nakangiti,pero ganun ang dating sa akin.
Napatingin muli ako sa dagger.
Tama siya...
Nais ko iyong magamit
/^__^\
"Yan na lamang ang kunin mo,at ako na ang bahala sa ireregalo mo sa iyong kaibigan"nakangiti niyang aniya saka ako tinalikuran.
Ibinalik ko sa dating pwesto ang dagger at saka muling tiningnan ang katana.
Napangiti ako.
"May napili ka na ba?"gulat akong nilingon si Ehhan nang magsalita siya sa aking likuran.
'Bigla-bigla nalang sumusulpot. Tss!'
Naisip ko ang sinabi ng Lola kanina,
Mmm mukhang siya na ang bahala...
Kaya tumango ako kay Ehhan.
"Really?what is it?"excited niyang tanong.
Parang babae...ano ba tong lalaking to! Kung hindi lang kita naging ex ay iisipin ko nang bading ka nga talaga. Andaming signs, tsk!tsk!tsk!
"Basta"Sabi ko nalang.
"Ano nga?"
Diko rin Aaam!
"Basta akin nalang yun"Sabi ko nalang.
"Tsk!"
"Eh ikaw?"
"Mmm meron narin"
"Ano naman?"
"Basta" anito kaya tinitigan ko siya.
"Akin nalang din yun"nakangisi niyang sabi saka ako tinalikuran.
Siraulo! Tss!
Nagbayad ako ng sampung libo para sa regalong pinili ng lola sa akin.
"Thanks for visiting,please come again"nakangiting sabi samin ng Lola at nginitian naman namin siya.
"Thank you"Ani ni Ehhan.
"Maraming salamat po sa regalo niyo"nakatungong sabi ko at nagbow pa ng bahagya.
"Can I see it?"tanong sa akin ni Ehhan Nung palabas na kami ng mall.
"Tss!ususero"
"Patingin nga!" Anito na sinusubikang agawin ang ang paper bag na may laman na box sa loob pero pilit kong inilalayo.
"Bakit ba ang kulit mo?"inis kong tanong sa kaniya.
"Ang damot mo!para patingin lang naman!"
"Eh hindi naman to para sayo!kaya manahimik ka diyan!"
"Tsk!"
"Eh yang sayo?ano bayan?"
"Eh hindi ko rin sasabihin,bahala ka diyan!"
"Ede sige sasabihin ko na"
"Wag na HAHA ,ayoko din ipakita sayo eh"anito na natatawa.
Eh siraulo talaga,diko tuloy mapigilang mapaisip kung ano ang laman nung paper bag na dala niya.
"Nagugutom nako"usal niya.
"Ede kumain ka"siring ko at sumimangot siya.
"Samahan moko,kumain tayo"
"Hindi ako nagugutom,ano gagawin ko?titigan ka habang ngumunguya?"
"Pwede din,hehe"
"Tss"
"Ede samahan moko kumain"
"Wag na,uuwi nako"ani ko at sinimulan ko namang lapitan ang dala Kong kotse.
Kotse ang ginamit ko dahil iniisip ko kung pano dadalhin kung napadami ang mga pinamili ko.
"Aaliyah,I still want to talk to you"
"Magkikita pa tayo bukas"
"Oh yeah,your my date tomorrow"
Nilingon ko naman siya at malapad na ang pagkakangisi niya.
"Sige"tipid kong sagot.
"Where should I fetch you?"
"Mm...magkita nalang tayo sa party,H
Hindi ka pwedeng makita dun"
"But I can wait for you outside your neighbor's gate,like I have used to..."nakangisi niyang dagdag.
"Bahala ka"Ani ko at sumakay na sa kotse.
"Hindi mo talaga ako sasamahan?"nagpapaawa pa niyang sabi habang nakadungaw sa bintana.
"Goodnight"nakangisi kong sabi saka pinaharurot ang kotseng nilisan ang lugar.
Habang nasa biyahe ay hindi ko mapigilan ang sariling lingunin ang paper bag kung nasaang ang ireregalo ko para kay Dee at sa Dagger na bigay ng Lola sa akin.
Parang gusto ko na tuloy paliparin nag kotse ko para lamang mabilis na makarating sa bahay.
Pero mayamaya pa ay nakarating nako sa
Bahay.
Agad akong umakyat sa itaas ngunit papasok pa lamang ako nung tawagin ako ni Michael.
Badtrip.
q>>__<
"Madaam wants to talk to you"seryoso niyang sabi.
"Why?"bagot kong tanong.
"Ready yourself,she's not in the mood"nakangisi niyang sabi.
Tss! nanakot pa
"Where's is she?"nakabuntong-hininga kong tanong.
"Study room"anito.
"5 minutes"Sabi ko at akmang papasok sa kwarto.
"Now"seryoso niyang sabi kaya mas lalo akong napabuntong-hininga.
Bagot akong tiningnan siya at ngisi-ngisi naman niya akong tinalikuran.
Pumasok ako sa kwarto at iniwan ang paper bag saka muling bumaba upang tunguhin ang study table na nasa kaliwang parte ng mansion katabi ng kusina.
*Knock *knock*knock
"It's open"dinig kong sabi niya kaya bumuntong-hininga muna ako bago pumasok.
Nakitang kong ibinaba niya ang suot na salamin bago ako seryosong tinitigan.
"Good evening Mom"pilit ang ngiting sabi ko.
"Sit down"seryoso niyang niya.
"How was school?"tanong niya.
Nagsimula na namang mangarera ang puso ko sa pagtakbo,para akong hihingalin peste!
"I-its good"kinakabahan kong sagot.
Pero hindi siya sumagot kung hindi sinipat niya lamang ang relo sa pulsuhan niya.
Kaya wala sa sariling nasipat ko din ang sariling orasan.
Quarter 8 na.
Dalawang peste!
"Is this your time class dismissal?"may awtoridad niyang tanong.
"Uhm, I go to the mall after class"
"You have time for window-shopping now?"sarkastiko niyang tanong.
"I just bought my friend a gift"
"Who?"
"Candice"tipid kong sagot.
Bakit niya pa ba ako tinatanong?pinamaman-manan niya naman ako diba?
"And why is that?"
"It's her birthday tomorrow...and she's expecting me there"pigil ang lunok kong sabihin iyon.
"No one's stopping you to go there"Anita kaya nakahinga ako ng maluwag.
Pero hindi ako nagpahalata at nanatiling kalmado.
"I heard you go out with him again?"Anita na nagpaikot-ikot pa sa swivel chair niya.
Kunot-noo ko siyang inangatan ng tingin.
"Who??"
"Your ex-boyfriend?"
Now,this is great!
"Its not what you think, Mom"mahinahon Kong Sabi.
"What I was thinking?"
Napabuntong-hininga ako,ano naman ba ang patutunguhan ng usaping Ito.
"Michael told me, there's something you want to talk about"pag-iiba ko.
Yun naman talaga ang dahilan kung bakit nandito ako,gusto ko ng buksan yung regalo.
Ewan ko pero nakakasabik nako sa mumunting kahon na iyon...
"I didn't welched about your last assignment,I got so busy...how was it?"seryoso niyang tanong.
"I thought Michael told you already"
"I gave to you the assignment not to him,so answer me!"pigil ang inis na sabi niya.
"I did it!"
"Pano ka nakakasigurong hindi ikaw ang matuturong suspek?"seryoso niyang tanong.
Now I sound like a criminal,hindi nga ba?
"I left the place,clean and safe...Isa pa,3 days after the incident I think they already investigate about it...I wont be here if they knew I was the suspect"confident kong sabi.
"Do you know what happened after?"
"Their company is now in perturbed,near for bankruptcy and closure,since Mr. Bilmen didn't expect his extinction,he didn't set the company to his heiress which has no idea in ruling a company same to his mother,and since no one taking Bilmens legacy,the government will hogged everything he laboured and earned"mabahang Sabi ko at napangisi naman siya.
"How about his family?"
"Nalaman ni Mrs. Bilmen ang mga panloloko at pangbabae ng asawa niya mula sa mga litratong ipinadala ko kaya naman after malibing ni Mr. Bilmen ay lumipad na sila patungong amerika mula naman sa perang ipindala ko para naman sa pagbabagong buhay nila doon"
"How sure are you na hindi niya kukuwestiyunin ang pagkawala ng asawa niya?"
"It's her stupidity if she will still hound for the justice for his bald big bully womanizer husband"
"You can't tell me that Aaliyah"
"Obviously wala nang pakialam ang asawa niya sa kaniya,at nalaman kong meron siyang relatives sa amerika na noon paman ay nais na siyang patirahin roon,ngunit hindi nila magawa dahil kay Mr.Bilmen"
"And nalaman ko ding,nakakaranas si Mrs.Bilmen ng pananakit mula sa asawa at pang-aabuso at matagal na nitong nais hiwalayan ang asawa...I think she would thank me for killing his husband ang giving her the freedom to let go instead of hating me and punishing me to rot in jail"dagdag ko pa at napangisi siya.
"Now,that convinced me"
Ngumiti lang ako.
"Kailan sila umalis ng Bansa?"
"Their scheduled flight was 1:00 this afternoon,I'm sure by now their enjoying their freedom at this moment in states"Sabi ko pa.
"Good,you can leave leave now" Aniya at nakahinga naman ako ng maluwag.
Mabuti naman.
Nginitian ko siya at agad na linisan ang study room at umakyat sa taas.
Naligo muna ako bago pinagkatitigan ang paper bag saka kinuha ang dagger sa loob.
Hmmm...
Ang ganda...
Nakakamangha...
q^'__'^q
Nilaro-laro ko ito sa aking kamay at ilang beses na ipinaikot,itinaas sa ere at animoy may pinapatamaan...
Matapos makontento ay saka ko naman binalingan ang maliit na kahon na para kay Dee...
Ano KAYA ito?
Napatitig ako sa kahon nito...akala ko ay normal na box lang iyon pero mukha itong makaluma ngunit napakaganda ng disenyo at malinis kaya magmumukhang bago...kulay kape siya na parang gawa sa kahoy ang disenyo pero mabigat iyon...may parang crystal ball sa edge nito at mabulaklaking disenyo sa harapan nito...kahit ata ang box na ito ay mamahalin eh...
Nahirapan man akong buksan iyon ay mayamaya ay nakuha ko na din ang tamang pagbukas nun...
At
Wow...
Namangha pako ng makita ang isang
Pin curly clip...
Oo,parang clip lang siya ng mga sinaunang kababaihan noon....
Kagaya nung mga nakikita ko sa mga kdrama kung tawagin nila...
O sa mga Japanese....
Or Chinese?
Hindi ko rin mahulaan...
Kakaiba ang disenyo niya....
Hindi naman ako mahilig sa mga ganito kasehodang babae pa ako pero...
Ang astig niya tingnan....
Kulay pula ang mga nagkikinangang bato nito..
Paikot na rose kasi ang disenyo....
Hindi siya gaanong mabigat kaya naman natitiyak kong magiging komportable si Dee pag magamit iyon...
q^__^ q
Masaya ako sa ireregalo ko para kay Dee...
Hindi ko maiwasang mapingiti...
Mukhang makakabalik pako sa lugar na iyon ah...
Nais kong pasalamatan ng personal iyong Lola..
Salamat po...
Mayamaya pa ay nakangiti akong natulog...
To be continued...
[A/N:singit lang hehe :<
Source: Wikipedia]

หนังสือแสดงความคิดเห็น (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด