logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7-Leaving

Naiwan akong nag-iinit ang pakiramdam at nagkukukot ang kalooban. Malinaw na malinaw sa utak ko ang itsura ni Cedric. Para ngang narito pa siya sa harap ko at tila greek god na kakaahon sa ilog wearing nothing but a towel tapos ang baba pa ng pagkakatapis sa beywang. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin na ang bilis ng tibok ng puso ko, gosh!
Pumikit ako at saka nag-inhale -exhale. Nakatulong naman iyon upang mabalik sa normal ang puso ko pati na blood pressure.
Ipinasyal ko ang aking paningin sa loob ng aming ancestral house. Napakalinis nito. Tila walang nakatira. Wala man lang nagagalaw na mga kagamitan. Wala man lang ni isang bagay na tila wala sa lugar. Para sa isang lalaki ay sobra yatang maayos at malinis sa bahay ang lalaking ito. Namana na rin yata niya ang pagkametikuloso ng lolo at tiya ko. Bigla naman tuloy akong nakadama ng hiya.
Hindi kasi ako ganoon kaayos at kakinis sa bahay. Mas gusto ko iyong medyo may kalat. Iyong nararamdaman kong mayroong mga taong nakatira bukod sa akin. In fact, I work better kapag makalat ang bedroom at working table ko. Isa marahil iyon sa mga perks ng lumaking kasama ang mga taong sobrang perfectionist. It was like a rebellion.
Tanaw ko ang main living room. Yari sa narra ang mga antique na muwebles. Sa kabilang side ng main living room ay ang dining room. Ang mahabang dining table ay tila hindi man lang nagkaroon ng gasgas. At ang mga bintanang yari sa capiz ay natatakpan ng floor to ceiling at kulay cream na kurtina.
Ilang minuto pa ay narinig ko na ang mga yabag ng paa ni Cedric pababa sa hagdan. Nakabihis na siya ng stripe na red and blue polo shirt na naka-tuck-in sa maong na pantalon. Kahit yata sako ang isuot niya ay babagay sa kanya, I thought grudgingly.
"Ano ba 'yang mukhang napakaimportanteng sasabihin mo?" seryosong tanong nito. Wala na ang dating playful mood kani-kanina lang. I felt a little bit disappointed. I didn't know why but I rather liked it when he was being funny and cute kaysa all-business siya. Mukha siyang intimidating na shrewd businessman kapag seryoso.
"Ano ito? Bakit sa'kin ito binigay ni Nana Senya at ang sabi mo raw ay ako na ang mamamahala sa pamimili ng paninda sa mga tindahan mo?" nakasimangot na iwinagayway ko sa harap niya ang mga papel.
"Oo, sinabi ko nga 'yon. Simula ngayong narito ka na, ikaw na ang gagawa n'yan."
Lalo na akong napasimangot. "Bakit ako ang gagawa nito? Ang sabi sa last will and testament ni Mommy Tita sa'yo na raw ang mga ‘yan."
"Sa akin niya lang ipinagkatiwala noon dahil wala siyang choice. Pero in case, nakalimutan mo, hindi sa'kin ang Hat’s Off at wala akong balak angkinin kahit ano pa ang sinabi ni Tiya Constancia. Ngayong narito ka na isn't it the right time you do what you should have done before?"
Nangunot ang noo ko. Bigla akong naguluhan sa sinabi nito. "A...ano ang ibig mong sabihin?"
"Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin. Kung hindi ka basta na lang naglahong parang bula, eh di ikaw sana ang nasa lugar ko."
"No," sambit ko sabay iling.
"Yes," kontra nito.
Natahimik ako at napatitig na lang dito. I was trying to read his facial expression. Seryoso ba ang lalaking ito? Hindi ako makapaniwala na parang hindi siya interesado sa Hat’s Off. Isa iyon sa nagpayaman sa pamilya ko. Tapos hindi siya interesado? Unbelievable.
"A...ang ibig mong sabihin ay inaayawan mo ang negosyong ibinigay sa'yo ni Mommy Tita? Hindi mo kailangang gawin iyon, okay. Kung iniisip mo na I am against it. Rest assured I’m not and never will be. Naiintindihan ko kung bakit niya ginawa ‘yon. Ikaw ang nagpalago niyon. You deserve to have it," saad ko.
Kung iniisip niya na kinukuwestyon ko ang ginawang iyon ng tiya ko. At kung iniisip niya na kontrabida ako. Nagkakamali siya okay. Ako ang bida rito.
Seriously, I was more than happy na malamang malaki ang tiwala sa kanya ni Mommy Tita.
"Hindi ko inaayawan. Meron lang akong sariling negosyo na higit nangangailangan ng oras ko. Kahit ako ang nagpalago sa Hat’s Off, hindi ko masasabing akin ‘yon. Sa pamilya mo ‘yon at hindi ko maaaring angkinin. Gusto kong magkaroon ng panahon para sa sarili ko. Siguro naman ay nauuunawaan mo ang ibig kong sabihin."
Hindi ko malaman kung matutuwa o magagalit ngunit nanlumo ako.
"Ito ba ang dahilan kaya pinauwi mo’ko? Dahil wala kang mapag-iwanan ng responsibilidad mo sa pamilya ko? Gusto mo nang takasan, right? Eh di sana binigay mo sa pamilya ni Tiya Patricia. I’m sure they would jump at the chance.”
Not sure why but I felt a little bit betrayed.
Baka nakakalimutan ng lalaking ito. Ang pamilya ko na dahilan kung bakit siya ay siya ngayon. Isang taong may pinag-aralan, tinitingnan, nirerespeto, at masasabi na ring matagumpay sa larangan ng pagnenegosyo.
Ang lahat ng iyon ay dahil sa pamilya ko. Tapos ngayon ay gusto na niyang iwanan? Naiinis ako na parang ini-snobbed niya ang effort ni Mommy Tita. Other people would kill to have it. Si Tiya Patricia nga biglang nag-iba ng tingin sa’kin eh. Biglang naging parang ibang tao na ako. Samantalang kadugo ko.
Tapos siya ay hindi interesado? Imposible siya. Nagmamalaki na ba siya?
"No. I'm not running away. At merong dahilan kung bakit sa’kin niya binigay ang Hat’s off at hindi sa kanila. Dahil alam niyang hindi mauuwi sa wala ang pinaghirapan niya. Alam niyang isasauli ko sa tunay na may-ari. Ikaw. At ngayon ay isinasauli ko na. And yes, isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto kong umuwi ka na,” anito.
"K..kung ganoon ay aalis ka na sa bahay na ito?" Hindi pa rin ako makapaniwalang parang nagpapaalam na ito.
"Ganoon nga pero huwag kang mag-alala, ituturo ko sa'yo ang pasikot-sikot ng negosyo," dagdag pa nitong tila biglang na-excite dahil tuturuan niya ako.
Well, thanks. But no thanks.
Ngayon pa lamang ay nagsisimula nang kumulimlim ng mundo ko. Hindi dahil sa mabigat na responsibilidad na bigla nitong inatang sa’kin. Sa totoo lang kaya ko naman siguro iyon. Ngunit iyong sinabing aalis at magsasarili na ay hindi pa mag-sink in.
Though, hindi ko siya lubusang masisisi. Halos kalahati ng buhay niya ay inilaan niya sa pagsunod at pagsisilbi sa napaka-istrikto kong lolo dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob. Pagkatapos kay Mommy na kelangan ng extraordinary person upang makasundo nito. Sa Cedric nga lang ang nakasundo nito eh.
Napahugot ako ng malalim na hininga.
"Hey, everything will be alright. Bukas na bukas din ay sisimulan kong ituro sa'yo ang lahat. Marami naman sa mga produkto ay delivered by the suppliers. Lalo na iyong mga imported items so there would be no problem. Ang mga native naman ay galing sa Divisoria at isasama kita roon para makilala mo ang mga suppliers natin doon," mistulang nag-aalo ito ng bata. Ngunit hindi iyon nakabawas sa lungkot na bumalot sa akin ng mga oras na iyon. Tumango na lang ako at hindi na umimik pa.
***
Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naramdamam ko na lang ang mahinang pagyugyog sa aking balikat.
"Gising na. Narito na tayo," ani Cedric. Bahagyang nagulat pa ako sapagkat pagdilat ko ay naroon na nga kami sa garahe. Naidlip pala ako sa biyahe.
"Nakatulog pala ako. Teka tutulungan na kitang magbaba niyang mga pinamili." Bibitbitin ko sana ang isang bunton ng mga native sombrero ngunit nagulat ako nang mabilis nitong pigilan ang aking kamay.
"Hindi na kailangang ibaba ang mga 'yan. Idadaan ko na sa tindahan bukas ng umaga,"anito.
Agad akong napatingin sa mukha nito. He was looking at me intently with those smiling eyes of his. Oo, ang mga mata ni Cedric ang kanyang best feature. Mahahaba ang pilik nitong tila sa isang babae. Ilang saglit na napatitig ako sa mga mata niya. Nanuyo yata ang lalamunan ko kaya napalunok ako. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa tension. Bumaba ang mata niya roon. Lalo na yatang nanuyo ang lalamunan ko. Sinabayan pa ng kabog ng dibdib ko.
"Diana."
"Cedric."
Sabay pala kaming nagsalita. Tinapunan ko siya ng tipid na ngiti.
"Papasok na 'ko. I'm a little tired," sabi ko.
“ I liked that."
"What?" nagtatakang sambit ko.
"The way you called me,” anitong may naglalarong ngiti sa mga labi.
Noon ko lang naisip na hindi ko pala siya tinawag na kuya. I didn't know why he made a big deal out of it. Kadalasan ay inaasar o binibiro ko lang naman siya kapag tinatawag ko siya ng ganoon. I was so exhausted to make any joke.
Mabuti naman at ilang saglit pa ay binitawan na nito ang kamay ko. Tuluyan na akong bumaba ng sasakyan. Tila hinahabol nang pumasok ako sa mansyon. Pakiramdam ko kasi ay hindi ko na kayang itukod ang mga paa ko dahil sa matinding pagod. Goodness’ sake, hindi ako sanay ng maghapong naglalakad.
Tapos ang init pa ng panahon. Parang sasabog na sa sakit ang ulo ko. Hindi naman ako makareklamo. Ayokong isipin niya na hindi ko kayang pamahalaan ang Hat’s Off. Ayokong isipin niyang weak ako at pabebe.
"Diana, kumain ka muna. Ipinaghain na kita," narinig kong tawag ni Nana Lucia ngunit dere-deretso ako sa loob ng kabahayan. Mabilis akong pumasok sa isang silid na nakabukas. Hindi ko na kayang umakyat ng hagdan patungo sa aking sariling silid. Pagkakita sa kama ay pabalya kong ibinagsak ang aking katawan. I miss my bed so much.
*****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (83)

  • avatar
    m******6@gmail.com

    Ang ganda ng story.Maiksi lang pero di ka mabibitin kc nabasa ko ng buo.Di mo na kelangan pang mag antay sa author kung kelan nya ipublish next chapter kc buo na ang kwento..Good job for the aithor of this story...5 star for you..

    25/01/2022

      1
  • avatar
    Carl Jhon Lumantas

    ganda talaga basahin sana ma intindiha ninyu tu sarap talaga parang mka inlove sayu

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Christian Oliva Abuid

    Wow

    14/02/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด