logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5-Kiss


Diana’s POV
Ilang sandali pa ay dahan-dahan nang kumilos ang mga labi niya. The sweet sensation caused me to close my eyes. I had been kissed before but this one was so much different it would be like a sin to try to make any comparison. Ang mga iyon ay hindi katulad nito. Tila nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko at kinailangan kong kumapit.
Naghanap ng makakapitan ang aking mga kamay ngunit walang natagpuan ang mga iyon kaya sa magkabilang balikat ni Cedric humantong. Cedric seemed to take it as an encouragement. Kaya naman mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa’kin.
Hindi ko na malaman kung gaano kami katagal sa ganoong ayos. It was just seconds but it felt like forever or maybe I was just wishing it to be forever. Pakiramdam ko kasi ay huminto muna sa pag-ikot ang mundo. If that was even possible.
Cedric's lips were soft and gentle. They forced my own lips to respond against my will. And to my utter dismay, I seemed to lost control of this part of my body. It was as if they had a life of their own responding to the gentle teasing of his lips. Our bodies were so close I could feel the clenching of his muscles as he almost carried my weight.
"Diana," narinig kong bulong niya. It served as a cue upang bumalik ako sa kasalukuyan. Before he could do other things I broke free from his embrace. I remembered he was just trying to prove something and he succeeded. That mind-blowing kiss was not brotherly at all.
"What have you just done?"shocked at gigil kong tanong sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na hinalikan niya ako. At higit sa lahat hindi ako makapaniwala na tinugon ko naman ang mga halik niya. What the bloody hell had just happened?
Walang kakibo-kibong nakatingin lang siya sa’kin. He seemed not himself or whatever!
"Ano ka ba? Lasing ka ba? Nalasing ka ba sa party na pinuntahan ninyo at may hang-over ka pa? Para kang wala sa sarili mo?" sunod-sunod na tanong ko.
Hindi pa rin siya kumikibo. Hanggang sa umiling-iling lang ang nagawa. Ano nang nangyari sa kanya? Napipi na ba siya? Ilang minuto pa ang lumipas bago siya muling nagsalita.
"Ano ba ang sinasabi mo? Bakit ako malalasing hindi naman ako umiinom?" asik niya.
"Bakit mukha kang lalaking nawawala sa sarili?" naniningkit ang mga matang asik ko rin sa kanya.
"Sino ba naman kasi ang hindi mawawala sa sarili diyan sa suot mong damit. Napakaikli niyang suot mong shorts."
Shorts nga, di ba!
Nanlalaki ang mga mata ko sa matinding inis. Hindi naman ganoon kaiksi ang shorts ko. Matapos akong halikan ako pa ang sisisihin nito.
"Excuse me. Ang suot ko ay walking shorts at hindi maiksi. Bahagya nga lang itong tumaas sa tuhod ko," nanghahaba ang nguso ko.
"At 'yang suot mong blouse. Napakasikip niyan sa'yo. Para ngang pangalawang balat mo na eh."
"This is a cotton blouse. It hugs the body when you wear it. Kaysa naman sa suot ng nobya mo kahapon. Labas ang kaluluwa," gigil na sagot ko. Ano ba siya? Sobrang conservative na judge sa isang fashion designing contest? Kung maka-criticize ay wagas.
"It was a party dress. What do you expect?"
"Wala. I don't care what the two of you do. The only thing I care about is that you used my car."
Sumusobra na ang lalaking ito ah. Lahat na lang sa akin isinisi. Ako ba ang nanghalik?
"Your car? Anong ibig mong sabihin?" mabilis itong napaunat mula sa pagkakatayo sa harap ko.
O ano? Eh, di napatigil ka sa kaka-criticize sa suot ko.
"Bakit? Nakalimutan mo agad na ayon sa last will and testament ni Mommy Tita, sa akin na ang mansyon at lahat ng naririto, therefore kasama ang kanyang kotse. Kaya wala nang makagagamit niyon kundi ako," buong pagmamalaking paliwanag ko. May kasama pang taas ng mga kilay at baba.
Wala naman talaga akong balak sabihin iyon eh. Dala lang talaga ng matinding inis ko sa mga sinasabi nito.
"Ngayon kung may gustong gumamit ng kotseng iyon, dapat lamang sigurong magpaalam muna sa'kin," biglang bawi ko nang makita ko ang itsura nito. Tiimbagang ito at kahit na ang pinakadukhang pintor ay hindi magkaka-interes na ipinta ang mukha nito.
"Sabi ko na nga ba eh, kunwari ay wala kang kainte-interes sa mga kayamanan ni Tiya Constancia pero ang totoo, you want them all along. You're just like all the others."
That hurt a little bit. Parang hindi ko naman maatim na iyon ang isipin nito sa’kin. Saglit akong natahimik.
"Tutal naman pinaalala mo rin lang ang tungkol sa last will and testament, mayroon lamang akong gustong linawin."
"A...ano 'yon?" ako naman ang napaunat mula sa pagkakatayo sa harap niya. Bigla akong kinabahan. Alin doon sa mga sinabi ni Mommy Tita ang nais niyang linawin?
"Bakit nag-sorry sa'yo si Tiya Constancia? Ano ang ginawa niya na kailangan niyang ihingi ng tawad sa'yo? May kinalaman ba ‘yon sa pag-alis mo?"
"H...hindi ko alam ang sinasabi mo," bigla kong hinanap iyong pang-spray na hawak ko kanina. Nabitiwan ko pala iyon. Yumuko ako at dinampot iyon. Saved by the sprinkler. Hindi ko kayang magsinungaling habang nakatitig sa mga mata niya.
Hindi ko naman inaasahan na natatandaan nito ang bahaging iyon ng last will kung saan nag-sorry ang tiya ko sa pagpayag na petisyunin ako ni Tito Wilfredo.
Cedric was still staring at me. I knew he was trying to decide whether he would believe what I said or not. Bigla ko namang ininspeksyon kung may nasira sa pang-spray ng orchids. Para lang makaiwas sa mata nitong tila laser na rin yatang tulad ng kay Mommy Tita.
"Sige, kung ayaw mong sabihin bahala ka. But I assure you, malalaman ko rin."
Hah! Over my dead little sexy body.
Ilang minuto nang nakaalis ang lalaki sa harap ko. Ngunit hindi pa rin ako makakilos sa kinatatayuan ako. I was having difficulty taking in what had just happened. Lalo na iyong halikang nangyari.
You're acting like you have never been kissed before, Diana Marie De Silva Reyes.
Hindi nga iyon ang unang halik ko pero iba iyon eh. Si Cedric iyon. Ang aking childhood crush.
***
Hindi ko pa rin mapigil ang pag-iyak nang dalawin ko ang puntod ni Mommy Tita. Isa iyon sa pinakamalaking mausoleum sa Holy Gardens kung saan nakahimlay din ang aking mga magulang at abuwelo. I still missed her.
Ngumiti lang siya sa akin at niyakap ako pagkatapos kong magmano sa kanya. Matinding pagpipigil ang ginawa ko upang hindi maiyak sa harap niya. Ayoko kasing ma-stress siya. I just told her that everything would be alright. At malalagpasan niya iyon. Tapos hindi naman pala.
Huwag kang mag-alala,Mommy Tita. Matagal na kitang pinatawad dahil sa pagpapalayas mo sa’kin dito sa Pilipinas.. Ikaw naman kasi eh. Masyado mong sineryoso ang bagay na iyon. Bakit ba kasi nagbabasa ka ng diary ng iba? You were not supposed to read mine. Nalaman mo tuloy ang pinakasesekreto ko. Pero wala lang naman iyon eh. Wala lang talaga akong maisip isulat sa diary ko kaya si Cedric ang napagdisketahan ko. Siya lang naman kasi ang kilala kong cute noon eh. Well, okay. Marami akong cute na kaklase kaso nuknukan naman ng yayabang. Nakakairita ang mga ugali.
Eh, si Cedric, cute, tahimik, masipag, soft-spoken, at palaging naroon sa tabi ko noong bata pa ako. Ginagawa niya kahit anong ipagawa ko.Tumalon pa nga siya minsan mula sa bubong ng matandang bahay natin noon dahil sinabi ko. Mabuti na lang mababa lang ang bahaging iyon. Tapos inaakyat niya ang mga puno sa likod para ipitas ako ng mga prutas. Nakabantay din siya sa ibaba kapag ako naman ang umaakyat para daw masalo niya ako kapag nahulog ako.
You, of all people should have known that I was just being young and silly. Ganoon naman ang mga kabataan, di ba? Minsan hindi alam ang mga sinasabi. Ayun tuloy, halos kaladkarin mo ako papuntang airport at ang sabi mo ay pinipetisyon ako ni Tito Wilfredo. Sobrang natakot ka na sa isang tulad lamang ni Cedric ako mapunta, sabi mo. Don't worry pinatawad na kita. And I hope pinatawad mo na rin ako sa mga kagagahan ko. I wasn't there when you needed me the most. I love you so much, Mommy Tita.
"Kahit maubos pa ang mga luha mo sa kakaiyak d’yan sa harap ng puntod niya, hindi na siya mabubuhay pa.”
Kasalukuyan akong nagpapahid ng luha nang marinig ko ang tinig ni Cedric na nakatayo sa pinto ng mausoleum. Hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito. Nagtaka naman ako kung bakit narito din ang lalaking ito. Sinusundan ba niya ako? Bakit? Para ano? Siguro talagang sinadya nitong datnan akong nagdadalamhati upang magkaroon na naman ng pagkakataong sisihin ako.
Iyon nga marahil ang dahilan kung bakit naririto ang lalaking ito. Napabuga ako ng hangin. I didn't know why I imagined myself being in love with him. Totoo naman ang sinabi ni Mommy Tita. Wala naman talaga itong maipagmamalaki sa buhay. Ano ba ang malay ko kung nagdadalamhati rin ito o baka natutuwa pa nga sa pagkamatay ni Mommy Tita? Lalo na at sa kanya ipinamana ang Hat's Off.
Mariin akong napapikit. Bigla akong sinurot ng konsiyensya ko. Nagrereklamo ang isang bahagi ng utak ko. Hindi naman daw ganoon si Cedric.
Pero ano nga ba ang nalalaman ko tungkol sa kanya? Matagal na rin kaming hindi nagkita. Baka naging ambisyoso na siya at nais palang kamkamin ang mga ari-arian ng pamilya ko. Naghalukay ako sa isip ko ng maaanghang at malulupet na salitang maaaring ibato rito. Ngunit ayaw namang lumabas sa bibig ko ang mga iyon. Nakakainis.
Wala ako sa mood makipagtalo sa lalaking ito. Kaya matapos damputin ang aking shoulder bag na ipinatong ko sa isa sa mga benches doon ay dali dali akong lumabas.
*****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (83)

  • avatar
    m******6@gmail.com

    Ang ganda ng story.Maiksi lang pero di ka mabibitin kc nabasa ko ng buo.Di mo na kelangan pang mag antay sa author kung kelan nya ipublish next chapter kc buo na ang kwento..Good job for the aithor of this story...5 star for you..

    25/01/2022

      1
  • avatar
    Carl Jhon Lumantas

    ganda talaga basahin sana ma intindiha ninyu tu sarap talaga parang mka inlove sayu

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Christian Oliva Abuid

    Wow

    14/02/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด