logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4-Orchids

Cedric’s POV
Pabagsak akong naupo sa rocking chair na nasa isang sulok ng sala. Para akong ipinaghele nito. Kaya napapikit ako. Pagkatapos ay ilang beses akong napahumugot ng malalim na hininga. I felt the tension slowly leave my body.
Para akong nabunutan ng tinik nang makaalis na ang abogado at si Tiya Patricia. Aminado ako, hindi ko inaasahan ang naging reaksyon ni Tiya Patricia. Hindi man lang sumagi sa isip ko na magagawa niyang sabihin ang mga iyon tungkol kay Diana. For Christ's sake, nag-iisa niyang pamangkin si Diana.
At ang isa pang bagay na hindi ko mapaniwalaan. Sa akin iniwan ni Tiya Constancia ang Hat’s Off. Gusto kong pagalitan ang sarili ko sapagkat imbes na matuwa at magpakasaya ay tila kabaligtaran ang nararamdaman ko. Not that I was not grateful. Siguro ay dahil na rin sa dami na ng utang na loob ko sa mga De Silva. Hindi na kailangang pamanahan pa nila ‘ko. Iyong pinag-aral ako ni Don Manuel at hindi itinuring na ibang tao ay sobra-sobra na.
Labinlimang taon ako nang makilala ko si Miss Maria Constancia Hernandez De Silva. Sobrang istrikta at napaka-workaholic na babae. Minsang nag-deliver ako ng iba't ibang klase ng sombrero sa tindahan niya. Bagaman istrikta ay mabait si Tiya Constancia.
Generous kung magbigay ng tip kaya naman paborito kong deliver-an kaysa sa ibang mga tindahan. Pagkaraan ng ilang beses kong pagde-deliver sa tindahan niya ay tinanong niya kung nag-aaral ako. Napansin niya kasi na kahit weekdays ay naroon ako.
Malungkot akong napailing. Ang pag-aaral kasi ay isang bagay na sa imahinasyon ko lamang nagaganap ng mga panahong iyon. Ni makain nga ay wala kami tapos mag-aaral pa ako?
"Ang batang tulad mo ay dapat na nasa eskwelahan at nag-aaral sa mga oras na ito," aniya sa akin.
Matagal siyang nakatingin sa akin. Tila nag-iisip nang malalim nang sabihin ko sa kanyang walang pampaaral ang mga magulang ko.
"May pangarap ka naman ba sa buhay?" sumunod niyang tanong.
"Marami po ako noon. Libre naman po 'yon, di ba?"astig ko pang sagot.
Napangiti naman siya.
Mahabang interview pa ang nangyari ng araw na iyon. Nang malaman niya na iniwan ako dito ng aking ina at sa isang kaibigan lamang nakikituloy ay dinala niya ako sa bahay ng kanyang ama, si Don Manuel De Silva. Dahil tatlong panay na babae ang naging anak, sabik ang matanda sa anak na lalaki.
Kinumbinsi nito si Tiya Constancia na gawin akong parang assistant nito sa Hat's Off upang may kasa-kasama ito sa pamimili ng paninda at iba pang business transactions nito. Kapalit ng pagtatrabaho ko ay pag-aaral. Hindi ako nagdalawang-isip. Kaagad kong sinunggaban ang alok na iyon.
At dahil biyudo na si Don Manuel at nag-iisang naninirahan sa matandang bahay ay doon na rin ako pinatira. Iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Sasandaling panahon pa lamang ako sa pamilya De Silva nang maganap ang trahedya. Namatay sa isang vehicular accident ang mga magulang ni Diana. Si Tiya Constancia ang tumayong ina nito simula noon.
Napangiti ako nang maalala ko ang matinis na tinig nitong parati nang tumatawag sa akin dahil nais nitong akyatin namin ang puno ng bayabas na matatagpuan sa likod ng matandang bahay. She liked guava. Madalas ay may baon pa siyang asin na sawsawan at doon na kinakain sa itaas ng puno ang napitas na bayabas.
Kamuntik ko na siyang hindi makilala noong makita ko siya sa ospital sapagkat doon siya dumeretso. Bahagyang nginitian lamang niya ako noon. At ako naman ay parang namatanda sa pagkakatingin sa kanya. I never, for one moment, thought that she would grow into such a striking beauty. She was stunning. Dark brown wavy hair, huge lovely eyes, and smooth white skin. To say that I was surprised to see her was an understatement. I was starstruck.
Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magkausap ng mga sumunod na araw. Tango lang ang naging komunikasyon namin. Both of us had been so busy for the last two weeks. Kahapon lamang ako nagkaroon ng pagkakataong makausap siya but obviously it didn't turn out the way I expected. Hindi ko alam kung bakit nasumbatan ko siya. Gusto kong batukan ang sarili ko.
Palaisipan pa rin sa akin ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang umalis. Alam kong matagal na siyang penipetisyon ng kanyang tiyuhing nasa Amerika ngunit hindi pumayag si Tiya Constancia. Kaya laking gulat ko na lang nang isang araw na umuwi ako ay hindi ko na siya dinatnan.
Naputol ang daloy ng ala-ala ko nang marinig ko ang boses ni Nana Lucia. Nasa labas daw si Clarissa at hinahanap ako. Hell! Nakalimutan ko na may usapan kaming susunduin ko siya sa kanila. May pupuntahan pala kaming birthday party ng isa sa mga kaibigan nitong babae.
"Ang tagal mo naman. Namuti na ang mga mata ko sa kakahintay sa'yo eh," nakasimangot na wika ni Clarissa bago dere-deretsong pumasok sa bahay.
"Sandali. Gagayak lang ako,"mahinahong sabi ko sa kanya.
"Ano pa nga ba? Lagi ka namang late sa mga parties." Isang matalim na irap ang ipinukol niya sa akin.
"Alam mo naman kasi na hindi ako mahilig sa mga ganoon, di ba? It’s not my cup of tea."
"Iyon na nga eh. Nakakainis kang kasama. Parang ikaw ang babae. Maaga pa nagyayaya ka nang umuwi. Killjoy,"patuloy na reklamo nito.
Wala akong masabi sa kanya dahil totoo naman ang mga iyon. Lihim na lamang akong napangiti.
"Okay. Tama na. Papunta na nga tayo, di ba?" tinalikuran ko na siya. Umakyat ako sa itaas ng bahay at nagbihis.
*****
Diana’s POV
Hindi ko mapigilan ang mag-hum habang ini-spray-han ang mga orchids. Pagkatapos kong mag-almusal ay naisipan kong diligan ang mga ito. Alam kong matutuwa nang husto si Mommy Tita. Iyon man lang ay magawa ko para sa kanya.
"Diana, kay Elena mo na lamang ipagawa ‘yan," ani Nana Lucia nang matanaw niya ako sa aking ginagawa. Si Elena ay isang teenager na apo niya at kasa-kasama niya sa mansyon. Si Nana Lucia ang nagpapa-aral dito.
"Ako na po, Nana Lucia. Sanay naman ako. Pagkatapos nito ay iyon namang mga rosas ni Lola Juling ang aasikasuhin ko," nakangiti kong tugon sa kanya. Natanaw ko kasi na mayroon pang ilang paso ng mga rosas sa banda roon ng hardin. Namana ko sa aking lola at ina ang pagkahilig sa mga rosas.
"Naalala 'nyo ho ba noong bata pa ako, kapag wala akong pasok ay tinuturuan ako ni Mommy Tita kung paano magtanim at magparami ng mga orchids?"
"Paano ko namang makakalimutan iyon, eh hanggang sa huling bahagi ng buhay niya ay ‘yan ang kanyang libangan. Masayang-masaya siya kapag nariyan sa kanyang mga orchids. O siya, sige. Kung ‘yan ang gusto mong gawin. Ikaw na ang bahala sa mga 'yan. Sa tingin ko ay na-miss ka rin ng mga halamang 'yan."
Napangiti ako sa sinabi ni Nana Lucia. Iyon nga rin ang palagay ko. Iniwan na niya ako kaya ipinagpatuloy ko ang pagwisik at pagmamasid sa iba't ibang kulay na mga bulaklak. Ngayon ko lubos na nauunawaan kung bakit haling na haling si Mommy Tita sa mga orchids.
"Mabuti naman at naisip mong gawin 'yan. Kahit paano ay makakabawi ka at tiyak na matutuwa si Tiya Constancia sa'yo."
Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Cedric. Hindi ko napansin ang paglapit niya.
"Hello, Kuya Cedric,"bati ko sa kanya though I did not bother to look up. Ayokong maabala sa ginagawa ko.
"Stop calling me Kuya Cedric," iritadong utos nito.
"Bakit naman? Ano ba ang masama kung tawagin kitang kuya. Would you prefer na Manong Cedric, o Tito Cedric ang itawag ko sa'yo?" sabi ko habang ipinagpapatuloy ang aking ginagawa.
"Hindi mo ako kuya."
Kahit hindi ko nakikita ay alam kong hindi na naman maipinta ang mukha niya base sa boses niya. Asar na naman siya. Sarap asarin eh.
"Iyon ang gusto ni Mommy Tita." Ewan ko ba at hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tila kasi sobrang ganda ng umaga niya dahil sa pakikipag-date sa nobya. Nakita ko ang pagdating ng babaeng iyon. Narinig ko pa nga ang pang-na-nag nito sapagkat hindi kaagad ito sinundo ni Cedric.
"Wala na siya kaya tigilan mo na."
Sumunod-sunod siya sa likuran ko habang patuloy ako sa pagdidilig ng mga orchids. I wished he would stop following me and stay as far away from me as possible. Feeling ko kasi ay nahahawa na rin ang mukha ko sa lukot na mukha niya. Umagang-umaga eh. Ngunit tila wala itong kabalak-balak na tantanan ako.
"Kahit na. I used to call you that and I'll continue calling you that," naiiritang saad ko.
Naaabala na niya ang ginagawa ko. Hindi ko na tuloy ma-enjoy ang pagdidilig sa mga halaman. Masaklap pa nito mahawa ang mga orchids sa mood ko at bigla na lamang manlupaypay ang mga naggagandahang bulaklak na tila nasapian ng masamang espiritu.
"Hanggang ngayon tigas pa rin ng ulo," bulong nito ngunit dinig na dinig ko.
Napasimangot ako. Pasalamat siya dahil hindi hose ng tubig ang hawak ko. Kung hindi ay kanina pa siya nagsa-shower.
"Kagagaling mo lang sa pakikipag-date, mainit agad ang ulo mo. Baka doon ka naiinis sa nobya mong childish. It's not fair na sa akin mo ibunton 'yan."
"Whoa! Paano mo nalamang nakipag-date ako kagabi? Binabantayan mo na ba ako ngayon?" anito na sinabayan pa ng ngisi.
Mabilis akong napabaling sa kanya. Ang tindi rin ng angas eh.
"Naroon ako sa veranda nang sunduin ka niya kaya nakita at narinig ko kayo ng...ng...babaeng 'yon," nanghahaba ang babang saad ko.
"Her name is Clarissa," singit niya bago yumuko upang buhatin ang isang malaking tipak ng bato na nawala sa alignment mula pagkakaayos sa hardin. I could hear the crackling of his muscles. Parang wala lang na binuhat niya iyong malaking tipak ng bato. Well, he was obviously in perfect shape.
"I'm not interested to know," saad ko saka muling lumakad palayo.
"You know what? I think you're just jealous.”
Agad akong napatigil sa paglalakad. Kahit ba may bahagyang katotohanan iyon. Kailanga ba talagang ipamukha sa akin? I had no choice but to deny it.
"At bakit naman ako magseselos, Kuya Cedric?" Bilang ganti, I put so much emphasis doon sa kuya.
"Kapag hindi mo tinigilan ang katatawag mo sa'kin ng kuya, I'll be force to do something upang patunayan sa'yo na hindi mo ako kuya and that there's no blood connection between us."
Nakangiti ito ngunit hindi nakatakas sa'kin iyong tunog ng pagbabanta sa tinig nito. Napaisip tuloy ako kung ano ang ibig nitong sabihin. Ano naman ang maaari niyang gawin? Magpa- DNA test kaming dalawa? Natural negative iyon. Hindi ko naman siya kaano-ano.
"Mapipilitan akong gawin ang isang bagay na gustong-gustong kong gawin noong kadarating mo pa lamang," dugtong pa nito nang hindi pa rin ako kumikibo.
"At ano naman 'yon?" Ewan ko ba naman at itinanong ko pa iyon? As if naman mayroon nga itong maaaring gawin upang mapatunayang hindi kami magkaano-ano. As if naman kailangan talaga nitong patunayan iyon.
"This..." laking gulat ko na lang ang bigla nitong hapitin ang beywang ko.
Bago pa ako makahuma ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakakulong sa matitipuno nitong mga bisig. Hindi ako makakilos. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang maiinit na mga labi nito sa aking mga labi. He was kissing me, to my utter disbelief. I squirmed free from his embrace. Ngunit tila nakulong ako sa kulungang bakal. What in goodness’ name was happening?
*****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (83)

  • avatar
    m******6@gmail.com

    Ang ganda ng story.Maiksi lang pero di ka mabibitin kc nabasa ko ng buo.Di mo na kelangan pang mag antay sa author kung kelan nya ipublish next chapter kc buo na ang kwento..Good job for the aithor of this story...5 star for you..

    25/01/2022

      1
  • avatar
    Carl Jhon Lumantas

    ganda talaga basahin sana ma intindiha ninyu tu sarap talaga parang mka inlove sayu

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Christian Oliva Abuid

    Wow

    14/02/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด