logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

All I Need

All I Need

Johanna Gabrielle


Chapter 1- Home

Diana's POV
White lady sa harap ng mansyon ng mga De Silva na nagpakita sa katanghaliang tapat. Malamang iyon ang akala ng mga nakakakita sa’kin sa oras na iyon. Mabuti na lang hindi gabi. Pag nagkataon baka biglang katakutan ang mansyon ng aking tiya.
Kanina pa kasi ako nakatayo sa gate at mistulang nahihipnotismo sa pagkakatitig sa malapalasyong bahay na iyon sa Orchid Street sa aming subdibisyon. Oo, ang pangalan ng mga kalye sa amin ay nagmula sa mga ornamental plants.
At kung bakit naman mukha akong white lady?
Naka-all white kasi ako. White blouse and white slacks. Pati nga iyong two-inches-wedge sandals ko ay kulay puti din. Kakauwi lang namin mula sa Holy Gardens kung saan matatagpuan ang mausoleum ng aking pamilya. Inihatid namin sa kanyang huling hantungan ang aking tiya, si Maria Constancia Hernandez De Silva, whom I grew up calling Mommy Tita since Tita ko siya na tumayong Mommy ko.
Ang nagdadalamhati kong mukha ay naguhitan ng bahagyang ngiti habang inililibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng mansyon at paligid nito. Saktong-sakto pala kasi ang pangalan ng kalye. My aunt was super crazy about orchids. Sa katunayan ay iba't ibang uri ng orchids ang nakapaligid sa mansyon. Panay namumulaklak na ang mga nakalagay sa paso. Gayundin ang mga nakakapit sa dalawang nagtatayugang palm tree na agaw-pansin sa magkabilang panig ng bahay. Mistulang guwardiya ang mga iyon sa main entrance.
Nagsisilbi namang palamuti sa paligid ang mga orchids na nakakapit sa driftwoods. Ang ganda at nakakatuwa palang panoorin ang mga iyon. Lalo na ngayong mas dumami pa ang mga halaman. Hindi naman nakapagtataka sapagkat talagang personal na inaalagaan at pinararami ang mga iyon ng aking Mommy Tita.
Ang sekreto daw sa pagpapaganda ng mga halaman ay kausapin ang mga ito. Natatawa lamang naman ako pag sinasabi niya iyon. Pero siguro totoo nga dahil napansin ko na para ngang ang bilis lumaki at ang gaganda talaga ng mga halaman. Tapos parang nagpapaligsahan pa sa dami ang mga bulaklak. Ngayon ko lang naunawaan nang husto kung bakit sobrang baliw si Mommy Tita sa mga halamang iyon.
I returned my gaze to the mansion. A soft sigh escaped my lips. May mga bagay pa rin talaga ang hindi nagbabago kahit mahabang panahon na ang nakakalipas. Pareho pa rin kasi ang epekto sa akin ng mansyon ni Mommy Tita. Na-e-excite pa rin ako sa tuwing mamamasdan ito. Katulad din noong una ko itong makita. I was only ten years old then.
Iyon na yata ang pinakamalaking bahay sa aming subdibisyon. Ngunit hindi iyong laki ang agaw-pansin kung hindi ang pambihira at kakaibang disenyo nito. Sa ayaw mo man at sa gusto ay siguradong mapapatigil ka sa paglalakad kapag napadaan ka sa harap nito. Mapapahanga ka talaga. Mistula kasi itong munting palasyo.
Dalawang storeys. May dalawang naglalakihang silid sa ibaba at apat sa taas. Makatawag-pansin ang main door dahil sa matayog at malaking arko sa itaas nito. Ang veranda sa itaas at ibaba ay parehong napapalibutan ng mapuputi at nagkikintabang mga balustre. Animo gintong kumikislap ang mga iyon kapag nasisinagan ng araw.
The mansion was actually inspired by a certain house in Italy, according to Nana Lucia. Nana Lucia is Mommy Tita’s long, long time kasambahay. Nalibot ni Mommy Tita ang buong Europe noong nasa mga thirties siya at na-in love nang husto sa bahay na tinirhan doon.
Na-love at first sight daw ito. Hindi na naka-get-over sa bahay na iyon ang aking Mommy Tita kaya ipinangako sa sarili na magpapagawa ng exact version. Kaya naman pag-uwing-pag-uwi ay agad sinimulan ang pagpapatayo sa mansyon. She never got married. Never had a family of her own. She spent her whole life making money. Lots and lots of money.
"Diana, pumasok ka na. Kanina ka pa nakatayo riyan," tawag ni Nana Lucia habang papalapit sa'kin.
"Oho, Nana Lucia, papasok na ‘ko. Na-miss ko lang kasi talaga itong bahay,” sagot ko.
"Oo, mukha nga. Alam mo bang ganyan din ang ginawa mo noong unang-una mong makita ang bahay?"
“Totoo ho ba, Nana Lucia? Hindi ko na matandaan,” namamangha kong sabi.
“Oo, matagal ka ring nakatayo d’yan sa gate at manghang-mangha ka talaga sa pagkakatitig sa mansyon.”
Napapangiti ako habang ini-imagine ang aking sarili noong bata ako. I couldn’t blame the young me kung sobra siyang na-mesmerized. The house looked like it had just leapt out of the fairy tale book.
“I just missed the house, Nana Lucia,” I said after giving another sigh.
”Aba, ang bahay lang?” tangkang pagbibiro naman ni Nana Lucia.
"Syempre naman ho kayong lahat. Lalo na si Mom..." bigla akong napahinto sa pagsasalita. Nanikip ang aking lalamunan. Naiiyak na naman ako.
Inakbayan niya ako. "Alam ko. Halika na nga. Pumasok ka na at nang makapagpahinga. Kami nang bahala sa mga bisita."
"Salamat ho, Nana Lucia." I was really tired. At gusto ko na talagang magpahinga. I felt exhausted, drained, sad and so alone.
"Sige na. Akyat na," halos itulak naman ako ni Nana Lucia.
Kaya agad na akong pumasok. Pagdating sa aking sariling silid saka ko pinakawalan ang kanina pa nais bumagsak na mga luha ko. I missed Mommy Tita so much. Saglit ko na lang siyang nakasama sa ospital. Muntik ko na nga siyang hindi maabutan.
Two weeks ago nang tinawagan ako ni Cedric. Naka-confine daw si Mommy Tita sa St. Luke's Medical Center. Inatake siya sa puso. Agad akong umuwi mula sa halos walong taong paninirahan sa Amerika. Buong akala ko naman ay magiging maayos na ang lagay niya. Sa katunayan ay she was scheduled to be released five days ago.
Umuwi lang ako saglit para maligo at magpalit ng damit nang tumawag ang kanyang doktor. It was another stroke that finally ended her life. At kanina nga ay inihatid na namin siya sa kanyang huling hantungan.
I really missed her. Kahit na nga sobrang bossy siya, super strict, masungit, perfectionist, at ang libangan ay makialam at patakbuhin ang buhay ng mga tao sa paligid niya. Kunsabagay bakit nga hindi kung uubra naman. She had all the means. She had money. At lahat ng tao sa paligid niya ay sinusunod siya. Ganoon naman talaga pag may pera, di ba?
I loved her so much. Kahit na nga she could really be exasperating sometimes. If there was someone who could really understand her, it was no one else but me. Mommy Tita was not just an aunt to me. She was also a mother. She had been a mother and even a father to me ever since my Mom and Dad died in a vehicular accident when I was only ten.
***
Hapon na nang magising ako. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang pag-iyak. Bumangon ako at sumulyap sa malapad na salamin sa tokador ko.
Hindi man lang pala ako nakapagpalit ng damit kaya agad akong naghalungkat sa dala kong traveling bag. Hindi ko pa natatanggal doon ang mga damit ko. Nagbihis ako bago bumaba. Ayoko ko pa nga sanang bumaba. I just wanted to be alone.
Pero kumakalam na ang aking sikmura. I just realized that I missed lunch. Kaya napilitan na rin akong bumaba. Hindi pa lumalapat sa huling baitang ng hagdan ang mga paa ko nang marinig ko ang isang napakapamilyar na tinig. Si Cedric.
"So, katulad ng 'yong pag-alis wala ring nakakaalam ng 'yong pagbabalik. You really like surprises, aren't you?" anito. Gulat na natulos ako sa aking kinatatayuan.
Eight years had passed. I‘m an adult now and yet parang gusto ko pa ring kiligin pag nakikita siya. At ang boses niya. Ang sarap pa rin sa tainga ko. Dati nang tunog lang ng boses niya ay parang pumapalya na sa pagtibok ang puso ko. To my utter dismay, it seemed that nothing had changed.
Of course, I knew what he was talking about. Wala akong pinagsabihan na darating ako. Basta na lang ako sumulpot sa ospital upang puntahan si Mommy Tita. Maaaligaga pa kasi si Nana Lucia eh. Tiyak na hindi na nga iyon nakakatulog dahil sa naging kalagayan ni Mommy Tita. Tapos ipapasundo pa ako niyon o malamang siya na mismo ang sumundo sa’kin.
Kahit na nagkikita at halos magkabanggaan kami ni Cedric nitong mga nakaraang araw na nakaburol si Mommy Tita, hindi pa kami nagkakausap. It was like there was a silent agreement that no one would utter a single word about anything else other than Mommy Tita’s memories.
Halos mabali ang leeg ko sa pagkakatingala sa kanya. Dati na siyang matangkad. Tanda ko pa ang height niyang five feet and eleven inches. Para lang kasing mas tumangkad pa siya ngayon. Kung tumangkad pa siya, ano na ngayon ang height niya? Six feet? Sana all tumatangkad. Tumigil na yata ako sa five feet and two inches. Pinigil ko ang mapasimangot. Life can really be unfair.
Wala na ang dating boyish look niya. Hindi na mukhang malnourished tulad noong unang tumuntong sa ancestral house namin na nasa kabila lang ng mansyon. Instead, towering in front of me is a very attractive sample of male specie oozing with sex appeal.
"O, ano'ng nangyari sa'yo? Tutunganga ka na lang ba d'yan?" Kunot-noong tanong nito habang nakatitig sa’kin.
"I...I'm sorry. I … just didn't expect to see you,” sabi ko na lang para hindi halatang he caught me staring at him. Imposibleng hindi kami magkita dahil halos magkadikit ang mansyon at ang ancestral house ng pamilya ko kung saan ito nakatira.
Bago kasi yumao ang lolo ko ipinagbilin daw nito kay Mommy Tita si Cedric. Kabilin-bilinan daw ni Lolo na doon tumira si Cedric sa matandang bahay namin hanggang nais nito. I wouldn’t even be surprised if he owned it now.
"So, the ugly duckling has turned into a beautiful swan," anito habang naka-arko pa ang mga kilay. Then his eyes traveled on me from head to foot. Parang gusto kong magtatakbo pabalik sa aking silid at magtago na lang doon.
I felt so self-conscious. Ngunit walang dahilan para ma-intimidate ako. Ang suot ko naman ay dark violet na miniskirt na oo nga’t maigsi hindi naman masagwa. I paired it with a light pink sleeveless blouse that fitted my slim body. I know I look good in it. There's no need to feel self-conscious.
Ngunit ano ang kasasabi lang nito? Ugly duckling? Huh! Hindi lang naman ako palaayos noong bata ako ah.
"Hmm, not bad," bulong pa nito pagkaraan ng ilang minutong pag-o-obserba sa'kin na akala mo microscope specimen ako.
Tapos ngayon “not bad” naman. Excuse me. Not bad was the worst compliment I've ever received from a guy. Pinigil ko ang aking sarili na habaan ito ng nguso. Baka akalain pa nitong masyado akong affected sa mga pinagsasabi nito. Wala man lang beso-beso o kaya so glad to see you again.
"Kumusta ka na, Kuya Cedric? It's been a long time," saad ko.
Saka ko pinlaster sa aking labi ang isang tipid na ngiti.
Agad nangunot ang noo nito. Just what I expected. Ayaw na ayaw nitong tinatawag ko siyang kuya. Well, I couldn't blame him. He was not really a kuya. It just so happened that we almost grew up together.
Doon siya lumaki sa ancestral house namin dahil inampon siya ng Lolo ko, si Lolo Manuel. Well, not legally. Pinatira siya doon noong teenager pa lang siya. Pinag-aral din siya. Ang kapalit niyon ay ang pagtatrabaho niya sa Hat’s Off.
Ang Hat’s Off ay pag-aari ng Lolo ko bukod pa sa maraming lupain na matatagpuan sa iba’t ibang bayan na kung saan mayroon itong mga katiwala. Kaya nga kung tawagin ang Lolo ko noong nabubuhay pa ay Don Manuel. Gayunpaman he remained a very humble man.
Iyon namang Hat’s Off ay nag-iisang tindahan ng iba't ibang uri ng sombrero sa aming bayan. Our products consist of modern and classic designs, local and imported. Itinayo ni Lolo Manuel noong bagong mag-asawa pa lang sila ni Lola Juliana. Sikat ito sa aming bayan sapagkat nag-iisa lang doon tapos naroon na lahat ng uri ng sombrero like native, formal, for young and adults, and everything. In short, when it comes to sombrero, just name it and we have it.
Then before he died ipinamana naman niya kay Mommy Tita. Si Cedric ang nagsilbing assistant/tagabili/kargador/tindero niya ng mga panahong iyon. Hanggang sa halos ipagkatiwala na kay Cedric ang pamamahala rito pati na sa mga commercial buildings and apartments na pag-aari nito. Lalo na noong nagkaedad na si Mommy Tita. Halos si Cedric na talaga ang nagpapatakbo sa negosyo ng pamilya ko.
Sabik sa anak na lalaki ang lolo ko kaya sobrang nagustuhan si Cedric. Tatlong pulos babae kasi ang mga naging anak. Bunso sa mga ito ang Mommy ko, iyong tunay na Mommy ko.
Kahit na kilala sa pagiging istrikto at metikuloso nakasundo nito si Cedric. Mabait daw kasi, masipag, masunurin at magalang na bata. Kataon naman nag-asawa na ulit ang biyudang ina nito. Pagkatapos ay umuwi sa kanilang probinsiya. Iniwan na ang lalaki. Kaya ang matandang bahay namin ang naging tahanan ni Cedric simula noon.
*****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (83)

  • avatar
    m******6@gmail.com

    Ang ganda ng story.Maiksi lang pero di ka mabibitin kc nabasa ko ng buo.Di mo na kelangan pang mag antay sa author kung kelan nya ipublish next chapter kc buo na ang kwento..Good job for the aithor of this story...5 star for you..

    25/01/2022

      1
  • avatar
    Carl Jhon Lumantas

    ganda talaga basahin sana ma intindiha ninyu tu sarap talaga parang mka inlove sayu

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Christian Oliva Abuid

    Wow

    14/02/2023

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด