logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 4

Time flies so fast and I now saw my self walking down at the hall up to the stage. Wearing a red graduation cap and gown is also a smile plastered on my face.
My high school life will end today. Ang dami kong natutunan. Ang dami kong paghihirap at naranasan. Being a high school student is not easy for me. I cried so countless times. Naranasan kong hindi kumain, na late sa klase kasi malayo sa bahay, maramdamang hindi belong dahil malayo ang buhay ko sa ibang estudyante. At hindi nakauwi sa bahay dahil wala ng pamasahe.
I've been through such a great journey. I experienced having an unstable and unhealthy life. Stressed physically and emotionally. Napunta rin ako noon kung saan gusto ko ng tumigil dahil sa paghihirap.
Pero lumaban ako. Nagpatuloy at nagsikap para makapagtapos at makapasok sa kolehiyo. I unlocked my new achievement without my mother. At kahit ang ama ko ay walang ginawa, na kahit samahan ako dito sa harap ng mga tao ay wala siya. Wala sila.
"Thank you so much po," I replied to their 'Congratulations'. Tinanggap ko ang mga certificate at nakipagkamay sa mga naging guro ko.
Matapos no'n ay ang pagharap sa mga tao at camera. Bumaba akong malungkot at bumalik sa upuan. Bumabalot sa buong katawan ko ang pagka-inggit. Ang sasaya ng iba. Kasama nila ang kanilang mga magulang. Nakapagkuha ng litrato at nayayakap nila ito.
Umuwi ako agad sa bahay matapos ang programa. Bukod sa pamamaalam sa mga kaibigan ko ay wala ng dahilan pa para manatili doon.
Pagkarating ko ay wala si Papa doon. Tanging si Dodong lang na binungad ako ng yakap at halik sa pisngi. "Ang galing mo, Ate," masiglang sambit niya.
Nagluto ako ng masarap na ulam para sa munting pagsasaya namin ng kapatid ko. Patagal ng patagal at lumalalim ang gabi ngunit hindi pa rin nakauwi si Papa. Siguro naglalasing na naman siya.
Hindi ko alam kung ano dapat ang mararamdaman ko. Kailangan ko bang sumaya? Dahil nakapagtapos ng high school. O maging malungkot? Dahil wala pa ring bago sa buhay ko.
Sa gitna ng pag-iisip ko ay ang pagtunog ng aking cellphone. "Congratulations, Anak."
Unang sambit niya doon ay agad na nag-unahan sa pagpatak ng aking mga luha. Naisip kong sana ay siya nga ang ina ko. Ang sarap sa tainga ang tawaging anak. At mas binati niya ako kaysa sa mga magulang ko.
"Salamat po, Ma'am!"
"Nakapag-isip ka na ba?" tanong nito na alam kong hinihintay niya talaga.
Pumikit ako at lakas-loob siyang sinagot. "Opo, aalis ako agad bukas."
Nag-usap pa kami ng matagal. Marami siyang Ibinilin lalo na ang kung paano makakapunta at mararating ang nasabing lugar.
"Aasahan kita, hija."
Huminto ako sa pag-aayos ng gamit at kinausap ang kapatid.
"Magpapakabait ka 'di ba?" bilin ko. Siya naman ay nakasimangot na tumango.
"Uuwi ka naman, Ate, 'di ba?" Pilit kong pinigilan ang mga luha kong nagbabadyang kumawala.
"Oo, mahal kita. Tumawag ka ha? Ibigay mo rin kay Papa ang sulat na binigay sayo," saad ko dito.
Yakap-yakap ko ang aking kapatid hanggang sa magising ako. Maaga akong bumangon dahil malayo at matagal ang aking magiging biyahe.
Mahimbing na natutulog ang aking kapatid nang iwan ko siya sa k'warto. Ang sakit man isiping iniwan ko siyang mag-isa pero mas ayaw kong makita siyang umiiyak dahil sa pag-alis ko. Maiintindihan niya naman siguro.
Sa loob ng mahabang biyahe ay hindi ako nag-abalang matulog. Panay tingin lang ako sa labas habang nakasakay ng bus. Ang gaganda ng mga tanawin na nadaanan ko.
Tanaw ko ang mga bundok, may palayan, kakahoyan, matataas na puno ng niyog, kabahayan at iba pa. Sa kabilang banda ay tanaw naman ang magandang tanawin ng dagat. Ang magandang kulay ng kalangitan dahil sa agawan ng liwanag at kadiliman.
Ilang sandali pa ang lumipas at tanaw ko na ang isang mahabang tulay. Hanggang matanaw ang mumunting mga bahay. Tinatandaan ko lahat ng sinabi ni Ma'am Miranda at bumaba sa harap ng isang simbahan.
"Manang, saan po ang mansyon ng mga Miranda?" tanong ko sa isang matanda.
"Sa pamilya Alvarez ba?" nag-aalangan akong tumango. Hindi ako sigurado at hindi ko kilala 'yon pero hinayaan ko nalang at baka tama siya.
"Malayo-layo pa, Ineng. Lakarin mo lang ng diretso ang daan at may makikita kang DCA. Lumiko ka doon at matatanaw mo ang gate sa may dulo."
Nagpasalamat ako sa kaniya bago nagsimulang maglakad. Pinaalalahanan niya rin ako na mag-iingat dahil gabi na at delikadong maglakad mag-isa, baka raw ako'y mapagtripan.
Tahimik kong tinahak ang daan. Tahimik din ang paligid at wala akong naririnig na kung anong ingay bukod sa ihip ng hangin at sayaw ng mga puno. Walang bahay sa parteng ito pero may poste namang nagbibigay liwanag sa kalsada.
Habang naglalakad ay naisip ko ang kapatid ko. Kumusta siya? Umiyak ba siya pagkagising niya? Kumain ba siya ng maayos? Nakapaglaro kaya siya?
Alam na kaya ni Papa? Nagalit ba siya? Pinagalitan niya kaya si Dodong?
Kung ano-anong tanong ang pumasok sa utak ko. Mga tanong na naging dahilan na naman ng pagpatak ng mga luha.
Huminto ako sa paglalakad matapos manghina ang aking mga tuhod. Pabagsak akong umupo sa sementong daan at inilabas lahat ng lungkot na nadama.
Tama ba ang desisyon ko? Gusto ko na lang umuwi at yakapin ang kapatid ko. Miss ko na agad siya. Miss ko na si Papa na kahapon ko pa hindi nakikita.
Inangat ko ang aking tingin at marahan kong pinahid ang mga luha. Pinagmasdan ang kalangitan.
Madilim ito ngunit pilit na pinapaliwanag ng mga ngumingiting bituin.
Agad akong tumayo ng maalala ko ulit ang nangyari dalawang taon ang nakalipas. Kagaya ng kalagayan ko ngayon ay umiiyak rin sa gitna ng daan at nawawala sa ilalim ng buwan.
Pinatatag ko ang sarili at naghanap ng lakas para magpatuloy at lumaban ulit.
Lumiko ako ng daan tulad sa sinabi ng matanda. May matataas na puno akong nadaanan habang ang maliit na daan naman ay puno ng patay na mga dahon.
Sa dulo nito ay tanaw ko na ang mataas na gate. Madali akong lumapit at mas naaaninag ang kagandahan ng malaking mansiyon.
Ang laki, ngunit halata ngang walang alaga.
Mula dito sa labas ay kita ko pa rin ang ganda. May maliit na ilaw mula sa garahe kaya naaaninag ko ang desinyo ng entrad
a.
Sa lubos na pagkamangha, ang maitatanong ko lang ay,
"Ano ang magiging buhay ko dito sa loob ng ilang buwan?"

หนังสือแสดงความคิดเห็น (43)

  • avatar
    BatarloErika

    malakas ako

    06/04/2025

      0
  • avatar
    AdaAngelica

    super ganda

    23/11/2024

      0
  • avatar
    Shan Openiano

    eusjsjsj

    28/10/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด