logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Matapos ang pag-uusap namin ay minabuti kong inisip ang kung anong nangyari. May nagawa ba ako? May nasira ba ako kanina?
Kabado ulit akong nakatitig sa bubong ng aming bahay. Hindi ko magawang matulog at pumapasok pa rin sa utak ko kung ano ang kailangan niya sa akin.
That woman wants to meet me tomorrow. Wala siyang ibang sinabi kung 'di ang pangalan niya, Mrs. Carlota Miranda, at ang lugar kung saan kami magkikita bukas. I badly want to search her at the Internet pero wala naman akong load ngayon.
I guess, she’s rich. Based on her look and how she speak. Her status in life reflects its name also.
-
Maluwag ang schedule ko ngayon kaya nagmadali akong kumilos at dinala ang aking mga commissioned artworks palabas ng paaralan. Idedeliver ko lang ang mga ito kaya napagdesisyunan ko rin na ngayon na makipagkita kay Mrs. Miranda.
It was a distance walk before I finally arrived at the restaurant. Mangha akong napatingin doon at kabadong pumasok sa isang maganda at magarbong kainan. The place were on its peace. Naririnig ko lang ang mga lakad ng waiter, tunog ng mga ginamit na kubyertos, ang nakaandar na mga aircon, at ang ibang nag-uusap sa kabilang table.
I roam my eyes around to appreciate the beauty of the place. It has a beauty of pretty native. The plants on every corners and the chandeliers hanging on the ceilings will definitely attracts your eyes and catches everyone's attention. As well as the old and native decorations hanged and placed everywhere.
Feeling ko tuloy isa lang akong alikabok na napadpad dito at nagmula sa mga sapatos ng mayayamang customers. Nakakahiya!
I looked at Mrs. Miranda and she's still busy with her phone. I stared at her and she's somehow familiar. Parang hindi lang 'yong kahapon ang unang pagkikita namin.
Carlota Miranda still maintained her aura where you can't see her at 40's. She looks so elegant and sophisticated with her white dress. Seems like she wants to prove anyone that she’s pure and she has a power.
"I'm sorry for keeping you wait." My jaw dropped as I realize who just arrived.
"No, hijo. May kasama naman ako," tukoy ni Mrs. Miranda sa 'kin.
Taas-baba akong tinignan ni Josh. I even saw his eyebrows slightly rose. Ang bibig nito ay halatang may gustong sabihin ngunit pinili na lang na manahimik. Then, he averted his gaze and talked to Mrs. Miranda again.
I'm just playing with my fingernails as I heard what they're talking. I heard, but I didn't listen. It's way different.
"Wala po si Areli?" Napako ako sa aking upuan nang marinig iyon. Hindi ko alam kung bakit kumalabog ang puso ko.
I like him but I didn't felt this feeling the moment he arrived. Parang may kakaiba at hindi ko alam kung ano.
Minutes had passed and I'm now asking to my self about Josh's existence. Kaano-ano niya si Mrs. Miranda? As far as what I know, Alvarez is too far from Miranda. So probably, Marcosia Josh is not Carlota's soon.
"I'll go ahead, bisitahin ko na lang si Areli at Yana," Josh said as he bid his good bye. Doon ko napatunayang hindi niya ina si Mrs. Miranda.
Nang makalayo na si Josh ay sa wakas naibigay na rin sa akin ang atensyon ni Mrs. Miranda. Nanginginig akong nilalaro ang aking mga daliri hanggang sa dahan-dahan siyang ngumiti sa akin. That helped a bit.
"Take it easy, darling. I'm not that strict as what you think, maybe," saad niya at bahagyang tumawa. She snapped her finger and the waiter came along with the menu.
Naging tahimik kami at maluwag naman na akong nakakahinga. Hinayaan ko muna siyang umorder dahil sa wala akong alam na pagkain dito. And as everything was settled, Mrs. Miranda speak up again.
"Maybe you're wondering why I asked you here," diretso lang akong nakatingin sa kaniya habang siya naman ay may kung anong hinihiwa.
I only nodded even she's not looking at me. Ilang minuto pa ang lumipas at itinaas niya rin ang kaniyang tingin sa akin.
"Ibibigay ko lang ang nahulog mong I.D. kahapon." Then, I accept the thing she handed.
Kagat-labi kong tinignan iyon at pilit na pinipigilang matawa. It made me laugh, I swear. Isusuli lang naman ang i.d bakit pinatagal pa? Bakit dito pa sa isang mamahaling kainan kung saan pwede namang sa labas na lang?
Then my thoughts were answered as she said, "I want a proper meet up and seriously talk about my business, hija."
Mrs. Miranda is not that strict and bitchy, really. Besides, ang saya niya kausap. She’s somehow talkative and I like her vibe.
Mahaba-haba pang pag-uusap ang ginawa namin bago ako tuluyang umalis. She also asked about me. I'm comfortable with her but of course I know how to filter my answers.
"Ang ganda ng mga gawa mo. I like it, tho' I saw your style with someone or somewhere."
I replied thank you for the appreciation she gave. But I felt kinda insulted from the last words she said.
Paanong may kapareha? I surely made this with my own style. Oo may nakikita akong ibang paintings pero hindi ko ginaya ang sa kanila. Sinigurado ko at pinaghirapan para maging kakaiba. And I have my own feelings. I dedicated my pains and sufferings in every artwork I made.
Bumili muna ako ng pagkain at kaonting groceries bago umuwi ng bahay. Naideliver ko ng maayos ang mga paintings kaya may saktong halaga ako ng pera para makabili. Matapos iyon ay agad akong umuwi at sumakay ng bus.
Sinundo ko muna si Dodong sa bahay ni Aling Memang bago dumiretso sa bahay. Nawala lahat ng pagod ko nang makita siyang masaya at tumatawa. Kahit papaano, masaya naman pala siya kahit iiwan dito.
"Gusto mo bang kumain lagi na may masarap na ulam, Dong?" tanong ko dito habang nilalagyan ko ang pinggan niya ng pagkain.
"Opo, Ate," masigla niyang pagsagot bago nagsimulang kumain.
Nakangiti akong tinitignan ang kapatid habang masayang kumakain at nasasarapan sa aking niluto. Ang sakit. Biglang dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Mas masakit pa sa talsik ng mantika.
"Kahit aalis saglit si Ate?" dagdag kong tanong. Napatigil siya sa pagnguya at pinunasan ang aking mga luha.
"Ayaw ko po."
At naalala ko ang usapan namin ni Mrs. Miranda kanina.
"May bahay kami sa isla. Marami kaming ari-arian doon. Naroon ang malaki naming mansion na nagmula pa sa aking lola. Sa ngayon, nangangailangan kami ng isang tagapangalaga. To maintain the cleanliness of the house at magbabantay while it's under renovation. May malaking event na magaganap sa july so we want to hire someone."
"Pero --"
"Don't worry, only your self and some clothes are enough. You can stay there, at kami na rin ang bahala sa foods. You interested? I also want you to paint more, ako na bahala sa materials."
"P-pero ma'am, may kapatid po ako."
"Oh, you can bring him if you want. Wala bang mag-aalaga sa kanya?"
"Pero, h-hindi po papayag si papa." At baka saktan siya.
"Everything have ways. Ako na ang bahala"
 
I didn’t say yes or even no. I only ask her to give me some time to think. At para na rin maihanda ko ang sarili sa kung ano man ang magiging desisyon ko.
Am I ready to leave my brother for how many months? Para makapag-ipon ng pera para sa kaniya at pagkokolehiyo ko?
Papayag ba si Papa? Na kahit nga ang pagpipinta ay ayaw niya.
Magiging maayos ba dito at sasaya ang kapatid ko?
Nalilito ako.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (43)

  • avatar
    BatarloErika

    malakas ako

    06/04/2025

      0
  • avatar
    AdaAngelica

    super ganda

    23/11/2024

      0
  • avatar
    Shan Openiano

    eusjsjsj

    28/10/2024

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด