I woke up early to go to school. Maaga akong nag-ayos para hindi ako ma-late sa klase. Hinanda ko rin ang aking kapatid para ibilin ulit kila Aling Memang at naghanda na rin ng pagkain para kay Papa. Sumakay ako ng bus papunta sa school. Medyo malayo ito sa bahay kaya kailangan talagang maaga umalis at sumakay. Isa lang akong mag-aaral noon sa kabilang barangay. Isang maliit na paaralan na pinag-aaralan ng mga batang kapos at hindi kayang pumasok sa malalaking paaralan. Grade 8 ako noon nang mapansin ang aking galing sa pagpagpinta at pagguhit. Nabigyan ng pagkakataon na makasali sa isang scholarship program. Hindi man kalakihan ang aking marka ngunit sapat rin ang aking talento para patuloy na makasali doon. Sakto sa oras akong nakarating sa school. Katulad ng inaasahan ay wala pa ring bagong nangyari sa aking araw. Papasok, mag-aaral, magsasaya kasama ang mga kaibigan, mag-aaral, magpipinta, uuwi, at paulit-ulit lang 'yan sa bawat paglipas ng araw. "Zea, si Josh oh!" Kinalabit ako ni Pam na siyang dahilan para masira ang aking pinipinta. Natataranta akong pinulot ang mga brush at pilit na pinapakalma ang sarili. 'Practice pa naman 'to. Hindi dapat magalit kay Pam' saad ko sa sarili. "Sorry. May ginagawa pa ako, Pam," tugon ko sa kaniya. Wala akong balak sa mga kalokohan niya ngayon. Bilang isang senior high school ay normal na sa amin ang magkagusto sa kapwa mag-aaral. Some of them are already in a relationship. Habang kagaya kong may iniisip, mas pinili na lang na magkagusto ng patago. Marcosiah Josh is a hot tennis player in our school. He's also active in terms of academic stuffs. Josh is handsome, as what I can say. In fact, maraming nagkakagusto sa kaniya. But they only end up broken hearted if they try to confess their feelings towards him. Maybe, he's an unexpected heart breaker. Hindi naman daw niya sinasadyang manakit ng babae. I heard some rumours that she like someone from the other school. Chismis lang dahil wala namang may alam kung sino o may nakakita. So just like me, girls admire him secretly. "Clown ka? Bago 'yan, Zea," panunukso niya pa sabay tawa. Pinagkunotan ko lang siya ng noo, "Ayoko masaktan kagaya mo." Tawa ako ng tawa hanggang sa mapansing papalapit na sila Sam kasama si Precious at Raine. Babalik na sana ako sa aking ginagawa nang mahagip ko si Josh. I don't want to assume but, I saw him staring at me, with a smile plastered on his face. I somehow remember that boy again 2 years ago. Naalala ko pa rin 'yong ngiti niya sa 'kin no'ng gabing 'yon. And to be honest, he keeps haunting my memories. Tinatanong ko pa rin kung sino siya. Afterall, he's still a stranger. An unknown guy who's bugging my mind every night. I admit, I like Josh not because he is Josh. But because I saw him sometimes as Verloren. Alam kong magkaiba sila pero hindi ko alam kung bakit nakikita ko silang iisa. Nilagpit ko ang aking gamit dahil sa oras na ng uwian. Ibinilin ko ang aking mga finished artwork dahil hindi naman ako magbebenta at ang mga gamit ko lang ang aking dinala. "Una na ako, ha?" pamamaalam ko pa sa aking mga kaibigan. Nakakainggit man na gagala sila ngunit kailangan ko na talagang umuwi. Marami pa akong gagawin at naghihintay na panigurado si Dodong sa bahay. They only wave their hands before I decided to take my back. Agad akong tumakbo patungong terminal ng bus at sumiksik sa dagat ng mga tao. Maraming tao ngayon dahil sabay sigurong nagsilabasan ang mga unibersidad dito. "I'm sorry, Ma'am," saad ko sa isang magandang babae nang magkabangaan kami. Around 40+ ata 'yong age niya at halatang mayaman kaya bata pa kung titingnan. Lumuhod ako at pinulot ang nagkalat kong gamit. "I am sorry also," mahinhin nitong saad. Nag-bow lang ako bilang respeto at pamamaalam. Tumakbo ako ulit at nagbabaka sakaling maabutan pa ang paandar na bus. Ngunit huli na ang lahat at tumakbo na ito palayo. Inayos ko muna ang aking mga gamit bago naghanap ng ibang masasakyan. Dumidilim na ng makababa ako sa bus at kinailangan ko ring maglakad pa ng kaonti. Medyo kalayuan kasi ang siyudad at ang bahay namin ay malayo sa kalsada. Sayang din sa pera kapag sasakay ako ng motor. Mabuti nang maglakad at makapag-ipon. "H-hoy Noreesitas, bakit amtagal m-mo na-nakauwi? Nakikikipagkita ka sasa asawa mo? Walang kwentang malalalandi kayo!" Panghaharang pa ni Papa sa akin. Andito na naman siya sa kanto, tambayan nila at kung saan nag-iinuman. "Nasaan si Dodong, Pa?" tangi kong tanong. Ano na ang nangyari sa kapatid ko at alam kong wala pa siyang kain ngayon o kanina pa. Walang kwentang ama! Hindi ako sinagot nito at nakikipagtawanan na sa kainuman niya kaya't umalis nalang ako doon at nagmamadaling makauwi sa bahay. Sobrang lapit ko na sa bahay namin nang makita ko si Dodong na nakaupo sa labas. "Dong! Anong ginagawa mo d'yan sa labas? Gabi na, pumasok na tayo at lasing si papa", saad ko pa sa nakakaawa kong kapatid na lalaki. Yinakap niya ako at hinalikan sa pisngi bago kami pumasok sa loob ng bahay. Ibinilin ko siya saglit sa sala dahil magpapalit muna ako ng damit sa kwarto. Itinago ko rin ang aking mga gamit sa takot na makita ito ni Papa mamaya. "Dong, anong kinain mo?" Pumasok ako sa kusina at napansin ko ang pinggan na nakalagay lang sa lamesa. "Opo, ate. Ang sarap nga po ng kanin na may toyo't mantika," masigla niyang pagsagot sa akin kahit alam kong nagsasawa na siya doon. Napapaluha na lang ako habang tinitingnan ito. Nakakadurog ng puso. Kaonti lang ang naibenta ko kanina at walang nagpacommission kaya hindi ako nakabili. Magtitiis nalang muna kami sa delata o noodles. Bumili ako sa kapit-bahay at sobrang saya ni Dodong nang makabalik ako na may dala nga. "Pangako ko sayo na bibili ako ng masarap na ulam bukas, kapag, magpapakabait ka pa lalo. Okay?" ani ko. Tumango lang siya bilang pagsang-ayon at nagsimula nang kumain. Sobrang saya niya tingnan ngunit alam kong alam niya ang nangyayari sa pamilyang ito. That was 7 years ago, 2 years old ang kapatid ko nang marinig kong nag-away ang aking mga magulang. Then, I woke up the next morning with a broken family. Umalis ang Mama ko at iniwan kami. Habang ang Papa ako ay palaging nalalasing. Minsan ay sinasaktan ako na hindi niya naman alam kapag nahimasmasan siya. I even heard from his own mouth that mother is now living with her new family. Wala naman na akong pake sa kaniya. Naaawa lang ako sa kapatid kong lagi siyang hinahanap at tinatanong kung ano ang itsura niya. I'm now staring on our roof, thinking about how our lives became this mess. Hinihintay rin na umuwi ang Papa kong sigurado ako na maghahanap ng away o sasaktan ulit ako. Bumalik ako sa aking sarili nang mag ring ang aking cellphone. "Hello, I'm sorry to bother your night but, is this Zea Noreen Armingøl?" saad ng isang babae sa kabilang linya. "Opo, Ma'am. Bakit?" Napatayo ako mula sa pagkakahiga nang maalala ko kung saan narinig ang boses niya.
malakas ako
06/04/2025
0super ganda
23/11/2024
0eusjsjsj
28/10/2024
0ดูทั้งหมด