"Noreen, hurry up!" It was Grez, one of the contestants na makakasama ko at makakalaban sa susunod na mga araw. We are friends, or more like that, so let's say bestfriends? Sisters? She's good at arts also at nakilala ko siya while fill-up-ing those forms para makasali sa contest na ito. "Wait, ito na papunta na." Nagmadali akong tumakbo palabas ng bahay. Makikisakay lang naman ako pero bakit ako hinintay? Nakakahiya tuloy. One hour or more ang biyahe papunta sa venue. Aside sa magkaibigan kami ni Grez, pahirapan ang pagco-commute lalo na at dala-dala ako ang mga gamit ko, specially my art materials kaya nakikisakay ako sa van nila. "This contest is so important and special!" tili niya pa. Halatang excited at kinikilig. Alam kong iniisip na niya ang maaaring mangyari after this contest. "Hey, akalain mo iyon? Kung kaninong art work ang maganda ay siya ang mananalo and have that chance for that art exhibit," pagpapatuloy niya pa. I can't blame her. Alam ko ang pinagdadaanan niya and I know the real reason kung bakit siya nagkakaganyan. Mismo ako ay gan'yan din ang nararamdaman ngayon. I'm too excited as well as kinakabahan din. This event is important. That upcoming art exhibit is so important for us. As what I've heard, Mrs. Lacierda is a famous and rich artist. Hindi ko pa siya nakikita but I am dying so long para makita siya. Maybe mamaya? Sana nandoon siya. I saw her works and it's so beautiful. Nakaka-inspire lahat ng iyon. "Same. Excited din ako!" I replied, and we both giggled. Natahimik na siya after it. Mapayapa ang naging biyahe. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Halatang mainit sa labas, maraming puno ang nadadaanan namin ngayon. I remembered something, someone to be exact. Naalala ko na naman lahat. Lumipad na naman ang utak ko sa mga alaalang iyon na kay hirap kalimutan. After that ride ay narating namin ang isang resort. It's actually Mrs. Lacierda's resort. We are staying here for a good of week? Weeks? I don't know. "Omg, Noreen! I can't believe it. Nandito na ako. Nandito na tayo!" Grez shouted. Nandito pa naman kami sa loob ng van so it's okay if she will shout. "Oo na, oo nandito na tayo! I'm more nervous and excited. Sana ikaw din!" ani ko at pareho kaming tumawa.
Pagkalabas namin ay winelcome kami ng staffs dito sa resort. Binigyan ng instructions, maps, program for the events and others. After that dinala na kami sa maliliit na bahay-kubo kung saan kami mags-stay hanggang sa matapos ang event. Nauna na palang dumating ang gamit ko kaya ang susi nalang ang aking tinanggap. Hindi kami magkasama ni Grez pero magkatabi lang ang aming kubo. As I entered, sobrang linis sa loob. Bahay-kubo kung titingnan sa labas ngunit mamahaling gamit sa loob. I planned to unpack my things pero hinihila ako ng malambot na kama. The last feeling I remembered before I fall asleep? I'm happy with my passion and I love it. - "Noreen, dali na. Magsisimula na raw ang welcoming party!" Nagising ako sa paulit-ulit na katok ni Grez. Anong oras na ba? Welcoming party what? Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan para pagbuksan siya. "Jusmeyo marimar, Zea Noreen. What the? Tulog ka pala? The program is about to start!" Bulyaw niya pa sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda. She wearing a white plain above-the-knee dress with sandals. May lipstick sa labi at may kaonting blush-on sa cheeks. Bakit ganyan ang porma niya? "Am I not beautiful o talagang may muta ka pa kaya hindi mo kita ang aking kagandahan?" she asked at natawa pa. "Oh, I guess hindi mo binasa ang program. Maski gamit mo nga hindi mo inayos eh 'no? Ang ganda mo,Noreen," ani niya at sinilip pa ang gamit ko sa loob. "Sorry, tulungan mo na lang ako mag-ayos sa sarili. Please." Nagpuppy-eyes pa talaga ako para pumayag siya. She just nodded at pumasok sa loob. Nagpalit ako ng damit, syempre siya ang nagpili. Inayusan ako ng buhok at pati ang mukha. Matapos lahat ng ka-echosan ay ganoon pa rin naman ako. Isang tao. "Let us all welcome, the famous, rich and lady of arts---" Rinig ko mula sa main hall. Nagmadali kami ni Grez sa paglalakad dahil sigurado kaming si Mrs. Lacierda iyon. "Mrs. Lealyn Deraco Lacierda" My whole damn world stopped. Napatigil ako sa gitna ng daan papalit na sa main hall. I can't move, ayaw humakbang ng mga paa ko. I can't believe it. Wala na akong ibang naririnig at nakatuon lang ako sa mukha ng taong masaya at nakangisi. Ang taong kay tagal kong inasam na makita. I want to cry right here, right now. Gusto kong sumigaw at tawagin siya. Gusto kong kunin ang atensiyon niya. Gusto kong malaman niya na, nandito ako.. Noresita Lealyn Deraco, "Hoy Noreen! Inaantok ka pa ba? Dali na." Bumalik ako sa aking katinuan nang hilahin ako ni Grez at tuluyang nakalapit. P'wede bang umalis? Umuwi, itigil ang lahat ng ito, kakalimutan, at iisiping panaginip lang ? Ayaw ko na. "Her daughter, Neyana Lacierda. With Mr. Carlisle Miranda," rinig ko ulit mula sa MC. I can't breathe properly. Mas lalo akong naestatwa sa dalawa pang taong aking nakita. Lalo na siya. I can't believe this. Bakit ganito? This is all a torture. Nakatitig lang ako sa kanila habang kumakaway sa mga tao. Gusto kong magtago. Ayaw kong makita niya ulit ako. Not here, not now. Pero hindi ako makagalaw. Bumalik ulit lahat sa akin. Lahat ng nangyari noon. And as our eyes met, I wish and wanna be lost again. Even if we're under the same moon.
malakas ako
06/04/2025
0super ganda
23/11/2024
0eusjsjsj
28/10/2024
0ดูทั้งหมด