logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

SWIM - 7

SWIM - 7
Nakahinga ng maluwag si Hanelle nang makarinig siya ng boses na sumisigaw at ang isinisigaw nito ay ang pangalan niya na para bang tinatawag.
Ika-ika siyang naglakad patungo sa tumatawag sa kanya hanggang sa makakita siya ng ilaw na nanggagaling sa kung sino man ito.
"Hanelle!"
"D-dito po!"
"Jusko, Hanelle!" rinig niyang boses ni Ms. Alonzo.
"Miss!"
Mahigpit siya nitong niyakap nang makarating sa kanya.
"Okay ka lang ba? May masama bang nangyari sayo? Saan ka ba kasi nagpupunta? Alam mo bang alalang-alala kami sayo?!"
Hindi niya maiwasang maiyak. "P-pasensya na po, miss. H-hindi na mauuulit."
"Talagang hindi na."
Kumawala ang guro sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan siya sa kamay saka hinila paalis ng gubat. Ngunit napatigil ito nang mapansin ang mabagal na paglakad ni Hanelle.
"A-anong nangyari sayo?" napatingin ito sa tuhod niya.
Nababalot na ng dugo ang tuyong dahong itinapal niya sa kanyang sugat.
"Ayos lang ho ako. N-nadapa lang."
"Elle, hindi ka ayos kung ganyan ka maglakad. Tignan mo nga yang sugat mo. Malala na yan at kailangan nang gamutin."
Napabuntong-hininga ito at sinenyasan ang kasamang pulis na buhatin siya. Ngayon nya lang din napansin na may kasama pa lang dalawang pulis si Ms. Alonzo.
Tumanggi siya na magpabuhat dito ngunit nakita niya sa mukha ng guro na galit na ito kaya sumunod na lang siya.
Medyo nahihiya siya sa pulis dahil sa bigat niya.
"K-kuya, sorry sa bigat ko ha," aniya sa pulis nang mabuhat siya sa likuran nito.
"Hindi ka naman ganon kabigat, neng."
"A-ah, ganun po ba," nagkunwarian siyang natawa dahil hindi na alam ang sasabihin.
NANG makarating sa area nila, nagpasalamat si Ms. Alonzo sa mga pulis sa pagsama nila rito sa paghahanap sa kanya. Nagpasalamat na rin siya. Kung hindi dahil sa mga ito, hindi na sana siya makakauwi o makakabalik.
At dahil gabi na, tulog na ang mga kasamahan niyang estudyante rin sa kanya-kanyang dalang tent.
Umupo siya sa kahoy at nagpainit sa harap ng bonfire. Tumabi sa kanya ng upo ang guro na may hawak na mainit na gatas at ibinigay iyon sa kanya.
Nagkwentuhan lang sila hanggang sa dalawin ng antok at napagdesisyunang matulog. Kinabukasan ang kanilang alis kaya dapat maagap ang gising.
"NAKABALIK ka?"
Humarap siya sa gawi ng mga kagrupo niya kahapon na umalipusta sa kanya. Nag iimpake siya ng mga gamit nang bulabugin na naman siya ng mga ito.
"Oo," hindi ba obvious?
"Dapat talaga hindi ka na nila nakita pa."
"Ano bang problema nyo?"
Lumapit ito sa kanyang at dinuro-duro siya sa dibdib.
"Ikaw! Sana hindi ka na nahanap pa para wala nang salot sa school!"
Pinigilan niyang hindi maluha dahil kapag nagkataon, iisipin lalo ng mga ito na mahina siya at talunan.
Itinaboy niya ang kamay nitong nakahawak sa kwelyo ng kanyang damit. Hindi alintana ang masamang tingin nito sa kanya kaya tinalikuran niya ang mga ito at maglalakad paalis nang hablutin nito ang buhok niya.
"Hindi pa kita tapos kausapin kaya huwag mo 'kong tatalikuran."
"Leah! Anong ginagawa nyo kay Hanelle, ha?!"
Agad nitong binitawan ang pagkakasabunot sa buhok niya nang makita at suwayin sila ni Ms. Alonzo.
"A-ahm, inaayos ko lang po yung buhok nya. Gulo-gulo po kasi." pag-aarte nito.
"Tama ba, Hanelle?"
"O-opo, magulo lang po talaga buhok ko."
Mukha namang naniwala ang guro dahil tumango lang ito at pinapunta na sila sa kung saan nakaparada ang bus na sasakyan nila pauwi.
"Alam mo, Hanelle, hindi ka dapat nagpapadala sa mga katulad nila."
Magkatabi siya at ang guro sa bus sa pinakaunahan. Siya ang nasa may bintana.
"Sino pong sila?"
Tinitignan siya nito. "You know who."
"Ohh,"
"Hindi porket may maaayos silang buhay ay dapat kana nilang husgahan o kung ano mang ginagawa nila sayo. Tandaan mo, may karapatan ka ring lumaban para sa sarili mo. Hindi puro sunod sa utos. Oo mabuti yung sumusunod sa kung anong inuutos sayo pero, intindihin mo kung ano yung masama sa mabuti. Hindi lahat ng inuutos sayo ay makabubuti sa kapakanan mo. Minsan, ito pa ang magdadala sayo sa kapahamakan." hinawakan nito ang kamay niya. "Kaya Hanelle, please be careful."
Madamdamin siyang ngumiti. "I will, miss."
"That's good,"
Sumandal siya sa kinauupuan at tumitig sa labas ng bintana. Iniisip niya ang sinabi ng guro sa kanya. Kaso, hindi niya kayang baguhin ang sarili lalong lalo na kung ang usapan ay tapang. Sa hinhin niyang ito, ni hindi siya makabasag pinggan.
Umiling siya at kinalimutan ang mga gumugulo sa utak at nag isip na lang ng kung ano pagkarating niya sa kanilang baryo. Namiss na niya si Eth at ang kanyang Inay at Itay. Dalawang araw lang silang hindi nagkita-kita pero parang isang linggo na ang lumipas sa tagal.
ISA-ISA silang nagsipaalaman sa guro nang makababa sila ng bus. Sa school nila sila uli ibinaba ng bus at kanya-kanya na lang ng uwi sa bahay. Nang makapagpaalam siya kay Ms. Alonzo, masaya siyang umuwi sa kanilang tahanan.
"Naaay! Taaaay! Nandito na po ako!"
Patakbo niyang sinalubong ang kanyang mga tagapag alaga. Naabutan niyang magkayakap ang kanyang Inay at Itay.
Nang maramdaman ang presensya niya, saka ito humarap sa kanya na may namumugtong mata.
"Apo,"
Ibinaba nya muna ang bag saka yumakap sa mga ito.
"Namiss ko po kayo, Nay, Tay."
Yinakap siya ng mga ito pabalik at hinimas at tinapik-tapik ang kanyang likod.
Kumawala siya sa pagkakayakap.
Ngumisi siya. "Uyy, parehas po kayong naka white shirt ah, bakit po kayo naka couple shirt?" taas babang kilay niyang tanong. Nanunukso.
Ngunit hindi man lang ang mga ito natawa sa kanyang biro. Nanatiling seryoso ang Inay niya at malungkot namang ngumiti ang Itay niya.
Duon nawala ang ngiti niya nang mapansin ang kakaibang awra sa mukha ng kanyang tagapag alaga.
"May problema po ba?"
Tumayo ang Itay niya at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Apo, mas mabuti pang puntahan mo muna si Ethan sa bahay nila."
Ngumuso siya. "Hindi nyo po ba ako namiss?" biro niya pero hindi pa rin umubra. "Hehe, joke lang po. Eto na nga po pupunta na."
Lumabas siya ng bahay at tinungo ang bahay nila Eth nang may bigla siyang naaalala.
Hala, wala akong dalang pasalubong! Yari ako!
Kamot-ulo siyang napasimangot. Di bale, ililibre ko na lang sya ng iced tea o mangga na inalamangan.
"Ethan?"
"Ethan? Tao po!"
"Ethan ako 'to, si Elle"
Nakailan na siyang katok sa pinto at tawag sa kaibigan pero walang sumasagot.
"Ethan nakatulog ka na naman ba?"
Ilang beses pa siyang kumatok at tawag sa pinto hanggang sa may lumapit sa kanyang mangingisda.
"Iha, wala jan ang hinahanap mo."
"Ho? Asaan po si Ethan?"
Itinuro nito ang dagat. "Itinakas niya yung bangka ko."
Napamulagat siya sa sinabi nito. Alam niyang hindi marunong mamangka itong si Ethan kaya siya nagtataka kung ano bang pumasok sa isipan nito at naisipang magtakas ng bangka. Pero sabagay, hindi ito malulunod dahil marunong naman ito maglangoy.
"Bakit naman po nya itatakas ang bangka nyo? Hindi po 'yon magagawa ni Ethan." paninigurado niya. Baka kasi kamukha lang ni Ethan yung humablot sa bangka nitong bangkero. "Baka naman po kamukha lang ni Ethan yung nagtakas sa bangka nyo?"
"Hindi. Totoo nga yung sinasabi ko."
"Kung ganon ho, bakit naman po nya gagawin 'yon?"
Napakamot ang bangkero sa batok nito. "Hindi ko rin alam eh, pero ang balita ko, namatay na raw ang ina nito kaya nagbulakbol."
Natigilan siya sa narinig. "A-anong hong s-sabi nyo?"
"Namatay na raw ang ina ni Ethan."
"H-hindi... h-hindi maaari... b-buhay pa si t-tita Ethyl. M-malakas pa sya." iiling-iling siyang tumingin sa bangkero. "Hindi totoo ang sinasabi nyo."
"Hay, ikaw na mismo ang kumausap sa kaibigan mo para malaman mo." aniya saka iniwan siyang nakatulala.
Naiwang tulala at medyo nakaawang ang labi niya sa mga narinig. Hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang maniwala pero malakas talaga ang kutob niya na may nangyaring masama.
Ethan, asaan ka na ba?
NAGPALIPAS ng oras si Hanelle sa kahihintay sa pagbalik ni Ethan. Ginabi na sya kahihintay pero wala pa rin ang kaibigan. Nag aalala na sya para rito at sa kaligtasan nito.
Ngayon niya napagtagni-tagni ang mga nangyayari. Kanina, yung suot ng Inay at Itay niya. Nakaputi sila pareho. Tinukso niya ang mga ito pero hindi man lang natawa at imbis ay lalong sumeryoso.
"Kuya, may nakita po ba kayong teenager na lalaki na matangkad po sa dagat?"
Nilapitan niya ang isa sa mangingisda na kakadaong pa lang ng bangka sa pangpang ng dagat.
"Maraming teenager na lalaking matangkad na nangingisda dito, iha. Sino 'don?"
"Medyo kayumangi po ang kulay at gwapo."
Napaisip ito. At kapagkuwan, umiling.
"Pasensya na, wala akong nakita."
"Sige, po. Salamat po."
Bigo siyang napaupo sa buhanginan at tumitig sa dagat. Kitang-kita na ron ang repleksyon ng buwan sa tubig.
Nakakaramdam siya ng gutom pero isinantabi niya iyon. Mas importante ang kalagayan ni Ethan lalo na sa sitwasyon nito ngayon. Siguro kaya ito nagbulakbol nang dahil nga sa nangyari. Hindi nito matanggap na wala na ang nag iisang kasama at karamay nito sa buhay. Ang kanyang ina.
"Pero nandito lang ako, Eth. Itinuring na rin kitang kapamilya. Hindi ka nag iisa." wika niya sa kawalan.
Nag tiis pa siya ng isa't kalahating oras. Kapag wala pa ito, babalik muna siya sa bahay nila. Baka nag aalala naman ang mga tagapag alaga niya. Saka na lang uli siya babalik kapag nakakain at nakapag paalam sa mga ito.
Bumuntong-hininga siya at tumayo nang lumipas na ang isa't kalahating oras. Naglalakad na siya pauwi nang may makita siyang isang grupo ng mangingisda ang nag tipon-tipon na nakaharap sa isang bangka.
Lumapit siya para makita niya kung ano ba ang nangyayari.
Napaatras siya nang may buhatin na walang buhay na katawan ang dalawang mangingisda. Ibinaba nila ito sa buhanginan at isinagawa ang cpr na ginagawa sa mga walang buhay na tao.
Hindi pa niya kita ang mukha nung lalaki pero nakita na niya ang paa nito. Kilala niya ang paa na 'yon.
"Ethan!"
"Woah, huwag ka munang lumapit, iha." pigil sa kanya nung kasamahan ng mangingisda. "Hintayin mo munang matapos."
"E-Eth,"
Inilapit nung mangingisda ang tainga nito sa dibdib ni Ethan para pakinggan kung may pulso na ba ito.
"Buhay sya."
Napaluhod siya habang umiiyak. Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nung lalaki. Hindi na niya napigilan ang sarili at lumapit na siya rito para yakapin.
"Eth, baliw ka talaga! B-bakit mo ginawa yon, ha?!" sabi niya habang humahagulgol.
Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. Wala pa itong malay pero may buhay ito at iyon ang mahalaga. Liningon niya ang mga kalalakihang mangingisda na nakabilog sa kanila.
"Pwede nyo po ba akong tulungang buhatin siya at dahil sa bahay? Kailangan nya po ng karamay ngayon." pakiusap niya sa mga ito.
Nagsitanguhan ang mga ito at nagtulong ang dalawang mangingisda sa pag buhat sa walang malay na si Ethan.
"OH! Jusko! Anong nangyari kay Ethan?!"
Gulat na gulat ang Inay niya pagkarating nila. Walang sumagot dito. Inilapag ng dalawa nitong alalay si Ethan sa sofa nila.
Kumuha ng tuyong damit at towel ang Itay niya pagkabalik sa salas. Hinubad nito ang pang itaas na damit ni Eth saka ito pinunasan ng towel at binihisan. Sunod ay ang pang ibabang suot nito. Tinakpan ng towel ang pang ibabang katawan nito habang sinusuotan ng pang ibabang damit.
Nagtimpla naman ng mainit na gatas ang Inay niya.
Nagpasalamat sila sa mga mangingisda na tumulong kay Ethan na madala dito sa bahay nila. Kung hindi dahil sa kanila, wala na sanang buhay ngayon si Ethan.
KINABUKASAN, maagap na nagising si Hanelle para tignan ang lagay ng kaibigan. Hindi sya makatulog pero kahit ganon, maagap pa rin siyang nagising.
Ganun pa rin ang pwesto ni Ethan sa sofa. Walang nagbago sa higa nito. Halatang hindi kumikibo sa mga nag daang oras.
"Nay, Tay, sa palengke po muna ako." binitbit niya ang dalawang balde ng isdang nahuli ng kanyang Itay.
Tumango ang dalawang matanda at sinabing sila muna ang bahala kay Ethan.
Wala siyang gana habang nasa palengke siya at nagbebenta ng nga isda. Ni hindi siya nang aalok kaya wala masyadong pumupunta sa pwesto niya.
"Elle! Elle!"
Hinanap-hanap niya kung sino ang tumatawag sa kanya sa malayo.
Yung kasama ng Itay niya sa pangingisda.
"Ano po 'yon?" walang gana niyang tanong.
Napahawak muna ito sa dibdib sa hingal. "S-si... si..."
"Si...?"
"S-si E-Ethan--"
Agad siyang naalarma. "Ano pong nangyari kay Ethan?!"
"Nagising na, kayalang, n-nagwawala. Gustong patayin ang sarili nya."
"Ho?!"
Hindi na niya hinintay ay sagot nito at dali-dali niyang iniwan ang pwesto sa palengke at tumakbo ng mabilis pauwi.
HANELLE
"Uhm, who are you?"
Dorry ask the girl's name instead of asking who cause the fire. Magtatanong din sana ako kaso naunahan ako.
Pinakatitigan ko ang babae.
Hmm, she's familiar...
Sasagot sana ito nang may tumawag rito.
"Mars! What are you doing here? You okay? God, I heard there's a fire."
"Oo, ayos lang ako,"
Tumingin sa akin ang kasama nung babae saka kay Dorry.
"Ikaw?!" sambit nilang dalawa nang magkatinginan.
"Magkakilala kayo?" tanong ko kay Dorry.
Pinasadahan niya ng tingin ang babae mula ulo hanggang paa.
"No. I don't know her."
Masama ang tingin ng mga ito sa isat-isa.
Umiling ako sa kawirduhan nila at tinanong ang babae. "So, sino ang gumawa nung sunog?"
Lumapit ito sa akin saka bumulong.
"Yung kalaban mo."
"Huh? Wala naman akong kalaban ah,"
"No, I mean, yung kalaban mo sa swimming."
"Sino 'don?"
Nag kibit-balikat ito. "Basta babae."
Napaisip naman ako. Wala naman akong kilalang babaeng swimmer na gagawa non maliban kay...
Karina
Pero ayaw ko basta manghusga. Kailangan dapat ay may pruweba.
Tumango na lamang ako.
"Let's go, Mars." hinatak nung babae ang kamay nung nagngangalang Mars.
Mars? As in, mare? O planeta?
"Hoy, di pa tayo tapos." sabi ni Dorry sa pababalang tono.
"Dorry," pigil ko sa kanya. Baka may mangyaring world war three pag nagkataon.
"I won't say sorry to you. It's your fault anyway," matigas na aniya naman nung kasama ni Mars.
"Stop it, Star." wika nung Mars.
Susugod sana si Dorry nang malakas ko siyang hatakin papalayo. Pinapaalis na rin pati ang mga atleta sa pool area nang dahil nga sa sunog. Mabuti at hindi masyado gaano kalaki yung sunog at napatay agad ng mga bumbero.
"Mars? Star?" pagak na natawa si Dorry habang naglalakad kami papalabas ng pool area. "What a weird name. A galaxy name."
Kinuha ko ang maliit kong phone sa bag nang mag vibrate ito.
"Sino 'yan?" tanong niya. Nakadungaw sa phone ko.
"Ahm, si Rylee. Yung kasamahan ko sa pagpapart time."
Humarang siya sa dinaraanan ko kaya agad akong napatigil.
"Hoy, napaka inosente mo pa para ligawan."
"Ano bang pinag sasasabi mo?"
She crossed her arms around her chest. "I mean, can't he just leave you alone? May pa text text pa syang nalalaman ah. Gaano ba kayo kaclose, ha?"
Sa dinami-rami niyang sinabi, isang salita lang ata ang nakapagpataka sa akin.
"He?" tumango siya. "Babae si Rylee!"
Natigilan siya saglit saka nag iwas ng tingin at nauna nang maglakad. Hinabol ko sya at ako naman ang humarang sa dinaraanan niya.
"Bakit kung makapagsalita ka e parang nanay kita?"
"Wala 'yon. Sige, alis na 'ko." cold niyang sabi at tuluyan na ngang umalis.
"Minsan talaga, hindi ko maintindihan yung babaeng yon."
Mag isa akong naglakad papalabas ng campus. May part time pa ako kaya dun ang punta ko mamaya. Tutal pinapauwi na muna lahat ng atleta ngayon nang dahil sa nangyari nga. Kahit maliit yung sunog, lahat itinigil.
Tanghali pa lang naman ngayon kaya tatambay muna ako sa karenderyahan ni Aling Edna.
Malapit na akong makalabas sa gate ng campus nang may humila sa akin kaya hinarap ko kung sino ito. Isa siya sa mga kaswimmer kong lalaki. Barkada ni mangangaso. Si Aiden.
"Pinapatawag ka sa Dean's office." wika nito nang nakangisi.
"Bakit, may problema ba?"
Nagkibit-balikat ito. "Ewan. Pumunta ka na lang. Good luck." aniya sabay alis.
Hindi ko alam kung scam ba yon o ano. Basta pupunta na lang ako para sigurado.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ng Dean's office, bumungad agad sa akin ang masamang titig ng Dean. Nandun din si Hunter x Hunter.
Hala, bakit ba ako nandito? Wala naman akong ginagawang kasalanan ah. Hmm, siguro uutusan lang ako.
"G-good afternoon po,"
"Anong good afternoon?! Eleven fifty-nine pa lang!" malakas na sigaw ng Dean.
Napangiwi ako. "Sorry, po. Good morning po. Ano pong maipapag lingkod ko sa inyo?"
Babae ang Dean kaya medyo mataray. Palibhasa, medyo may katandaan na kaya, iintindihin ko na lang.
"Are you, Hanelle Villena?"
"Yes, po."
Ramdam ko ang titig ni Hunt sa asking likuran. Siguro pinagtatawanan na ako nito sa kahihiyang ginagawa ko.
Napatalon ako nang malakas na hampasin ng Dean gamit ang kamay niya ang lamesa.
"Why did you do that?!"
Ha? "A-ang alin po?"
Hinampas na naman niya ng malakas ang lamesa.
"The fire! You little--"
"Uhm, Dean, your hands, it's getting red." aniya ng sekretarya nito na sumingit sa usapan.
Nag kuha ng tissue na nakapatong sa lamesa ang Dean sabay punas ng kamay.
"H-hindi ko po magagawa 'yon, Dean." tanggi ko dahil iyon ang totoo.
"Liar!"
"But it's true, Dean!"
"Liar! No! I don't believe you!"
Pinagpapawisan na ako ng malamig sa hindi malaman dahilan. Mukhang mahirap papaniwalain ang isang ito lalo na at mainit ang ulo.
"May pruweba po ba kayo na ako ang gumawa non?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Aba, hinahamon mo ba ako?!"
May itinuro ito sa likuran ko. Hinarap ko iyon at nakitang nakatutok ang hintuturo niya kay Hunter.
"Mr. Santos said that you cause the fire!"
Napaawang ang labi ko.
No. There must be a mistake. I didn't do that! I didn't cause the fire! I'm not like that! And I will never ever ruined my dream school!
Gustong-gusto ko iyong sabihin sa kanila pero wala akong lakas ng loob. Baka mas lalo ko pang ikapahamak.
"He is enough to be the proof for your disaster behaviour!" malakas nitong sabi.
"But Dean, I swear, I didn't cause the fire. I-It's not me. Hindi ko po magagawa yon."
Napaupo ito sa swivel chair nito at hinilot ang sentido.
"Call the guidance councilor." utos nito sa guard.
Maya-maya dumating kaagad ang guidance councilor.
I had a bad feeling about this.
"Yes, Dean?"
"What do you think we have do with her?" tanong nito sabay turo sa akin.
Halos manginig ang mga tuhod ko sa kaba. Lumalakas rin ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig.
Sinulyapan ako ng guidance councilor na walang mababasang emosyon sa mukha.
"Expelled her."
Literal na bumuhos ang mga luha ko sa mata. Hindi ko ito inaasahan. Sa hirap ng dinanas ng lolo't lola ko makapasok lang ako dito sa pinapangarap kong paaralan ay nasira nang dahil lang sa bintang.
Despirado akong lumuhod sa harapan ng Dean. Nagulat ang iba na nandito sa office sa ginawa ko pero ang Dean, wala man lang reaksyon sa ginawa ko na tila inaasahan niya iyon.
"Please po, maawa po kayo. Ayaw ko pong maexpelled. Pangarap ko po itong paaralan. Pangako po, gagawin ko po ang lahat. Huwag nyo lang akong patalsikin dito sa AU." maluha-luha kong pag mamakaawa.
"After what you did?"
Naagaw ng atensyon ko ang babaeng nagsalita.
"K-karina?"
Inirapan niya ako. "La, I suggest na huwag mo muna siyang patalsikin. You have to do something after what she did. Kulang pa don ang mapatalsik sya."
"Ano sa tingin mo ang dapat gawin sa kanya, apo?"
Apo? Mag kamag-anak sila?
"Well, I suggest, she should wash all the dishes in the Cafeteria within three months, clean the whole campus within four months and, clean the swimmer's bathroom everyday within five months. What do you think, La?"
"Sounds good." bumaling ang Dean sa akin. "You will start tomorrow. Understood?!"
"Yes, Dean."
Tatayo na sana ako nang tuunan ni Karina ang balikat ko. "Opps, where do think your going?"
"Tatayo."
"May sinabi na ba ang Dean na tumayo ka?" sarkasmo niyang sabi. "Pasalamat ka nga sa akin at hindi ka tuluyang naexpelled!"
Hindi na ako umimik at baka bawiin niya ang sinabi. Buti na lang talaga at hindi ako tuluyang naexpelled. Pero hindi ko pa rin talaga deserve ito dahil wala namang akong kasalan. At dahil wala akong laban sa kanila, wala din akong magagawa.
"Villena, you may go. And don't forget to start tomorrow." utos ng sekretarya ng Dean saka tinulungan akong tumayo.
Pinahid ko ang mga natitirang luha na natuyo sa pisngi ko at muling nag paalam sa lahat bago umalis.
Narinig kong bumukas sarado uli ang pinto ng Dean's office pagkalabas ko. Hindi ko na nilingon kung sino iyon.
"Ang sama naman pala talaga ng ugali mo noh?"
"Hindi ko sabi ginawa 'yon."
"Yeah, yeah, deny. Go ahead. But nothing change the fact that your the one who cause the fire."
Tiim bagang ko siyang hinarap. Naluluha nanaman ako. Pinipigilan ko lang talagang bumagsak.
"Alam mo, kung wala kang magawa sa buhay mo mambintang lang ng iba, bakit hindi mo gamitin ang oras mo sa may pakipakinabang na bagay? Ang galing mong mambintang! Wala ka namang ebidensya!"
"Bakit, may patunay ka rin bang hindi ikaw ang gumawa non? Ha?!" balik niyang sigaw.
Umawang ang labi ko para magsalita pero walang lumabas na kahit anong salita doon.
He's right. I don't have any proof that I didn't do that. But I know to myself that it wasn't me. Even God knows it wasn't me.
"Ano? Wala di ba?" binangga niya ang balikat ko saka naglakad paalis. "Puro ka salita." pahabol niyang bulang na alam ko namang sinasadya niyang iparinig sa akin.
I hate him. I hate you, Hunter Santos!
THE next day, I woke up early to start my new duty on school. I even have to leave my part time job just because I had a lots of work to do and I really had no time for that.
Cleaning the school campus before the class starts, studying, wash the dishes after the student-athletes finished their lunches, training in the afternoon and, before I went home, I have first to clean the swimmer's bathroom. Tiring isn't it? But I'll survive.
"VILLENA, magsisimula na ang klase nyo. Mag aalas otso na oh. Pumasok ka na at ako na dyan."
Nginitian ko ang janitor ng campus. "Okay lang po. Ako na po dito saka, malapit-lapit na rin po akong matapos, hehe."
Napakamot ito sa batok. "Sige, sige, basta tawagin mo ako kapag tapos ka na ha,"
"Mmm, sige po."
Pinahid ko ang namumuong pawis sa nuo ko at saka pinagpatuloy ang pagwawalis.
May iba pang mga estudyanteng nalelate at yung iba pag dumadaan ay basta na lang magtapon ng kung anong basura sa harapan ko kaya hindi ako matapos-tapos sa pagwawalis.
"Hanelle!"
"Rylee!"
Kumaway ako pabalik kay Rylee. Kakapasok pa lang niya ng gate at late din sya.
"Tsk. I heard what happened. You okay?"
"Oo naman, tho sa parteng napagbintangan, hindi."
May kung anong kinuha siya sa kanyang bag. Panyo iyon at ibinigay sa akin.
"Magpunas ka nga muna. Di ka pa nakakapagklase, haggard ka na. Oh, eto pa." abot naman niya ng mineral water.
"Salamat."
"Hayaan mo, tutulungan kita para humanap ng ebidensya kung sino talaga ang may kagagawan ng sunog na 'yon. Para naman matigil na yang pang aabuso sayo."
Umiling ako. "Hindi na. Ako dapat ang gumawa nyan. Problema ko yan. Huwag mo nang akuin pa dahil marami ka na ngang inintindi."
Narinig namin ang malakas na bell ng school. Tanda para pumasok na kami sa kanya-kanyang klase.
"Ah basta tsk. Sige, mauna na ako. Bilisan mo jan ha!"
Kumaway ako sa kanya nang makalayo na sya. Binilisan ko na nga ang pag lilinis para may abutin pa akong lesson sa first subject.
LUNCH time came so after I take my meal, I hurriedly go to the wash room at the Cafeteria for my second duty.
Kada hugas ko ng pinggan, kutsara't tinidor at baso, may dadagdag uli. Hindi yon matatapos hanggat hindi nawawala ng estudyanteng kumakain dito sa Cafeteria.
I suddenly felt sleepy so I accidentally drop the plate that made out of glass so my sleepiness instantly got faded.
"Anong nabasag na 'yon?!" rinig kong sigaw ng head chef.
"S-sorry po. Hindi ko po sinasad--"
Napatigil ako sa pagsasalita nang malakas akong sampalin nung head sa paglilinis ng Cafeteria.
"Hindi ka pa ba nadadala?! Ha?! Ilang beses pa bang may mangyayaring hindi maganda nang dahil sa kagagawan mo?!"
Hawak pisngi akong nakatungo habang nakapikit at pinipigil na umiyak.
"H-hindi ko naman po sinasadya."
"Sinadya mo o hindi, ginawa mo pa rin! Napaka walang kwenta mo! Umalis ka na nga!"
Kung ano-ano pa ang sinasabi niyang masasakit na salita, panay lang ang hingi ko ng tawad sa hindi ko naman sinasadyang nagawa.
Kagat-labi akong lumabas ng Cafeteria. Nag dire-diretso akong naglakad hanggang sa makalabas ako ng gate ng campus. Mamaya na lang siguro ako babalik kapag oras na ng ikatlo kong duty. Means, hindi ako magtetraining.
Gusto ko munang makahinga kahit konti. Unang araw ko pa lang pero, parang pinapanghinaan na ako ng loob.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang tourist spots na malapit sa AU. Walking distance lang kaya malapit. Isa itong maliit na farm na maraming puno at halaman kaya naman mapresko. Umupo ako saglit sa isang bench at sumandal saka ipinikit ang mga mata at duon ibinuhos lahat ng luhang kanina ko pang pinipigilan.
My life has never been good. It's always miserable...
|©amph1trite|

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด