logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

SWIM - 5

SWIM - 5
Abot langit ang ngiti ni Hanelle habang tinititigan ang cake na gawa sa buhangin. Kaarawan nila ngayon ni Ethan kaya dapat sila magdiwang kahit walang katotohanan ang kanilang handa.
"Kambal na kambal nga tayo." aniya ni Ethan matapos nilang hipan ang kandila sa ibabaw ng cake na gawa sa buhangin.
Natawa si Hanelle. "Parehas na ng edad, parehas pa ng araw ipinanganak. Ang cool lang."
"Nag wish ka na ba?"
"Mmm,"
"Ano 'yon?"
"Secret."
Sumama ang mukha ng lalaki. "Ang duga mo na ngayon, ha."
Natatawang kinurot ni Hanelle ang ilong ni Ethan sabay sa pisngi naman.
"Ayaw ko sabihin. Baka hindi magkatotoo."
Umiling na lang ito at may kung anong kinuha sa kanyang bulsa. Binalot pa iyon ni Ethan bago ibigay kay Hanelle. 'Yon lang ang tanging regalo nya para rito kaya kailangan nakabalot para naman may konting effort.
"Oh,"
"Ano 'yan?"
"Ayaw mo? Di 'wag." nagtatampong ipinasok uli ni Ethan sa bulsa niya ang dapat na ibibigay para rito nang pigilan siya ni Hanelle.
"Akin na... para sa' kin yan eh,"
Napangiti siya nang makitang nakabalot ang regalo sa kanya ni Ethan sa dyaryo. Excited niyang binuksan iyon at napasinghap ng makitang isa iyong kabibe na napakaganda.
Wala siyang masabi sa kagandahan nito. Kita niya ang sarili sa repleksyon ng kabibe. Malinaw at makinis parang hindi pa naibabagsak sa sobrang linaw.
"E-Eth..."
"O ano? Speechless ka 'noh?"
"A-ang ganda... ang ganda naman nito."
Tumaas ang gilid ng labi ni Ethan na tila proud na proud sa sarili. "Aba' y oo naman. Ako nagbigay eh."
"Saan mo 'to nabili?"
Natigilan siya. Kapagkuwan, nakaramdam siya ng pang iinsulto galing kay Hanelle.
"Hindi ko 'yan binili. Naghanap lang ako sa dagat nan."
Napatango-tango si Hanelle at nagpasalamat rito saka nilaro-laro ang kabibe.
Ilang minuto pa ang lumipas, wala pa rin ang hinihintay ni Ethan.
"Asaan ang akin?"
Napalingon naman kaagad si Hanelle na nagtataka.
"Anong iyo?"
Napakamot sa batok si Ethan. Nahihiya siyang itanong sa kanya kung nasan ang kanyang regalo baka sabihin nito, ay humihingi siya ng kapalit.
"W-wala, kalimutan mo na 'yon."
Inakbayan siya ni Hanelle. "Alam mo, Eth, pag magreregalo ka, wag ka dapat umasa na may kapalit. Dahil pag nagreregalo, kusa yan na walang hinihinging kapalit."
Bumuntong-hininga siya. Hindi ko naman maiiwasan na hindi umasa. Hays, wala talaga siyang regalo sakin. Pero ayos lang. Mahal ko naman s'ya.
"Pero joke lang! Hahaha!" bilang bawi ni Hanelle na ikinagulat ni Ethan. "May regalo ako sayo, syempre!"
Nangingiting ginulo ni Eth ang buhok niya. "Hindi nakakatawa ha."
"Esus... pero tumawa sya."
Inilabas ni Hanelle sa kanyang bulsa ang nahanap nya rin sa dagat. Inilagay niya iyon sa maliit na karton at ibinalot nya rin ito sa dyaryo saka ibinigay kay Eth.
"O ayan. Para 'di kana magtampururut." binuntungan pa niya ng nakakalokong tawa.
Ngunit hindi pinagtuunan pansin ni Eth ang pagtawa niya dahil ang buong atensyon nito ay nasa bigay niya rito.
Titig na titig siya sa kumikinang na perlas na hawak niya. Mukhang mamahalin dahil sa itsura nito. Kaakit-akit rin kung titingnan.
"P-paanong--"
"Nahanap ko lang din yan." wika ni Hanelle habang nakatanaw sa payapang karagatan.
Hindi pa rin ni Eth maialis ang paningin sa perlas na hawak hawak pa rin nito at panay ang suri. Katamtaman lang ang laki non. Kasing laki ng mga batong tinatapon niya sa dagat.
"Ang ganda..." mahinang aniya nito at tumingin kay Hanelle. "Salamat..."
"Pfft. Wala 'yon noh. Saka wala akong ka effort effort na ibigay yan sayo. Nahanap ko lang eh. Alam mo namang wala akong sapat na pera pambiling regalo." napatigil siya sa pagsasalita at napatayo na parang may naisip na magandang plano. "Alam ko na! Ibenta mo na lang' yan! Sure akong patok at mainit yan sa mga mata ng tao ngayon. Oh di ba? May pera ka na, may pampagamot ka pa kay tita Ethel!"
Tumayo rin si Ethan at hinarap siya. May bahid na kung anong ekspresyon sa mukha nito.
"Nababaliw kana ba? Bigay mo tapos ibebenta ko na lang basta?" pagak itong natawa. "Elle, di ba sinabi kong kapag bigay, bigay. Tatanggapin ko kahit ano pa 'yon. Papahalagahan ko' yon lalong lalo na kung galing sayo."
Iniisang hakbang niya ang pagitan nila ni Ethan at masuyo niya itong niyakap.
"Joke lang noh." aniya sabay gulo ng buhok ni Eth.
ARAW ng biyernes, ini-announce sa kanila ng guro na may magaganap na camping ang buong klase sa Taysan, Batangas bukas at sa linggo.
Nagkanya-kanya nang usap ang kanilang mga kaklase habang siya'y nakatanaw lang sa labas ng bintana.
Wala naman siyang sapat na pera panggastos para sumama dyan sa camping na yan.
Aksaya lang sa pera...
At isa pa, wala naman siyang mga kaibigan sa loob ng klase para makasama niya kahit lahat naman sila ay kasama. Kailangan mo rin na may makakasama sa loob ng tent. Pero isa rin yun sa problema dahil wala silang tent.
"Hanelle?"
Mabilis na lumingon siya sa pinanggalingan tumawag sa kanya. "Bakit po, ma'am?"
"Hindi ka ba sasama sa camping?"
Gusto niya pero ayaw rin dahil nga sa gagastusin. Gustong-gusto talaga niya sumama para naman ma experience niya kung ano ba ang pakiramdam mag camping kasama ang mga kaklase nya. Desisais na siya pero ni isa, wala pa syang nasasamahan na activities sa buong buhay niya.
"H-hindi po."
Bumuntong-hininga ang guro at lumapit sa kanya.
"Elle, alam kong wala ka pang nasasalihan na activities dito sa school. You're excellent in academics but you have to at least try to join some activities like this camping." tinap ng guro ang kanyang balikat. "Give yourself some time to enjoy, Elle. Hindi puro aral at sports lang."
"If you're worried about the expenses, leave it to me." dagdag nito sabay kindat sa kanya.
Lumiwanag naman ang mukha ni Hanelle at may gumuhit na malapad ngiti sa kanyang labi.
"Talaga po?"
"Oo naman," lumapit ito sa kanya at bumulong. "Pero sikreto lang ha, baka malaman ng iba mong kaklase, yari tayo."
Natawa siya. "Sige po. Pero... w-wala po kaming tent, ma'am. Saan po ako matutulog? Ay-- okay na po pala sa akin ang walang tent. Mas presko ang hangin kapag ganon."
Napamulagat ang kanyang guro. "What? You mean, sa lapag ka matutulog?"
"Yes, po. Sanay na po ako. At saka, may panlatag naman po kami, dadalhin ko na lang hehe."
Kita niyang parang nalungkot ang guro sa sinabi niya pero ipinagsawalangbahala nalang niya iyon. Lahat naman kinakaawaan siya.
"Sige Elle, magpaalam ka sa mga guardians mo ha." nginitian muna siya nito bago umalis.
"BAKIT naman?!"
Tinignan ni Hanelle si Ethan ng masama nang dahil sa lakas ng bosses nito. Talo pa siyang sumisigaw sa pagbenta ng mga isdang nahuli ng kanyang Itay.
Nasa palangke sila ngayon. Dito sila dumiretso matapos ang panghapong klase nila. Wala silang training dahil lumuwas sa Maynila ang coach nila.
"Pwede bang hinaan mo ang bosses mo, Eth? Buti kung isda ang isinisigaw mo dyan."
Nag piece sign ito at ngumiwi. "Sorry na pero... bakit ba ayaw mong sumama ha? Ikaw na nga itong inililibre tatanggihan mo pa?"
Huminga siya ng malalim. "Alam ko naman 'yon pero, kinakabahan ako eh,"
"Huh? Bakit naman?"
"Kanina ka pang nakasabing bakit naman. Tsk. Ah basta."
Napailing-iling ang lalaki at bumalik sa pagpaypay sa ibabaw ng mga isda para hindi langawin.
"Tanggapin mo na kase. Wag ka nang choosy, Elle. Minsan lang yan at first time mo pang makakasama sa mga activities na yan. Ni hindi mo pa nga nararanasan ang sumakay sa bus eh."
Tama si Eth...
"Ikaw rin naman ah."
Hinawakan siya ni Eth sa magkabilang balikat. "Wag mo na akong intindihin. Ayos na sa akin na naranasan mo ang bagay na 'yon."
Piningot siya ni Hanelle. "Ang cheesy mo! Jan ka na nga!"
"Pasalubong na lang, hahaha!"
Maya-maya, napansin niyang papalapit sa kanila ni Ethan ang magulang ng kaklase niya. Tanda na niya ang mga mukha ng mga magulang ng kanyang mga kaklase sa isang tingin lamang nuong pta meeting ng mga magulang pero hindi dumalo ang Inay at Itay niya dahil busy ang mga ito kaya siya na lamang ang dumalo.
Mukhang bibili sa kanila ang mga ito dahil itinuro nung kasama nung magulang ng kaklase niya kung saan sila naroroon.
Hiling ni Hanelle sa loob-loob niya na sana hindi siya mapansin ng mga ito.
"Neng, limang piraso ngang tilapia."
"Sige, po--"
"At, pwedeng pakilinis na rin?"
Ipinilantik pa nito ang daliri na parang diring-diri sa isda.
Tumango lamang siya at sinitsitan si Ethan na sumisipol-sipol na ito na ang maglinis ng tilapia.
Panay ang sulyap niya sa ina ng kaklase niya na panay rin ang paypay gamit ang kamay. Mukhang init na init na ito. Siksikan ba naman sa palengke kahit maliit.
Sinenyasan niya si Ethan na pachillax chillax lang sa paglilinis ng isda.
"Psst. Bilisan mo jan!" pabulong niyang sigaw.
Nag thumbs up naman ito sa kanya na lalo niyang ikinainis dahil mas bumagal pa ito ng kilos. Mukhang iniinis pa lalo nito ang customer.
Kapag sila'y umalis, ikaw ang kakaliskisan ko ng balat, Eth!
"Matagal pa ba 'yan?" inip na tanong nung magulang.
"A-ah, malapit na po!"
Kumunot ang nuo ng babae at tintigan siya na nagpakaba sa kanya. "Wait. Di ba ikaw yung umattend sa pta meeting ng mga parents?"
Lumunok siya. "A-ako nga po."
May lumabas na munting tawa sa bibig nito at pinigilan. "Negosyante ka na pala ngayon ah," ipinalibot nito ang tingin sa maliit nilang spot dito sa palengke. "Hindi na ako magtataka kung pati guardian mo ay mangingisda o palengkero!"
Kahit gusto na niyang sumabatan ang ginang, pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang gumawa ng kahit na anong eksena na ikakasira ng imahe ng kanyang lolo't lola. Okay lang sana kung siya pero, damay ang Inay at Itay niya.
"Ano naman pong masama kung isang mangingisda o palengkero ang lolo't lola ko?" nanatiling kalmado at magalang ang boses niya. "Hindi man po malaki ang sahod na nakukuha nila sa pagtatrabaho, hindi rin naman sila nagtatrabaho sa isang kompanya na may aircon katulad nyo, pero isa pa rin pong marangal na trabaho ang pagiging isang mangingisda. Ang mahalaga po, napapakain kami ng lolo ko tatlong beses sa isang araw. Kung tutuusin nga po eh, swerte kami dahil may nakakain kami... eh pano pa po yung mga pulubi na kahit lumuluhod na sa harapan ng tao para lang bigyan ng pangkain nila? Kaya mawalang-galang na ho, huwag nyo na po ulit iinsultuhin ang pagiging isang mangingisda. Kahit ano pa pong trabaho nila, bastat may ipakain lang sa pamilya niya, gagawin niya ang lahat mapanatiling busog lang ang tiyan ng bawat miyembro ng kanyang pamilya." mahabang sabi niya sa ginang na natahimik at walang masabi.
Naghari ang katahimikan sa kanila pati na rin ang kasama ng ginang ay natulala sa kanya. Walang nagsalita. Walang naglakas loob gumawa ng ingay sa kanilang dalawa maliban na lang sa paligid. Hanggang sa mapatingin si Hanelle sa harapan niya nang malakas na ipinatong ni Ethan ang isdang binili ng ginang.
Muntik na niyang makalimutang nasa tabi pala niya si Ethan na nakikinig habang dada siya ng dada.
"Eto, 160 po lahat." may pag diin sa pananalita nito sa salitang po.
Napakurap-kurap ang ginang at naging seryoso na ang mukha nito. Alam ni Hanelle na tinatakpan lang nito ang katotohanang napahiya ito sa sinabi niya.
Tikom ang bibig nitong kumuha sa bag ng wallet at naglabas ng isang libo at kinuha ang palad niya saka padabog na ibinigay.
"Ayan. Isang libo na. Para naman madagdagan ang pangkain nyo." aniya sabay layas sa harapan nila.
Naiwan yung kasama nung ginang at ito na lang ang kumuha nung isda na naiwan ng ginang.
"Ayos ka lang?" maya maya'y tanong sa kanya ni Eth.
Tumango siya bilang pagsagot.
MATAPOS ang pagtatrabaho sa palengke, nakauwi na sila bandang mag aalas otso na ng gabi. Buti na lang kahit papaano, malapit lang ang palengke sa kanilang baryo. Konting lakad lang rin.
Sinalubong niya ng yakap ang Inay niyang naggagantsilyo sa harap ng kandila na nagsisilbing ilaw nito. Wala pa ang Itay niya. Late na naman sigurong uuwi.
"Nay, bukas po, may camping daw po kami sa Batangas." nakatungo niyang paalam sabay halik sa pisngi ng matanda. "pwede po ba akong sumama?"
"Nak, alam mo namang--"
"Sagot daw po ni ma'am ang lahat ng gastusin ko, 'nay. Makasama lang daw po ako."
Nagulat sa sinabi niya ang kanyang Inay. Hindi ito makapaniwala na may tutulong sa gastusin sa apo niya.
"Totoo ba yan, 'nak?"
Paulit-ulit siyang tumango. "Opo, opo!" pinagsiklop niya ang palad at nagmakaawa rito. "Pleeease po 'nay?"
"Haaay, o sige, basta magpaalam ka rin sa lolo mo ha,"
"Waah thank you 'nay!" aniya sabay yakap uli ng mahigpit.
EXCITED siyang naghanda ng damit pantulog para sa isang gabi at damit na pang alis saka pang activity. Ang bag na ginagamit niya sa pagpasok ay siya rin ang gagamitin niya bukas.
Maagap siyang nagising kinabukasan at mabilis na naligo sa dagat at nag almusal ng pandecoco.
"Apo oh, heto." inabutan siya ng extra pera ng kanyang Itay.
Akmang tatanggi siya at isasauli nang pigilan siya nito.
"Sayo na 'yan."
"Mas kailangan nyo po ito 'tay."
Umiling ito at sapilitang inilagay sa bulsa ng kanyang jacket.
Sasagot pa sana siya. Nang abutan rin siya ng baunan ng Inay niya.
"Nak, eto. Pangtanghalian mo. Para tipid at para hindi rin nakakahiya sa guro mo."
"Ano ito 'nay?" sinilip niya ang laman sa loob. "Wow! Paborito ko 'to ah!"
"Oo nak. Pinagluto kita ng paborito mong tuyo. Gusto mong magbaon pa ng suka?"
Natatawang umiling siya. "Wag na po, nay. Baka mangamoy sa bus eh."
"Ah, syanga ano? Sige, sige."
Yumakap siya sa Inay at Itay niya at humalik sa mga pisngi nito.
"Mag iingat ka apo, ha. Huwag kung saan saan pupunta. Lalo na't hindi ka pamilyar sa lugar na yon." bilin ng Itay niya. "at, kapag nawalan ng preno ang bus nyo, tumalon ka kaagad sa bintana ha,"
"Antonio!"
Mariing hinampas ng Inay niya ang balikat ng kanyang Itay nang dahil sa sinabi nito.
Humalakhak siya sa dalawa at sumaludo sa Itay niya. Nagpaalam uli siya bago tuluyan umalis. Pero bago magtungo sa school nila kung saan ang hintayan at kung nasaan ang bus, dumaan muna siya sa bahay ni Eth.
Nakalimang tawag siya ng pangalan nito pero walang sumagot. Sa isiping tulog pa ito dahil ala singko pa lang ng madaling araw, nag iwan siya ng sulat para rito at iniwan sa harap ng kanilang pintuan.
Eth, alis na 'ko ah, pasabi kay tita Hailey na magpagaling siya. Don't worry, susubukan kong magdala ng pasalubong sa inyo pagbalik ko, hehe:)
HANELLE
"Oh, Santiago, I see you have new friend got there huh?"
"Ano bang kailangan nyo?" maangas na tanong ni Dorry sa alagad ni mangangaso.
I was just silent while I listen to their conversations.
"Pwede bang umalis na lang kayo kung manggugulo lang kayo?" sumuntok siya sa hangin. "mga langaw! Istorbo sa pag kain!"
The four of them just laugh and only Hunter wasn't. I refuse to look at him when he glared at me. Anong ginagawa nya rito e, swimmer sya?
"Ry, we're here for basketball. Not for you." the man with a black and neat hair, spoke.
Just like that, they started to laugh again.
Looks like Dorry got embarrassed and just gave them a death glare. So when I couldn't take it anymore, I grab her hand to pull her away from them. But before that, I whispered to her...
"Let's go."
She didn't complain but before we leave, she look back to that guy who called her Ry.
"Whatever, Josephine!" she shouted and turn her back on them.
Rinig namin ang kantsawan ng mga kasamahan nito duon sa kausap ni Dorry habang kami'y papalaban ng court.
We have no choice but to go back to our classroom. Wala naman sigurong estudyante duon dahil puro nasa canteen at nag lalunch.
"Josephine ba talaga ang pangalan nung lalaki?" I asked Dorry while we're eating. Referring to the guy earlier.
Inabutan ko siya ng tubig nang bigla na lang tumawa kaya nabilaukan.
"S-sorry. Hahaha. You're funny."
"Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?"
Tumikhim muna siya bago magsalita. "No. That's not his name. It's just my nickname for him."
"Mmm, I think you two were very close."
"Luh, close my foot. No. We're not. I mean, yeah we're close. Close as enemies." aniya sabay tuloy sa pag kain.
Inumpisahan kong balatan ang nilagang itlog.
"Oh," abot ko sa kanya nung isa.
"Nuyan?"
"Itlog."
"Yeah, alam ko pero bakit mo binibigay sakin? Pinapabalatan mo?"
"Pfft." I placed the egg on her palm. "Kainin mo."
"What?! Baliw ka ba? Kakainin ko ng hilaw?!"
Hindi ko alam kung magtataka pa ba ako na kung bakit hindi nya alam yon o sadyang mayaman lang talaga siya para hindi niya malaman yon.
"Boiled egg yan. Tignan mo 'to." ipinakita ko sa kanya kung paano ang pagbabalat ng itlog.
Matapos kong balatan, inumpisahan na rin niyang balatan ang kanya.
"Woah, ang smooth ah,"
Pigil ang tawa ko habang hinihimas-himas niya ang itlog.
Bumaling siya sa akin. "May sisiw ba sa loob?"
Napamulagat ako. "Ano?"
"Kung may sisiw ba sa lo--"
"Wala!"
Iling-iling kong kinuha sa kanya ang itlog at binaak sa gitna. Kinuha ko ang asin sa maliit na tupperware kong lalagyan.
"Eto, sawsaw mo at tikman mo."
Tinakpan niya ang ilong nang amuyin ang itlog.
"Bakit amoy utot?!"
Malakas akong natawa sa itsura niya na parang masusuka na.
"Ganyan talaga yan pero masustansya kaya yan. Protein yan. Good for muscle." pampalakas loob ko sa kanya.
Hinati hati ko at pinagpipiraso ang itlog at tinusok ng tinidor saka itinapat sa bibig niya pero lumayo siya.
"No. I'm not taking that!" nakatakip pa rin sa ilong niyang sabi.
"Try mong tikman lang!"
"No, no, and no!"
I sighed. "Anak ka talaga ng mayaman."
Pansin kong natigilan siya sa sinabi ko at dahan-dahan na ibinaba ang kamay na nakatakip sa ilong niya. Sumeryoso na siya at nagulat na lang ako nang hablutin niya ang tinidor na hawak ko sabay subo ng itlog.
Nakatitig lang ako sa kanya habang patuloy siyang kumakain ng itlog. She even get my plate to eat the remaining egg while she's eating like a zombie. Walang buhay siyang nakatitig sa kung saan at panay ang subo, nguya at lunok ng itlog na kinakain.
"Dorry," basag ko sa katahimikan.
Hindi siya sumagot.
"Dorry,"
Still, no respond.
"Dorry!"
Para siyang ginising sa pagka bangungot na nagpalinga-linga sa paligid at nagpapanic na tumingin sa akin.
"B-bakit? Anong nangyare?!"
"Wala, sabi ko, magta time na. Pabalik na mga kaklase natin kaya bilisan mo na dyan."
Unumpisahan ko nang iligpit ang mga pinagkainan namin at inayos pagkakalagay nito sa bag habang siya'y nakatanga pa rin sa kawalan.
Hindi na ako nagtanong dahil alam ko namang may pinag dadaanan siya na hindi ko rin alam at wala na akong balak pang alamin dahil ayoko ring manghimasok. Dipende na lang kung sasabihin niya. Makikinig ako ng bonggang bongga.
SA BAWAT araw na lumipas ay mas lalo kaming naging close ni Dorry. Masama siyang kasama at ang pagiging savage nya minsan at ang kanyang pagiging lalaking kumilos.
Umamin siya sa akin nuong nakaraang araw na bisexual siya. Kung minsan nga eh, naglalakad lang kami sa mini park ng school, may nakasalubong kaming maputi at magandang babae ay basta na lang niyang kinindatan so nagtaka naman itong babae at nandiri sa kanya pero wala siyang pakialam.
Kakatapos lang ng training namin ngayon at dumiretso na ako sa pinag papartimeman ko. Medyo madaming customers kaya medyo rin kami napatagal at napasobra sa oras na dapat ay close time na.
Kung ginagabi ako araw-araw ng pag uwi, lalo na ngayon. Alas nuebe na ng gabi at mabuti na lang at pinakain na kami ng hapunan ng manager.
I'm walking on my way home when I see some couples holding each others hands on the street.
"Gabi na, naglalandian pa rin." bulong ko sa sarili ko.
I remember the time that I promised to Ethan that I will not enter into a relationship when I'm not graduating yet to college. He's just like an old brother that keeps reminding me some things that didn't appropriate to my age.
I sighed heavyly and just focus on the road.
AFTER I brushed my teeth, I went straight to bed and lie down to sleep. But my mind was totally awake so I didn't push myself to sleep and instead, I grab the remote and turn on the TV.
I swipe the channel and there's no much any shows but one caught my interest.
'His birth and death day'
That's the title.
Tamang-tama at nagsisimula pa lamang ang drama.
NASA kalagitnaan na ang palabas nang mag umpisa nang umagos ang mga luha ko sa mata.
"R-renzo, please, l-lumaban ka..." umiiyak na pakiusap nung bidang babae sa kanyang kasintahan na nasa ospital at nag aagaw buhay dahil sa sakit sa puso.
"H-hindi ko k-kakayanin! H-huwag mo ko iwan!" humahagugol ito ng malakas at ganun rin ako. Piling ko, ako yung nasa sitwasyon niya na ramdan na ramdam ko ang sakit.
Nanghihinang hinawakan nung lalaki ang kamay nung babae. "L-love, I-I'm s-sorry I-I'm t-tired," hirapang sabi nito na umiiyak na rin.
"N-no, no! You promise me! Y-you promise me that you never l-leave me!" napaluhod na ito sa lakas ng kanyang iyak.
"I'm s-sorry, I'm sorry, love." he keeps chanting those words to her.
Kasabay non ang pag straight ng linya sa monitor kung saan nakakonekta ang tibok ng puso niya.
"Time of death, 12:59 pm." malungkot na anunsyo ng nurse at tinanggal na ang nakalagay sa ilong nito at tinakluban na ng kumot.
"H-Happy birthday, love. I love you."
Walang nagawa ang babae kundi sumigaw ng sumigaw at sobrang lakas ng iyak sa pagkawala ng kanyang kasintahan.
Nakakailang tissue na rin ako nang dahil sa walang tigil ring pag iyak.
Hanggang sa matapos ang pelikula, tuluyan na akong nakatulog nang dahil na rin sa pag iyak. Siguro ay dahil nakarelate din ako sa pangyayari.
NAGISING akong maga ang mata pagkatingin ko sa salami. Medyo mahapdi rin kapag kinusot at hinawakan kaya hindi todo iwas akong magbasa ang mata ko maski sa pag ligo at baka mapasama.
"Oh, anyare sayo, amigo?" bungad ni Dorry pagkapasok na pagkapasok ko.
Naka assign ang section Aquarius -- ang section namin sa paglilinis ng campus ngayong araw. Friday ngayon kaya kami talaga ang naka assign. Every Friday lang naman.
"May umaway ba sayo? Ha? Sino? Sabihin mo!"
"Wala. Wag ka ngang oa. Namaga lang mata ko."
"Luh. Anong dahilan?"
"Wala. Nanuod lang ako ng teliserye. Ayun namatay yung bidang lalaki."
Tumigil ito sa pagwawalis at inikot-ikot ito sa ere saka saktong ipinalo sa pwet ko ang hawakan.
"Aray!"
"Para yun lang? Ikaw baga'y hunghang?"
"Hunghang?" Himas-himas sa pwet kong tanong.
"Basta!" tinuro niya ang sahig kaya na punta ron ang tingin ko. "Ayusin mo pag wawalis. May dumi pa oh! Ma'am! Si Villena po tinatamad mag walis!" sabay sigaw na sumbong niya.
Siya naman ang pinalo ko sa pwet ng walis. "Hoy, wag ka ngang mang laglag."
"Hahaha! Ang cute mo eh! Galit ka ba o hinde? Kasi kahit ata magalit ka, laging ganan itsura mo?"
Kinunutan ko siya ng nuo. "Anong ganan ang itsura ko?"
Tinuro niya ang mukha ko. "Ayan oh, parang hindi kayang magalit kasi mukha pa ring inosente."
"Pfft. Baliw."
Iniwan ko siya at nagtungo sa maraming kalat na nakakalat sa dinaraanan at pinaglalaruan ng mga players.
Nasa field kami ng campus kung saan dito nag tetraining o lumalaban ang mga football players.
"Aquarius! Please proceed to your classroom. Your time is up!" the master of cleanliness, announced after one hour and thirty minutes.
"Hay, salamat."
"Gosh, I'm so sweaty!"
"Ang haggard ko na tuloy!"
"Amoy araw na ako! Ugh, I hate Fridays!"
Puro reklamo ang mga naririnig ko sa mga kaklase ko na akala mo'y pinarusahan ng buong araw. E samantalang wala silang ginawa kundi mag selfie sa initan kaya pinawis. Ni walang naiambag na kalat sa basurahan!
"CLASS, I already announced to you that next week is gonna be your intramurals, right?"
"Yes, miss." we all answered.
"Good. So don't forget to do your best, okay? Manalo matalo, ayos lang yan. The most important thing is, you enjoy. That's what matters. Kung nanalo kayo, edi congrats!" nagtawanan kaming lahat. "at kung natalo naman, accept defeat and do better next time."
Napangiti ako sa sinabi ng Prof namin. Hindi sya coach pero, kung makapag advice sya, para na rin siyang coach. She motivates us. Encouraging us to our best though it's not a big competition but just a section and a grade competition.
"Kinakabahan ka noh?"
"Ako?" turo ko sa sarili ko.
Ngumisi ang katabi kong gymnastic player. "Oh, I don't think so, you look pale eh."
Just because namamaga ang mata ko.
"Well, good luck na lang. Galingan mo. Hindi para sayo kundi para sa section natin."
Maarte niyang iwinagayway ang kamay saka kinuha ang bag at umalis na ng classroom.
Nag paalam na sa akin si Dorry na mauuna na siya dahil maagap daw ang training nila. Kailangan ko na ring magmadali dahil baka magalit na naman sa akin si coach Acky.
Kailangan handa ako sa competition. May cash prize siguro 'yon. Kailangan ko ring manalo para sa section. Double purpose kumbaga.
Gusto kong may patunayan sa kanila na hindi ako basta bastang mukhang talunan.
|©amph1trite|

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด