logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

SWIM - 4

SWIM - 4
Mag dadalawang linggo na nang huli ni Hanelle nakausap si Ethan. Nakiusap ito sa kanya na layuan muna siya nito pansamantala. At si Hanelle bilang Hanelle, sumunod siya. Hindi man niya aminin pero miss na miss na niya ang kaibigan. Nalungkot siya sa parte na sinabi sa kanya ni Ethan na, tuluyan na raw itong titigil sa paglalangoy kapag hindi na raw gumaling ang ina nito na siyang iniintindi nito ngayon.
Sa bawat oras na lumilipas, hindi na niya kinaya kaya siya na mismo ang pumunta sa bahay nina Ethan.
Nanuot ang amoy ng alak sa ilong niya pagkapasok na pagkapasok sa bahay nila. Agad niyang hinanap kung sino ang nag iinom at napatigil siya nang makitang si Ethan 'yon na nakatihaya na sa sahig at walang malay.
"E-Eth," sambit niya. Gulat sa nakita.
Dali-dali niyang sinapo ang mukha nito.
"Anong... anong nangyare?!"
Sapilitan niyang iniakbay ay braso nito sa leeg niya at inihiga sa pinakamalapit na sofa na sira-sira na.
Nagtungo siya sa kusina at kumuha ng maligamgam na tubig at bimpo. Naramdaman niyang mainit si Ethan kaya siguradong nilalagnat na ito.
"Baliw ka na talaga, Eth. Ano bang pinag gagagawa mo, ha? Pepektusan talaga kita pag gising mo!" nanggigigil siya nang banggitin ang mga 'yon habang pinupunasan ang mga braso ni Ethan.
Nang matapos, inihanda niya ang mga panggatong para gumawa ng lugaw. Para naman pag gising nito ay maginhawahan ang pakiramdam.
Habang hinihintay na maluto ang nilulutong lugaw, naglibot ang mata niya nang may maalala.
A-asaan si T-tita?
Tinungo niya ang nag iisang kwarto sa bahay nina Ethan. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at sumilip sa loob. Nilakihan niya ang bukas at tuluyang pumasok nang makita ang ina ni Ethan na nakahiga at mapayapang natutulog. Mukhang hindi nito alam na naglasing ang anak nito.
"T-tita, Ethel?" tawag niya sa pangalan nito nang makalapit. "Nagluluto na po ako ng makakain nyo."
Unti-unting bumukas ang mga mata nito. Pinagmasdan niya at sinuri ang kabuuan nito. Ang labi nito ay sobrang maputla na. Ang mukha nito ay tila namuti na dahil sa kakulangan ng dugo. At halos hindi na makatayo dahil hinang-hina na ang katawan.
"I-Iha, s-si E-Ethan?" hirapang aniya nito.
Magsisinungaling ba ako? Pero kapag sinabi ko naman ang totoo, baka lumala ang sakit ni tita.
"Ahm, n-nasa sa sofa po. N-natutulog."
Tsk. Bakit naman kasi nag lasing ang isang 'yon.
Inalalayan niya itong makaupo at nagpaalam na ihahanda na ang kakainin nila. Pero bago pa siya tuluyang makapunta sa kusina, nasulyapan niya si Ethan na nagbago ng pwesto sa paghiga kaya pinuntahan muna niya ito.
"Hoy, Eth, bumangon ka na nga. Gising na mama mo, lagot ka."
Umungol ito pero hindi tuluyang nagsalita kaya ang ginawa ni Hanelle ay tinakpan niya ang ilong nito na nagsisilbing hinihingahan.
Ilang saglit pa ay napabangon ito sa pagkakahiga at habol sa sariling hininga saka tinignan ng masama si Hanelle.
"Ano bang ginagawa mo?!"
"Shh!"
"Bakit ka ba nan--"
"Gising na ang mama mo." tinakpan nito ang bibig nitong maingay at mabaho nang dahil sa alak.
Nang kumalma, nagpaalam siyang aayusin na ang makakain nila para sa ina niya at para sa kanyang hang over.
"Mag usap tayo pagkatapos mong kumain." malamig niyang utos kay Ethan na kumakain sabay nagtungo sa labas at umupo sa duyan.
Wala pang sampung minutos siyang nakaupo nang sumunod sa kanya ang kaibigan at tumabi ng upo sa kanya.
"Bakit ka nandito?"
Humarap siya dito ng may pagtataka sa mukha.
"Baliw ka ba?" medyo pumiyok siya sa parteng patanong at mayroon nang nag mamalabis ba luha sa kanyang mga mata. "Bakit ba naisipan mong maglasing kung kailan kailangan mo ng pera pampagamot sa mama mo?! Anong klaseng utak ang mayroon ka, ha?!"
"A-at, kailan ka pa natutong uminom?!" huminga si Hanelle ng malalim para pakalmahin ang sarili. "Sabihin mo sa akin, Eth, ano bang nangyayari sa'yo, ha?"
Pumulot ng maliliit na bato si Ethan saka pinaghahagis isa-isa ito habang unti-unting na ring lumuluha.
"Kahapon, pumunta kami ni mama sa ospital para ipacheck up kung ano ba dapat ang gawin sa kanya." tahimik lang siyang nakinig sa kaibigan. "Walang pumasok sa utak ko sa lahat ng sinabi ng doktor maliban sa isa."
"A-ano 'yon?"
Napakagat si Ethan sa kanyang pang ibabang labi at duon nagsiagos ang kanyang mga luha.
"M-may taning na ang buhay ni m-mama..."
Humagulgol ng malakas si Ethan na ikinagulat naman ni Hanelle ng dahil sa sinabi nito. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay niya na hinawakan ang kamay ni Ethan na nakakuyom.
Mahigpit na niya itong niyakap habang umiiyak sa kanyang balikat. Napakasakit ng pinagdaraanan nito ngayon kaya kailangan nito ng may masasandalan sa oras ng pangangailangan.
Sumapit na ang hapon, nanatili siyang nakaupo sa duyan at nakatanaw sa kawalan. Nakapatong na ang ulo ni Ethan sa hita niya at nakatulog na sa kakaiyak.
Hindi man sila magkapatid o magkadugo, ramdam na ramdam ni Hanelle ang sakit na dinadala ni Ethan. Problema nito, problema na rin niya. Siguro ganun na talaga ang nagagawa kapag halos sampung taon na kayong magkakilala at magkasama.
NANG mag ala syete na ng gabi, nakaramdam siya ng pag ihi kaya kailangan niya gisingin si Ethan. Pero ayaw niyang maistorbo ang tulog nito kaya mabuti na lang at may batang naglalakad sa may dalampasigan na tinawag niya upang tulungan siyang buhatin ito papasok sa bahay nila.
Nagpasalamat siya sa bata at dali-daling nagtungo sa banyo kung saan lahat silang taga baryo ay gumagamit.
Sana hindi mahaba ang pila.
Napapikit siya nang abutan niya ay labing-walo ang nakapila.
Wala siyang nagawa kundi pumunta kung saan ang kanyang place for emergency. Kung saan siya dinala nuon ni Ethan nung mga bata pa sila.
Pagkatapos niyang ilabas ang likido na galing sa katawan, naglakad-lakad muna siya sa may dalampasigan at napatigil nang may makitang kumikinang-kinang sa ilalim ng tubig.
Umupo siya at tinitigan iyon.
"Pearl?"
Napangiti siya nang pulutin iyon at nalaman na isa nga iyong perlas.
"Ang ganda..." mangha niyang sabi.
Ibinulsa niya iyon at tuluyan nang umiwi sa kanilang tahanan.
"Inay? Wala pa po ba si Itay?" tanong niya nang matagpuan ang Inay pa lamang niyang ang nasa bahay.
"Parating na rin 'yon apo,"
"Okay, po." tumango siya at tinulungan ang Inay niya na magtiklop ng mga sinampay.
Alam ng mga ito ang kalagayan ni Ethan kaya wiling na wiling ang Itay niya na matulungan ito at ang ina nito kaya palaging overtime sa pangingisda ang Itay niya. Para na rin kasing dalawang pamilya ang pinapakain nito at mag isa lang ang Itay niyang kumakayod.
At ang maisusukli na lang niya sa kabutihan ng lolo't lola niya hindi lang para sa kanya kundi para sa kaibigan ay ang pagbutihin ang pag aaral at paglalangoy.
"SWIMMERS, aware naman siguro kayo na sa darating na sabado ay Regionals nyo na. Hindi ko na kailangan sabihin pang muli ang mga pinapaulit-ulit ko at pinatatandaan na gagawin nyo sa oras na kapag nasa ready bench na kayo at sa diving board." paalala sa kanila ng coach matapos ang kanilang training.
"Yung mga paalala ko sa inyo na huwag nyong iisipin na pagod na kayo. Dahil kapag inisip nyong pagod na kayo, ay talagang mapapagod kayo. Kung ano ang inisip mo, siya rin ang gagawin ng katawan mo." dagdag pa nito. "Lopez, Villena, naiintindihan ba?"
Tumango silang dalawa ni Ethan. "Yes, coach."
Limang buwan na ang nakalipas simula nang malaman ni Hanelle na may taning na ang buhay ng ina ni Ethan.
Isang taon na lang daw ang natitirang oras nito sa mundo. Nuong una, ayaw pang tanggapin ni Ethan dahil masyadong maagap raw pero hindi niya hawak ang buhay ng tao kaya natutunan rin niyang tanggapin kahit masakit at dahil na rin sa tulong ni Hanelle, natutunan na rin nitong kalimutan ang sakit ng ina at sa halip ay sulitin ang natitirang oras ng ina niya rito sa mundo at habang kasama pa niya ito at nasa tabi pa niya.
"KINAKABAHAN ka ba?"
Umiling si Hanelle habang ngumunguya ng mangga na may alamang.
Nasa tindahan sila ng mga street foods na malapit lang din sa dagat. May kinita ngayon si Hanelle kaya may pambili siya ng tig dodos na mangga sa stick. Inilibre na niya rin si Ethan kaya ang kapal ng mukhang kumuha ng kumuha ng mangga.
"Hahaha, bulaan ka talaga."
Nilunok muna ni Hanelle ang kinakain bago nagsalita.
"Hoy, baka ikaw jan ang kinakabahan... ilang beses na tayong nag reregionals tapos ngayon ka pa kakabahan?" napailing-iling siya at kumagat uli sa mangga. "Boang ka."
"Hindi noh, ako pa,"
Akmang kukuha pa si Ethan nang pitpitin ni Hanelle ang kamay nitong ikukuha sana ng mangga.
"Aba, aba, abusado ka na ah!"
Humaba ang nguso ng kaibigan. "Tsk. Isa na lang eh,"
"Kanina ka pa isa ng isa! Aish! Osige na, isa na lang talaga ha."
Ngumisi ito sabay tuhog muli ng mangga at sawsaw sa alamang. Hinding hindi talaga siya matitiis ni Hanelle. Talagang marupok ito pagdating sa kanya at ganun rin siya dito.
"Ate magkano po lahat?"
Kinwenta muna ng tindera ang mga nakain nila.
"Ilan neng nakain mo?"
"Apat po, ate."
"Ikaw, 'toy?"
"W-walo po. Hehe."
Nanlaki ang mata ni Hanelle na nilingon si Ethan. "Walo?!"
Napakamot naman sa ulo niya si Ethan. "Hehe, sarap eh,"
Walang nagawa si Hanelle kundi bayaran ang kinain nila. Bale dalawampu' t apat ang kanilang nagastos.
Dumighay si Ethan nang dahil sa kabusugan habang naglalakad sila pauwi.
"Eth,"
"Mmm?"
"Malapit na ang kaarawan natin. Anong hiling mo?"
Natahimik saglit ito kaya sinulyapan siya ni Hanelle. Nasa paa ito nakatingin.
"Tanda mo pa ba yung sinabi ko sayo nuon na pangarap ko na naging pangarap mo na din?"
Walang isang segundong tumango siya. "Oo,"
"Kakalimutan ko muna ang pangarap na 'yon at ang hihilingin ko muna ay ang... humaba pa ang buhay ni mama."
Hinawakan niya si Hanelle sa pulsuhan kaya siya napatigil sa paglalakad at tinitigan.
"Kakalimutan ko muna ang pangarap natin na makapasok sa AU."
HANELLE
Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya rito sa kanyang apartment na tinutuluyan. Parang may kakaiba kasi sa kanya.
"Sorry, about that, you must be shocked."
Yep, I was.
"Hindi naman,"
"Pfft. Huwag mo nang itanggi." tinuro niya ang mukha ko. "Tignan mo nga yang sarili mo sa salamin at sabihin mo na hindi ka nagulat?"
Hays, hindi pa rin talaga ako marunong magsinungaling.
"B-bakit kasi--"
"Bakit ko ginawa 'yon?" she cut my words off then smirked.
The way she fought those men earlier, I felt like it was a different person to this girl in front of me.
"Well, let's just say that, may rason ako kung bakit ko' yon ginawa. Hindi ko naman ata basta sila uupakan kung walang dahilan 'di ba?"
Tumango ako. "A-anong dahilan non?"
Umupo siya sa tabi ko saka sumandal, humalukipkip, itinaas ang dalawang paa sa ibabaw ng lamesa at pumikit.
"The truth is," she looked at me. "They were thieves. Nakita ko silang may ninakaw sa isang shop. Syempre gabi na para di sila makita at alangan tumawag pa ako ng mga pulis para ipahuli sila eh nakita ko na. Pababayaan ko pa ba eh kung kaya ko naman?"
Napatulala ako sa sinabi niya. Oo nga naman, tama siya. "Hindi mo naman siguro sila tinuluyan hindi ba?"
Tumawa siya ng nakapikit. "Hahaha, hindi ako mamamatay tao noh,"
"Ahh, buti na lang at hindi ka nakita ng ibang tao... pero teka, paano kung makatakas sila at hindi mahuli?"
Nagulat ako sa bigla niyang pagtayo at sumuntok sipa sa hangin. "Edi gulpi ang abot nila sa akin." Tumayo siya ng pirmi. "But I think that's impossible. Ginapos ko na sila. Oh and I leave a note that says welcome." aniya sabay kindat. Nagtungo siya sa kwarto niya.
She's unbelievable. Parang ang dali lang sa kanya gawin ang mga 'yon.
Tumayo ako at tinignan ang mga photo frames sa itaas ng TV. Puro siya ang mga nasa pictures at mga achievements at trophies niya.
"Dorry?" tawag ko sa kanya mula sa salas. Nasa kusina sya.
"Yes?"
Pumunta kaagad siya sa tabi ko. Itinuro ko ang nga achievements niya na nakasabit at picture na nanalo sa pag tataekwondo.
"Bata ka pa dito nang manalo ka dito, asaan ang mga magulang mo? Bakit hindi mo sila kasama?"
Actually hindi naman ako chismosa. Talagang gusto ko lang malaman at curious lang.
Lumingon ako sa gawi niya nang hindi siya umimik.
"Ahm, g-gutom na ako. Tara dito kana kumain."
Alam ko na sa inasta pa lang niya na iniiwasan niya ang tanong ko na yon. Gusto ko nang tanungin pero wag na lang. Baka masyadong confidential kaya ganun.
"SINO ba kasi ang may gawa niyan?"
Napapangiwi ako sa tuwing nadadampian niya ng yelo ang pisngi ko kung saan may pasa. Tapos na kami kumain nang saka lang niya napansin na may pasa ako.
"Nadulas nga ako."
"Tsk. Liar." wika niya habang patuloy na dinadampian ng yelo ang pasa ko.
Mas mabuti nang hindi sabihin sa kanya kung sino ang may gawa. Baka ikapahamak pa niya dahil baka upakan yung babaeng yun.
"BUKAS na lang tayo sa school mag kita uli." ngumiti ako sa kanya habang nagpapaalam na uuwi na.
Magkatabi lang naman pati ang apartment namin na ikinatuwa niya. Ngayon lang daw siya nagkaroon ng kausap at kaibigan na katulad ko kaya ang sarap lang sa pakiramdam.
"Hatid na kaya kita sa inyo? Alas nuwebe na oh,"
Umiling ako. "Wag na, lalakad lang naman ako ng kaunti tapos apartment ko na."
"Tsk. Mmm, sige, ikaw bahala. Basta bukas ah."
Natatawang napatango-tango ako. "Salamat nga pala sa hapunan ha,"
"Sus wala 'yon. Mag ingat ka pag uwi ha, madami na ngayon ang rapist."
"Hahaha, oo naman."
KINABUKASAN, maagap ako nagising. Mas maaga pa sa alarm ko. Nakakatuwa lang kasi na alam mong may naghihintay sayo sa pagpasok mo.
Mabilis kong inihanda ang susuutin at babaunin sa pagpasok. Plantsa ng uniform habang hinihintay na maluto ang itlog na nilaga ko. Yon lang ang almusal ko para tipid. Mabilis na ligo at bihis, nguya ng itlog habang nagsusuklay at naghanda na rin ako ng dalawang itlog na babaunin para sa tanghalian ko at ang isa ay kay Dorry.
When I arrived to AU, I wear a smile while walking towards to our room. Happy lang. Saka minsan lang ako ganito kaya sulitin na.
"HOY!"
Nawala ang ngiti ko sa labi at lumingon sa tumawag sa akin.
Sya na naman? Yung dahilan kung bakit nagkapasa ako sa may pisngi.
"Happy ka?"
"Hindi ba pwede?" mahinahon kong tanong.
"Oo! Lalo na sa katulad mo!"
Napaatras ako nang banggain niya ako sa balikat. Wala namang pakiaalam ang nakakita at nagsitawanan naman ang ibang estudyante.
"Kailan ba ito matitigil?" tanong ko sa sarili ko saka mahinang natawa.
Pagdating ko sa room, ang iingay nila at nagkakagulo na parang palengke ang dating. Tumigil silang lahat sa kanya-kanyang ginagawa nang makita ako sa labas ng pinto ng room.
Nagsiirapan sa akin ang mga babae na masama rin ang tingin at umiling-iling naman ang mga lalaki.
Nakatungo akong dumiretso sa upuan ko kung saan naghihintay si Dorry.
"Amigo, isa tayo sa chismis ng bayan ngayon." bungad nya sakin.
"Ha? A-anong meron?" tanong ko pagkaupo ko.
She crossed her arms over her chest. Magsasalita na sana siya nang pumasok na ang magtuturo so she mouthed 'maya na lang' and go back to her seat.
Pagdating ng break time, nagpaalam ako saglit na mag ccr para umihi. At nang matapos, hindi ko inaasahang may hahara sa akin na grupo ng mga kababaihan sa pinto ng cr. Tatlo sila.
"Sikat ka pala ngayon ah,"
"Yep, we heard it."
"We saw it from the news."
I didn't know what they're talking about so I asked.
"W-what news?"
The girl with the thick lipstick spoke. "Why don't you just look at your phone, dumb bitch?"
Nahihiya man, nagsalita pa rin ako. "Wala akong android phone." ipinakita ko sa kanila ang de-pindot kong selpon.
Ilang segundo silang natulala at natahimik bago tuluyan nagsitawanan ng malalakas. Yep, I don't feel ashamed of not having an android phone just like them. Ayus na sa akin ang de-pindot at hindi touch screen. Mga susyal sila at ako hinde. At wala rin akong pakialam.
"Oh my god, you're so poor to not have an android phone... kahit low class wala?"
"Friz, pag walang android phone, that means walang perang pambili okay?"
"Oh, yeah, right. I was about to say that."
The one with the brownish hair heavyly sighed and look at me with pity on her eyes. Only if that's sincere of course.
"Poor you, you must be have a hard time in your past to be like this."
S-she's sincere. I sense it. But... why?
"Hoy," siniko siya nung makapal ang lipstick. "Ayan ka na naman sa ugali mong yan eh!"
Sumingit yung naka pusod ang buhok sa usapan nila at pilit hinahatak ang pulsuhan nung dalawa palabas ng cr.
"Let's go na please, the class will start na oh,"
Tinignan muna nila ako ng masama-- except duon sa brownish hair-- bago sila tuluyang lumabas.
Napasabunot ako sa buhok ko. Ano ba yan, kahit saan may nakasunod sa akin at hindi ako tatantanan. Akala ko magiging maayos ang pag aaral ko dito sa dream school ko pero mukhang may sagabal pa rin.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Mabuti at wala pang prof. Nakita kong komportableng nakasandal ang ulo ni Dorry sa magkasiklop niyang kamay at nakapikit.
Biro kong sinipa ang paa ang bangkuan niya para magising. Galit siyang nagmulat at nung makita ako, tumaas ang gilid ng kanyang labi.
"Sabihin ko na ba?"
"Ahm, sige. Ano ba 'yon?"
"Mah prend... sikat na tayo!" bahagya siyang sumigaw sa dulong sinabi.
"Teka, ano bang ibig mong sabihin, ha?"
Sumiksik siya ng upo sa upuan ko kaya sikip na kaming dalawa. Bakit parang masyado naman ata patago ang pag uusapan namin at bawal may makarinig na iba?
Inilabas niya ang phone niya at may ipinakita sa akin.
"Ito, basahin mo."
Binasa ko ang unang nakasulat.
News Gossip in AU.
Napatingin ako sa kanya at tumango naman siya bilang pagsabi na ipagpatuloy ko ang pagbabasa.
The new girl Hanelle Villena and the old student, Brylee Mackenzie Navarro was s spotted at Dadbod across the AU, working their asses off.
I scrolled down and I found a picture of me in the cashier asking customers on their orders. Rylee was serving foods. I pressed the comment section and there it goes... there were so many negative comments about me and Rylee.
Maybe they lack of money, that's why...
Yeah, or that's just how poor they be.
Those two are beggar!
They didn't deserve to be studied in AU!
The hell, I can't believe they actually working when they're from AU?! What will people say? That AU students were poor!
I turned off her phone and gave it back to her.
"Di ba? Sikat na tayo?"
"Tayo? Paano ka nakasama eh, ako at si Rylee lang naman ang pinagchichismisan?"
She gave me a dead pan face. "You didn't read the whole gossip, didn't you? At, kilala mo yung isa?"
Napakunot ang nuo ko. Ibig sabihin... may iba pang chismis? Hindi lang tungkol sa akin?
Kinuha niya ang phone niya at itinurn on uli.
"Here, read it."
The war freak, Dorry Santiago was seen yesterday at 7pm, beating a five unknown men in the dark alley.
At meron nga uling litrato ni Dorry na nakikipag away kahapon sa madilim na iskinita. Pero, paano nila nalalaman na may pangyayaring ganun? Na si Dorry nga ang nang bugbog sa mga lalaking yun? E samantalang ako, kahit sa malapit, hindi ko inaakalang si Dorry pala yun kung hindi siya nagtanggal ng mask.
Nag scroll down muli ako at mayroon pang ibang chismis.
Marzena Tuazon and Astrid Alonzo was spotted at the Wild Park eating some dirty ice cream. After that, they go to Alfonso Street to eat some street foods like public students.
Just like me and Dorry, may mga pictures rin silang nasa park at kumakain ng ice cream at ng street foods.
"What the--"
"Yah, pati ang pag kain, namomonitor nila at nagiging chismis." pagak siyang natawa. "Unbelievable, right?"
Ibibigay ko na dapat sa kanya ang phone nang may makita uli akong chismis. Ang pinakahuling chismis ngayung araw.
The bipolar, Amara Jacinto spotted at the Dadbod too! It was her first time to order in a cheap fast food so she probably look like stupid while ordering!
I look carefully at her back. She's... she's the innocent girl who ordered a milktea to me yesterday! And it's definitely her was Amara.
She had picture too in the counter. Good thing, my face didn't show up that time cause I'm busy with her milk tea order.
"This is too much," I said.
"Yep. Matagal na. At sanay na kami. Lagi kaming na chichismis na apat. Pero ngayon, lima na kasi nandito ka na."
Sa itsura niya, parang tuwang-tuwa pa siya na nachichismis. Minsan, hindi ko rin talaga maintindihan itong si Dorry Kahit kahapon lang kami nagkakilala.
"Bakit parang tuwang-tuwa ka pa?"
"Huh?" she shrugged. "Oh, nothing... I like to see my name mentioned on the News Gossips."
My brows furrowed. "Bakit?"
"I feel like I'm famous! Haha!"
FINALLY it's lunch time. Dorry asked me if I wanted to join to her so of course, I said yes. I don't say no to an offer. Hehe blessing 'yon na hindi ko naranasan nuon.
Naglalakad kami sa git a ng field. Naisipan niyang kumain na lang kami duon sa basketball court para iwas tao at chismis.
I titled my head to my side when I saw that girl yesterday. Mag isa lang siyang kumakain.
"Saan tayo?"
Tinuro ko si Amara na nakaupo sa bleachers at kumakain mag isa.
"Samahan natin 'sya."
Pinakatitigan naman ni Dorry si Amara. "Isn't she the one in the News Gossip?"
"Yeah," sabi ko at umakyat pataas papunta sa kanya.
"H-hi! A-Amara." for me it was awkward that I actually caught her attention. Hindi ako ganun ka friendly since na trauma ako na walang nakikipagkaibigan sa akin.
Tumingin naman siya sa amin at bahagyang nagitla nang makita ako.
"Uh, can we join you?" tanung ko.
Matagal siyang nakatulala sa amin at bigla na lang nagmadaling inimis ang kanyang kinakain at inilagay ang baunan sa bag saka tumayo at akmang aalis ng pigilan ko sya.
"Wait. Hindi kita pinapaalis."
"Alam ko." aniya sabay tuluyan nang umalis.
Napatingin ako kay Dorry na nagkibit-balikat lang.
HABANG nasa kalagitnaan kami ng pag kain, may mga basketball player na nagsidatingan. Napatingin sila sa gawi namin since kami lang naman ang tao rito.
Buti nga dito naisipan ni Dorry kami kumain dahil dito, tahimik na, presko pa, at walang estudyanteng bullies at walang chismis!
"Oh Davis, nandito pala ang manliligaw mo ha," sabi nung isang player.
Manliligaw?
Napatingin ako kay Dorry na masama ang tingin sa kanila.
"Panira ng pag kain." bulong niya.
"Sino sila?" tanong ko.
"Ang mga alagad ni Santos..."
Santos? Si Hunter?
|©amph1trite|

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด