logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

SWIM - 2

SWIM - 2
"Ready, set, go!"
Panay ang sigaw ng coach nila na nagpapatraining sa kanila sa paglangoy sa dagat.
Wala naman silang problema sa dagat mag ensayo dahil may mga tinatawag silang floaters kung saan hanggang duon lang ang mga swimmer para hindi makalayo sa gitnang parte ng dagat.
Tatlong taon na ang lumipas simula naging isang manlalangoy si Hanelle. Dahil sa pagtitiyaga at pagsisikap ni Hanelle, isa na siya sa pinaka malakas na swimmer sa team nila sa edad na walong taong gulang.
"Mahusay, Elle, nagbaba ka ng limang segundo sa best time mo sa freestyle."
Nakipag apir sa kanya ang coach Vic niya na ikinatuwa niya.
"Salamat po, coach!"
SABAY sila ni Ethan umuwi pagkatapos nilang magtraining. Sa loob ng tatlong taon na 'yon, unti-unti nilang nakilala ang isat-isa at mas lalo pa silang naging malapit.
"Teka," pigil sa kanya nito sa paglalakad.
"Bakit?"
Hinila siya ni Ethan patungo sa tindahan.
"Ate, magkano po ice tea?"
"Tres lang, iho."
Kumuha sa bulsa niya si Ethan at binayaran ang ale saka ibinigay sa kanya ang ice tea na binili.
"Hayan, premyo ko sayo."
Nagtaka siya. "Premyo saan?"
Pinanggigilan ni Ethan ang ilong niya. "Natalo mo na ako sa freestyle, nag best time ka pa."
"Ah, eh, chamba lang naman 'yon eh. Saka hindi ka humataw kaya natalo kita."
Inakbayan siya nito at nagtuloy na ulit sa paglalakad.
"Di ba nangako ako sayo na kapag natalo mo ako, o nag best time ka, ililibre kita?"
Nagpigil siya ng ngiti. Baka mag bago pa ang isip nito at bawiin ang pangako. Iyon pa naman ang ayaw niya sa lahat. Ang hindi tumutupad sa pangako.
NANG maihatid siya ni Ethan sa bahay nila, nanduon na ang itay niya na naghahain ng umagahan.
"Salamat uli sa paghatid, Eth!"
"Sus, wala 'yon."
"O, Ethan! Dito kana kumain, iho. Halika at saluhan mo kami." aya kay Ethan ng itay niya.
Napakamot ito sa ulo dahil sa isiping malelate ito sa pagpasok sa eskwelahan. Nakasanayan na nitong hindi kumakain ng umahan.
Nakaramdam si Hanelle ng pagkainggit sa kaibigan. Hindi siya pumapasok sa paaralan dahil walang pampaaral ang kanyang inay at itay sa kanya. Mahirap lang sila at ang kaya lang nila ay ang pambili ng pagkain sa pang araw-araw.
"SALAMAT po!" wika ni Ethan matapos nilang makakain ng umagahan.
Tumango at ngumiti ang itay niya. Nagpaalam sa kanya si Ethan na mauuna na dahil may pasok pa.
Nilingon niya ang itay na nagliligpit ng kanilang pinagkainan. Nilapitan niya ito at kinalabit sa tagiliran.
"Ano 'yon, apo?" tumingin ito sa kanya.
"Itay," nagbaba siya ng tingin. "Bakit po si Ethan pumapasok sa paaralan tapos po ako hindi?"
Napabuntong-hininga ang itay niya at lumuhod kapantay niya. May awa itong naramdaman sa itsura ng apo na malungkot at may kagustuhang pumasok sa paaralan katulad ng ibang bata ngunit, wala talaga silang pera pampaaral sa kanya.
"Pasenya na apo, wala talaga kaming pera ng inay mo eh, pero kapag nakaipon na si itay ng maraming pera sa pangingisda, papasok ka na rin katulad ni Ethan." pagpapalakas loob ng kanyang itay sa kanya.
Lumiwanag ang mukha niya at niyakap ang itay niya. "Salamat po, 'tay!"
LUMIPAS ang hapon at wala pa si Ethan, ang tangi niyang kaibigan, umupo siya sa buhanginan sa may pangpang ng dagat at pinagmasdan ang mga alon.
Habang tumatagal, parang inaakit siya ng tubig na lumangoy kaya lumusong siya at iminulat ang mga mata sa ilalim ng tubig. May mga isda siyang nakitang lumalangoy kaya naisipan niyang hulihin ito. Umahon siya at napangiti sa kadahilanang nakahuli siya ng isda. Iyon ang pinakauna niya nahuling isda kaya masaya siyang lumangoy pabalik habang kapit ng mahigpit ang isda.
"Itaaaay! Itaaaaaay!"
Dali-dali namang lumabas sa bahay nila ang kanyang itay sa isiping may kung anong nangyaring masama kay Hanelle.
"O, ano 'yon?!"
Hinihingal na tumigil siya sa pagtakbo at ipinakita rito ang bagong huli.
"N-nakahuli po ako!" itinaas niya ang isda na gumagalaw-galaw pa.
Nagulat ito at mabilis na kinuha sa kanya ang isda. Dinala nito iyon sa gatungan nila at inihaw ng buhay.
"Mukhang magiging fish hunter ka na, apo," natatawang sabi sa kanya nito.
SIMULA nung araw na makahuli siya ng isda, isinama na siya ng itay niya sa pangingisda nito at sa tuwing matatapos ang training niya.
Masaya siya lalo na't alam niya na nakakatulog siya sa itay makapag ipon ng pag aaral niya. Balang araw, magkasama na rin sila ni Ethan na papasok sa paaralan at sabay na magtatapos para matupad ang kanilang mga pangarap.
Pangarap ni Ethan na maging kapitan ng barko at siya naman ay maging isang bumbero. Pangarap niya iyon dahil may nagsabi sa kanyang mangingisda katulad ng itay niya na mataas at malaki raw ang sweldo sa pagiging bumbero. At sa kabila pa non, makakatulong pa siya sa mga taong nasusunugan o mga taong kailangang iligtas sa gitna ng apoy. Pero bago 'yon pangarap muna niyang makasali sa big events sa swimming.
Isang araw, dumayo ang coach niya sa kanilang munting tahanan. Kailangan raw sila nitong makausap at importantante raw 'yon.
"Hanelle," matiim itong tumitig sa kanya na nakangiti. "May maganda akong ibabalita sa 'yo."
"Ano po yun?" excited niyang tanong.
"Makakapag-aral ka na."
Parang nabingi si Hanelle na narinig at tanging umaalingaw-ngaw sa tainga niya ay ang sinabi ni kanyang coach.
Makakapag-aral na ako katulad ni Eth?
Pati ang kanyang inay at itay ay napipilan sa sinabi nito.
"P-pano po nangyari 'yon? Eh, kulang pa po pera namin?"
Bahagyang natawa ang kanyang coach Vic. "Iha, dahil sa husay na ipinapakita mo sa akin sa tuwing ika'y nag eensayo sa paglalangoy, karapat-dapat kang mabigyan ng maayos na edukasyon. Kaya, ako na ang gumawa ng paraan sa lahat." mahabang aniya saka siya nginitian.
Napatakip sa bibig ang kanyang inay at ipinagdikit naman ng kanyang itay ang dalawang palad saka taos-pusong nagpasalamat sa coach.
"Maraming maraming salamat, Victor. Maraming maraming salamat talaga..." iyon ang panay usal ng kanyang itay.
Lumapit siya sa coach at mahigpit na niyakap at nagpasalamat. "Salamat po coach, matutupad ko na po ang mga pangarap ko."
IBINALITA kaagad niya iyon kay Ethan na kakagaling lang sa paaralan. Niloko siya nito na sa unang baitang pa lamang siya sa edad na walong taong gulang. Samantalang ang lalaki, sa ikatlong baitang na sa edad na walong taong gulang rin.
Wala naman naging problema si Hanelle don. Ang mahalaga, makakapag aral na siya. At pag nakapagtapos ng pag aaral, makakatulong na siya sa kanyang inay at itay.
WALONG taon ang nakalipas, maraming pagsubok ang hinarap ni Hanelle sa edad na labing-limang taong gulang. Katulad na lang sa pag aaral, palagi siyang nabubully ng mga kaklase niya na ang tanda tanda na niya at amoy isda raw siya sa tuwing papasok at ang itim-itim niya.
Malayo ang tahanan nila sa kanyang paaralan tapos bago pa siya pumasok sa umaga, nagtetraining muna sila sa dagat. Hindi niya pinapansin ang mga nang bubully kanya dahil wala naman daw silang magawa sa kanilang buhay. Hindi rin naman iyon naging hadlang sa pagpopokus niya sa pag-aaral dahil nandyan naman si Ethan para ipagtanggol siya... pero hindi sa lahat ng oras. Mayroong beses rin na mag isa niyang hinarap ang panunukso at pananakit sa kanya ng mga ito.
Ang ginagawa niya para ilabas ang lahat na sakit na nararamdaman ay pumupunta siya sa pangpang ng dagat sa walang makakakita sa kanya at mag isa lang siya para duon ibuhos lahat ng sakit at luha na pinipigilan niya sa tuwing inaaway siya o tinutukso sa kanyang panlabas na anyo.
Iniisip na lang niya na naiingit ang mga ito sa kanya dahil matataas ang marka niya sa lahat ng kanilang subject at siya ang pinakamatalino sa mga ito kaya ginaganon siya. Ni walang nakipagkaibigan sa kanya sa mga kaklase niya. Walang kumausap sa loob ng anim na taon niyang pag aaral maliban sa mga guro at kay Ethan.
Nakakalungkot mang isipin na ganon ang nangyayari sa kanya sa pang araw-araw na pagpasok niya, pilit pa rin niyang ginagawang positibo lahat at walang imposibleng mangyari kung gusto mo talaga.
"Anong ginagawa mo riyan?"
Nagitla siya at mabilisang pinahid ang mga luha nang marinig ang boses ng matalik na kaibigan.
"A-ah, w-wala! Nagpapahangin lang." aniya nang hindi tumitingin rito.
Yumuko ito at sinilip ang mukha niya na ikinaiwas naman niya ng tingin. Umupo ito sa harapan niya at hinawakan ang baba saka pinihit paharap sa kanya.
"I don't believe you." tinuro nito ang namumugto niyang mga mata. "Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin at nang makita mo kung gaano kapula 'yang mga mata mo."
"Tsk. Okay nga lang ako."
"Don't lie to me, Elle." seryosong aniya nito. "Anong problema?"
Huminga siya ng malalim at tumitig sa kulay asul na karagatan. "As usual, ganun pa rin." pagak siyang natawa.
"Hindi ka pa rin nila tinitigilan?" napahilamos ito sa buhok. "You know what, sabihin mo na 'yan sa itay mo."
Umiling-iling siya. "Ayoko nang dagdagan pa ang problema nila, Eth. Unti-unti nang nanghihina si itay." napalunok siya nang may magmalabis na luha sa kanyang kanang mata. "Hindi na siya masyadong nakakapangisda." tumingin siya kay Ethan. "Pano na 'yon, Eth? Wala na kaming makakain kapag tuluyan nang nanghina si itay dahil wala nang magtataguyod ng pangkain namin sa araw-araw."
Tinuyo ni Ethan ang luha niya na tumulo na pala. "Huwag kang mawalan ng pag asa, Elle. Gagawa tayo ng paraan. Tutulungan kita."
Tumango-tango siya at pinakalma ang sarili. Tumayo sa tabi niya si Ethan at pumulot ng maliliit na bato saka isa-isang itinapon sa dagat. Alam ni Hanelle kung bakit ito nagkakaganon. Iyon ang ginagawa ni Ethan sa tuwing siya'y may problema.
"Eth,"
"Hmm?"
"Anong problema mo?"
Matagal itong hindi nag salita at kapagkuwan, tumikhim kaya nilapitan niya ito. Napasinghap na lamang siya nang makitang may nagmamalabis na luha sa mga mata nito.
"W-wala,"
"Tsk. Ayan ka na naman eh, sabihin mo na, malay mo makatulong ako diba?"
Nagtaas ito ng tingin. "S-si m-mama. May s-sakit s'ya."
Napatitig si Hanelle kay Ethan nang dahil sa sinabi nito. Wala siyang magawa kundi yakapin ito.
"A-anong sakit nya?"
"Leukemia,"
Natigilan siya. Alam ni Hanelle kung ano ang sakit na 'yon at kung ano ang mga sintomas at dulot nito sa tao. Nabasa niya iyon sa library sa kanilang paaralan kaya hindi na masyadong mahirap para sa kanya kung ano ang sakit na ' yon.
Nakakapag aral man, maging sina Ethan at ang nanay nito ay may hirap rin sa buhay. Lalo na' t silang dalawa lang ang kumakayod sa pang araw-araw nilang pag kain.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ni Ethan na nakakuyom.
"Anong gagawin ko?" tanong sa kanya nito na tila masasagot niya ang sariling problema.
Hinagod niya ang likod nito. "Tutulong ako..."
"P-paano?"
Napangiti siya sa naisip na paraan.
HANELLE
Since Dorry told me that, that guy is a swimmer, I felt like I have no where to hide cause we will be co-swimmer. But I'm not saying that I'll not paying him for his expensive ice tea that I spilled. It's just that, I don't have enough money to pay him right away. My savings is just for my everyday life.
Naglalakad ako patungo sa Olympic size swimming pool dito sa AU. Ala-una ng hapon kaya oras na para mag ensayo sa kanya-kanyang sports.
Nang makarating, pinagmasdan ko ang napakalaking pagtetrainingan namin sa buong isang taon at sa susunod pa. Ito ang ikalawang beses kong makakita ng Olympic size swimming pool. Una ay yung lumaban kami sa Cavite. Long course swim invitation.
Napalingon ako sa mga nagdaratingan pa lamang na mga kaswimmers ko. Marami sila. At isa na don si Hunter x Hunter.
"So, you're the new one, huh?" tanong nung babaeng may dala-dalang duffel bag.
"A-ahm, oo,"
Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko simula ulo hanggang paa.
"Hmm, you're cheap." aniya sabay alis.
Ganito ba talaga ang mga estudyante rito?  Porket mayaman, iinsultuhin na ang mga mahihirap?
MAKABIHIS ng swimsuit, agad akong lumabas nang marinig na pumito ang coach sa namin swimming. Hindi na si coach Vic ang coach ko ngayon. Iba na. Babar siya at si coach Acky na.
"Villena, warm up first. Do 5×200 smooth freestyle on 2:45."
"Yes, coach." tumango ako at sinuot ang aking goggles saka nag dive.
Hindi ganuon kalamig ang tubig. Katamtaman lang. Pero mas prefer ko pa rin ang tubig sa dagat na kinasanayan ko na.
Ang totoo niyan, kinakabahan ako ngayon dahil wala pa akong training simula nuong mawala sya.
"Villena! You didn't get the time I told you to do!"
Iyon agad ang narinig ko nang makatigil ako sa paglangoy nang matapos ang isang set ng 200 meters.
Nag bubbles ako sa tubig bago magsalita. "S-sorry po. Ngayon lang po ako uli nag training."
Tumalas ang kanyang mga mata. "So? Is that your excuse?! Ako ba ang sinisisi mo ngayon na wala kang training, ha?!"
"H-hindi po, coach!"
"Oh don't make excuses, Villena!" nag set ito ng bagong time sa hawak na timer. "Again. If you didn't reach your time, chupe ka na!"
Napangiwi ako. Ang taray naman masyado ha.
"Again! Set, go!"
Lumagoy ulit ako kasabay ang mga kasamahan ko sa swimming. Nakakapagod lumagoy pero sanay na sanay na ako. Ilang taon na rin naman simula mag umpisa akong lumangoy.
"AYAN ba ang sinasabi ng coach Vic mo nuon na isa kang elite swimmer?! Weak swimmer kamo!"
Nakapamewang na sabi ni coach Acky nang hindi ko na naman ma-beat ang time ko na binigay niya.
Rinig ko nagsisibungisngis ang mga kasamahan kaya napatungo na lamang ako.
"Asan na ngayon 'yon, ha?! Kung panay matataas ang time na binibigay mo saken?!--"
"That's enough!"
Napatigil so coach Acky sa pag sasalita nang may pumigil sa kanya. Isang lalaking hindi ganun katanda -- siguro nasa middle age? --  na may nakasabit ring pito at timer sa kanyang leeg.
Nakita kong napatungo si coach Acky sa uri ng titig nung lalaki. Matalas ang tingin nito at mukhang galit. Pero bakit?
Nag iwas ako ng tingin nang dumako ang tingin niya sa akin.
"Hanelle Villena, right?"
"O-opo."
Ngumiti ito na hindi ko inaasahan. "Nice to meet you, iha. I'm your head coach. Coach Henry Santos."
Ngumiti ako pabalik at tumango.
"I'll be giving to you later our jersey, okay? Don't forget that."
"Yes, coach."
HINIHINGAL akong tumigil sa tabi my pool sa paglalangoy ng last workout na binigay ni coach Henry. Kanina pa ako pagod pero wala iyon sa bokabularyo ni coach Acky. Ayus lang naman sa akin dahil sanay na ako.
To make it clear, coach Henry is our Head coach and coach Acky is the trainor. It's a bit same tho. Ang head coach ang nagsasabi ng kung anong workout at kung anong gagawin sa amin at ang trainor naman ay siya ang tumitingin sa mga oras namin kung nag improve ba ito.
"Nice time, Villena. One minute and two seconds in 100m backstroke! And no one's ever done that on our team! Ikaw pa lang na babae."
Nilapitan ako ni coach Henry nang matapos ang training para sabihin iyon. Pinupuri ata ako?
"Ahm, wala po yun coach. Chamba lang po."
Wala sa sariling napalingon ako nang may maramdaman akong nakatitig sa akin.
Si mangangaso lang pala.
Masama ang tingin sa akin. Teka, iniisip pa rin ba niya yung utang ko? Hanggang dito ba naman?
Narinig kong tumawa si coach Henry kaya ibinalik ko rito ang tingin ko.
"Iha, don't doubt yourself. Hindi 'yon basta-basta chamba. Ginusto mo' yon kaya nagawa mo." tinap niya ang balikat ko saka naglakad papalayo.
Hindi na ako nakapagsalita dahil nawala na siya sa harapan ko kaya kinuha ko na ang gamit ko laman ang aking pambihis at nagtungo sa banyo para magbanlaw.
"SO, malakas ka pala sa backstroke, huh?"
Bumungad sa akin ang kinausap sa akin kanina.
Hindi ako nagsalita at hindi siya pinansin saka siya nilagpasan.
"Hoy! Kinakausap pa kita." napa-igik ako nang hilahin niya ang buhok ko. "Hindi porket malakas ka at tinalo mo kami, magyayabang ka na!"
"Hindi naman ako nagyayabang ah!"
"Sumisigaw ka pa talaga ha?!"
Itinulak niya ako ng malakas kaya napatama ang katawan ko sa mga locker. Napaupo ako sa lakas ng impact ng pagkakatama ko.
Akala ko, hihingi siya ng tawad sa ginawa niya pero nagkakamali ako.
"Yan ang napapala mo sa kayabangan mo!"
Nanghihinang sinundan ko ng tingin kung saan siya pumunta. May kinuha siyang gunting sa bag niya saka lumapit sa bag ko.
Inilabas niya ang jersey namin na ibinigay no coach Henry kanina.
"A-anong ginagawa mo?"
Itinaas niya ang tshirt at ngumisi. "Ito? Hindi ito nababagay sa mga mayabang na katulad mo!" pagkakasabi non, gigil niyang ginupit-gupit ang jersey ng aming team at binitawan na niya ito ng magmukha ng basahan.
Malademonyo siyang ngumiti saka kinuha ang duffel bag niya at umalis.
Hindi ako lumaban sa kanya dahil hindi naman iyon ang ipinunta ko rito. Nandito ako para sa pamilya ko at sa kinabukasan ko. Kung siya ang nagsimula ng away, hindi ko na tatapusin iyon.
Tumulo na lamang ang luha sa mga mata ko. Sinabi sa akin ni Ethan na huwag pumatol kung hindi naman kinakailangan. Lalong lalo na sa mga isip bata katulad nung babae.
Pinilit kong tumayo at napagdesisyunang kalimutan ang nangyari. Sasabihin ko na lang siguro kay coach Henry na nawawala ang jersey ko at itatago ang totoong nangyari para makaiwas sa gulo. Baka pag nalaman nung babae, sigurin ako at sirain ang kung ano pang gamit ko.
"OH! Anong nangyari sayo?!"
Nakasalubong ko si Dorry habang naglalakad papalabas ng University. She's probably been into their training. Dali-dali akong naglalakad dahil may pupuntahan pa ako kaya kailangan kong magmadali.
"W-wala. Nadulas lang ako sa cr." tinakluban ko ng buhok ko ang pasa ko sa pisngi.
Parang lalaki siyang humalikipkip at tinitigan ako.
"Sure ka?"
Sabi ni Ethan masama ang magsinungaling and I'm not good at lying.
"Oo nga,"
Sana paniwalaan niya...
"Okay," nagtuloy siya sa paglalakad kasabay ko. "Dampian mo yan ng yelo para mawala agad."
"Mmm, copy."
NANG makalabas ng University, akmang magpapaalam na ako sa kanya nang unahan na niya ako.
"Uuwi ka na?"
Umiling ako. "Hindi, may pupuntahan pa ako."
"What? Hindi ka paba pagod sa training nyo?"
"Pagod pero kakayanin."
Matagal niya akong tinitigan bago magsalita.
"Sabagay, pero ang sipag mo rin noh?"
"Ah hindi naman. Kailangan ko lang magsipag para sa lola ko."
Ngumiti siya at yinakap ako ang hindi ko inaasahan saka siya nagpaalam na uuwi na sa tinutuluyan niyang apartment malapit rin daw sa AU.
"ANO po sa inyo?" I asked the customer.
"Two cheesy fries, one smog burger and three pearl milk tea. That's all."
Tumango ako at kinwenta ang inorder niya.
I decide to take a part-time job to earn more money not just for me but for Inay too. Kahit pa libre ang tinutuluyan, pagkain, pag aaral ko, kailangan ko pa ring mag trabaho para kahit papaano, may pambigay ako may lola para sa sakit niya.
"Thank you," sabi ko sa customer.
Napalingon ako sa pinto ng dadbod nang bumukas ito at may pumasok na customer. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang mga estudyante iyon at...
... mga taga AU sila! Hindi lang 'yon! Kasama pa ron si mangangaso!
"Ako na oorder." presinta nito.
Agad along tumalikod at pumikit. Isip isip ng paraan!
Hinanap ko ang katrabaho kong si Brylee.
"Rylee!"
Lumingon ito. Mag seserve sana siya ng pagkain sa mga customers nang agawin ko sa kanya ang trey ng pagkain.
"Wha-"
"Palit muna tayo, okay?" sabi ko tapos dali-daling umalis.
Wala na siyang nagawa kundi tanungin ang order nila Hunter sa counter. Mabuti na lang at hindi na siya umangal kundi yari ako. Hindi naman sa nagtatago pero kailangan ko siyang iwasan dahil baka na naman ako singilin. Wala pa naman akong pambayad. Saka na pag nakasweldo.
"Miss?"
Napatigil ako sa pagalalakad nang may tumawag kaya lumingon ako dito. Sa table nina Hunter.
Napalunok ako. "A-ano 'yon?"
"I think you're familiar..." sabi nung isa na nakataas pa ang isang kilay.
"Yeah, I saw you somewhere but I don't know exactly where."
"Wait. You're the new girl from our school, right?"
"Yung nasa Cafeteria nga ba?"
Dahan-dahan akong umiiling at hindi nag salita saka umatras ng umatras hanggang sa mabungo ako sa kung sino man ang nasa likod ko.
"Yep. She's the new girl." bumaba ang tingin niya sa akin. "What's up, Utangera?"
|©amph1trite|

หนังสือแสดงความคิดเห็น (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด