logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 7

Kasalukuyan akong nagmamaneho ngayon papuntang presinto. Tumawag si Tito Stanley kanina habang kumakain ako sa cafeteria kaya dali-dali akong nagpunta sa parking lot ng school at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko. 
Tito Stanley said na may hawak silang mga suspek sa nangyare sa akin sa apartment ko kaya mas lalo akong kinabahan. Wala akong kahit kaonting lead sa nangyare dahil nagising ako na tapos na ang lahat. Paano ko maituturo sa mga pulis ang totoong kriminal kung wala akong kahit kaonting alam?
Sabi ni Tito kailangan kong ituro kung sino sa kanila ang walang hiyang may balak na gahasain ako ng gabing iyon, but how? Si Tristan lang ang kaisa-isang nakasaksi sa nangyare pero kasama niya si Shane ngayon, ayaw ko namang sirain ang moment nila para lang sa sarili ko. 
Makalipas ang tatlumpung minuto narating ko na ang presinto. Mabilis kong ipinarada ang sasakyan ko at agad na pumasok at dumiretso sa opisina ni Tito Stanley. Habang naglalakad ramdam ko ang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, kasabay ng bawat kabog ay ang panginginig at panlalamig ng mga kamay ko. 
Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang binuksan ang pinto ng opisina ni Tito. Pagkabukas ko I saw him sitting in a cushy chair habang may hawak na folder, siguro may nire-review siyang kaso. Agad niya namang itinabi ito nang makita ako. 
"Have a seat. Teka, bakit ikaw lang? Nasaan si Tristan?" sunod-sunod na tanong niya. 
Gustong-gusto kong iparamdam kay Tito na kailangang-kailangan ko ang anak niya ngayon pero mas pinili kong magkunwaring malakas, because I know my limitations. Kaibigan lang ako, at hindi obligasyon ni Tristan na ipagtanggol o iligtas ako sa lahat ng oras. 
"Kase, Tito busy si Tristan, isa pa problema ko ito kaya ako dapat ang mag-ayos hindi ang ibang tao," I said in a serious voice.
Tumango lang ito saka tumayo mula sa kinauupuan at tumingin sa akin. 
"Are you ready?" Tito asked. 
Handa nga ba ako? Ang totoo ang dami kong what if's pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nahuhuli ang kriminal na 'yun. Gagawin ko ang lahat! Kikilatisin ko silang lahat!
I nodded saka tumayo na rin. 
"Kung ganun tara na!" 
Nauna itong maglakad palabas ng opisina. Sumunod naman ako. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa isang security protected na kwarto. Agad binuksan ni Tito ang pinto matapos mailagay ang anim na numero na security password nito. Pagkapasok namin sa loob sumalubong sa akin ang isang maliit na kwarto na gawa sa glass. May apat na lalaki ang nakatayo sa loob at lahat sila ay may suot na dilaw na t-shirt. Hindi nila kami nakikita at naririnig pero kitang-kita namin sila mula sa labas ng kwartong gawa sa glass at naririnig din namin ang bawat sinasabi nila. 
"Kilala mo sila?" Tanong ni Tito na naka cross arms habang pinagmamasdan ang apat na lalaki sa loob. 
Ang unang nakatayo na lalaki ay nasa 5'4 ang height, medyo payat at sigurado akong ni minsan hindi ko siya nakita, sa ibang lugar lalo ng hindi sa apartment ko. 
"The first one, hindi ko siya nakita o kahit nakasalubong man lang. Malabong siya ang nagbalak na gahasain ako," wika ko.
Tumango-tango lang si Tito.
"Kasama siya sa naging suspect namin dahil noong oras na rumespondi kami sa apartment mo ay nakasalubong namin siya habang nagmamadaling lumabas ng apartment mo, parang may tinatakasan," paliwanag ni Tito. 
"Hoy! Palabasin niyo ako rito!" the first man shouted. 
Pumunta ito sa gilid at galit na pinaghahampas ang pinto habang ang tatlong lalaki naman ay nananatili paring nakatayo at walang ginagawa. 
Ang ikalawang lalaki ay nasa 5'5 ang height at nagulat ako nang maaninag ko ang mukha nito. 
"Kuya Ryan? Teka Tito bakit nandiyan si Kuya Ryan kilala ko 'yan e! Ang bait niyan, hindi siya dapat nandiyan!" badya ko kay Tito. 
"Hija, lahat ng posibleng maging suspek ay nandiyan, kaya kita ipinatawag dito nang sa ganun maituro mo. Kaya kung wala talaga siyang kasalanan wala kang dapat ipangamba," sagot nito.
Makalipas ang tatlumpung minuto nananatili parin kaming nakatayo at pinagmamasdan ang apat na lalaki sa harap namin. Wala akong maituro dahil wala akong alam hindi naman pwedeng basta-basta na lang ako mangbibintang. 
I give up!
"Tito wala akong maituturo dahil wala akong kahit anong alam sa nangyare sa akin. Mabuti sana kung nandito si Tristan," nakayuko kong sabi. 
Bigla namang napatingin si Tito sa akin nang mabanggit ko ang pangalan ng kanyang anak.  
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?" Sabay kaming napatingin sa pinto na kabubukas lang at iniluwa nito ang isang lalaki. Hindi isang simpleng lalaki lang kundi ang tagapagligtas ko. Bigla akong nabuhayan ng loob. 
"Tristan!" masigla kong sabi. Wait? Bakit nga pala siya nandito, e, hindi ko naman siya sinabihan na pupunta ako rito, isa pa magkasama sila ni Shane kanina at sinabi nito na may pupuntahan sila. How come na nandito siya?
Nakangiti itong lumapit sa amin.
"Bakit ka nga pala nandito? Nasaan si Shane?" sunod-sunod kong tanong. 
"Nandito ako kasi alam kong kailangan mo ako." He winked then chuckled. Nakita kong natawa si Tito kaya natawa na lang din ako. 
"Alam ko kung sino ang nagtangkang gumahasa sa'yo," natigilan ako sa sinabi ni Tristan.
"Kung ganun sumama kayo sa akin," Tito said.
Naglakad si Tito papunta sa pinto kung saan nasa loob ang apat na lalaki at agad itong binuksan. Pumasok kami pati na rin ang tatlong guards mahirap na, may isang masamang loob sa kwartong ito kaya dapat kaming mag ingat. 
"Trisha! Naku salamat naman at nandito ka, alam mo wala talaga akong alam sa nangyare sa'yo, alam mo naman magkaibigan tayo at hindi ko magagawa 'yun ewan ko nga kung bakit nila ako isinama rito," salubong sa akin ni Kuya Ryan. Bigla akong naawa sa kanya. Totoong magkaibigan kami at naniniwala ako sa kanyang wala siyang alam sa nangyare. 
"Huwag kang mag-alala kuya naniniwala ako sa'yo." 
Parang nabunutan ito ng tinik sa dibdib nang marinig ang sinabi ko. Sa sobrang saya ay humakbang ito papalapit sa akin para yakapin at pasalamatan ako.
"Salamat naman, napakaba..."
"OMG! Tristan!" Napasigaw ako sa sobrang gulat nang salubungin ni Tristan si Kuya Ryan ng suntok at natamaan ito sa pisngi. Dahil sa sobrang lakas kaya natumba ang kaawa-awang lalaki. Linapitan siya ni Tristan at pinagsusuntok ng maraming beses hanggang sa dumugo ang mukha nito. 
"Tristan stop!" Sigaw ni Tito saka lang huminto si Tristan sa pagsuntok.
Tumayo ito at nakita kong namumula ang mukha niya sa sobrang galit. 
"Kulang pa 'yan sa ginawa mong hayop ka! Nagawa mo pang paniwalain si Trisha na enosente ka?!" galit na galit nitong wika. 
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin, naguguluhan ako.
Linapitan ko si Tristan saka bahagyang niyakap ito para pigilan, pilit naman siyang kumakawala para lapitan ang natumbang lalaki. "Bitawan mo ako papatayin ko ang lalaking 'yan!" Mariing sabi nito. 
Linapitan ng tatlong guard si kuya Ryan at inalalayan ito para tumayo.  Habang ang tatlong taong kasama nito ay nakatayo parin sa kinatatayuan nila kanina at nakatingin lang sa amin. 
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, ang alam ko lang naiiyak ako. 
"Trish ang lalaking 'yan! Ang lalaking pinagkatiwalaan mo at itunuring mong kuya ang gustong gumahasa sa'yo ng gabing 'yun, " wika ni Tristan.
Nabigla ako sa sinabi ni Tristan. Dahan-dahan ko siyang binitawan at nakakunot noong tiningnan.
"Trisha, pinaniwala ka lang niyang mabait siya."
Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwala, ayaw kong maniwala! Wala na ba talagang taong pwedeng pagkatiwalaan ngayon? Lahat na lang ba talaga nagbabait-baitan lang? 
"Hindi! Sabihin mong hindi totoo ang narinig ko! Sabihin mo!" Sigaw ko kay Tristan habang humahagulgol ng iyak. 
Ganito ba talaga? Parang mas nasaktan pa ako nang malaman kong niloko ako ng pinagkatiwalaan ko kaysa sa nangyare sa akin sa apartment ko. 
Umiyak ako nang umiyak sa dibdib ni Tristan, hindi ko magawang titigan sa mata si kuya Ryan dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag ginawa ko iyon. Hanggang sa napansin ko na lang na pinalabas na ng guard's ang tatlong lalaki kanina habang si kuya Ryan naman ay pinaupo sa harap ng isang maliit na mesa. 
"Paano mo nagawa sa akin 'yun? Hayop ka! Itinuring kitang Kuya!" sigaw ko. 
"Hindi pa ba malinaw sa'yo? Gusto kita Trisha! Unang kita ko pa lamang sa'yo nagustuhan kaagad kita. Pero anong ginawa mo? Hindi mo man lang ako napansin bilang isang binata!" Parang maiiyak ito habang nagsasalita. Nagmumugto ang luha sa kanyang dalawang mata. 
He likes me? Pero bakit ganun? Wala naman siyang pinakitang motibo. Ang alam ko lang ay magkaibigan kami kaya siya mabait sa akin pero ni minsan wala siyang sinabing mahal niya ako o higit pa sa magkaibigan ang turing niya sa akin.
Yumuko ito saka pinunasan ang luhang kanina pa niya pinipigilang lumabas pagkatapos ay inangat ulit ang ulo at tinitigan ako sabay tawa na parang baliw. 
"Paano kung sasabihin ko sa'yong may nakatingin sa'yo habang natutulog ka? At kapag naliligo ka?" Sabay halakhak niya.
Did he say nakatingin habang natutulog at naliligo ako? Kaya pala kapag naliligo ako hindi ako komportable at feeling ko may nakatingin sa akin?
"Alam mo ba kung anong ginawa ko?" Nakakakilabot na tanong nito sa gitna ng malakas na pagtawa. "Nilagyan ko ng CCTV ang kwarto mo kaya ikaw? 'Yang katawan mo? Makita ko na 'yan. Lahat, mula ulo hanggang paa. Ang sexy mo pala kapag nakahubad, lalo na kapag naliligo..." 
Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko itong nilapitan saka sinampal ng sinampal. Ibinuhos ko ang buong lakas ko sa bawat sampal na ginawa ko hanggang namalayan ko na lang na biglang nanghina ang katawan ko at biglang nagdilim ang paligid. 

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    Dar Win

    thanks

    11d

      0
  • avatar
    BanzonMatthew

    5d6dufufuf

    08/08

      0
  • avatar
    Mo'hd Nadjer Asnie

    hhhgyywywywyw wgevegegehbwywywuwgwgwywywhwg6whwvwgwyey3gegeyeyeyeyyeyeyeyey3y3y3y3y3636y3g3tiwbwgw ok 3b3y3y

    24/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด