logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5

"Ayos ka lang?" Tristan asked. Nandito kami ngayon sa condo niya at kasalukuyang nakaupo sa couch.
"Hindi ko alam. Nagui-guilty ako dahil sa ginawa ko." 
"Cheng! Tama ang ginawa mo, okay? Ang astig mo nga kanina, e!" wika niya saka ngumiti. 
"Talaga?" 
"Oo. Hindi ko nga aakalaing masasabi mo ang lahat ng iyon kasi ako naman ang mahilig sa mga ganun at hindi ikaw. Ganito nalang labas tayo ili-libre kita para naman gumaan-gaan 'yang pakiramdam mo," pagkarinig ko syempre tumayo agad ako. Sino ba naman ako para tumanggi, diba?
Ilang metro mula sa condo ni Tristan ay may isang cafe kaya hindi na kami nagpunta pa sa malayo at napagpasyahan na doon na lang. 
"Anong kakainin mo?" Tristan asked.
"Ikaw bahala, tutal ikaw naman 'yung magbabayad," nakangiti kong sabi. Tumango lang ito saka agad na nagpunta sa counter para um-order.
Hindi nagtagal ay bumalik rin ito agad dala ang mga pagkaing inorder niya. 
"Woah! Ang dami naman nito!" mangha kong sabi. Ang dami niya kasing in-order, akala tuloy ng iba nag ce-celebrate kami ng monthsary o hindi kaya ay anniversary. Nagsimula na kaming kumain nang biglang tumunog ang phone niya. Nag-excuse siya at agad na sinagot ang tawag.
"Hello babe?"
So, si Shane pala ang tumawag. Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy na lang sa pagkain. 
"Ah, kasi wala ako sa bahay ngayon, e, kasama ko si Trisha. Ganito bukas na lang pagkatapos ng pasok natin. Okay lang ba? Sige! Bye babe, I Love You!" rinig kong sambit nito sa kausap. 
"Girlfriend mo?" Tanong ko nang ibaba niya ang phone. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng tanong na pwedeng itanong ay iyon pa ang napili ko na kung tutuusin ay alam ko naman na ang sagot. 
"Yup! Nagyayaya kasing lumabas kaya sinabi kong bukas na lang pagkatapos ng klase natin."
Napabuntong hininga ako. Dagdag na naman ito sa guilting nararamdaman ko. Kung hindi na sana ako sumama pa dito, e, 'di kasama na sana niya ang girlfriend niya ngayon. 
"Sorry"
Napahinto siya sa pagkain at nakakunot noong tumingin sa akin. 
"Sorry? For what?" he asked.
"Kasi kung hindi ako sumama dito, e, 'di sana magkasama kayo ng girlfriend mo ngayon. At isa pa naguiguilty ako kasi feeling ko naaagaw ko 'yung oras na nilalaan mo sana sa girlfriend mo." Wika ko saka nagbuntong hininga.
"Ang drama mo" he said then chuckled. 
Natawa naman ako sa sinabi niya. Oo nga ang drama ko, siguro sobra lang talaga ako kung mag-isip kaya naging komplekado ang lahat. Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagkain. 
Pagkatapos naming kumain napagpasyahan kong umuwi na ng apartment kaya inihatid na agad ako ni Tristan. Hindi ko kasi dinala ang kotse ko noong pumunta kami sa condo niya kaya ngayon kailangan niya akong ihatid. Sinabi niya rin sa akin na huwag na munang kukunin ang mga gamit ko sa condo niya ng sa ganun may masusuot ako kapag pumunta ulit ako doon. Mabuti na lamang at may extrang toothbrush ako sa apartment kaya hindi ko na kailangan pumunta pa sa convenience store para bumili ng bago. 
Nang makarating kami sa apartment ko, pinilit ako ni Tristan na huwag muna siyang umalis kaya wala akong nagawa kundi ang pumayag na lang. Pagkapasok namin sa loob sakto namang nakasalubong namin si kuya Ryan, may bitbit itong panglinis. 
"Hello!" masigla kong bati, ngumiti naman ito. "Kamusta naman po ang kwarto ko, may nangyari ba kagabi?" dugtong ko. 
Seryoso itong nakatingin kay Tristan habang si Tristan naman ay nakangiting nakatingin sa kanya. Ito kasi ang unang beses na nakita niyang magkasama kami ni Tristan.
Ngumiti ako at muling nagsalita. 
"Ah! Eto pala si Tristan, kaibigan ko. Tristan eto naman si kuya Ryan, janitor siya rito." Agad namang inabot ni Tristan ang kamay upang makipag shakehands, hindi naman ito tinanggihan ni kuya Ryan. 
"Teka, ang kwarto mo pala ayos naman, hindi na bumalik ang lalaking nanggugulo sa'yo."
I nodded at nagpasalamat saka nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Tristan. 
Habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko, napansin ko na tahimik si Tristan at parang may malalim itong iniisip. Siguro namimiss niya lang ang girlfriend niya kaya hinayaan ko na lang. 
Nang makarating kami sa kwarto ay agad kaming pumasok, dumiretso si Tristan sa harap ng TV at pinaandar ito saka umupo sa couch habang ako naman ay dumiretso sa room ko at nagbihis. Nagsuot ako ng maikling short at saka loose na white t-shirt, mas komportable kasi akong gumalaw kapag ganito ang mga suot ko pero hindi naman ako nagsusuot ng mga maiiksi kapag lumalabas ako.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako naabutan ko si Tristan na nanonood parin ng TV at seryoso ito kaya dahan-dahan akong lumapit para makita kung ano ang pinapanood niya.
Comedy movie? Pero bakit seryoso siya? Nakakatawa ang pinapanood niya kaya dapat nakangiti siya o hindi kaya ay tumatawa pero simula nang pumasok ako sa room ko hindi ko siya narinig na tumawa.
Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya at parang hindi niya man lang namalayan ang pag-upo ko.
"Ahem!" Napatingin ito sa gawi ko.
"May problema ba? Kanina kapa kasi tahimik," tanong ko sa kanya. 
"Ahh. Cheng puwede bang dito muna ako matutulog ngayong gabi?" 
May mali talaga sa ikinikilos ni Tristan. Hindi ko alam kung anong dahilan ng biglang pagiging tahimik niya, nagsimula lang naman siyang naging tahimik pagkatapos naming makausap si kuya Ryan. Nagkakilala na kaya sila dati? O baka may napansin siyang kakaiba? Pero bakit hindi niya sabihin sa akin nang sa ganun hindi ako naninibago sa mga ikinikilos niya?
"Pero maaga ang pasok natin bukas at nasa condo mo ang mga gamit mo. Isa pa kapag kukunin mo naman 'yun sigurado akong gabi kana makakabalik kaya mas mabuting umuwi ka na lang," wika ko. Sandali itong nag-isip.
Ano bang nangyayari sa kanya? Para siyang kinakabahan na hindi ko alam. Bakit kailangan niya pang matulog dito? Hindi kaya gusto niya lang akong makasama? Pero kung ganun, e, 'di sana hindi niya na ako pinauwi kanina. 
"Bahala na! Bibilisan ko na lang ang pagpapatakbo. Basta hintayin mo ako, babalik ako." Tumayo ito saka nagmadaling lumabas ng kwarto. Ilang segundo ang lumipas narinig ko na lang ang tunog ng sasakyan paalis. At mukhang hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang bibilisan niya ang pagpapatakbo. 
Tiningnan ko ang orasan at nakita kong sampung minuto na lang mag fa-five pm na kaya napag desisyonan kong magluto na lang ng hapunan. 
Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na agad ito sa mesa para kapag dumating si Tristan ay makakakain kami kaagad. Syempre tinakpan ko muna para safe at saka ako naupo sa couch. 
________
"Cheng gising!" I heard Tristan's voice kaya dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. 
"Dumating kana pala? Teka brown out ba? Bakit gumagamit ka ng flashlight at tinatapat mo pa talaga sa mata ko, alam mo namang kakagising ko lang at sorry pala nakatulog ako. Nagluto ako halika kain na tayo." Sunod-sunod kong saysay habang kumukusot-kusot sa mga mata.
Bakit parang ang tagal ko natulog?
"Cheng, it's already eight in the morning." 
"Ano kaba alam ko 'no. Kaya nga kumain na tayo kasi... Teka pakiulit nga ng sinabi mo?" 
"Ang sabi ko alas otso na ng umaga at iyang ilaw na tumatama sa mukha mo hindi 'yan flashlight sinag 'yan ng araw." 
"What?!" Agad kong tiningnan ang paligid at Oh No! Umaga na nga! Kaya pala feeling ko ang haba ng tulog ko.
Tiningnan ko si Tristan at nakita kong nakaupo siya sa isang upuan sa gilid ng kama ko? Kailan pa ako naglagay ng upuan diyan? At bakit siya diyan umupo, binabantayan niya ba ako habang natutulog? Ano ako bata para kailangan bantayan?
"Sana naman ginising mo ako." 
Tumayo ako para sana lumabas ng room ko at pumunta sa kusina nang bigla akong pigilan ni Tristan. 
"Cheng, huwag ka munang lumabas. Kagabi kasi," huminto ito sa pagsasalita. "Kasi, kasi may nangyari kagabi."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (26)

  • avatar
    Dar Win

    thanks

    11d

      0
  • avatar
    BanzonMatthew

    5d6dufufuf

    08/08

      0
  • avatar
    Mo'hd Nadjer Asnie

    hhhgyywywywyw wgevegegehbwywywuwgwgwywywhwg6whwvwgwyey3gegeyeyeyeyyeyeyeyey3y3y3y3y3636y3g3tiwbwgw ok 3b3y3y

    24/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด