logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

3

"Manang, si dad?"
"Magandang umaga po, Ma'am Tiara maaga po umalis sila ni madam."
"Kumain ba sila bago umalis?" Naupo ako upang mag-almusal.
"Sa labas na lang daw sila kakain kaya para lamang sa iyo ang almusal na nakahain."
"Sabayan mo na ako,"
"Po?"
"Sumabay ka na para isang hugasan na lang ng mga plato."
"S-sige po." Kumuha ito ng plato at sinaluhan ako sa almusal.
"Manang, noong hindi pa nawawala ang ala-ala ko mabait ba ako sa iyo?"
"Napakabait mo po, ma'am. Walang pinagbago palagi mo ako pinasasabayan kumain."
"Kung ganoon nakalilimot ang isip pero ang puso hindi. Tulad ngayon wala na naman akong kasabay na daddy sa hapag kaya mas gusto kong sumabay ka na. Wala kasing lasa ang pagkain...I mean, nawawalan ng lasa kung mag-isa lang ako."
"Kinabahan naman po ako, ang akala ko ay hindi masarap luto ko."
"Kapag nakasanayan mo na ang pagluluto araw-araw parang one percent lang hindi sumasarap ang luto."
"Hindi po ah, ang totoo sumasarap luto ko kung maganda ang mood ko."
"...at kapag hindi masarap wala ka sa mood?"
"Parang ganoon na nga po."
"Kumusta po ang pamilya mo?" Natigilan ito sa pagnguya, "May problema po ba manang?"
"Ayos lang ang pamilya ko, maayos na maayos."
"Ang sabi ni dad naka stay ka na rito pero wala siyang binanggit tungkol sa pamilya mo. Ilan po ba ang anak mo?"
"Wala, wala akong anak at asawa." Ako naman ngayon ang natigilan sa pagnguya. "Pero may kapatid akong lalaki."
"Nasaan po siya?"
"Ang daddy mo." Lalo akong nagulat sa siniwalat nito. "Auntie mo ako kung hindi mo naalala."
Tumayo ako at yumuko, "Pasensya na po! Pasensya na auntie. Hindi ko alam at bigla kitang tinawag na manang...ang akala ko kasi..."
"Ipagpatuloy mo na ang pagkain wala akong galit o tampo sa iyo. Kasalanan ko ito kung bakit itinuring akong kasambahay ng dad mo imbes na kapatid."
Marahan akong naupo muli, "Auntie, may problema po ba sa inyo ni dad?"
"Ayoko sana sabihin sa iyo ang totoo ngunit pagdating ng araw na bumalik ala-ala mo baka sisihin mo ako. Ang babaeng kinakasama ng dad mo siya ang may gusto nito at sa palagay ko ay napipilitan lang ang kuya."
"Pero mali pa rin 'yon kadugo ka niya, kapatid pero kung ituring ka parang kasambahay."
"Komportable na ako rito."
"Pero mali 'yon."
"Hayaan mo na at least nasabi ko na rin sa iyo ang totoo."
"Magmula ngayon hindi na kita tatawaging manang."
"Ayos lang, Tiara."
"Auntie Loren, ito po ang dapat na itawag ko sa iyo."
"Salamat, salamat, Tiara."
"Ituloy na natin ang pagkain para po hindi ako mahuli sa klase."
Pareho kami may ngiti sa labi kumakain. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Kung alam ko lang na ganito ang sitwasyon baka hindi ako makonsensya sa mga pinaggagawa ko.
LUMABAS na ako sa gate dahil tiyak nasa labas na si Joed ngunit ibang bisikleta ang nakahinto sa harap at maging ang driver nito.
"Good morning, ready ka na ba?"
"Jim, bakit nandito ka?"
"Bakit?"
"Oo bakit?"
"Susunduin kita."
"Ang kotse mo nasaan?"
"Bisikleta nga eh."
"Sanay ka ba?"
"Hindi lang naman pagmamaneho ang alam kong i-drive. Ano sasakay ka ba?"
"Paano mo nalaman na..."
"Sinabi sa akin ng dad mo na ayaw mong sumakay ng kotse kapag papasok at pauwi kaya heto magbibike tayo."
"Sanay ba talaga ito?" Bulong ko.
"Physical fitness niyo ba ngayong araw?"
"Ha?"
"Naka-jogging pants ka at skechers."
"Ahh, oo nga Physical fitness namin today."
"Inulit mo lang sinabi ko eh. Oh, 'yong sintas mo tanggal."
"Ah, oo nga," inayos ko ang sintas. Napapikit ako sa inis dahil ayoko sa lahat ay nag-aayos ng ganito. "Magpapalit na lang ako ng rubber shoes 'yong walang sintas." Tingin ko rito.
"Bakit?"
"Eh kasi---"
"Tiara." Pareho kami lumingon sa kinatatayuan ni Joed.
"Patay, nagsabay sila." Bulong ko.
"Susunduin mo ba si Tiara? Sorry, pare pero magmula ngayon ako na ang susundo at maghahatid sa kaniya." 
Nakatingin lamang si Joed akay ang bisikleta.
"Pasensya na hindi ko kasi nasabi sa iyo kagabi."
"Siguro naman hindi mo pagpipilitan na ikaw ang gagawa nito eh kaibigan ka lang samantala ako ay boyfriend."
"Boyfriend?" Sa wakas nagsalita si Joed mukhang hindi niya bet kausap si Jim.
"Isa pa 'yan sa hindi ko nasabi sa iyo." Patuloy ko dahil sa akin pa rin nakatingin.
"Oo, boyfriend niya ako." Sabat muli ni Jim.
"Boyfriend mo na ba talaga ang isang ito?" Sa akin pa rin nakatuon ng tanaw.
"Magkita na lang tayo sa room pasensya na pagod ka tuloy magpunta rito." Mabilis itong sumakay ng bisikleta. "Magkita na lang tayo sa room mamaya!" Sigaw ko dahil tuluyan na itong umalis.
"Tara sakay ka na." I nodded.
Sa bilis nang paandar ni Jim ay wala akong nakitang anino ni Joed. Mukha yatang nag-ala bike race na naman ginawa nito. Humanda siya sa akin.
Nang makarating kami sa school muli ko na naman inayos ang sintas.
"Susunduin kita one hour bago ang umuwi niyo."
"Ang aga naman."
"Mainam na 'yon kaysa mahuli ako ng sundo baka maghintay ka nang matagal."
"Ikaw ang bahala basta huwag kang maiinip."
"Kapag na inip ako papasukin kita sa school niyo."
"Bawal ang outsider dito."
"Alam ko pero kung para sa iyo gagawin ko mahatid ka lang sa bahay niyo."
HINDI mawala ang ngiti ko sa labi habang naglalakad patungo sa building namin. Ang sarap pala sa feeling na hinahatid sundo ka ng boyfriend. Hay, sana maging maganda ang araw ko na ito.
"Aba, ang kaibigan ko masaya yata ang umaga." Lapit ni Hazel nang papasok kami sa room.
"Ganoon talaga kapag in-love."
"True ba? Sino? Si Joed?"
"Hindi."
"Sino, kilala ko ba?"
"Nag-friend request ka sa kaniya pero hindi niya inaccept."
"Si Jim?!" Sa lakas ng boses lahat ng classmates namin ay nakatingin, "Gaga, ka ba akala ko ba ex-boyfriend mo na lang siya??"
"Nag-cool off lang daw kami hindi break."
"Hmm...parang hindi naman ganoon ang pagkakasabi mo sa akin noong umiiyak ka dahil sa kaniya. Ang sabi mo nagbreak kayo."
"Baka nasabi ko lang 'yon dahil umiiyak ako."
"Hmm...baka nga, minsan kasi nalilito ang ilan sa cool off at break-up."
"Ganoon na nga."
"Eh ano sabi ng best friend mo si Joed?"
"Iyon na nga kanina lang niya nalaman. Pero tingin ko nakahula na siya kagabi dahil nakita niya ang post ni Jim sa Yesbook."
"Ah, 'yong future wife kuno?"
"Paano mo nalaman?"
"Naka-tag ka eh."
"Ay, oo nga pala."
Narinig kong nagbungisngisan ilan sa mga kaklase namin.
"Speaking of..." nguso ni Hazel kay Joed na naka seryoso ang mukha.
"Hazel." Tawag ni Joed.
"Oo aalis na ako sa upuan mo." Tatayo na ito.
"Diyan ka na lang magpalit tayo ng puwesto."
Napa-oww si Hazel habang nauupo muli sa tabi ko. Sinundan ko nang tingin si Joed patungo sa dating puwesto ni Hazel.
"Mukhang war kayo for today's video."
"Galit nga siya." Nakapalumbaba ako sa inis.
"Hayaan mo na mamaya rin at papansinin ka rin."
"Sana nga."
"Section Tulips, pinapupunta na kayo ng adviser niyo sa oval." Utos ng kung sino mula sa labas.
NANG lahat ay nakapunta na sa oval ay naghahanda na kami para takbuhin ang ng tig dalawang ikot.
"Oh, 'yong mga lampa riyan mag-ingat." Parinig ni Joed ng makalagpas sa amin.
"Pinariringgan ka ng best friend mo." Sambit ni Hazel.
"Hayaan mo siya."
"Papayag ka lampa tawag sa iyo?"
"Baka nga totoo."
"Iyakin ka pero hindi lampa." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi niya o maiinis dahil pareho lang kasi insulto 'yon.
TAKBO-lakad ang maaari namin gawin pero mas pinili namin maglakad muna para hindi sumakit katawan namin.
"Productive na productive ang kaibigan mo, oh." Nguso ni Hazel kay Joed habang abala kami sa paglakad.
"Hayaan mo siya."
"Tingnan mo naman si Ella kahit iba na section nakukuha pa rin panuorin ang kaibigan mo. Siguro sumuko na kay Dom kaya si Joed na lang ang pinagtritripan."
"Hoy, mga lampa tumakbo kayo!" Sigaw muli ni Joed ng makalampas sa puwesto namin.
"Hoy, ka rin!" Sigaw ni Hazel.
"Kalma ka nga."
"Tara tumakbo na nga tayo tingnan mo ibang kaklase natin nakatapos na." 
"Hoy, sandali. Kakainis ito iwan daw ba ako." Uh-oh ang sintas ko natanggal na naman. "Ugh, di ba sabi ko dapat maging maganda araw ko?!" Nilahad ko ang braso at nakatingala na tila kinakausap ang langit.
May lumapit sa akin para ayusin ang sintas ng sapatos ko.
"Hoy, lampa sa susunod na magsusuot ka ng sapatos puwede 'yong walang sintas?" Tumingala ito sa akin, "Nakakainis ka." Tumayo ito para simulan muli tumakbo.
"Naiinis ka dahil hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol sa amin ni Jim, ganoon ba?" Huminto ito, "Magalit ka sa akin kung gusto mo pero huwag mo naman ako sabihan ng lampa." Tumulo luha ko.
"Bakit ka umiiyak?"
"Kung ikaw kaya sabihan ng lampa hindi ka ba masasaktan?!" Bulyaw ko.
"Hindi naman kasi ako lampa kaya hindi ako masasaktan." Irap nito.
"Kung galit ka sabihin lang huwag mo naman ako ipahiya sa iba!"
"Alam mo kung bakit ako naiinis, kasi hanggang ngayon hindi ka pa rin marunong magtali ng sintas mo kaya sa huli nagiging lampa ka."
Pinunasan ko ang luha gamit ang braso saka tumakbo nang mabilis. Naabutan ko pa nga ang mga nagkukumpulang estudyanteng tumatakbo rin hanggang sa matapos ko ang isang ikot. Iyon nga lang sa sobrang inis ko ay wala akong pakialam kung masusubsob ako sa kaonting pagkakamali lamang. 
**"Hala, okay lang kaya siya?"**
**"Dalhin niyo na sa clinic."**
**"Sino ba tumulak sa kaniya?"**
**"Buhatin niyo na kaya baka nabalian ng buto."**
Nakapikit lamang ako ng marinig ko ang mga tao ngunit kaagad kong minulat ang mata at nakita kong alalang-alala si Joed.
"Lumayo kayo!" Hinawakan ako sa pulsuhan, "Naririnig mo ba ako, Tiara?"
Matapos nito magtanong umiyak ako ng napakalakas.
**"Baka grabe siyang nasaktan."**
**"Baka nabagok ulit ulo niya!"**
Matapos may sumigaw ng ganoon ay kaagad akong binuhat ni Joed papunta sa clinic. Nahimasmasan lamang ako sa pag-iyak ng linisin ni Joed ang sugat na nasa pulsuhan ko, at siko.
"Wala na ba ibang masakit?" Pag-iling lamang ang tugon ko, "Sa tuhod mo baka mayroon."
"Wala." Nagsisimula na naman tumulo luha ko.
"Kasanalan mo rin 'yan huwag mo iyakan dahil malayo sa bituka." Tumayo ito para ayusin ang emergency kit.
"Oo na kasalanan ko na ang lahat. Ang pagiging bobo ko sa pag-aayos ng sintas kaya nagiging lampa ako, tapos ka na?"
Humarap ito na salubong ang kilay, "May nakalimutan ka pa dahil mas kakailanganin mo ng pampamanhid para kung sakaling iwan at saktan ka ulit ng boyfriend mo hindi ka iiyak-iyak diyan."
"Wala na yata akong magagawa para mapatawad mo ako."
"Kaya pa kitang patawarin,"
"Talaga?"
"Ikaw naman mang-iwan sa kaniya."
Iiling-iling akong tumayo, "Joed, naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?"
"Simpleng kagustuhan para sa kapatawaran."
"Kaibigan ba talaga kita? Bakit hindi mo magawa maging masaya kung saan ako magiging maligaya??"
"Simple lang 'yon, ano ba mahirap doon?"
"Anong simpleng sinasabi mo? Mahal ko si Jim, mahal ko siya."
"Naguguluhan ka lang dahil sa kalagayan mo."
"Dahil nawalan ako ng ala-ala kaya akala mo hindi ko pinag-iisipan ang mga desisyon ko, ganoon ba?"
"Puwede ba huwag ka na matigas?!"
"Eh gusto ko, eh!"
"Tiara, naman!" Hilamos nito sa mukha, "Sige bahala ka na nga!"
Iniwan na naman niya ako. Bakit ba nagkakaganito ang best friend ko? Bakit ba hindi na lang nito tanggapin ang katotohanang mahal ko si Jim.
➡️ CLASSROOM.
"Tiara, ayos ka na ba?"
"Galos lang po, ma'am."
"Sa susunod huwag kayo magmamadali hindi naman ito paligsahan. Ang gusto ko lang lumakas katawan niyo. Nauunawaan ba ninyo?"
"Yes, ma'am." Tugon namin lahat.
➡️ CANTEEN
"Tindi rin ng kaibigan mo ha?"
"Hayaan mo na siya."
"Ano kaya mo ba sumubo?"
"Galos lang ito, Hazel."
"Sabi mo eh." Ibinigay ang tinidor sa akin ngunit kaagad akong nahinto dahil hindi ko maibuka ng maigi ang bibig ko. "Bakit??"
"Parang masakit ang panga ko." Kaagad itong humawak sa mukha ko at nanlaki ang mata.
"May pasa ka sa pisngi, at panga. Hindi ba 'yan tiningnan ng nurse kanina??" Nagmadali itong lumapit sa tindera para manghingi ng yelo. "Heto, ilagay mo riyan sa mukha mo."
"Ouch!" Reklamo ko ng madampi ang yelo sa pisngi. Inagaw ni Joed ang yelo saka inilagay sa bimpo. Muling inabot sa kamay ko at walang kibong umalis para bumalik sa puwesto.
"Sana may kaibigan din akong gaya ni Joed na kahit galit nakukuha pa rin niya maging concern."
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ni Hazel parang nito ko lang kasi naramdam 'yong sakit kaya heto hindi ako makakain.
"Pinaaabot ni Joed, inumin mo raw." Nilapag ng estudyante ang probiotic drink sa table namin at kaagad umalis.
"See, kahit galit siya nagagawa pa rin maging concern sa iyo, sana all." Huling sabi ni Hazel bago ako makipagtitigan kay Joed. 🌷🌷

หนังสือแสดงความคิดเห็น (205)

  • avatar
    ValorozoRey Alden

    matalino

    20d

      0
  • avatar
    GamonMansawi

    I love this app

    22d

      0
  • avatar
    Marigen Barrita Aguilar

    it is good

    24d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด