logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Estralta Family

"KINAKABAHAN ako." wika ko kay Leo tsaka siya sinulyapan. Papunta kami ngayon sa mansiyon ng pamilya Estralta. Ito ang unang pagkakataon na makikita ko ang magulang ni Leo. Hindi ko mapigilang isipin kung mababait ba sila? Makakasundo ko ba sila?
Hinawakan ni Leo ang kamay ko na nasa hita ko at pinisil iyon. Yung isang kamay niya ay nakahawak sa manibela. Tinapunan niya ako nang tingin at muling ibinalik sa daan.
"Mababait ang mga magulang ko Baby. Huwag kang kabahan tiyak na makakasundo mo sila." wika niya. Bumuntong-hininga ako para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman. Dahil sa sinabi niya kahit papaano nawala ang agam-agam sa aking katawan.
"Naniniwala ako Baby. Hindi ko lang maiwasang kabahan. Matatanggap kaya nila ako? Simpleng babae lang ako Leo. Wala akong maipagmamalaki." wika ko.
Di ko napigilan malungkot sa sinabi ko. Paano kung tumutol sila sa relasyon naming dalawa? Paano kung tutol ang mga ito sa napagpasyahan naming pagkakasal? Biglang inihinto ni Leo ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang maihinto iyon. Bumaling siya sakin at pinakatitigan ako. Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi ko pa rin talaga maiwasang kiligin sa gesture niya.
"Tatanggapin ka nila Baby. Please, huwag ka mag-isip nang negatibo. Dahil kahit hindi ka nila tanggapin, walang magbabago na ikaw ang mapapangasawa ko. Hindi nila dapat panghimasukan kung sino ang gusto ko mapangasawa dahil desisyon ko ito at buhay ko ito. Wala silang magagawa kundi ang tanggapin. Ako ang makikisama hindi sila." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa pisngi ko. Napanatag ako sa mga sinabi niya. Mas lalo kong minamahal si Leo dahil sa katangian niya.
"I'm sorry Leo kung nag-iisip ako nang kung ano-ano. Hindi ko lang mapigilang mag-isip ng ganoon." wika ko at nagbaba ako nang tingin. Nakakahiya. Hindi dapat ako nag-iisip nang kung ano-ano dahil alam kong mahal na mahal ako ni Leo.
"It's okay Baby. Naiintindihan ko. Let's go. Malapit na tayo." wika niya. Binitawan na niya ang kamay ko at umupo ng maayos. Hinawakan niya ang manibela at pinausad na iyon.
HUMINTO kami sa isang napakalaking bahay. Hindi ko maiwasang malula sa bahay slash mansiyon na nasa aking harapan. Napakaganda! Ganito pala kayaman ang Pamilya Estralta. Hindi birong halaga ang nagastos dito. Moderno ang bahay na talagang hindi basta-basta ang Architecture na inupa ng mga ito para sa desenyo ng bahay. Bumukas ang pinto sa passenger'seat.
"Come on Baby. Hinihintay na tayo sa loob." wika ni Leo na nakalahad ang kamay sa aking harapan.
Tinanggap ko iyon at bumaba. Napaka-gentleman talaga nang mapapangasawa ko. Magkahawak-kamay kaming naglakad patungo sa front door ng mansyion. Pinindot ni Leo ang doorbell ng apat na beses. Naghintay muna kami, hanggang sa binuksan iyon ng isang may edad na babae.
"Leo anak!" wika ng babae tsaka niyakap si Leo. Sinipat nito si Leo mula ulo hanggang paa.
"Ang laki ng pinagbago mo iho. Mas lalo kang gwumapo at mas gumanda ang iyong katawan!" bulalas niya.
"Salamat po." wika ni Leo. Mukhang napansin ako nang babae dahil bumaling siya a gawi ko tsaka ngumiti.
Bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. Yumakap na rin ako pabalik sa kaniya. Nang humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maiwasang mahiya sa ginawa niya. Ngumiti siya sakin.
"Napakaganda mo naman iha. Hindi maipagkakaila na talagang nagkagusto sayo ang anak ko." wika niya na ikinapula ng pisngi ko dahil sa papuri niya sakin.
"Maraming Salamat po."
"Naneth iha. Ako ang mayordoma nang bahay na ito. Ako na ang nag-alaga kay Leo simula bata palang." wika niya. Napatango-tango ako sa sinabi niya at ginantihan ang ngiti niya.
"Rhianna po. Fiancee po ni Leo." wika ko. Hindi nagulat ang babae. Ngumiti lang siya sakin. Nakapagtataka naman? Alam ba niya na Fiancee ako ni Leo? Tiningnan ko si Leo at pinukol siya nang nagtatanong na mga mata. Lumingon siya sakin at ngumiti. Magtatanong sana ako subalit naunahan akong magsalita ni Naneth.
"Tara na sa loob Rhianna at Leo. Kanina pa naghihintay ang mag-asawa sa inyo." wika niya at nagpatiuna nang maglakad papasok ng mansiyon.
Sinundan namin siya hanggang sa makapasok kami sa loob. Kung maganda na ang bahay sa labas mas lalong nakakalula ang ganda sa loob. Mula sa sofa, sa marbol na sahig, sa mga antique na nakadisplay, sa chandelier at mga furniture ay mapaghahalataang mamahalin.
"Ang ganda Leo." manghang wika ko sa kaniya.
"Mas maganda ka pa dyan Baby." wika niya sakin. Inirapan ko siya. Tumawa lang siya sa ginawa ko.
"Ewan ko sayo Leo." nasabi ko nalang.
Hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako sa isang pasilyo. Nang makapasok kami ay tumambad sa aking harapan ang isang napakalaking pintuan. May pinindot ang mayordoma na isang kulay pulang bilog na nasa gilid at bumukas iyon. Wow! Hitech!
Mas lalong hiumigpit ang hawak ko sa kamay ni Leo nang makita ang kaniyang magulang na nasa isang mahabang mesa at nakaupo kasama ang isang dalagita na marahil kapatid ni Leo. Pumasok ang mayordoma sa loob. Sumunod kami. Nagbaba ako nang tingin dahil sa matiim na titig sakin ng Ama ni Leonardo.
"Kuyaaa!" sigaw ng dalagita.
Nag-angat ako ng tingin at nakitang papalapit sa kinaroroonan namin ang dalagita. Nang makalapit samin ay niyakap nito si Leo. Binitawan ni Leo ang kamay ko at ginantihan ng yakap ang dalagita. Hindi ko maiwasang mapangiti. Marahil miss na miss na nito si Leo.
"I miss you kuya." wika ng dalagita.
"Namiss din kita Lira." wika ni Leo at humiwalay na sa kapatid. Nabaling ang tingin sakin ni Lira. Nginitian niya ako at niyakap.
"Hello ate Rhianna. Alagaan mo si Kuya ah." wika niya habang nakayakap sakin. Niyakap ko siya pabalik.
"Oo naman aalagaan ko siya Lira." wika ko.
Tumikhim ang ama ni Leo para siguro kunin ang atensyon namin. Agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Lira. Hinawakan ni Lira ang aking kamay at iginiya ako sa mesa. Hindi ko maiwasang mapangiti. Napaka-sweet pala ng kapatid ni Leo. Nang makaupo kami sa harap ng ama at ina ni Leo, umupo naman si Leo sa tabi ko sa kanan at si Lira ay nasa kaliwa ko. Inilahad ng ama ni Leo ang kamay nito.
"Leonardo Estralta Sr., iha." wika niya at ngumiti. Nag-aalangan man pero tinanggap ko pa rin ang pakikipagkamay niya.
"Rhianna Evangelista po." wika ko.
"At soon magiging Mrs. Estralta ka na. Welcome to the family iha." wika niya. Binitawan niya na ang kamay ko. Nagulat ako sa aking narinig. Alam na ng magulang ni Leonardo na magpapakasal kami? Bumaling ako kay Leo.
"Ibig sabihin alam na nila?" tanong ko sa kaniya. Bumaling siya sakin at ngumiti.
"Oo baby. Sorry, noong kinausap ko si Papa patungkol sa pagtanggap ko sa kaniyang alok bilang maging CEO nang kompanya. Sinabi ko na ang tungkol sa atin at ang balak kong pagyaya ng kasal sayo." wika niya.
Kaya pala kampante siya kanina na matatanggap ako ng magulang niya dahil alam na pala nila ang tungkol samin. Wala na akong dapat pang ikabahala. Tanggap ako ng magulang ni Leo. Napakagat-labi ako para pigilin ang pagsupil ng luha sa aking mga mata dahil sa labis na kagalakan. Inilahad ng ina ni Leo ang kamay sakin.
"Susana Estralta iha." wika niya habang nakangiti. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya.
"Nagagalak po akong makilala po kayo." wika ko.
Dumating ang mayordoma na si Naneth kasama ang isang babae na sa tantya ko nasa trenta ang edad. May hawak ang mga ito na pagkain. Sabagay, maglulunch na. Inilapag nila ang mga pagkaing dala sa mesa.
"Tara. Kain na tayo." wika ng ama ni Leo. Sabay-sabay silang kumain. Susubo na sana siya nang magsalita si Lira na nasa tabi ko.
"Pwede bang Ate ang itawag ko sayo?" tanong niya sakin. Nginitian ko siya.
"Oo naman Lira. Magmula ngayon Ate na ang itawag mo sakin." wika ko.
"Thankyou Ate Rhianna!"
"Kelan ang kasal?" tanong ng ama ni Leo. Nakatingin siya kay Leo.
"Sa susunod na linggo po. Aasikasuhin na po namin ni Rhianna ang kasal namin po niyan." sagot ni Leo. Tumango-tango ang Ama ni Leo.
"Okay." wika nito at ipinagpatuloy ang pagkain.
Patapos na kaming kumain ng may iabot si Leonardo Sr. na susi kay Leo. Kinuha iyon ni Leo. Para saan naman ang susi na yun? Nagkibit-balikat nalang ako at tinapos ang pagkain.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (257)

  • avatar
    TejamMargaret

    it is very nice i like the way you tell stories it poke my interest in reading back i am very happy i am love it.

    05/01/2022

      6
  • avatar
    MeregildoJames

    I'm going back to May 2nd and pls help me get me my Manny and Olga's you

    12/07

      0
  • avatar
    Jessie Saba

    nice

    07/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด