logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Propose

Leo'sPOV
Hindi ko maiwasang mapangiti habang binabagtas ko ang daan patungong Head Quarters. Ano kaya iniisip ngayon ni Rhianna? Tiyak na magugulat siya sa sorpresang inihanda ko para sa kaniya. Ni minsan hindi namin napag-usapan ang kasal. Lalo at hindi ko pa siya kasintahan. Kailangan pa bang maging kasintahan ko siya para alukin ng kasal? Napailing-iling ako. Hindi naman na yun importante dahil kahit wala kaming naging relasyon, ipinaramdam naman namin ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Sapat na dahilan iyon para alukan ko siya ng kasal.
Nang marating ko ang Head Quarters. Umibis ako sa kotse at naglakad patungo sa loob. Nadatnan ko sina Harold, Alexandra, at Faith na abala sa pag-aayos. Lumingon sila sa gawi ko.
"Kamusta?" tanong ko.
Abala si Harold sa paglalagay ng WILL YOU MARRY ME sa isang tela na nakasabit sa wall. Si Faith naman ay abala sa paglalagay ng carpet sa sahig. Si Alexandra naman ay inaayos ang bulaklak sa vase.
"Ito ayos lang naman. Basta siguraduhin mo lang na may bayad to Leonardo!" wika ni Harold na abala sa paglagay nang letter L. Tumawa siya.
"Ikaw ang Best Man ng kasal ko kaya di ka na kailangang bayaran." biro ko na ikinaasim ng mukha niya.
"F*ck you Leonardo Estralta Jr!" wika niya at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Asan pala si Brandon?" tanong ko.
"Bumili ng mamemeryenda. Masyado ka daw kasing kuripot kaya siya na ang bumili." wika ni Alexandra na binuntutan nang mahinang tawa.
"Oh hayan na pala siya eh." wika ni Faith na nakatingin sa may pintuan. Lumingon ako at nakita si Brandon na papasok at may hawak na isang di kalakihang supot na may lamang drinks at junk foods.
"Leonardo ikaw pala yan." wika niya at tinapik ako sa balikat. Hindi man naging maganda ang aming naging samahan dahil kay Rhianna pero masasabi ko na isa siyang tunay na kaibigan. Inilapag nito ang dala sa sofa.
"Kain muna tayo. Alam ko na nagugutom na kayo." wika nito. Nagsihinto naman sa ginagawa ang tatlo at tinungo ang sofa na itinabi muna sa gilid malapit sa pinto. Nagsiupo ang mga ito doon. Pasalampak siyang naupo sa sahig. Malinis naman iyon kaya di marurumihan ang suot niyang pantalon.
"Salamat ha?" wika ko sa kanila.
"Wala yun. Maging masaya lang kayo ni Rhianna." wika ni Alexandra. Tumango ang iba sa naging tugon ni Alexandra. Iniabot niya sakin ang isang Tocitos. Binuksan ko iyon at sinimulang kainin ang laman.
Iniwan ko sila Alexandra, Brandon, Harold at Faith na abala sa ginagawa. Nagtungo ako sa Candice Jewelry Shop na pagmamay-ari ni Tita Candice Estralta. Ang asawa nito ay bunsong kapatid ng aking Ama.
Pumasok ako sa loob ng Jewelry Shop nang makarating ako. Nadatnan ko si Tita Candice na abala sa pagsasalansan ng mga alahas. Mukhang hindi niya ako napansin.
"Good morning Tita." wika ko. Nag-angat siya nang tingin at biglang nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ako. Iniwan niya ang ginagawa at nilapitan ako at niyakap.
"Leo! Long time, no see. Mas lalo kang gwumapo ah." wika niya. Ngumiti ako sa kaniya.
"Salamat po Tita."
"Ano naman maipaglilingkod ko sa iyo?"
"Hm. Tita hanapan mo naman ako ng magandang engagement ring." wika ko.
"What?! Magpapakasal ka na?" gulat na gulat niyang wika. Tumawa ako sa naging reaksiyon niya.
"Yes Tita."
"Who's the Lucky Girl?" tanong niya.
"No Tita. Ako ang swerte." wika ko.
Rhianna'sPOV
Kanina pa ako di mapakali habang sinisipat ang aking suot sa harapan ng salamin. Nakasuot ako ng kulay itim na crop top na tinernuhan ng skirt na kulay puti na hanggang taas ng tuhod ang haba. Hapit na hapit iyon sa akin na mas lalong nagpalitaw ng kurba ng aking katawan.
Tiningnan ko ang orasan sa dingding. Alas sais y medya na ng gabi. Sinimulan ko nang ayusan ang aking sarili. Naeexcite ako. Ano kaya ang sorpresang inihanda sakin ni Leonardo? Yayayain na ba niya ako ng kasal? Umiling ako. Hindi, parang wala pa siyang balak magpatali.
Nang matapos ako sa ginagawa. Sinipat kong muli ang aking sarili. Hindi ko maiwasang humanga sa taglay kong kagandahan. Tiningnan kong muli ang orasan. 6:50 pm na. Lumabas ako ng kwarto at umupo sa sofa. Isang minuto pa lang ako nakakaupo ay narinig ko ang busina ng sasakyan sa labas ng bahay.
Lumabas ako at napanganga ako sa aking nakita. Hindi ko akalain na ganito kayaman si Leonardo. Isang hammer ang nasa aking harapan. Lumabas si Leonardo sa driver's seat. Muli, nasilayan ko ang napakagwapo niyang mukha na hindi nakakasawang pagmasdan. Nakasuot siya ng kulay asul na polo, naka-slacks siya at black shoes. Lumapit siya sakin at inilahad ang kaniyang braso.
"Good evening Baby. Let's go?" wika niya. Tiningnan ko siya. Mas lalo akong nanliit sa sarili ko. Ang lalaking kasama ko ngayon ay isang tagapagmana samantalang ako wala man lang ako kayang ipagmalaki.
"Hey! May problema ba?" tanong niya na kababakasan nang pag-aalala ang boses niya.
"Nahihiya lang ako kasi wala akong maipagmamalaki. Nabuhay ako na simple lang Leonardo. Pakiramdam ko hindi ako ba--." pinutol niya ang iba ko pang sasabihin.
"Huwag kang mag-isip nang ganiyan. Ako ang lalaki at ako ang may karapatang nagbigay ng magandang kinabukasan sa magiging asawa ko at anak ko. Hindi ako naghangad nang babaeng mayaman kung hindi naman maganda ang ugali. Ang hangad ko ay isang maybahay na alam ko na aalagaan ako at magiging mabuting ina sa magiging anak namin. At ikaw yun Rhianna. Hindi mo kailangan maging mayaman para maging karapat-dapat sakin." wika niya. Hindi ko napigilan ang pagtulo nang luha sa aking mga mata. Pinunasan ko iyon gamit ang hawak kong panyo.
"Nasira na tuloy itong make-up ko. Nagpapaiyak ka naman kasi." wika ko. Tumawa lang siya.
"Let's go." wika niya. Ikinawit ko ang aking kamay sa kaniyang braso at sabay namin nilakad ang kinaroroonan ng Hammer niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Nang makasakay ako sa passengers seat. Umikot si Leo patungo sa driver's seat.
"Ang ganda. Hindi ko akalain na makakasakay ako sa ganitong uri ng sasakyan. Dati pangarap ko lang, ngayon nangyari na." bulalas ko ng makapasok si Leo sa driver's seat.
"So, natupad ko ang isa sa pangarap mo. Ano pa ba ang isa sa pangarap mo Rhianna?" tanong niya sakin. Tinitigan niya ako. Sasabihin ko ba ang isa sa mga pangarap ko? Pangarap ko na maging misis niya. Pangarap ko na makasal sa kaniya.
"Gusto mo bang malaman?" tanong ko.
"Oo naman. Sabihin mo at tutuparin ko." wika niya.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Nasasabi niya lang iyon dahil hindi niya alam ang pangarap ko. Pero, kapag nalaman niya sigurado na hindi niya magagawa yun agad. It takes time para matupad iyon.
"Nalulungkot ka na naman. May bumabagabag ba sa iyo?" tanong niya. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.
"Sa tingin ko hindi mo pa kayang tuparin iyon. Masyado pang maaga para sa ganoong bagay. Handa akong maghintay para sa ganoong bagay."
"Ano ba kasi iyon Baby?" tanong niya. Napakagat-labi ako.
"Isa sa pangarap ko ang makasal sayo Leo. Oo, bata pa ako. Pero, ayos lang iyon. Gusto ko na bumuo ng pamilya kasama ka. Gusto ko na makita ang magiging anak ko sayo. Yun yung pangarap ko." Nabigla siya sa sinabi ko. Sinasabi ko na nga ba e.
"Pero ayos lang yun. Handa naman akong maghintay kung kailan ka handa. Hihintayin ko yun Leo. Simula nang makilala kita, inilaan ko na ang sarili ko sayo." wika ko. Bumuntong-hininga siya.
"Wala akong masabi. Hindi ko akalain na yun pala ang pangarap mo." wika niya.
Binuhay na niya ang sasakyan at tinahak na namin ang daan kung saan kami magdadate. Nagulat ako nang mapansing taliwas sa bayan ang daan na tinatahak namin. Bumaling ako kay Leo na kanina pa nakangiti. Napakunot-noo ako. Ano naman ang nginingiti niya.
"Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko.
"Secret." wika niya. Hinayaan ko nalang siya.
Inabala ko ang sarili sa pagtingin sa tanawin sa labas. Ilang minuto pa ang lumipas nang mapansing pamilyar ang daan na tinatahak namin. Sandali, ang daan ay patungo sa Head Quarters. Huminto si Leo sa gilid at humarap sakin. May kinuha siya sa bulsa ng suot niyang slacks. Isang panyo. Anong gagawin niya sa panyo?
"Dahil surprise ito. Pipiringan kita, Baby." wika niya. Pinaikot ko ang aking mga mata.
"Okay." wika ko at tumalikod sa kaniya. Inilagay niya ang panyo sa aking mata. Nang matapos iyon umayos ako ng upo. Pinausad na niya ang sasakyan.
"Siguraduhin mo lang na masosorpresa ako Leo. Dahil kung hindi malilintikan ka sakin!" sigaw ko na ikinatawa lang niya.
"Tiyak na masosorpresa ka Baby." wika niya.
Naramdaman ko na iniliko ni Leo ang sasakyan. Huminto iyon. Hindi kaya dito na ang destinasyon namin? Narinig kong bumukas ang pintuan ng hammer at ang pagbaba ni Leo. Bumukas ang pinto sa aking gilid. Naramdaman ko ang kamay ni Leo sa aking beywang. The next thing I knew, buhat-bubat niya na ako.
"Leo! Ibaba mo ako. Baka may makakita sakin." wika ko. Tumawa lang siya. Ibinaba na niya ako at hinawakan ang aking kamay. Iginiya niya ako sa kung saan man niya ako dadalhin.
"Nandito na sila." wika ng isang tinig na pamilyar sakin. Boses ba yun ni Alexandra? Hinawakan ni Leo ang aking kamay at bahagya iyong pinisil.
"Hindi no ba tatanggalin ang piring ko?" tanong ko.
"Excited ka masyado baby. Sandali lang." wika niya. Hinayaan ko lang siya.
Biglang may nagtanggal sa panyo na nakapiring sa aking mata. Nang matanggal iyon ay tumambad sa aking harapan ang Head Quarters at si Leo na nakaluhod sa aking harapan at may hawak-hawak na singsing. Natutop ko ang aking bibig dahil sa labis na gulat. Nakita ko sa isang tela na may nakalagay na WILL YOU MARRY ME na nasa kaniyang likuran. Lumipat ang aking paningin sa lalaking nasa aking harapan.
"Will you marry me Rhianna?" tanong niya sa akin. Nabigla ako, akala ko isang simpleng date lang. Hindi ko akalain na magpropose si Leo sakin. Hindi ko napigilan ang pagtulo nang aking luha sa labis na kagalakan. Iniabot ko ang aking kamay sa kaniya.
"Yes Leo. I will marry you." wika ko. Isinuot niya ang singsing sa aking palasingsingan. Hindi ko akalain na tinupad niya ang pinaka-pangarap ko. Tumayo siya at hinapit ako sa bewang.
"Thankyou. Diba sabi ko naman sayo. Tutuparin ko ang pangarap mo? Nagulat talaga ako nang sabihin mo sakin iyon. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya nang marinig ko iyon mula sayo. Mahal na mahal kita Rhianna, soon to be Mrs. Estralta." wika niya.
"Mahal na mahal din kita Leonardo Estralta Jr. Noon hanggang ngayon." wika ko.
Ako na ang tumawid sa distansiya naming dalawa. Pinaglapat ko ang aming mga labi at buong-pusong hinalikan ko siya na tinugon naman niya. Nang mga sandaling iyon. Wala na akong mahihiling pa. Nang maghiwalay ang aming mga labi nakita ko sina Harold, Alexandra, Brandon at Faith na nasa isang tabi.
"Congratulations!" sabay-sabay nilang wika. Nakangiti sila na animoy kinikilig sa nasaksihan.
"Salamat." Yun lang ang katagang nabigkas ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (257)

  • avatar
    TejamMargaret

    it is very nice i like the way you tell stories it poke my interest in reading back i am very happy i am love it.

    05/01/2022

      6
  • avatar
    MeregildoJames

    I'm going back to May 2nd and pls help me get me my Manny and Olga's you

    12/07

      0
  • avatar
    Jessie Saba

    nice

    07/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด