logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kalayaan

Nang marating namin ang pangalawang palapag ng bahay. Sinimulan namin buksan ang bawat pinto na madaanan namin. Sa unang dalawang pinto na binuksan namin ay wala kaming nakitang tao. Nandito kami sa pangatlong pinto, pangalawa sa huling pintuan. Si Brandon ang humawak nang doorknob. Nakatutok ang hawak naming baril sa pintuan para handa kami sa anumang mangyayari.
Nang mabuksan ni Brandon ang pinto. Sumambulat sa aming harapan ang tatlong kalalakihan na may hawak na baril at nakatutok sa amin. Samantalang nasa likod nila si Ysmael at prenteng nakaupo at may ngisi sa mga labi. Hindi ko maiwasang magngitngit sa galit.
"Rhianna. Nandito pala ang pinakamamahal kong step-daughter. Hindi ko akalain na pagkatapos kitang pakainin at patirahin sa malaking bahay. Ganito pa ang igaganti mo?!" wika niya habang matalim na nakatingin sakin. Hindi ako natakot sa matalim na pagkakatingin sakin.
"Oo pinakain mo kami. Pero ginawa mo kaming preso! At hindi ko kailanman ipagpapasalamat ang ginawa mo samin dahil nabuhay kami sa impyernong mansiyon mo! Dapat lang sayo ito. Dahil wala kang kasing-sama!" sigaw ko.
"Ibaba niyo ang mga baril ninyo kung ayaw niyong mabaril!" sigaw ng isang lalaki na may matipunong katawan at tadtad ng tattoo ang katawan nito.
"Kayo dapat ang magbaba ng baril! Mas madami kami kaysa sa inyo!" wika ni Harold.
Nakita ko na kakalabitin na ng isa ang gantilyo ng baril na nakatutok sakin. Nanlaki ang mga mata ko. Iuumang ko na sana ang baril dito subalit bigla akong nakarinig ng pagputok ng baril. Ipinikit ko ang aking mga mata para hindi maramdaman ang pagtama niyon sakin. Subalit ilang segundo na akong nakapikit pero wala akong naramdamang pagtama ng baril sa aking katawan. Iminulat ko ang aking mga mata.
Nakita ko na nakabulagta sa aking harapan at may tama ng baril sa gilid ng tiyan ang lalaking may mahabang buhok. Hawak-hawak nito ang tiyan na natamaan at iniinda ang sakit niyon. Kinuha ni Alexandra ang baril nang lalaki na tumilapon sa paanan nito. Napanganga ako. Sino bumaril sa kaniya.
"Kung mabilis kayo, mas mabilis kami!" wika ni Leo na nagngingitngit nang galit. Si Leo ang gumawa niyon. Ang galing! Mabilis ang kaniyang kilos. Lumapit siya sakin. Hinawakan ang aking kamay at inilagay ako sa kaniyang likuran.
"Diyan ka lang. Hindi ko hahayaang mapahamak ka Rhianna." wika niya sakin. Tumalima ako sa sinabi niya at nanatili sa kaniyang likuran.
"Ibaba niyo ang inyong mga baril! Sumuko na kayo kung gusto niyo pa mabuhay!" sigaw ni Brandon. Nagkatinginan ang dalawang lalaki na para bang sumasang-ayon ang mga ito sa sinabi ni Brandon.
"Paputukan niyo sila! Huwag kayong susuko!" wika ni Ysmael. Hindi ko maiwasang magtagis ang bagang dahil sa sinabi nito. Kahit kailan talaga, minamanipula niya ang mga taong nasa paligid niya. Sumilip ako sa likuran ni Leo. Nakita kong ibinaba na ng dalawa ang baril sa sahig. Akmang itataas na nila ang mga kamay tanda para sumuko ng hugutin ni Ysmael ang baril sa tagiliran nito at iniumang iyon sa dalawa. Mabilis ang mga naging pangyayari. Tumayo si Ysmael sa pagkakaupo at binaril ang dalawa sa likuran.
"Mga traydor kayo!" sigaw niya. Nabaril ang dalawa at bumagsak sa sahig.
Pagkabaril niya sa dalawa. May tumamang bala ng baril sa kaliwang dibdib ni Ysmael kung saan naroon ang puso nito. Natutop ko ang aking bibig sa nakita. Bumulagta sa sahig si Ysmael habang nakatirik ang mga mata at umaagos ang dugo mula sa kaniyang dibdib. Katunayan na patay na siya. Lumingon sakin si Leo. Samantalang si Alexandra naman ay pinosasan ang lalaking nabaril kanina. Sanay na sanay na nag mga ito sa mga ganitong misyon dahil hindi man lang nabigla ang mga ito.
"Tapos na ang misyon." wika ni Leo.
"Pero patay na si Ysmael." wika ko.
"Kailangan Rhianna. Kung hindi tayo ang mamamatay." wika niya.
"Papunta na rito ang kukuha sa mga bangkay nilang tatlo." wika ni Brandon pagkatapos ibaba ang cellphone niya mula sa kaniyang taenga. Samantalang si Faith ay nakasandal ang likod sa wall.
"Natapos na rin ang misyon." wika nito tsaka siya tiningnan at nginitian.
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng aking luha. Malaya na kami. Malaya na ako. Makakabalik na kami sa normal na buhay na walang iniisip na mangyaring masama samin. Ilang minuto rin ang hinintay namin nang may marinig kaming mga yabag patungo sa aming kinaroroonan.
"Nandyan na sila." wika ni Leo.
Tumingin ako sa aking kaliwa. May limang lalaking humahangos na papalapit sa aming kinaroroonan na may hawak na malaking bag kung saan kasya ang isang tao. Lumapit si Leo sa kanila.
"Kayo na ang bahala sa kanila. Mauna na kami." wika niya tsaka ako hinawakan sa kamay at iginiya patungo sa hagdan pababa sa pangalawang palapag. Sumunod na rin sa amin sina Alexandra, Faith, Brandon at Harold.
"Hayy! Sa wakas. Tapos na ang misyon natin. May bago kaming misyon ni Alexandra." wika ni Harold.
"Alam kong makakaya niyo yun." wika ni Faith.
"Kayo din may misyon. Kayong dalawa ni Brandon. Nabanggit samin ni Agent Jerald. Huwag niyo nalang sasabihin sa kaniya na sinabi namin. Tiyak na malalagot kami." wika ni Alexandra.
"Talaga? Mukhang naeexcite ako sa misyong iyan." wika ni Brandon.
Nang makalabas kami ng mansiyon ni Ysmael. Tinungo namin ni Leo ang kotse ni Brandon kung saan kami sumakay kanina. Sina Harold at Alexandra ay sa kotse ni Harold sumakay. Pumasok kami ni Leo sa backseat. Samantalang sina Brandon at Faith ay sa unahan. Pinausad na ni Brandon ang sasakyan. Nasa unahan namin ang sasakyan nina Harold at Alexandra.
"Anong balak mo ngayon Leo? Tatanggap ka pa ba ng misyon? Magaling naman si Rhianna at tiyak na gagaling pa siya kapag kumuha muli kayo ng misyon." tanong ni Brandon kay Leo.
"Hindi ko isasama si Rhianna, Brandon. Ayaw ko mapahamak si Rhianna." wika ni Leo. Hindi ko maiwasan pamulahan ng mukha sa sinabi ni Leo. Hanggang ngayon kaligtasan ko pa rin ang inaalala niya. Pero di ko maiwasan manlumo sa nalaman na tatanggap pa rin siya ng misyon. Sumipol si Brandon samantalang ngumiti lamang si Faith dahil nakita ko mula sa rear view mirror.
"MAG-IINGAT kayo. Salamat sa paghatid." wika ni Leo kay Brandon nang huminto kami sa harapan ng apartment. Hindi na namin kasama sina Alexandra at Harold dahil magkaiba kami ng daan.
Tumango lamang si Brandon at ngumiti naman si Faith. Lumabas na kami ng kotse ni Brandon. Hinintay muna namin na makalayo ang sasakyan nila bago kami pumasok sa loob. Pagkapasok namin ay agad akong niyakap ni Leo tsaka ako kinintalan ng halik sa leeg.
"Leo! Ano ba!" wika ko dahil nakikiliti ako sa ginagawa niya. Humarap ako sa kaniya na hindi ko dapat ginawa dahil gadangkal nalang ang layo ng mukha niya sakin.
"Diba sabi ko humanda ka dahil sa ginawa mong pagsusungit sakin kanina?" wika niya sakin at mas lalo pa niyang hinapit ang aking katawan.
"Eh nakakainis ka e." wika ko tsaka siya inirapan.
"Tapos na ang misyon Rhianna." wika niya habang titig na titig sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at lumaban ng titigan. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi dahilan para mapapikit siya.
"Salamat. Salamat sa lahat Leo." wika ko. Muli nagmulat siya ng mata at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi.
"Basta para sayo Baby. Gagawin ko ang lahat." wika niya. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kaniya at mabilis na tumakbo papasok sa kwarto. Sinundan niya ako. Nang mahuli niya ako ay itinumba niya ako sa kama at kinubabawan. Nakangiti siya habang nakatitig saking mga mata. Makikita sa mga mata niya ang sobrang saya.
"Anong balak mo ngayon Leo? Diba sabi mo aalis ka sa pagiging agent dahil gusto mo na mamuhay kasama ako at ang magiging mga anak natin na matiwasay?" tanong ko.
Natatakot akong malaman na nagbago ang isip niya at hindi siya aalis. Na itutuloy pa rin niya ang misyon. Hindi ko maiwasang malungkot sa isiping iyon. Pero hindi ko siya pipiliting iwan niya ang bagay na minahal niya sa mahabang panahon. Kung sakali man na tatanggap parin siya ng misyon. Ayos lang sa akin. Mahal niya ito at tatanggapin niya iyon.
"Tatanggap pa rin ako ng misyon Rhianna." wika niya. Tinitigan niya ako nang matiim sa mga mata na wari'y tinitingnan ang reaksyon niyon. Napakagat-labi ako. Pero pagdaka'y ngumiti rin ako. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at buong-pusong tinitigan ko siya.
"Ayos lang sakin Leonardo Estralta Jr. Naiintindihan ko at nererespeto ko ang desisyon mo. Nakilala kita na isang agent na. So walang dahilan para pigilan kita. Basta mag-iingat ka lang sa mga misyong gagawin mo. Basta ako aalis na ako sa grupo." wika ko. Ang totoo, masakit para sakin ang desisyon niya. Dahil bilang agent kakambal nun ang kapahamakan. Pero, malaki ang tiwala niya sa kaniya. Naagiging ligtas siya sa bawat misyong hahawakan niya.
"Salamat Rhianna. Mahal na mahal kita." wika niya.
"Mahal na mahal din kita."
"Matulog na tayo. Pasado alas dose na ng gabi." wika niya tsaka umalis sa pagkakadagan sakin at nahiga sa aking tabi. Umusog ako para bigyan siya nang space. Humarap ako sa kaniya. Niyakap ako ni Leo at isiniksik ang katawan ko sa katawan niya. Naamoy ko tuloy ang pabango niya.
"Basta, mag-iingat ka sa mga misyon mo huh? May tiwala ako sayo Leo." wika ko at ipinikit ko na ang aking mga mata para makatulog.
Author's Note : May misyon sina Brandon at Faith maging sina Harold at Alexandra. Abangan niyo po gagawa po ako ng story nila. Soon ❤️
Ilang chapters nalang po. Matatapos na ang You Are My Savior. Thankyou so much sa mga readers ko na sumuporta sa story ko.
- AtengKadiwa

หนังสือแสดงความคิดเห็น (257)

  • avatar
    TejamMargaret

    it is very nice i like the way you tell stories it poke my interest in reading back i am very happy i am love it.

    05/01/2022

      6
  • avatar
    MeregildoJames

    I'm going back to May 2nd and pls help me get me my Manny and Olga's you

    12/07

      0
  • avatar
    Jessie Saba

    nice

    07/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด