logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

I Met Him At My Engagement Party

I Met Him At My Engagement Party

clandestine_stories


PROLOGUE

Tao. Tao. Tao. Tao. ANG DAMING TAOOO!!
Urgh! Ba't ba ang daming bisita ni Third! I told him I only want a simple engagement party! Hindi parang isang piyesta sa bayan.
Mayaman kasi sila Saturn! Yeah right. Kailangan ko na talagang mag-adjust kasi magiging asawa niya na ako, so, dapat kumilos at magsalita ako na naaayon sa lebel nila.
"Woi!" Biglang gulat sakin ni Elrie. Matalik kong kaibigan.
"Elrie! Bakit ngayon ka lang? Kanina pako na o-OP dito eh." sabi ko na parang batang nagsusumbong sa nanay niya.
"Don't worry I'm here na. Tara let's go inom tayo daliiii." Sabi niya sabay hila sakin patungo sa maliit na bar sa bahay nila Third.
"2 glasses of tequila please." malanding sabi niya sa bartender. At nakagat labi pa. Tsk. Ang bestfriend ko talaga. Sanay na din ako. HAHAHAHA.
"Ano yang tequila? Masarap ba yan? Di ba ko malalasing? Baka tulad na naman yan noon ah yung ano ba yun? Wishkey? Nalasing ako nun ee." sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Bwahaha. Bessy. It's WHISKEY not WISHKEY. Tsaka dont cha worry. Masarap tu promise." maarteng sabi niya.
Wala kasi akong alam sa inuman ee. My family is very conservative. They treat me as a baby. Bawal ganito ganyan. I'm so innocent tungkol sa totoong buhay. Lagi lang akong bahay at uwi agad. Ako naman masunurin masyado. We are not rich pero sadyang strict lang sila mama at papa.
"Here's your tequila Ma'am." abot ng bartender sabay kindat kay Elrie.
"Thank you." Malanding sabi niya sabay haplos sa kamay ng bartender saka kinuha ang 2 glasses.
"Here drink it. " sabi niya sabay abot sakin ng tequi... tequi...ta? Ano ba yun? Hays ewan. Basta yung inumin.
Pansin niyo ba parang tunog boplaks ako? Yes. Boplaks ako. Mahina ang utak. Clumsy. Huhuhu. Kaya nga binubully ako noon eh. Kaya ko naging kaibigan si Elrie kasi she saved me from the bullies. Kaya ayun. We're bessys.
"Ayoko bessy. Baka malasing ako niyan at makagulo pako dito nako. Magagalit si Third sakin. Ayaw pa naman ng parents niya sakin." Pagtanggi ko sa kanya.
Yes. My fiance's parents don't like me. Saka lang sila pumayag na magpakasal sakin ang anak nila nung pumayag akong pumirma ng prenuptial agreement. Tanging ang magiging anak lang daw namin ang makakakuha ng mana. Hindi naman pera habol ko sa kanya so yun pumayag nako.
"Sige na. Sige ka magtatampo ako. Uuwi nalang ako." Akmang aalis siya ng pinigilan ko siya.
"Oo na oo na. Iinuman na nga eh." Sabi ko sabay inom.
Yucckk! Ang pait! Pwe. Pwe.
Kung makikita ko lang mukha ko ngayon sa salamin panigurado ang pangit ko na. Ang sagwa ng lasa.
"Hahaha. I told you masarap diba? Mas masarap epekto niyan pag magsisecond shot ka." Sabi niya saka bigay uli sakin ng 1 glass.
Sumenyas agad siya sa bartender ng another order. Not 1, not 2 but 5 glasses of tequi...tequi.. basta!
"Ayoko na bessy. Nahihilo nako." Reklamo ko sa kanya habang hawak ang ulo ko habang nakatuko ang siko sa counter.
"Bessy? Elrie?" Tawag ko sa kanya. Pero paglingon ko sa tabi ko wala na siya.
"Nasan na yon?" Mahina kong tanong.
Sinubukan kong tumayo pero napahawak agad uli ako sa counter ng umikot ang paningin ko. Nakakahilo.
Nung medjo hindi na umiikot ang paningin ko, naglakad ako para hanapin si Elrie. Gumegewang akong naglakad dahil umiikot ang paningin ko sa tuwing pinipikit ko ang mata ko.
Inaantok ako. Naiinitan din ako.
"Elrie? " tawag ko sa kanya. Pero di ko siya makita. Hanggang sa...
"OUCH!" sabi ng nabangga ko.
"I'm sorry." lasing na sabi ko.
"Anong sorry? Look what you did to my expensive gown!" galit na sigaw niya.
Naagaw ang atensyon ng mga tao sa paligid. Tinignan ko ang gown niya.
"Tsk. Eh nabasa lang naman yan ng tubig ah." sabi ko ng nakataas ang kilay.
Suminghap siya na tila di makapaniwala sa sinabi ko.
"How dare you. Mas mahal pa tu sa buhay mo!" Sigaw na naman niya. Naririnig ko na ang bulung-bulungan ng mga tao.
"Ang arte eh ang pangit naman." bulong ko pero narinig ata niya.
"What did you say?" malditang sabi niya sabay lapit sakin.
"SABI KO.. ANG. ARTE. MO. EH. PANGIT. KA. NAMAN!" Mabagal at mabigat kong sabi sa kanya.
"HOW DARE YOU B*TCH!" Sigaw niya sabay tulak sakin.
Nung tinulak na niya ako sinubukan kung humawak sa mesa na malapit sakin. Kaso malas ko kasi ang damit lang ng table ang nahawakan ko, kaya nahila ko. And worst, lamesa ng mga pagkain, cake, inumin at iba pa ang nahawakan ko. Kaya ayun bumagsak ako sa sahig at natapunan ng mga pagkain,cake, juice at iba pa.
"Hah! That's what you deserve." nakangising sabi ng babaeng nabangga ko.
"WHAT'S HAPPENING HERE?!" Sigaw ng isang may edad na boses ng babae.
Oh no! Kilala ko kung sino may ari nun.
Dahan dahan akong tumingala sa sumigaw. And then, I saw how angry she is. As she saw me.
"Saturn? Wala ka na talagang ginawang tama! Hindi ka pa nga naikakasal sa anak ko kahihiyan na ang dinala mo sa pamilya namin! STAND UP AND GET OUT" sigaw sakin ng mama ni Third sabay turo niya sa direksyon palabas.
Ang sakit marinig ng mga salitang yon galing sa ina ng taong minamahal mo at nais mong makasama habang buhay.
Naririnig ko ang bulungan ng mga tao.
"Nakakahiya siya."
"Ginayuma niya siguro si Third para pakasalan siya."
"She looks so pathetic."
Nakatingin ang lahat sa akin. I scanned the place. Nasan ka Third? Nasan ka Elrie?
Dahan-dahan akong tumayo. Ngunit natumba uli ako dahil sa madulas na ang sahig sa mga nahulog na pagkain at inumin.
Nang makatayo ako dahan-dahan akong lumabas habang hawak ang mahaba kong apple green gown.
Umiiyak nako habang naglalakad. Patuloy pa rin ang mga tao sa paligid na nagbubulong-bulungan.
Nahihilo pa rin ako epekto ng alak na ininom ko kanina. Nauuhaw ako. Kaya imbis sa pinto palabas ako pumunta. Dumaan muna ako sa kitchen.
Pagbukas ko ng pinto ng kitchen...
"Aray! Bwisit!" daing ng isang malaki at baritonong boses.
"Hala. Sorry po." Hingi ko ng tawad ng tamaan pala ang noo niya sa pinto ng buksan ko.
He looked at me from head to toe.
Napangiwi siya.
"Anong... nangyari sayo?" tanong niya.
"Wala. Gusto ko sana ng...tu...big." nauutal at nanghihina kong sabi.
Sumasakit na ulo ko. Nahihilo ako lalo. Inaantok ako. Naiinitan na din ako sa damit ko at ang lagkit lagkit na ng balat ko.
"Hey... okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng malaki at baritonong boses kanina.
He was holding my waist when I almost fall down. I looked at him kahit na malabo at umiikot ang paningin ko. Malungkot akong ngumiti at umiling.
"Hindi... ako okay." Naiiyak kong sabi. Ramdam ko na ang nakabara sa lalamunan ko. Umiinit na din ang mga mata ko. Naiiyak ako.
I'm out of my mind when I suddenly hugged him tight. Umiyak ako sa dibdib niya. Humikbi ako ng malakas.
Naramdaman ko namang nagdadalawang isip siyang yakapin ako pabalik. So he just patted my shoulder gently.
Nang medjo nahimasmasan nako sa kakaiyak ko. Humiwalay ako sa yakap at nakayukong humarap sa kanya.
"Ila...yo mo... ko.. dito." Mahina at wala sa sariling sabi ko.
"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya
Tumingala ako sa kanya at tinitigan ng diretso sa mga mata.
"Sabi ko. Ilayo moko dito." Buong tapang sabi ko. Kumunot lang noo niya. Na tila nagdadalawang isip.
"Please?" Naiiyak na pagmamakaawa ko sa kanya.
Sabay kaming napalingon sa pinto ng makarinig ng mga taong nag-uusap at papunta rito sa kusina.
Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa palabas na pinto dito sa kusina. Bali paglabas namin, nasa likuran na kami ng bahay.
"May kotse ka ba?" Tanong niya sakin.
Ngumuso ako at umiling. Napabuntong hininga naman siya at napakamot sa batok.
"Eh wala din ako ee." Sabi niya
"Ah. Eh sige. Wag na lang. Pasensya po." sabi ko sabay bow bilang paghingi ng pasensya.
Tumalikod nako at naglakad patungo sa gate. Mabuti nalang wala masyadong tao sa garden. Konti nalang ang nakakakita sakin. Yung iba tumatawa yung iba naman umiirap.
"Maam! Kailangan niyo po ng tulong?" Sabi ng guard sakin.
Yung guard lang talaga nila ang kaibigan ko dito. Malungkot na umiling lang ako sa kanya. Nang makalabas ako ng gate. Wala akong makitang taxi. Kaya nagpagpasyahan ko nalang maglakad.
"MALAASSSS!" Sigaw ko sabay iyak na parang bata.
Bumagsak lang naman yung malakas na ulan. Kaya eto basa ako. Urghh!
Kahit na malakas ang ulan patuloy pa din ako sa paglalakad. Hanggang sa naramdaman kong nanghihina na ang tuhod ko. Nanginginig na din ako sa lamig. Hays. Mahina pa naman resistensya ko sa ulan. Kainis!
Sumasakit na naman yung ulo ko. Nahihilo at umiikot na naman ang paningin ko. Hindi... nako... nakakakita ng maayos. Hanggang sa matutumba na sana ako nang naramdaman kong may humawak sa bewang ko.
Sinubukan kong tignan ang mukha niya. Pero... dumilim na ang paningin ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (23)

  • avatar
    Mae Flores

    good

    29/06

      0
  • avatar
    2002Anggamay

    Masaya

    10/06

      0
  • avatar
    EzeKielle Guerra

    20000

    06/06

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด