logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 16

Kairi's P.O.V
"AKO pala si Tricia...Tricia Razon."
Pakilala sa akin ng babaeng kaharap ko. Nagdadalawang-isip ako kung papansinin ko ba o babaliwalain na lang. Sa nangyari kanina na gulo, iniisip ko tuloy na puro kaguluhan ang dala niya. Based na rin kasi sa panlabas na anyo, mukhang bad vibes ang awra mayron siya. Pero di ba nga, may saying na don't judge the book by it's cover. Malay natin hindi naman pala siya gano'n klaseng tao. Mahirap manghusga ng basta-basta, dahil alam ko ang pakiramdam nang hinuhusgahan. Nangyari sa akin mismo, kaya bakit ko gagawin sa iba? Parang katulad ko na rin sila kapag ginawa ko 'yon.
Nilingon ko siya at nginitian. "I'm Kairi Caringal." Pagbanggit ko sa aking pangalan.
Tinuon ko ulit ang aking tingin sa mga natamo ko na kalmot. Mahapdi leche! Bwisit ka espasol, kapag nakita talaga kita babalatan kita na parang ahas, magpapalit ka ng balat!
"Hello K, Trish na lang itawag mo sa akin. Twenty years old and IT student, nice meeting you," wika niya. Nasa akin ang tingin niya kahit pareho kaming ginagamot.
Ok din noh? Binigyan niya ako agad ng nick name.
"Nice meeting you din, Trish," sambit ko. Binigyan niya ako nang tingin na parang kinulangan.
"Iyon lang sasabihin mo? Kung hindi pangalan mo lang? Ang tipid mo naman." Tumawa siya nang bahagya.
"Pasensiya ka na, may problem issue kasi ako tungkol sa trust." Ramdam kong tumahimik siya saglit dahil sa sinabi ko.
"Alam mo, hindi kita masisisi dahil hindi pa tayo gano'n magkakilala, pero sabi nila masarap daw mag-open ng problema sa isang stranger." Sumeryoso ang mukha niya. Hindi gano'n kalayo ang pagitan namin kaya napansin ko.
"Kung may mabigat ka diyan na dinadala, pwede mo sabihin sa akin," sabi niya ulit.
"Sorry Trish, kung pinag-isipan kita ng masama. Ayoko na kasi magtiwala lalo na kapag hindi ko kilala. Mahirap kasi 'yong kaibiganin mo tapos in the end tatalikuran ka rin naman pala. Ang masaklap pa niyan, huhusgahan pa ang pagkatao mo," mahabang salaysay ko. Napayuko ako dahil naalala ko lang lahat nang naranasan ko sa mga dati kong kaibigan.
"Kung ganyan ang pananaw nila K, hindi sila totoong kaibigan mo. Dahil kung totoo sila sa'yo, kahit ano ka pa o sino ka pa matatanggap ka. Di ba nga, sabi nila ang kaibigan ang sandigan mo sa lungkot at saya. Kung wala sila sa panahon na nangangailangan ka hindi sila totoo sa'yo," malungkot na boses ang pinakawalan niya habang sinasabi ang mga katagang 'yon.
"Bakit mo sa akin sinasabi ang mga 'yan?" tanong ko.
"Dahil sa totoo lang, wala ako naging totoong kaibigan. May mga kaibigan ako pero sinasaksak ka na pala patalikod." Naging malungkot ang timpla ng kaniyang mukha.
"Ba't naman nila gagawin 'yon sa'yo?" tanong ko ulit.
"Hindi ko alam, baka dahil sa inggit. Kasi maganda ako kaysa kanila." Tumawa kami pareho.
"Ikaw naman, kanina ka pa tanong ng tanong sa akin." Pilit na ngiti lang ang binigay ko sa kaniya.
"Ok, ano ba gusto mo malaman?" magkaharap lang kami na nag-uusap the whole time.
Umalis na rin 'yong mga nurse na nanggamot sa mga sugat namin. Binigyan kami ng ice bag para sa mga pasa namin.
"Ikaw, kahit ano. Hindi naman ako masamang tao tulad ng iniisip mo. Hindi rin ako kagaya ng mga naging kaibigan mo." Ngumiti siya sa akin ng konti. Mahirap pag-aralan kung totoong ngiti o nagkukunwari lang.
"Ako si Kairi, twenty years old tapos arts student major ko ang filmmaking. Tulad mo, may mga kaibigan ako nung hindi pa broken family. Nung nalaman nila tuluyan na nila akong tinalikuran at tinaguan. Dahil ayaw nila na makisama sa isang broken family na kagaya ko, masisira raw image nila. Hindi lang naman kaibigan ang nang-iwan pati mga kamag-anak namin. Kaya ngayon kami na lang dalawa ng mama ko." Naluluha na ako, pero hindi ko pinakita sa kaniya. Ayoko sabihin nang nakakakita sa akin na mahina ako.
"Ang saklap naman ng nangyari sa'yo. Kung ako 'yan baka nasa mental hospital na ako. Mabuti pa pala ako, kahit walang totoong kaibigan may pamilya at kamag-anak ako na pwede ko takbuhan. Matanong ko lang, ano ba nangyari? I mean sa mama at papa mo." tanong niya. Tumahimik ako saglit, maliban kay Drei siya ang pangalawang tao na sinabihan ko nang pinagdadaanan ko sa buhay.
"Iniwan kami ng papa ko at pinagpalit sa iba." This time yumuko ako habang ginagamot ang pasa sa mukha.
"Wala palang kwentang ama 'yan papa mo!" malakas na pagkasabi niya,  dahilan para tignan ko siya. Alam ko naman na hindi maganda ang ginawa ni papa, pero ama ko pa rin siya. Kahit galit ako sa kaniya nasasaktan din ako kapag nakakarinig ako ng hindi maganda lalo na sa ibang tao.
"Sorry K, nasobrahan yata ang sinabi ko." Paghingi niya ng sorry.
Kahit gano'n nagpapasalamat ako kay Trish kasi may pinagsabihan ako ng sama ng loob.
"Alam ko naman nadala ka lang, huwag mo na isipin 'yon." Ngumiti ako sa kaniya para malaman niyang hindi ako galit.
"Pwede mo maging papa ang daddy ko, tapos 'yong mga plastic mo na kaibigan kalimutan mo na sila. Magmula ngayon, ako na ang isa mong matalik na kaibigan." Tumango lang ako sa kaniya.
"Salamat Trish," wika ko.
"Walang anuman besh," sambit niya. Tumingin ako sa kaniya na nagtataka.
"Besh?" Nakakunot ang noo kong tanong.
"Ay! Oo sorry ulit, kasi naisip ko lang tutal magkaibigan naman na tayo dapat may tawagan na. Ayoko ng bff, besty, sissy o ano pa man mas bet ko ang besh." Ngumiti siya sa akin. Tinitignan ko siya sa mata, kasi malalaman mo raw kung nagsasabi ng totoo ang isang tao kapag tumingin ka sa mata. Kaso ang hirap hagilapan ang mata niya, iniiwas kasi minsan.
"Ok sige, kung 'yan ang gusto mo." Pilit lang na ngiti ang binigay ko sa kaniya. At nagkibit-balikat na lang.
Alam ko, pero ba't parang ang bilis? Una binigyan niya ako ng nickname tapos ngayon tawagan para sa magkaibigan. Gano'n na ba kami close sa isa't isa o siya lang nag-iisip no'n?
Hindi ko alam kung tama ang ginawa ko. Alam ko ngayon lang kami nagkakilala, hindi ko pa masyado kilala ang pagkatao ni Tricia pero sabi ko nga kanina mahirap maghusga ng basta-basta. Unti-unti ko siyang kilalanin gaya nang pagkakilala na ginawa ko kay Drei. In the first place pareho silang stranger sa akin. Pero si Drei iba siya dahil kilala ko na pagkatao niya, pero itong si Tricia kilalanin ko muna mabuti.
"Yehey! May bago na akong totoong kaibigan," masayang sabi niya. Para siyang bata na binigyan ng candy.
Pero sana nga Tricia, totoong kaibigan ang ipapakita mo sa akin. Dahil ngayon pa lang pinagkakatiwalaan na kita.
"Maiba ako, transferee ka rito? Ba't ka lumipat?" tanong ko. Gusto ko lang kilatisin kung anong klaseng tao siya.
Hindi naman siguro masama 'di ba?
"Actually, palipat-lipat ako ng school. Kasi kung hindi bagsak sa mga subject, drop out naman. Tapos hindi ako mapirmi sa kurso na kinukuha ko panay shift ko ng course. Sana nga lang dito na talaga ako tumagal, nakakapagod na rin kasi." Nakanganga ako sa sinabi niya.
Tama ba mga narinig ko? Jusko! Ano ba 'tong pinasok ko?
"Alam mo Trish, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi mo, pero handa kitang tulungan." Gusto ko siya tulungan, kasi kung patuloy siyang ganyan wala mangyayari sa buhay niya.
"Talaga besh? Thank you ah!" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi niya siguro inaasahan na sasabihin ko 'yon.
"Wala 'yon Trish," tanging sambit ko. Hindi ako sanay na tawagin siyang besh. Hindi pa gano'n kapalagay ang loob ko sa kaniya, pero malay natin.
"At bakit ka ba inaaway ng dalawang higad na 'yon? Ano ba ginawa mo?" Sa totoo lang ang dami ko katanungan sa kaniya.
"Inakusahan kasi ako na nang-agaw ng boyfriend. Malay ko ba na sila pa pala." Paliwanag niya.
"Pero hindi mo talaga alam na sila pa?" Paninigurado kong tanong sa kaniya.
"Oo, kasi sabi niya single siya kaya pinatulan ko." Napatampal ako sa aking noo.
"Ano ba mayron do'n sa lalaki na 'yon at kung awayin mo 'yong dalawa kanina eh wagas. At handa ka pang makipagpatayan?" tanong ko ulit.
"Siyempre g'wapo, mabait, maalaga, sweet halos lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalaki nasa kaniya na." Napapailing na lang ako. Madali para sa kaniya na magmahal agad. Hindi niya muna kinikilalang maigi, pero sino ba naman ako para hushagan siya buhay niya 'yan.
"Pero no offense Trish, bilang isang kaibigan mo na rin. Kilalanin mo muna maigi ang isang tao bago ka pumasok sa isang relasyon, para hindi ka mapahamak." Pangaral ko sa kaniya. Bigla na lang 'to kinilig.
"Ayie! Kinilig naman ako do'n, concern sa akin ang besh ko." Para siyang kiniliti na ewan dahil sa reaction niya.
"Oo, tama ka nga." Napabuntong hininga na lang ako.
Naputol ang pag-uusap namin nang bumukas ang pinto. Pumasok si Drei na bakas sa mukha ang sobrang pag-alala. Agad siya nagtungo sa akin at niyakap bigla.
"Heartbeat, hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sa'yo ng sobra." Niyakap pa niya ako ng sobrang higpit. Masakit pa nga mga kalmot na natamo ko dinagdagan pa niya. Tinapik-tapik ko likuran niya para sabihin kumawala na. Agad naman siyang humiwalay sa pagkayakap.
"Are you ok now? Tell me saan pa ang masakit sayo?" Makikita mo sa kaniyang mata ang sobrang pag-alala.
"Ok na ako, huwag ka masyado mag-alala pa." Ngumiti ako sa kaniya at hinawakan ang mukha niya.
"Ba't ka narito? Hindi pa tapos ang meeting niyo, sige na bumalik ka na do'n ok naman na ako." Umiling lang siya sa akin.
"No, mas importante ka. Sorry kung wala ako nung nangyari 'yon. May nagsabi sa akin na napaaway ka, kaya agad ako nagtungo rito. Next time huwag mo ako pakabahin. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may mangyari sa iyong masama." Hinalikan niya ako sa aking pisngi, noo at saka niyakap ulit. May narinig kaming tumikhim kaya sabay kami napalingon.
"Ahem, excuse me lang noh, may kasama po kayo rito." Tinignan ko expression ng mukha ni Trish. Kung kanina parang pabiro ngayon sumeryoso at hindi kumukurap. Tinignan ko kung saan siya nakatingin, kay Drei. Iyong expression ng mukha niya parang ganyan din 'yong unang pagkakita sa akin ni Drei. Nakaramdam ako bigla ng takot.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Pasensya ka na sa amin. Ito kasi-" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil biglang sumingit si Drei.
"At sino ka naman? Ikaw 'yong sinabi nila sa akin na nagpahamak sa mahal ko! Pwede ba lumayo ka sa kaniya, ngayon lang 'to nangyari dahil sa'yo!" Galit na mukha ang pinukaw niya kay Trish. Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin.
"Sorry Trish, nasobrahan kasi sa kape kaya ganyan siya." Pagbibiro ko at pinandilatan ko ng mata si Drei. Pero sa reaction naman ni Trish parang balewala lang sa kaniya 'yong mga matamo niyang salita.
"By the way, siya si Drei. At siya naman si Tricia." Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa.
"At ako ang boyfriend niya." Singit ni Drei sa sinabi ko. Sa una natahimik si Trish at hindi kalaunan nagsalita na rin.
"Trish na lang pogi, so ikaw 'yong pinag-aagawan nila kanina. No wonder kaya pala." Nakakalokong tumingin siya kay Drei. Humarap ako kay Drei, pero galit ang makikita mo sa kaniya ngayon.
"Ano gusto mo iparating Trish?" tanong ko. Tumingin lang 'to sa akin na seryoso.
"Wala 'yon, huwag mo na masyado isipin. Anyway pogi, ako ang bagong friend ni K. Kaya huwag mo ako awayin diyan." Tumawa siya 'yong tipong malanding tawa. Humarap sa akin si Drei na parang nagtatanong kung totoo sinabi ni Trish. Niyakap ko lang siya para kumalma na.
"Wait me here, may bibilhin lang ako." Pagpapaalam niya at saka ako hinalikan sa pisngi. Hindi ligtas sa paningin ko na sinundan ni Trish ang tingin kay Drei na palabas.
"Siya pala 'yon Drei na tinutukoy." Pabulong na sabi niya pero narinig ko.
Kinabahan ako, bakit parang interesado siya kay Drei?
"May sinasabi ka Trish?" Pagkukunwari kong tanong.
"May sinasabi ba ako, wala naman di ba?" Nagkibit-balikat na lang ako. Nagulat ako dahil tumabi siya sa akin.
"Boyfriend mo ba siya?" tanong niya. Hindi sa akin ang tingin kung hindi sa pinto kung saan lumabas kanina si Drei.
Umiling lang ako. " Hindi pa, pero balak ko na siyang sagutin." Agad siyang napalingon sa akin.
"Hindi pa, bakit?" Bakas sa mukha niya na parang nasiyahan pa sa nalaman.
"Ayoko kasi madaliin ang lahat, pero papunta na rin kami do'n." Tumahimik siya at parang nag-iisip.
"Gano'n ba? Huwag mo ng pahirapan ikaw din baka mapagod siya sa'yo." Nakakunot noo ko siyang tinignan.
"Hindi gano'n ang pagkakilala ko kay Drei. Isang taon na siyang nanliligaw sa akin pero hindi ko nakita sa kaniya na mapagod!" Napalakas na sabi ko dahil hindi ko na nagugustuhan mga sinasabi niya. Hindi ko nga siya magawang husgahan tapos siya huhugashan lang si Drei.
"Grabe ka besh! Isang taon talaga? Kung ako 'yan wala pa isang linggo sinagot ko na." Napailing na lang ako.
Ano ba klaseng babae 'to? Ba't parang madali lang para sa kaniya ang lahat?
Bumukas ang pinto at pumasok si Drei. May dala 'tong tubig at sandwich. Napaayos bigla ng pagkaupo si Trish. Tinignan ko lang siya saglit dahil sa ginawa niya at binalik agad ang tingin kay Drei.
"Here heartbeat," wika niya. Binigay niya sa akin ang sandwich tapos pinagbuksan ng mineral water. Nakatingin lang sa aming dalawa si Trish.
"Ba't sa akin pogi wala?" Binalingan siya ng tingin ni Drei dahil nagsalita ito. Ibibigay ko sana sa kaniya 'yong sandwich ng pigilan ang kamay ko ni Drei.
"May kamay at paa ka, pwede ka naman siguro bumili!" Galit pa rin ang pagkasabi niya. Nagkatitigan silang dalawa. Hanggang si Drei na ang umiwas at nginitian ako. Pinunasan pa niya 'yong labi ko na may tagas ng tubig gamit ang kaniyang hinlalaki. Tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
Naramdaman na lang namin na tumayo si Trish.
"Alis na ako, ayoko maging third wheel. Pogi may girl code kami, ang kay K, kay K. Ang kay Trish, kay Trish lang." Napansin kong umigting ang panga ni Drei.
Ano raw code? Nagtratrabaho ba siya sa hospital para may code pa na nalalaman.
"Kita ulit tayo besh." Humalik siya sa pisngi ko at lumabas na.
Naiwan kaming dalawa ni Drei sa loob ng clinic. Pinapakiramdaman namin kung sino ang unang magsasalita. Nagkatinginan pa kami ng sabay. Pero wala yata siya balak magsalita kaya ako na lang.
"Champ, bakit gano'n ang pinakita mo kay Trish?" diretsahan kong tanong.
"I have this feeling na hindi siya gagawa ng tama. Hindi ko siya gusto para maging kaibigan mo. Please heartbeat, I know decision mo pa rin ang masusunod, pero kilalanin mo muna siyang maigi bago ka makipagkaibigan sa kaniya. Palagi ko sinasabi sa'yo na ayoko may mangyari sa'yo ng masama," mahabang paliwanag niya. Ngayon ko lang siya nakita na sobrang seryoso. Seryoso rin siya no'n pero nagagawa pa niyang bumanat ngayon hindi na.
"I know Champ, and thank you for always reminding me." Hinawakan ko lang siya sa kaniyang mukha at nakatitig sa bughaw niyang mata.
Tumahimik ng ilang sandali ang pagitan namin. Then humawak siya sa magkabilang pisngi ko.
"Heartbeat, pwede ba kita tawagan?" tanong niya. Pinasingkitan ko siya ng mata.
Tawagan? Baka mamaya kapag nasa bahay na ako?
"Champ, mag-kausap na tayo ngayon ba't kailangan mo pa ako tawagan?" malambing na sabi ko.
"Para magkaroon ka na ng rason para sagutin mo ako."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด