logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 3

Para akong napako sa kinatatayuan ko at wala akong ibang nagawa kundi tumitig sa kaharap ko at ganun din siya.
"Shei, meet your twin sister, Sheen Aera." Hindi ko namalayang nakalapit na pala si mommy sa tabi niya.
Ngumiti naman sa akin ang sinabi ni mommy na kambal ko raw bago inilahad ang kamay sa akin. Imbes na ngumiti at tanggapin ang nakalahad niyang kamay, parang may sariling isip ang mga paa ko na tumakbo palabas ng bahay. Humahakbang palayo ang mga paa ko kasabay ng pag-agos ng mga lua sa pisngi ko.
Ngayon ko napagtanto na hindi pa ako handang harapin sila...
May isang park dito sa loob ng subdivision namin at doon ako idinala ng mga paa ko. I tried to hide myself in a big shady tree. Hapon na kaya wala nang gaanong araw. Tamang oras naman sa mga bata para mas maging masaya na magtakbuhan habang walang nakapapasong araw na tumatama sa balat.
Agad kong kinapa ang cellphone sa bulsa ko. Fortunately, I had inserted it into my pocket earlier before I leave my room. Ni-dial ko ang number ni Kai na kaagad naman niyang sinagot matapos ang ilang ring.
"Are you busy?" humihikbing tanong ko na di na nag-abala pang bumati sa kaniya.
"What happened?" He asked in a worried voice before I heard him spoke to someone about the cancellation of his appointment, probably his secretary. "Where are you?"
"N-nandito ako sa park sa v-village." Then he ended the call. I know he's coming.
"Ate pwede paabot po niyon?" kaagad kong pinunasan ang mga luha ko bago tuluyang mag-angat ng tingin sa batang nasa harapan ko ngayon. She has that angelic face with a beautiful smile plastered on it.
Inabot ko ang lobo na di naman kataasan. Salamat sa mga sanga nitong puno at di na lumipad pa yung lobo.
"Here," sambit ko na may tipid na ngiti habang inaabot sa kaniya yung lobo saka ako umupo sa vermuda grass na inuupuan ko kanina. Akala ko ay aalis na siya matapos magpasalamat pero nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko.
"Baka hinahanap ka na ng parents mo?/Bakit ka po umiiyak?" halos sabay naming tanong sa isa't isa. Tumawa naman ang bata dahil doon, para bang nahipnotismo rin ako at nakisabay sa pagtawa niya.
"Ako nga po pala si Juicy."
"Ako naman si ate Shei."
"Bakit ka nga po umiiyak?" muling tanong niya matapos malaman ang pangalan ko. Sasagot na sana ako nang muntik na namang kumawala ang lobo sa kamay niya, kaya tinali ko muna iyon para may hawakan siya.
"Pinaiyak kasi ako ng pamilya ko, may nagsinungaling tapos yung iba naman ngayon lang sa akin nagpakita. Ang bad nila 'di ba?" pabiro at parang batang pagsusumbong ko. Akala ko matatawa siya sa inakto ko pero ngumiti lang siya ng tipid. Tumingin siya sa akin at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"May pamilya naman kayo, pero bakit di kayo masaya? Nakikita niyo po iyon?" Tinuro niya ang kumpol ng mga bata na nasa malapit sa mga rides. "Sila po ang mga pamilya ko, kapatid ko silang lahat pero wala kaming nanay at tatay basta magkakapatid daw kami sabi ni Sister," patuloy niya, napagtanto ko na yun yung mga nasa bahay ampunan na dito lang din sa loob ng subdivision nakatayo.
"Alam niyo po ngayon, iniisip ko na sana nagsinungaling nalang sila Sister na babalik pa yung mga totoong magulang namin... kasi mas gusto kong umasa sa wala kaysa maniwala sa katotohanang wala na sila. Gusto ko rin po paiyakin nila ako kasi bumalik sila kahit iniwan nila ako dati, kaysa umiyak ako dahil alam kong kahit kailan, di na nila ako babalikan."
Hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko. Para bang nawalan ako bigla ng mga salita na isasagot ko. Nanatili lang bukas ang bibig ko ngunit walag salitang lumalabas hanggang sa namalayan ko nalang na tinawag siya at nagpaalam sa akin. Ni salitang 'Good bye' lang ay di ko pa nagawa.
"Hey, who's that angel you're talking with earlier?"
Bumalik lang ulit ako sa reyalidad nang may magsalita mula sa likuran ko. "You're still crying," malungkot na sabi niya habang pinupunasan ang mga takas na luhang di ko naramdaman kanina na tumulo na pala.
"Kai," yun lang ang nasambit ko bago sumubsob sa matipuno niyang dibdib. He always understand me in this kind of situations. Hinahayaan lang muna niyang ilabas ko ang bigat ng pakiramdam ko bago ako hayaang magkwento sa mga nangyari.
Ramdam ko na ang pagkabasa ng polo na suot niya dahil sa mga luha ko pero tila balewala lang sa kaniya ang mga iyon. Lumipas pa ang ilang minuto ay tila unti unti nang napagod ang mga luha ko sa pag-agos kasabay ng kaunting paggaan ng pakiramdam ko.
"Mabigat pa?" Dahan dahan akong umiling sa tanong niya. He never asked me if I'm okay whenever I cried, because he always knew that I'm not okay.
"I-i met my dad and my sister," 'yon lang ang mga katagang sinabi ko pero naging hudyat na naman iyon para bumuhos na naman ang panibagong mga luha mula sa mga mata ko. I bit my lip forcefully to suppressed my tears. "I'm not happy. Or maybe I am? Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak at kung dapat ba akong umiyak. Gusto ko silang makita dahil miss na miss ko na sila pero bakit ganito kasakit?"
"Shhh... I'm with you" pag-aalo niya sa akin.
"What should I feel? What should I do? Naguguluhan na ako, Kai."
Hindi sumagot si Kai imbes ay hinayaan niya lang ako na umiyak, ulit. Ramdam ko ang hapdi ng mga mata ko nang sa wakas ay tumigil muli ako sa pag-iyak, siguradong mamamaga ito ng husto.
"So, who's that girl earlier?" he suddenly asked.
"An angel from orphanage." Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya kanina. Kung paanong ang bagay na iniiyakan ko ay hinihiling niyang mangyari sa kanya. "Pinaabot lang niya sa akin yung lobo kanina."
Hindi rin kami nagtagal sa parke. Matapos naming kumain ng ice cream at cotton candy, na comfort food ko ay sumakay na kami sa dala niyang kotse. Napansin kong bago na naman ang sasakyan niya pero di ko na iyon gaanong pinagtuunan ng pansin. What should I expect? He's the only heir of a successful company.
'Di pa man ako tuluyang nakakapasok ay bahagyang kumirot na ang ulo ko. "Take yourself away from stress." Naalala kong payo sa akin ng doktor dati. Siguro epekto na naman ito ng sakit ko.
"Take me home, to my mom."
Agad naman napalingon sa akin nang may kunot na noo si Kai na kasalukuyang kinakabit ang seatbelt niya. Sinabi ko kasi sa kaniya kanina na sa condo ko nalang niya ako ihatid. But I don't want to take risk, I better stay with my mom from which I know I am safe than to stay with my condo. Baka matigok kaagad ako.
"I need to face them as early as I can," pagdadahilan ko nalang.
"You sure?" Tumango lang ako sa tanong niya dahil mas lalo ko nang nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko at ang pagtindi ng sakit ng ulo ko. Inilagay ko ang kamay ko sa ulo ko na kunwaring gagawin kong unan para hindi niya mahalata na sumasakit na ang ulo ko.
Ang tanawin sa labas na puno ng mga batang nagtatakbuhan at ang pag-andar ng kotseng minamaneho ni Kai ang huli kong nakita at naramdaman bago tuluyan akong lamunin ng dilim.
Puting kisame at pamilyar na tunog ng makina ang bumungad sa akin nang magising ako. Sa halos buwan-buwan kong pananatili sa ganitong sitwasyon, alam kong nasa ospital na naman ako. Tumingin ako sa tagiliran ko at si Mommy ang unang nahagip ng mata ko.
"Oh God, thank you, you're awake. May masakit pa ba sa iyo?"
"Where's Kai?" Tanong ko na binalewala ang tanong niya.
"Don't worry, Kai knows nothing. Saka ka namin dinala rito nang maka-alis na siya."
Nalaman kong apat na araw na pala akong di gumigising mula nang mawalan ako ng malay sa sasakyan ni Kai. Inakala niya na nakatulog lang ako dahil sa stress pero kung alam lang niya, malamang nasa ospital na ako nang hindi muna dumadaan sa bahay.
Dumako ang paningin ko sa pintuan ng kwartong inookupa ko dito sa ospital nang may kumatok dito kasunod ng dahan dahan nitong pagbukas. Nilihis ko ang paningin ko nang bumungad ang ama at kapatid ko, na may dalang basket ng prutas at may ngiti sa mga labi nang bumungad sa akin.
"Anak," tawag ng isang baritonong boses na alam kong galing sa ama ko. Kaagad na may tumakas na luha sa mata ko. Hindi ko na-imagine na ganito pala kasakit pero kasarap na marinig sa isang ama, na matagal nang hindi nakita ang pagtawag ng anak.
"May dala kaming prutas para lumakas ka agad." Matagal man na nanirahan dito sa Pilipinas, 'di pa rin maipagkakaila ang pagkaiba ng tono nito pag nagsasalita ng Tagalog.
Ewan ko ba... Alam kong matagal ko nang gustong makausap ang tatay ko. Hiniling ko na sana maramdaman ko yung yakap niya, na sana buhay pa rin siya at bumalik siya sa amin ni mommy. Pero ngayong nasa harapan ko na siya, malapit, pwedeng makausap at yakapin, parang may pumipigil sa akin na gawin ang mga bagay na pinapangarap ko dating gawin. Ipinikit ko ang mga mata ko at nagkunwaring tulog, kahit alam kong nakita nilang dilat na dilat ako nang pumasok sila.
Narinig ko ang tunog ng upuan sa gawing kanan ng hospital bed na hinihigaan ko. Pakiwari ko ay may umupo roon, hindi ko lang alam kung sino. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang banayad na haplos sa buhok ko at pinipilit kong labanan ang sarili na huwag dumilat.
"Alam kong gising ka, anak. Nandito na si Daddy. Sorry kung natagalan ang balik ko kasama ng kapatid mo. Natakot kasi ako na baka hindi mo ako matanggap at mapatawad. Nahihiya ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa inyo ng Mommy mo at maging sa kapatid mo. Napakalaki kong siraulo para magtaksil sa Mommy mo, iwan kayo at ilayo sa inyo ang kapatid mo. I know that I acted so selfish and I'm really sorry for that... my princess."
Hindi ko na kinaya at napamulat na ang mga mata ko. Awtomatikong pumulupot ang kamay ko sa katawan ni Daddy kasabay ng pagragasa ng mga luha pababa sa mga pisngi ko. Ganito pala pakiramdam na matawag na prinsesa ng ama mo. Naalala ko dati na naiinggit ako sa mga kaklase ko na sinusundo ng mga daddy nila sa school at tinatawag silang princess. Oo, tinatawag rin naman akong ganoon ni Mommy, pero iba pa rin talaga pag ang pigura ng hari ang tumawag sa prinsesa niya.
At sa unang pagkakataon, narinig ko ang mga katagang hinhintay kong marinig mula sa bibig niya. "I love you, my daughter, my princess..."
"I-i love you too, D-dad."

หนังสือแสดงความคิดเห็น (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    6d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    21d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด