logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 2

"I'm sorry," she started.
Nandito kami ngayon sa rooftop kung saan tanaw ang city lights. Our house are built in a literally high village. It was like a hill that was renovated into a subdivision.
I looked at her as she started to cry.
"I-i thought everything will be okay if I did that but it was not. I was haunted everynight by that m-mistake. Ang sama kong ina."
Naguguluhan akong tumingin sa kaniya habang yakap at inaalo ko siya. She never been became a bad mother on me. I mean for me, she's the best. Siguro nga wala akong kinalakihang ama at 'di kumpleto lagi ang kasama ko tuwing family day sa school dati pero naging ayos ako. My mother makes me feel like nothing was missing. He replaced the gap that my father never fulfilled.
"What are you talking about? Mom, you're the best. For me you're more than enough. Hindi ka masama, hindi ka naging masamang ina sa akin. Never," I tried to smile at her to cheer her up.
"Maybe... Siguro nga hindi ako naging masama sa iyo pero, ang laki ng nagawa kong kasalanan sa kapatid mo." I was shocked on her last words. Parang hindi maproseso ng isip ko ang sinabi niya.
I have sibling?
She continued, "I was so in love  with your father and I thought that he also feel the same. You're just one year old that time, I caught your father and his mistress. I pushed him to leave us because I am in serious pain. Hindi ko siya kayang makita at makasama sa isang bahay dahil sa nasaksihan ko noon."
She paused trying to suppressed his tears. While me, I am still processing every heavy information she's throwing on me.
"I let him left us, left the three of us. A month had passed. Akala ko ayos na ang lahat. Hindi ko napaghandaan na babalik siya. He got your sister and left the two of us without me knowing it. Nagising nalang ako kinabukasan na hindi na natin kasama ang kapatid mo."
"Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin ito? Bakit?" I tried to lower my voice as long as I could. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit, pero hindi ba dapat lang na malaman ko? I have the right to know!
"I'm sorry... I'm so sorry, anak. Natakot kasi ako na baka hanapin mo sila. Na baka pag nalaman mo at nakita mo sila, iwanan mo rin ako. Hindi ko kaya iyon."
"Sila? Ibig sabihin, buhay pa pati ang tatay ko? My dad is alive and I never met him for 22 years, no, for 21 years?"
Buong buhay ko, inisip ko na patay na ang tatay ko. My mother said that he had a car accident. Sumabog ang sasakyan at walang na-recover na bangkay. Maybe I was blinded by my mother's story. Hndi ko na inisip na kahit papaano ay may makukuhang bakas ng tao sa sunog na sasakyan na iyon. I believed her words and never ask further.
"I love you, mom." I looked up, trying to suppress the tears that are beginning to come out from my eyes. "Siguro nga hahanapin ko sila dahil syempre, pamilya ko sila! Pero mom, I will never leave you!"
I bursted out. It feels like I don't have control with my emotions anymore.
It was hard yet I yelled at my mother, "Bakit ngayon niyo lang sinabi ito? Bakit niyo pa napiling sabihin ngayon, kung una palang ay ginusto niyo na sa aking itago ang totoo?"
"Because... because it is the only thing that I know. Ito lang ang isa sa mga posibleng paraan para makapagpagamot ka sa ibang bansa na hindi nalalaman ng mga tao at... ni Kai."
~*~
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni mommy. 'Yong mga bagay na halos buong buhay kong pinaniwalaan, pero halos kabuuan ay kasinungalingan lang. Lalo na 'yong sinabi niyang paraan...
"Are you ready, Shei?" tawag sa akin ng photographer.
Kahit medyo gulat pa ako sa mga sinabi kahapon ni mommy, pinili ko pa rin na pumasok sa scheduled photoshoot ng isang brand ng fabric conditioner na ie-endorse ko. Afterall, work is work.
Tumango lang ako saka ngumiti bago ako tuluyang pumunta sa elevated platform kung saan magpipictorial. I'm wearing a red below the knee dress with a touch of europian style. Ginawa ko lang ang mga posing na tinuro nila at gusto nilang i-execute ko habang nakatutok sa akin ang isang malaking fan na nagpapagalaw sa buhok ko.
"Okay break!"
Agad akong dinaluhan ng makeup artist ko matapos marinig ang hudyat na iyon. Muli na naman nilang inayos ang pagkakalagay ng makeup sa mukha ko.
"Water, iha," sabi ni tita Lily habang inaabot sa akin ang isang bottled water. "Mamaya ka na kakain pagkatapos ng shoot?"
"Yes Tita, thank you."
Nagsuot lang ulit ako ng ibang damit na inihanda nila. Matapos ang photoshoot ay napagdesisyunan ko nang umuwi, wala naman na akong ibang scheduled endorsement ngayong araw. Nitong linggo, halos kaunti pa lang ang mga photoshoots na ina-attend-an ko, unlike last week kung kailan naganap ang Avia launch.
"Wala na naman si Kai?" Napalingon ako kay Tita Lily dahil sa biglaang tanong niya. Nakasakay na kami ngayon sa van at pauwi na sa bahay.
"He's busy, Tita," maikli kong sagot na nakapagpataas ng kilay niya.
"Busy? Lagi nalang busy? Hay nako iha, don't get me wrong ha. I know na perfect package na si Kairo, pero napapansin ko lang na parang habang tumatagal ang relasyon niyo, lalo lang siyang nawawalan ng time sa iyo."
"I understand his situation, Tita. He's the heir of Avia, a huge company. Natural lang na maging busy siya. These past few weeks, I heard na tini-train na siya ng masinsinan ni Tito Kevin," pagtatanggol ko kay Kai. Totoo naman kasi, naiintindihan ko naman talaga ang sitwasyon niya. "Besides, the thought that he still loves me the way he is for me before, is more than enough reason to vanish the thought that he can't give me the time that I received from him before. Hanggang may oras pa siya kahit isang segundo lang para sa akin at mahal niya ako, ayos na iyon sa akin."
Napabuntong hininga nalang si Tita dahil sa sagot ko. Mahal ako ni Kai at mahal ko rin siya, hanggang kumakapit ako doon at alam kong nagkakaintindihan kami, hindi makakahadlang ang kawalan ng oras na meron kami dati. Yeah, that's my mindset when relationship maturity hits me.
Nadatnan namin na nakaupo si mommy sa sofa. Agad naman lumapit si Tita Lily para bumeso samantalang pinili ko naman na hindi muna siya pansinin. Kung ako lang ang tatanungin, I would choose to stay in my condo than staying here in the house with my mom. But Kai advised me to stay at home.
"Anak, sandali."
My feet automatically stop going upstair when I heard my mother's call. Yes, masakit para sa akin 'yong mga kasinungalingan at mga bagay na itinago niya sa akin pero nanay ko pa rin siya na dapat irespeto.
"Darating sila ngayon." Awtomatiko akong napaharap kay mommy dahil lang sa iilang salita na binitawan niya. "I called them and decided to meet you."
"Aakyat na po ako, pakitawag nalang ako pag kailangan ako dito sa baba." Pinilit kong ignorahin ang sinabi ni mommy at dumiretso sa pag-akyat sa hagdan papunta sa kwarto ko. Habang iniwan ko lang sila na nasa sala at ramdam ang titig sa akin.
I am happy, I really am. Pero hindi sapat iyon para mawala 'yong bigat na nararamdaman ko. Ramdam ko ang tampo sa puso ko, ang galit sa katotohanang iniwan kami ni daddy para sa ibang babae at galit sa kasinungalingan na pinaniwalaan ko galing kay mommy. Pero sa lahat ng iyon, isa lang ang tanong na nangunguna sa isip ko. Sino ang kapatid ko?
Nakapagbihis na ako ng pambahay, loose vintage shirt and short shorts. Kasalukuyang nag-i-scroll sa social media account ko nang maulinigan ko ang katok sa pintuan ng kwarto ko.
"Ma'am Shei, pinatatawag po kayo sa baba ng mommy niyo," sabi ni Aling Mina, isa sa mga kasambahay namin, matapos ko siyang papasukin.
Isang ngiti ang itinugon ko bago sinabing susunod nalang ako saka siya umalis. Tinignan ko muna saglit ang sarili ko sa full body length mirror na nasa kwarto ko bago bumaba. Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit, no use they're still my FAMILY, ayos lang siguro na ganito na ang suot ko.
Ang sofa set sa sala ay may isang long sized couch kung saan kasalukuyang nakaupo si Mommy at Tita Lily. Katapat naman nito ang dalawang single couch na kinauupuan ng dalawang tao, na hindi pamilyar sa paningin ko ang bulto.
Agad na napaangat ang tingin ni Mommy papunta sa akin. Marahil ay narinig niya ang mga yabag ko pababa.
Heart beating fast for anticipation, I still tried to compose myself and walk with confidence downstair. Ayokong ipakita na mahina ako kahit lumaki akong hindi buo ang pamilya at wala sila. Palapit nang palapit ay mas lalong naging malinaw sa akin ang pigura ng isang lalaki, na marahil ay nasa edad kuwarenta, at isang babae na parang kaedad ko lang.
The confidence I tried to compose earlier, suddenly vanished when I finally reached the place in front of them. Gusto kong tumingin sa kanilang lahat, pero parang napako lang ang paningin ko sa babaeng nasa harapan ko. Dahan-dahang itong tumayo sa harapan ko at pumantay sa akin. Kung hindi lang dahil sa ayos ng buhok at kasuotan na magkaiba sa amin, ay aakalain kong nagsasalamin ako. Ngunit hindi, at alam kong hindi rin ako namamalik-mata sa nakikita ko.
Alam ko, siya ang kapatid ko.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    6d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    21d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด