logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 13

TUMALIKOD na ang babae habang napabuntonghininga naman si King at sumandal sa may pader habang siya ay walang imik na minamasdan ang lalaki.
"I'm sorry kung pati ikaw ay nakadanas ng kamalditahan ng babaeng iyon. Kung hindi ko lang talaga siya kailangan ay hindi iyan makakalapit sa amin ng anak ko."
"No, it's okay. I should be the one to say sorry dahil nagalit siya dahil sa akin—"
"Don't. Hindi mo deserves awayin matapos ng lahat ng ginawa mo para sa amin ni Kian." Sa pagkakataong ito ay minulat na ng lalaki ang mga mata at lumambot na ang ekspresyon nito hindi gaya kanina.
Bumuka ang labi niya para sumagot sa sinabi ng lalaki ngunit napatigil siya dahil tinawag na ang pangalan ni King. Tumingin ito sa kanya at sumenyas na papasok na ito sa loob nang lumabas ito ay hindi maipinta ang mukha ng lalaki kaya't hindi niya maiwasang kabahan.
"M-may nangyari ba?" kinakabahang tanong niya.
"Nagsuka ba uli si Kian?" usisa niya muli nang na tahimik ang lalaki.
Huminga ito ng malalim at hinilot nito ang noo. "May told Kian doctor to postpone the operation or better yet she told Dr Alyan na hindi ito pumayag sa operasyong mangyayari kina Kian and Miguel. That bitch! Mababali ko talaga leeg niya 'pag nagkita kami."
Hindi kaagad siya naka imik sa narinig pero ilang saglit pa ay nakadama siya ng lungkot at nakokonsensya siya.
"I'm sorry ako ata ang dahilan kung bakit siya umatras at umalis—"
Tumingin sa kanya ang lalaki at nagulat siya nang hawakan nito ang kanyang kamay. "Don't be, wala kang kasalanan Mary. Ang dapat sisihin dito ay babaeng iyon."
Hanggang sa naka uwi na sila ay hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kahit pa kailang beses na siyang sinabihan ni King nawala siyang kasalanan ay hindi niya pa rin maiwasang malungkot at sisihin ang sarili.
***
MAKALIPAS ang ilang araw ay isang balita ang siyang nag palungkot sa kanya ng todo, dahil nalaman niyang umalis si May sa bayan nila at walang may nakakaalam kung nasaan ito ngayon kaya't mas lalong lumabo ang pag-asa ni Kian gumaling dahilan para malungkot siya at mas lalo pang tumindi ang galit niya sa babae at sa sarili.
"Oh, ba't para kang pinagsuklaban ng langit at lupa diyan," tanong ni Irene.
Kaya't napa bumuntonghininga siya at nilibot ang mga mata sa paligid, nandito sila ngayon sa tambayan nila.
"Oo nga, 'insan, may nangyari ba?" tanong din ni Juliane.
Huminga muna siya ng malalim. "Ehh kasi 'di natuloy 'yong cell transplant ni Kian," malungkot na balita niya.
"Ano? Pero bakit?" tanong ni Juliane.
"Umalis kasi si May ng araw ng operasyon and worst hanggang ngayon ay hindi na ito ma-locate kung saan," sagot niya.
"Ayy bakit niya ginawa iyun?" may pahid ng inis na ani ni Irene.
"Oo nga! Diba anak niya si Kian diba? hindi ba siya naawa sa bata?" singit ni Charmine.
"Ewan ko sa kanya pero guys may pakiramdam ako na ako 'yung dahilan bakit umalis siya ng walang paalam," malungkot na aniya.
"At bakit?" takang tanong ni Juliane.
"Pinagselosan ata ako sa akalaing girlfriend ako ni King," paliwanang niya.
"Ano connect dun?" Irene.
"Oo nga! Sana inisip niya ang kalusugan ng anak niya 'di yung selos niya sa iyo," seryosong komento ni Juliane.
"Hay!! Naawa talaga ako kay Kian paano kung 'di na magpapakita si May b-baka mapano ang b-bata 'di ko y-yata kaya mawala siya," naiiyak na sabi niya.
"Shhh tahan, babalik iyun," pag aalo ni Juliane sa kanya.
"Oo nga saka diba 'di naman siguro hahayaan ni King na mangyari iyun," Irene.
"Sana nga," aniya sabay pahid ng luha.
***
ARAW ngayon ng linggo at may importanteng lakad siya na kailangan niyang puntahan. Malapad ang mga ngiting minasdan niya ang sarili sa salamin suot lang naman niya ang family t-shirt na galing sa eskwelahan ni Kian. Meron kasing family day ngayon at siya ang magiging ina ng bata na hindi niya inaasahang mabibigyan siya ng pagkakataon ng may kapal na makaranas ng ganitong pakiramdam.
Hindi niya tuloy maiwasang magbalik tanaw nang minsang sumama siya upang sundiin ang bata sa eskwelahan nito.
KAKAHINTO pa lang ng sasakyan ni King ay natanaw na niya ang mga batang naka-upo sa may waiting shed kung saan ang mga ito ay naghihintay. Nagtaka siya nang hindi niya makita si Kian kaya't napa tingin siya kay King na tumingin din sa kanya.
"Nandito na tayo," mahinang giit nito.
Tumango siya para kunin ang seatbelt niya pero napatigil siya nang maramdamang lumapit sa kanya ang lalaki at ito mismo ang nag alis ng seatbelt niya. Napapikit siya nang maamoy niya ang mabagong amoy ng lalaki.
"There."
Napakurap-kurap siya nang marinig niya ang boses nito at napakagat labi siya ng tumingin sa kanya ang lalaki. Bumuka ang labi niya para magsalita ngunit isang pamilyar na boses ang narinig niyang tumawa kaya't napatingin siya sa may labas. Nakita niyang masayang nakikipaghabulan si Kian sa mga kaklase nito palabas ng gate, hindi niya maiwasang mapahawak sa kanyang labi sapagkat nakaramdam siya ng awa sa bata. Dahil 'di natuloy ang operasyon ay tanging gemo treatment na lamang ang natitirang choice para huwag lumala ang sakit ng bata. Ngunit may malaking epekto ang chemo treatment, iyon ay unti-unting nag lalagas ang buhok ng bata. Ngunit kung titingan niya ito ngayon ay tila itong isang normal na batang paslit.
"Baba na ako—"
"Teka, King," pigil niya sa lalaki.
Bumuntonghininga ito at tumingin sa kanya. "Alam ko ang tingin na iyan. How many times to I have to tell you na hindi mo kailangan makaramdaman ng guilty dahil wala kang kasalanan—"
"Sorry, hindi ko lang talaga masaway ang sarili ko pero wala ka bang ibang nahanap na donor? O wala ka bang natanggap na balita mula kay May?"
Bumuntong hininga ang lalaki. "Wala akong nahanap... at hindi na ako umaasa sa babaeng iyon."
Bumuka ang labi niya para aluin ang lalaki ng bigla na lamang may kumatok sa pintuan kung nasaan siya naka-upo. Bumukad sa kanya ang nakangiting mukha ni Kian, hindi niya din maiwasang mapangiti at sinenyasan ito umalis muna para mabuksan niya ang pintuan na kaagad din naman sinunod ng bata.
NANG nasa bayahe na sila ay napatingin siya sa batang masayang kumanta ng choco-choco na sinasabayan naman niya.
"Tita Mary, pwede ka po bang sumama sa amin ni Daddy sa linggo?" tanong ng bata matapos nila kantahin ang kanta.
Napatingin siya rito, naka-upo kasi ang bata sa kandungan niya. "Sa linggo? Bakit anong meron sa linggo?"
"Hmm, sabi kasi ng teacher ko may family day na gaganapin sa linggo at gusto ko po sanang sumali din. Kasama ka at si Daddy kung ayos lang po."
Napa-angat siya ng tingin kay King na tumingin din sa kanya. "If ayos lang sa iyo Mary. Ngunit kung may pupuntahan ka ay ayos lang—"
"S-sasama ako," maagap na sagot niya.
"Yehey! Meron na akong Mommy! Salamat po tita Mary."
Napa-awang ang kanyang labi sa sinabi ni Kian nang tignan niya si King ay nahuli niyang umangat ang gilid ng labi nito. Hindi niya maiwasang makaramdaman ng pag-asa na baka mapapansin na siya nito.
...
Binibining mary ✍️

หนังสือแสดงความคิดเห็น (144)

  • avatar
    ManacmolAnnie

    maganda tlaga

    07/09/2023

      0
  • avatar
    Stephanie DazIrene

    NICE! 100%, WORTH IT TO READ GUYS!

    13/01/2022

      1
  • avatar
    SusaChristine

    good

    6d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด