logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Kabanata 2

Lumipas pa ang mga araw at lalo lang kaming naging malapit ni Mar sa isa't isa, subalit dumarami rin ang mga taong humuhusga sa aming dalawa. Iniisip nila na baka bakla rin si Mar kaya palagi siyang sumasama sa akin. O baka raw may relasyon na kami. Sa tuwing magkasabay kaming naglalakad sa hallway, pakiramdam ko may kasalanan kaming dalawa.
"We don't owe them an explanation, Jan. Say what they want hindi nila ikakayaman iyon," mahinang sabi niya nang makarating kami sa cafeteria ng school. Marami kasi kaming naririnig sa paligid patungkol sa aming dalawa.
"Hindi ka ba napapagod? I feel that I put you in shame, Mar," malungkot kong sabi.
Nagusot ang mukha niya. "Baklang tooo, why you're so madrama," aniya na tila isang bakla. Tumawa pa siya. Ginulo pa niya ang buhok ko.
Bahagya akong napayuko at natawa. "Nagpa-practice lang sasali kasi ako sa The Voice," balik ko sa kaniya.
Kumunot ang noo niya. "Huh?" Kasunod ang pagtawa niya na napakasarap pakinggan. "Wait me here, ako na lang ang bibili ng pagkain natin," presinta niya since alam naman na niya ang paborito kong pagkain.
Matamis na ngiti ang naiwan sa akin habang pinagmamasdan ko siya patungo sa counter. Napakaswerte ko sa kaniya. Napakaswerte ko na nagkaroon ako ng isang kaibigan na kagaya niya. At ayaw kong sayangin iyon.
"Here's your favorite," sambit niya nang makarating sa lamesang inukupa namin. Inilapag niya sa harap ko ang paborito kong spaghetti at Burger.
"Salamat, Mar," sabi ko habang nakangiti.
"You're welcome," aniya. "Syanga pala, this weekend let's go out. I have something to tell you," dagdag pa niya. Saglit siyang nagtaas nang tingin sa akin.
Biglang parang binuhusan ng mainit na tubig ang sikmura ko sa aking narinig. Samu't saring mga ideya ang pumapasok sa isip ko na maaari niyang sabihin sa akin. Kinakabahan ako kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"A-ah, sige," sabi ko na lang.
Katahimikan na ang namagitan sa amin habang kumakain kami. Naukupa ang isip ko ng maaaring mangyari sa weekend. Kinakabahan ako.

Dumating ang araw ng weekend. Maaga pa lang ay nagising na ako dahil sa labis na excitement na nadarama ko. Halos hindi na nga rin ako nakatulog sa kakaisip ng mga posibilidad na mangyayari mamaya. Kinakabahan na ako at hindi mapakali.
Maaga pa lang ay nasa loob na ako ng isang mall, naghihintay sa isang restaurant doon kung saan kami magkikita ni Mar. Nag-text na siya at sinabing on the way na. Masyado na akong na-e-excite at kinakabahan.
Lumipas ang ilang minuto at natanaw ko na si Mar na paparating. Nakangiti agad siya sa akin. Napakagwapo niya sa suot na jeans at white t-shirt.
"Ang aga mo ata, Jan, ah?" salubong niya.
"Hindi naman masyado," pagtanggi ko kahit totoo naman. Umupo siya sa kaharap na bangko.
"Gutom ka na ba? O-order na ako," aniya.
Tumango na lang ako. Tumawag siya nang waiter at um-order na nang pagkain.
"Hmm! Masyado ka atang prepared, Mar? Nagpagwapo ka namang masyado," nakangiti kong komento sa kaniya.
"Talaga? Bagay ba 'yong suot ko?" tila nababahala niyang tanong.
Tumango ako, saka nag-thumb ups pa sa kaniya. "Bagay na bagay," masaya kong sabi.
Bakit pakiramdam ko kahit ako lang naman ang kasama niya, parang hindi pa rin para sa akin ang pag-aayos niya. Tila ba para iyon sa iba.
Mayamaya pa'y napansin ko siyang palinga-linga sa paligid na animo'y may hinahanap. "May hinihintay ka?" tanong ko.
Bumaling siya sa akin, saka ngumiti lang. Bigla na naman akong kinabahan. Bakit napaka-mysterious niya?
"Ahm! A-ano nga pala 'yong sasabihin mo sa akin?" lakas loob kong tanong.
"Ah, iyon ba? I will tell you later but before anything else, let's eat first," aniya. Nasa harap na rin namin ang in-order niyang pagkain.
Lalo lang akong na-curious sa maaari niyang sabihin sa akin. Masyado niyang ginugulo ang isip ko. Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin sa akin?
Hindi na lang ako umimik. Kumain na lang kami ng tahimik habang balot na balot ng kuryosidad ang isip ko sa maaari niyang sabihin. Aminin ko man o hindi may inaasahan ako sa sasabihin niya.
"Bakit parang 'di mo man lang nagalaw 'yang pagkain mo?" mayamaya'y tanong ni Mar sa akin nang matapos kaming kumain.
"Ah, ang dali ko kasing nabusog, eh," pag-amin ko sa kaniya.
"Okay."
"Saan na tayo pupunta?" tanong ko. Para kasing wala naman siyang balak umalis sa restaurant na ito, eh. Pakiramdam ko may hinihintay siya dahil kanina pa siyang palinga-linga.
Naagaw ang pansin ko nang makita ko ang isang magandang babae sa likod ni Mar, papalapit siya sa lugar namin. Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng insecurity. Hindi ko alam kung bakit.
"Hi, babe." Nagtaka ako dahil kay Mar nakatingin ang babae. Lumingon si Mar at ganoon na lang ang sayang gumuhit sa mukha niya. "I'm sorry I'm late, na-traffic kasi ako, eh," paliwanag ng babae.
Tumayo si Mar sa pagkakaupo at sinalubong ng halik ang babae sa pisngi. "No, it's okay, Babe," ani Mar.
Hindi ako nakagalaw. Pakiramdam ko binubuhusan ako ng malamig na tubig sa mga sandaling iyon. Hindi ako maaaring linlangin nang nakikita ko. Iyon ang katotohanan. Animo'y paulit-ulit na sinusuntok ang puso ko dahil sa kirot niyon.
"Are you okay, Jan?" Mabilis akong dinaluhan ni Mar. "Bakit namumutla ka?" nag-aalala niyang tanong.
Hindi ako makaimik. Wala akong mahagilap na salitang sasabihin. Masyado akong nagulat sa nakita ko. Nasasaktan ako dahil umasa ako sa sasabihin niya pero alam ko na ngayon kung ano iyon.
Kumurap ako kasabay nang pagbuga ko ng hangin. Pakiramdam ko kasi naninikip ang dibdib ko. Kinalma ko ang aking sarili at pinilit maging normal. Hindi nila pwedeng mahalata kung anong nararamdaman ko.
Ngumiti ako kahit alam kong pilit lang 'yon. "O-okay lang ako, nahilo lang ako ng konti," palusot ko.
Nakahinga nang malalim si Mar. Lumayo na siya sa akin. "Sigurado ka, okay ka na?"
Bakit ba napakabait mo Mar sa akin? Please, kahit minsan huwag ka namang mag-alala sa akin. Gusto ko sanang isatinig iyon.
Tumango ako, tagusan ang tingin sa kaniya at sa babaeng kasama niya.
Lumingon nang bahagya si Mar sa babae at bumaling uli sa akin. Alam ko na ang sasabihin niya pero halatang nahihirapan siyang sabihin iyon.
"Ahm! Jan, this is what I'm going to tell you," pagsisimula niya, kinakabahan. "Si Joyce, girlfriend ko," pagtatapat niya.
Para akong binagsakan ng asteroid na mas malaki pa sa akin. Gusto kong maglaho at lumayo.
Nakita kong ngumiti sa akin ang babae, kaya wala akong choice kung 'di ang gantihan iyon sa abot ng makakaya ko. Kahit sa totoo'y labis na insecure ang nararamdama ko. Labis na selos.
Tumayo ako sa pagkakaupo. "Hi, I'm Jan, Mar's B-best friend," pakilala ko. Bakit ang hirap sabihin ng katagang 'Best Friend'? Bakit ang sakit?
"Ikaw pala si Jan. You know what, Mar always talking about you. Mukhang close na close nga kayo, eh. By the way, ako nga pala si Joyce," pakilala naman ng babae.
Tumango ako. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, may saya pa rin na lumitaw dahil sa sinabi ng babae.
"High school pa lang kasi magkaibigan na kami ni Mar. Para na nga kaming magkapatid, eh," sabi ko kahit ang sakit niyon.
"Kaya pala ganoon na lang kasaya itong si Mar everytime na ikukwento ka niya sa akin."
"Ops! By the way, Babe kumain ka na ba?" sabat ni Mar.
Ngumiti ang babae kay Mar. "Busog ako, eh."
"Then, what do you want to do?" tanong ni Mar.
"Let's walk," suhestiyon ni Joyce.
Inagaw ko ang atensyon nila. "Ahm! Sorry but I need to go the rest room, mauna na kayo, susunod ako," paalam ko. Para kasing hindi ko kaya kung sasama ako sa kanila. Hindi ko yata kakayin.
"Sure?" tanong ni Mar sa akin.
Ngumiti ako. Muli akong nagpaalam sa kanila bago sila iniwan doon. Mabilis akong pumunta sa rest room. Nang makapasok ako roon, pumasok ako sa bakanteng cubicle. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko, walang awat.
Masakit pala. Hindi ba't dapat masaya ako dahil alam kong masaya si Mar sa girlfriend niya? Pero bakit hindi ko magawa? Hindi ako masaya dahil labis na sakit at lungkot ang nararamdaman ko. Gusto kong sumigaw at ilabas iyon.
Ngayon ko labis na napatunayan kung gaano kahirap ang umibig sa isang kaibigan. Bukod sa hindi ka sigurado na mahal ka rin niya, matatakot ka rin na baka kapag umamin ka, mawala ang matagal na ninyong binuong pagkakaibigan. Pero sa hindi pag-amin, masasaktan ka na lang ng hindi niya nalalaman.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (79)

  • avatar
    c******8@yahoo.com

    A lovely piece of work.. Love is for everybody whether you're black or white, straight or gay.. Thank you for sharing your novel to us... More power to you

    21/12/2021

      0
  • avatar
    kovine

    I imagine that you poured your soul into the writing of this piece and I found your story both moving and fascinating.

    18/12/2021

      0
  • avatar
    LazarteMarvin

    gti

    10/08

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด