logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5- Ellie's Answer

NGARAG NA NGARAG si Ellie sa paghahabol ng slot sa enrollment ilang araw matapos ang sembreak. Ilang araw na rin simula nang huli silang magkita ni Ronnie at simula no'n ay hindi na sila tinantanan pa ng issue sa social media. Matatandaang pinag-iisipan pa rin niya ang alok nito, at ang mas lalong gumugulo pa sa kaniyang isipan ay kung paano hahati-hatiin ang oras sa acads, raket, acting workshop at vlogging. So far naman ay ang pagsali niya sa Mutya ng Pilipinas ang kaniyang naging huling raket at sa kasalukuyan ay naghihintay pa rin siya ng tawag sa RTV network para sa susunod nilang acting workshop.
"Uy, Ellie, nakapag-enroll ka na?" tanong sa kaniya ng ka-course at kaibigan niyang si Evangeline.
"Ah, hindi pa nga, e. Ang layo pa ng number ko para sa registrar, para ipa-encode ang gusto kong schedule, e, ikaw ba?"
"Ahm, heto, katatapos lang. Bale, mas preferred ko pa rin ang pang-mid shift, ikaw ba?"
Bahagya siyang napangiti. "Panggabi pa rin.. alam mo na, busy ako sa maghapon, e."
"Ay gano'n ba? Edi malalayo ka pala sa amin ni Tuesday!"
Nagbigay na naman siya ng isang tipid na ngiti. "Ahm, kailangan ko kasing mag-sacrifice, e. Lalo na ngayon at mahigit isang taon na lang bago tayo grumaduate. Alam mo naman na hindi sapat ang kinikita ni mama sa paglalabada."
"Sabagay, pero alam mo, sobrang bilib kami sa'yo ni Tuesday, kasi kaya mong i-manage ang oras mo para sa trabaho, pangarap at acads. Saka nga pala, congrats nga pala sa pagiging first runner up mo sa Mutya ng Pilipinas, hah?"
Agad na nagliwanag ang mukha niya. Kasi kahit hindi niya nakuha ang title ay ramdam niya pa rin ang suporta ng mga taong naniniwala sa kaniya, including Kiara. "Salamat, Eva. Alam mo, ang pagsali ko sa Mutya ng Pilipinas ang mas lalong nagbigay sa akin ng motibasyon para matupad ang pangarap kong maging artista-- stepping stone kumbaga." Nakita niya ang magandang pagngiti ni Evangeline. At tila naiilang pa siyang sabihin ang isang magandang experience na kaniyang naranasan. "A-ang totoo niyan, hindi ko lang nabanggit agad sa inyo ni Tuesday na inimbatahan akong mag-acting workshop sa RTV network."
Nakita niyang napahalukipkip sa saya ang kaibigan. "Talaga? Sikat din 'yong tv network, hah? A-at nandoon ang crush mong artista! Si Renz Joaquin!" Kapuna-puna ang mabilis na pag-init ng pisngi niya. Hanggang sa hindi niya inaasahan na may bubuksan itong isang katanungan. "Pero teka muna, medyo nagtatampo kami sa'yo ni Tuesday, hah?" Bahagya namang napakunot ang noo niya. "Hindi mo kami na-inform na.. na-meet mo na pala ang vlogger na si Ronnie Juanson, hah? Saka totoo ba ang issue na nabalitaan ko?" Hindi naiwasang mapaawang ng kaniyang labi. Isipin niya pa lang kung paano siya iniwan ng isang palaisipan ni Ronnie ay heto na naman siya at hindi na naman maiwasang isipin kung ano ba ang kaniyang magiging desisyon. "Uy, Ellie!"
"A-ah.. ano ka ba, Eva, wala talagang something sa amin ni Ronnie, saka kung may nais man kaming paniwalain sa mga tao, parte lang 'yon ng kaniyang buhay bilang isang social media influencer-- alam mo na, pera-pera lang. Saka, kung nagkita man kami, biglaan lang naman 'yon. At, may malalim na reason si Ronnie kung bakit siya nakipagkita sa akin at para pumunta mismo sa bahay namin." Mukhang mas naging interesado ang mukha ni Evangeline sa sinabi niya habang hinihintay nito ang kaniyang sunod na sasabihin. "Ang totoo niyan ay inaalok niya akong mag-collab kami sa bawat magiging content niya."
Nakita niya ang kakaibang saya sa reaksyon ni Evangeline. "Seryoso? E, anong sabi mo?"
She took a deep breath. "Wala pa akong sagot, e."
At parang nadismaya naman ang kaniyang kaibigan sa isinagot niya. "At bakit naman? Opportunity mo na 'yon, Ellie para mas sumikat at mas kumita nang malaki. Ano ka ba? Saka, hindi ba't parang nakikita mo na rin sa kaniya ang katauhan ni Renz Joaquin?"
"Iyon nga, e. Ayokong maging unfair sa kaniya, kasi nga sa tuwing nakikita ko siya ay hindi ko maiwasang ma-imagine na siya talaga si Renz."
Agad na napakamot nang hindi makati si Evangeline. "Kahit ako nga, e, pero may gano'n pala talaga 'no? Iisa ang mukha kahit hindi naman magkaano-ano? Saka, take note, kamukha pa talaga siya ng ultimate crush mo. So paano ka makaka-focus niyan kapag nag-collab kayo?"
"Iyon na nga, e. At ang iniisip ko pa, paano pa namin mapaninindigan ang issue na ibinabato sa amin ng mga tao? E, sa pagpunta pa lang ni Ronnie sa bahay ay gumawa na ng issue ang mga tao."
Sandaling napailing si Evangeline. "Tsk, mga tao talaga. O, siya sige, kailangan ko na rin umuwi, Ellie. Si Tuesday pala nauna na rin kaninang umalis kasi may lalakarin pa raw siya."
"Ah, kaya pala ikaw lang ang nakita ko, e."
"Oo, ah sige na! Mag-ingat ka sa pag-uwi mamaya, hah?"
Tipid siyang napangiti. "Oo naman. Saka, 'wag kang mag-alala, magkikita-kita pa rin naman tayo kahit hindi na tayo magkakaklase this semester." Nakita niya ang pagngiwi ni Evangeline.
"Hays, ikaw kasi, e. Sobrang sipag mo. Pero sige, kita-kita na lang kapag may libreng oras, hah?"
"Oo naman," nakangiting sagot pa niya. At doo'y tuluyan na rin na umalis ang kaniyang kaibigan. Saka naman niya binalikan ang mga numerong nakapaskil sa may flash board at nakita niyang isang numero na lang ay tatawagin na ang kaniyang hawak na number. Napabuntong hininga naman siya sa katotohanang iyon at hindi naiwasang bigyan siya ng magandang pagbati ng ilang kakilalang nakikita siya mula sa kaniyang inuupuan.
Matapos nga niyang mapa-encode ang schedule na kaniyang napili ay saka na siya dumiretso sa taas para tuluyang makapag-enroll. Doon nga'y nagbayad na rin siya ng paunang installment para sa tuition fee, na kinita pa niya mula sa pagsali sa beauty pageant.
At pagkatapos ng mahigit isang oras na pakikipagsapalaran sa pagpila para lang makapag-enroll ay tingin niya'y deserve niyang kumain ng masarap. And speaking of masarap, hindi ito mamahaling pagkain na madalas kainin ng mga artista. Dahil para sa kaniya, street foods lang ay bongga na!
"Manong, bigyan nga po ako ng apat na isaw at apat din na kwek-kwek," masayang sabi niya sa streetfood vendor at masaya rin naman ito na siya'y pagbentahan. Sarap na sarap siya sa isaw at kwek-kwek na halos araw-araw niya rin naman kinakain tuwing may pasok.
Doon nama'y may ilang estudyante siyang nakasama sa pagbili ng streetfood, na batid niyang mula sa ibang department. Hanggang sa hindi siya naiwasang kausapin ng isang lalaki. "Hi, 'di ba ikaw si Ms. Ellie Hermosa?" Hindi naman na siya nagtaka na kilala siya nito. Ikaw ba naman na pag-usapan sa social media kasama ang isang social media influencer, e. Isabay pa ang nagwawala niyang mga fans simula pa nang pasukin niya ang pagsali sa mga beauty pageant.
"Ahm, ako nga," medyo naiilang pero nakangiti niyang sagot.
"Sabi na, e. Dito ka rin pala nag-aaral! Nice! Parang na-starstruck naman ako nang makita kita sa personal! Ang swerte ko naman! Akalain mo nga naman, schoolmate ko pala si Ellie Hermosa! Alam mo bang sikat na sikat ka na sa social media, kaya nga sobrang saya ko ngayon nang makita kita, e!" Hindi naiwasang mag-init ng pisngi niya. Nakakakilig lang makarinig ng mga gano'ng salita mula sa ka-schoolmate pa niya.
"Hala, bakit naman? E, pareho lang naman tayong nagbabayad ng tuition fee rito? Saka, anuman ang pangyayari sa social media, iba pa rin ang sa totoong buhay," nakangiti niyang sabi, bagay na bahagyang ikinapawi ng ngiti nito. At nang sulyapan niya ang Id nito ay doon niya lang nalaman na mula ito sa College of Engineering. "Hindi ba dapat ay maging proud ka rin sa sarili mo, kasi pagkalipas ng ilang taon ay isa ka ng magaling na inhinyero!"
Sandali na namang napangiti ang binata na nagngangalang si Reyven Dela Cruz. "Salamat, Ms. Ellie, pero sa totoo lang ay hindi pa rin ako makapaniwala na ka-schoolmate kita. Nga pala, bago pa ako umalis, ako nga pala si Reyven Dela Cruz."
"Alam ko, nabasa ko sa id mo." Tila agad naman itong napahalukipkip. "Saka, hindi mo naman ako kailangang tingalain, tulad mo ay ordinaryong tao lang din ako-- isa pa, sabi ko nga, pareho lang tayong nagbabayad ng tuition fee, at isa pa, sikat man ako sa social media, masakit pa rin ang realidad na mahirap kitain ang pera."
"Oo nga, tama," pagsang-ayon naman ng streetfood vendor na naging dahilan nang pagtawa nila ni Reyven.
"Ahm, sige po, Ms. Ellie, kailangan ko na rin umalis. Nice to meet you." Napatango naman siya at napangiti.
"Okay, nice to meet you rin." Isang magandang ngiti rin naman ang pinakawala ni Reyven bago pa ito tuluyang umalis. At sa pag-alis nito ay hindi niya inaasahang magigisnan niya ang magandang ngiti ng tindero sa kaniya.
"Ahm, bakit po, manong?"
"Wala naman, pero, ineng, ano man ang achievement na nararanasan mo ngayon ay yakapin mo lang, kasi hindi habang buhay ay mararanasan mo ang kasikatan." Napangiti na lamang siya sa sinabing iyon ng streetfood vendor na nag-iwan sa kaniya ng palaisipan hanggang sa makauwi siya ng bahay.
Pagkauwi niya ay hindi niya inaasahang tadtad siya ng maraming missed calls at texts mula sa mga kaibigan kasama na rito sina Kiara, Evangeline at Tuesday. Pero ang mas nagbigay ng atensyon sa kaniya ay ang nag-iisang missed call ni Ronnie na wala namang ipinadala na kahit isang mensahe.
Napasandal siya sa may headboard ng sofa at inisip na baka kailangan na niyang bigyan ng sagot ang inaalok ni Ronnie sa kaniya. Kaya naman napabuntong hininga siya nang malalim bago pa man magawang tawagan ito pabalik. Subalit pipindutin niya pa lang sana ang call button ay naagaw na ang atensyon niya sa pagbukas ng pinto, na hindi niya namalayang pinagbuksan ng kaniyang ina.
At mula sa inuupuan ay sandali siyang natigilan nang makita ang pumasok na bisita. "R-ronnie?" nauutal niyang sabi bagama't halos mabitawan na niya ang kaniyang hawak na cellphone.
"Ah, pasensya na kung biglaan ang pagbisita ko. E, naisip ko lang na kausapin ka ng personal, since, hindi ka sumagot sa tawag ko kanina."
"Ah, e-- maupo ka."
"Oo nga, hijo, o, teka at ipaghahanda ko lang kayo ng meryenda," sabi naman ng kaniyang ina na tila mainit na tinatanggap ang pagbisita ng binata. Patunay lang din na sadyang maasikaso ang mga pinoy sa kanilang mga bisita.
"Salamat po, tita," sagot ni Ronnie at doo'y naupo ito sa katapat niyang upuan.
At doon niya lang napansin ang dala nitong box ng doughnut. "Ah, doughnut nga pala, pasensya na at iyan lang ang nakayanan ko. Hindi pa kasi dumarating ang kita ko sa vlogging." Tipid siyang napangiti habang binubuksan ang box ng doughnut. Doo'y nakita niyang sa halip na malalaki ay mini bites doughnut ang nasa loob niyon na mayroong isang dosenang bilang. Pero sa totoo lang ay hindi niya maiwasang ma-appreciate ang effort na ginagawa ni Ronnie, lalo na ang pagpunta nito sa bahay nila kahit ilang oras ang biyahe sa kabila ng pagiging busy nito.
Bahagya siyang natawa ngunit ang totoo'y masaya talaga siya sa dougnut na dala nito. "Ano ka ba, basta effort ay na-a-appreciate ko. Saka, mas gusto ko nga 'yung mga ganito lang kasimpleng pagkain. E, mas mabuti nang maging praktikal sa hirap ng buhay, aba!" sabi niya. Hanggang sa hindi niya akalaing nakadalawa na pala siya sa pagkain ng mini bites doughnuts.
Nakita niya ang bahagyang pagngiti ni Ronnie. "Sige lang, kainin mo lang."
"E, ikaw? Share tayo, o."
"Hindi na, para sa'yo talaga 'yan. Isa pa, alam ko namang favorite mo 'yan, e." Magugulat sana siya subalit bigla niyang naisip na ito nga pala si Ronnie na na-research na yata ang k'wento ng talambuhay niya, dahil sa pagiging interesado nito na gawin siyang content sa bawat video. Patuloy lamang siya sa pagkain hanggang sa matigilan siya sa binuksan nitong usapan. "Ahm, actually, nagpunta talaga ako rito para.. hingin na ang sagot mo."
She sighed deeply and say, "Ah.. sa totoo lang, ilang araw ko na rin 'yang pinag-iisipan.." Napabuntong hininga na naman siya pero sa pagkakataon na 'yon ay sigurado na siya sa katagang nais niyang sabihin. "Ahm, sa tingin ko.. mas makakabuti kung.. magko-collab tayo." Sandaling nagkaroon ng katahimikan.
Pero ang hindi niya inaasahan ay ang walang paalam na pagyakap nito habang sinasambit ang mga katagang, "Thank you, Ellie!"
At ilang segundo rin ang lumipas ay tila napahiya sila nang maabutan sila ng kaniyang ina na nasa ganoong posisyon. "Ahm, ma, wala pong ibig sabihin 'yon," pagdipensa niya agad.
Nakita niya naman na napangiti ang ina at naunawaan ang kaniyang sinabi subalit hindi niya inaasahan ang mga katagang sasabihin nito, "Bakit parang ang sarap sabihing, Ellie and Ronnie as social media influencer!"
"Ma.."
"O, bakit? Maganda naman pakinggan, hah? Hindi ba't simula ngayon ay magka-collab na tayo at kasabay nito ang pagpapaniwala natin sa mga tao na may something sa atin?" Bahagya niya itong siniko. Malay ba naman nila kung may tsismosang kapitbahay na nakikinig sa kanilang usapan. "Sorry, pangit yata ang term ko, pero, desidido ka na ba talaga? Wala nang bawian?" tanong pa nito.
At sa tuwina ay bahagya siyang napaisip. Oo nga pala at kasama iyon sa napag-usapan nila no'ng nakaraan lamang. Pero tama nga kaya ang naging desisyon niya gayong naka-oo na siya rito at tingin niya'y hindi na siya makakaatras pa?
Sandali niyang binasag ang katahimikan at sa pagkakataon na 'yon ay matapang niya itong hinarap. "Ronnie, lilinawin ko lang, hah? Lahat ng magiging content ng bawat videos natin ay parte lamang ng collaboration natin. At sana walang maging personalan. Okay ba 'yon?"
Nakita niya ang pagsang-ayon ni Ronnie habang gano'n din naman ang suporta sa kanila ng kaniyang ina. Ngunit paano kung hindi lang palabas ang nais ni Ronnie? Paano kung way lamang nito iyon para lalong mapalapit sa kaniya at maging totohanan na ang kanilang pagpapanggap?

หนังสือแสดงความคิดเห็น (280)

  • avatar
    YbanezMariel

    What an awesome story.

    3d

      0
  • avatar
    Mie Hanna

    berry good

    15d

      0
  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    basa basa din kasi wala ng spin

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด