Mataas na ang araw. Mahimbing pa rin ang tulog ni Eurice sa sofa. Sinadyang lumabas ng dahan-dahan ni Alex. Ayaw niyang magising ang nobyo. Alam niyang hindi ito nakatulog ng maayos. Nilagnat kasi siya uli. Ramdam niya ito bago pa man siya nakatulog. Maya't maya siya pinupunasan ng basang bimpo. Hangga't sa nakatulog siya ng mahimbing. Mabuti na ang kanyang pakiramdam. Lalabas muna siya ng bahay. Maaga pa naman. Pupunta siya sa ilalim ng punong mangga Titingnan niyang mabuti ang mga pictures na kuha niya sa kabilang isla. Tumunog ang kanyang phone. "Hello Alex," Nandito ako sa condo mo. Dito na ako natulog kagabi. Kahapon pa kita tinatawagan pero can not be reached ka. May dumating na isang lalaki kapatid mo daw," boses ito ni Lezette sa kabilang linya. "Ahh oo si Alvin. Sige patuluyin mo, kapatid ko nga 'yan. Sabihin mo na lang nasa outdoor photo shoot ako. Sige ikaw na muna bahala sa kapatid ko dyan." Unang beses na tumuloy sa kanyang condo unit si Alvin. Sasakay din ito ng flight pauwing Cebu. Sandali lang sila nagkausap ni Lezette. Nagpaalam na rin ito sa kanya. Malamig pa ang simoy ng hangin. Maaliwalas talaga ang paligid sa probinsya. Ang gaan ng pakiramdam ni Alex. Samantalang si Eurice ay nasa kasarapan pa ng kanyang tulog. "Alex please listen. Pakinggan mo ako, magpapaliwanag ako. Patawarin mo ako handa kong pagbayaran ang mga kasalanan ko sayo. Kaninong anak 'yang bata na 'yanAlex. Saan ka pupunta? Bakit ka aalis ng bahay? Luluhod ako para mapatawad mo lang ako. Please! Alex please! Don't leave me." Binitbit ang maleta at lumabas ng bahay kasama ang bata. Humagulgol ng iyak si Eurice sa sobrang sama ng loob. Nagising ito sabay napabalikwas ng tayo. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Parang totoo ang kanyang panaginip. "Bakit may anak na karga si Alex?" tanong nito sa sarili. Wala na sa higaan si Alex. Lumusot na sa kurtina ang sikat ng araw. Pajama pa rin ang suot ni Eurice mg lumabas. Sa sobra nitong niyang pagmamadaling mahanap ang nobya. "Nasaan kaya si Alex?" Inikot muna ang paningin sa labasan. Humahangos itong palapit kay Alex nang nakita ang nobya sa ilalim ng punong mangga. Yumakap ito ng mahigpit na tila ba may inaalala. "Bakit anong nangyari sayo," naguguluhan tanong ng nobya. "Nanaginip kasi ako." Nag-uumpisa ng isinalaysay ang kanyang panaginip Pinakikinggan ito ng dalaga hanggang sa matapos. "Baligtad ang panaginip sabi ng lola ko. Kaya kung masama man ang panaginip mo mabuti yan sa kabaligtaran," paliwanag niyang sabi sa nobyo. "Please promise me Alex. Ako lang 'yong una at huli mong mamahalin." Seryosong ang hitsura ng binata habang nagsasalita. Tumango at napatingin siya na sobrang nagtataka. Hindi niya na maintindihan ang mga ikinilos ng nobyo. Naitanong niya sa sarili kung hindi kaya magbago sa kanya pag nalaman ang tungkol sa kanya. Sana hindi nga. Ipinapalangin ito ni Alex. Hindi muna sasabihin sa nobyo dahil hahanap siya ng tamang pagkakataon. "Oo nga pala, maiba tayo ng usapan. Nakausap ko si Lezette and the team. They are coming here for the photo shoot," ani ni Alex. "Oh okay," matamlay na sagot ni Eurice. Naguguluhan pa rin ito sa kanyang masamang panaginip. "Sa wakas. Gusto ko ding gawin ang photo shoot," saad ni Alex. At nang sa ganun ay makabalik na silang Manila. Pag araw araw niyang kasama si Eurice baka masyado siyang mapaibig. Baka sa bandang huli isang bangin lang pala ang pag-iibiyan nila. Bangin na kung sa mahirapan siyang umahon. "Sige I'll be right back," Nagpaalam na ang binata nang napansin sa sarili na naka pajama pa rin siya ng suot. Hinatid na lang ito ng tanaw ng dalaga habang papalayo. Napangiti si Alex sa nobyo. Ramdam niya kung gaano siya kamahal nito. Kilig ang bumalot sa kanyang buong puso. Gusto din niyang tanungin ang sarili kung hanggang kailan kaya. Samantalang si Alvin naman ay pinatuloy na nga ni Lezette. Ninanakawan ng simpleng tingin ni Lezette ang guwapong kapatid ni Alex. "Hindi ka man lang naikuwento sa akin ni Alex." Kinakausap na ito ni Lezette dahil sobrang tahimik ang binata. Nahihiya pa kasi ito sa dalaga kaya hindi pa gaanong kumikibo. "Ganun talaga si Alex hindi mapagkwento," simpleng sagot ng binata. Mabuti na lang at sumagot din ito sa kanya sa wakas. Hindi niya kasi ito tinatantanan ng tanong. Siya na lang ang nag-uumpisang dumaldal at parang napipilitan pang sumagot ito sa kanya. "I'm Lezette and you are?" "Just call me Alvin. I just drop here to see Alex. Kaso wala naman pala siya, hindi bale sa susunod na lang. Magpapahinga na lang ako saka hahabol ako sa flight mamayang gabi." Matangkad na maputi ang binata at guwapo. Lalong kaaki-akit sa kanyang ngiti ang maputi at pantay niyang mga ngipin. Pwede siyang pang modelo kung tutuusin. Lihim itong tinititigan ni Lezette. Kung hindi siya nagkakamali baka halos magka edad lang sila. Pero napatipid naman kung magsalita. Para itong tuod. Kailangan na si Lezettw ang magdadala sa usapan. Parang ayaw na may kausap. "Pwede bang makasama ka sa labas," tanong nito sa kanya. "Oh! Yes," mabilis na sagot ni Lezette. Nabigla siya dahil niyaya siyang lumabas. Kaya ang bilis niyang sinagot ng yes. Baka magbago kasi ang isip nito. 'Ayon nagsalita rin siya sa wakas,' bulong niya sa sarili. "Nagugutom kasi ako. Hindi ko naman kabisado sa labas. Kaya let's go out for lunch." "Gagawin mo lang din pala akong tour guide. Mas okay at least magkakakwentuhan din tayo." Nangingiti si Lezette habang siya ay nagsasalita. Gusto maging palagay ang loob ni Alvin. "Okay lang ba sa'yo?" "Oo naman. Ngayon na ba?" "Maliligo lang ako," sagot ni Alvin. Kinikilig si Lezette sa binata ngayon lang siya nakakita ng perfect good looking guy. Walang pero, pero sa kanyang kagwapuhan. Siya 'yong guwapo at guwapo lang talaga. Hindi tulad sa mga nakita niyang iba na guwapo nga pero bansot, gwapo nga pero may pintas kung ngumiti at guwapo pero may pintas sa kulay. "Hmm! Bagay kami morena ako at maputi siya." Nagpapantasya si Lezette habang naliligo si Alvin. Lalo siyang napanganga at tuluyang nahibang kanyang pantasya. Lumabas sa banyo ang binatana na nakatupis lang ng tuwalya. Pumasok na ito sa kuwarto at nagbihis. Excited siyang lumabas ito at makita niya kung paano pumorma si Alvin. Nag-ayos na rin sa sarili si Lezette para naman nakakaagaw pansin siya sa binata. Binibilisan niya ang kanyang ginagawa ayaw niyang maghintay sa kanya si Alvin "Lezette, shall we go?" nagtatanong na si Alvin. "Can you drive?" tanong ng dalaga kay Alvin. "Oo naman," nakangiti nitong sagot. Bakit mo naman natanong? "Kasi nasa baba naman ang kotse ko kaya doon na tayo sasakay. O kaya sa kotse ni Alex. Wait! hanapin ko lang ang susi." Mas gusto ni Lezette na si Alvin ang magmaneho kasi malaya niya itong matitigan kapag nakatingin sa kalsada. "Baka gusto mong sumama sa akin sa photo shoot nandoon si Alex," yaya ni Lezette. "Hindi na muna siguro. Next time na. Gusto ko ng makauwi kagad ng Cebu. Sa Baguio pa ako galing naka dalawang taon na rin akong hindi nakauwi kaya gusto ko munang umuwi sa amin. "Ano naman meron sa Baguio? Ay mali. Ano nga pala ang ginagawa mo doon? Bakit ang tagal mo naman doon? "Nag-aaral. Graduating student ako ng PMA Baguio." Isang PMA student si Alvin at magtatapos na siya sa kursong ito pangarap nitong maging sundalo ng ating bansa. Lalong napapahanga si Lezette sa binata. Isa pala itong maging future General ng ating bansa pag nagkataon.
npakaganda ng istorya at mapupulutan ng mga aral,tulad panunuyo na punong puno ng Respeto at pag mamahal,pagpapakumbaba at pag galang
basahin nyo ang kuwento at maantig ang inyong mga kalooban maraming salamat po sa author ng kuwento
I give u 5 stars dahil maganda ang istorya.
17/01/2022
0npakaganda ng istorya at mapupulutan ng mga aral,tulad panunuyo na punong puno ng Respeto at pag mamahal,pagpapakumbaba at pag galang basahin nyo ang kuwento at maantig ang inyong mga kalooban maraming salamat po sa author ng kuwento
16/01/2022
0Ang Ganda nag history na ito
03/01
0ดูทั้งหมด