logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 6 Yes

"Tao po! Tao po! May tao ba dyan sa loob."
May nagsasalitang bangkero sa labas ng kubo. Dali-daling tumayo si Eurice.
"Mabuti naman at may sumusundo sa amin."
"Pinasusundo po kayo sa akin ni Aling Senya, 'yong katiwala niyo po. Pinuntahan po ako kanina sa daungan naming mga bangkero. Sunduin ko daw po kayo. Baka nasiraan kayo ng yate. Kagabi pa kayo hinihintay nag-alala na rin ang matanda sa inyo. Wala na daw kasi rin siyang makuhang bangka para makapunta sa inyo kagabi dahil masama ang panahon. Nag-uuwian na rin kami kahapon, hindi pa lumubog ang araw.
"Salamat, salamat."
Malaki ang pasasalamat niya at pinasundo kaagad sila ng kanilang kasambahay. Mabait na amo kasi din si Eurice. Hindi siya 'yong amo na katulong ang trato sa mga nagsisilbi sa kanila. Kahit sa mga gawain. Ginawa niya na 'yong asikasuhin ang sarili kaysa utos ng utos. Marami ding ginawa ang kanilang mga katiwala sa resort, kaya ito ay kanyang naiintindihan.
"Itatawid ko lang po kayo sa kabilang pampang. Sa likurang bahagi ng Isla Paraiso. Sa may hagdan para po mas mabilis kayong makauwi," mungkahing sabi ng bangkero.
Inayos na ni Eurice ang pagkaka angkla ng yate. Para masiguro na hindi ito lalayo sa baybayin ng isla.
Nanatiling hindi na nagkakakibuan silang dalawa. Naiisip ni Alex na may kasalanan talaga siya. Gusto na niyang sabihin sa binata na may gusto talaga siya rito. Naalala na naman niya ang kanyang anak at ang kanyang karanasan. Napaluha si Alex tanggap niya ang sarili bilang siya ay bababe nga. Gusto niya ng maranasang umibig. Malaki ang hadlang para sa kanila. Lalo siyang hindi magugustuhan ng mommy ni Eurice dahil isa siyang dalagang ina. Pilit niyang iniiwas ang kanyang mukha sa binata. Ayaw niyang makita nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. Baka hindi niya pa kayang maipaliwanag sa binata ang dahilan ng kanyang mga luha.

"Nandito na tayo sir."
Nakarating na sila kung saan naroon ang hagdan paakyat pabalik sa resort. Mas mabili sila makauwing resort kung doon na sila aakyat. Bumaba na na ang binata at inaabot ang kamay ni Alex. Wala na itong naramdaman tiyak niya ito dahil malamig uli ang palad ng dalaga.
"Parang sobra din naman nanlalamig ang palad mo."
"Takot nga ako sa bangka di ba," paalalang sagot ni Alex.
Nakalimutan ni Eurice. Kaya pala namumutla ang dalaga habang nakatingin sa tubig.
"Ay oo nga pala. Nayakap man lang sana kita kanina.
Napangiti tuloy si Alex sa narinig. Narinig niya ang salitang yakap.
Masarap ito sa pakiramdam kung tutuusin. Pero gusto niya na itong iwasan baka mauuwi rin sa wala ang lahat.
"Tara na!"
Napatingin sa itaas ang dalaga. Isang daang baiting nga pala ang kanilang aakyatin. Mas mahirap itong gawin kaysa palusong na ginawa nila kahapon.
"Sige. Mauna ka. Sa likod mo na lang ako."
Hinawakan ang kanyang mga kamay at inangat siya sa unang baitang. Ramdam niya ang init ng mga palad nito at ang higpit na hawak sa mga kamay niya. Sobra din siyang nag-enjoy sa mga palad ng binata. Ang sarap pisilin. Mabuti nga't napigil niya pa ang sarili. Nahihirapan na siyang itago ang kanyang pag-ibig. Kaya kung maari sana makaalis makarating na sila Lezette. Pero kailan nga ba?
Patuloy na siyang humahakbang paitaas habang nakasunod si Eurice. Nakatali sa lubid ang kanilang dala na sa basket nakalagay. Hahatakin na lang nila ito kung sila ay nasa taas na. Nakaramdam na ng pagod ang dalaga. Medyo hinihingal na rin si Eurice.
"Gusto mo bang maupo muna tayo pahinga naman sandali," tanong nito sa kanya.
"Hindi na malapit na tayo. Doon sa itaas na lang mamahinga."
Naunang nakaupo sa itaas si Alex. Hiningal at nangalay ang mga binti. Sa totoo lang kakaibang karanasan din para sa kanya ang mga pangyayaring hindi niya inaasahan. Nakauwi na nga sila sa wakas sa resort.
"Yes!"
Dahil sa narating niya na rin ang taas. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan para lumuwag ang kanyang dibdib. Napatingin ang binata sa kanya na nakangiti.
''Sana 'yong Yes na 'yon ay para sa akin," pabirong hirit ni Eurice.
"It is for both."
Hindi rin maintindihan ni Alex ang sarili bakit niya nabanggit ang ganun.
"Alex don't say it again. If you are just joking. You just don't know how happy I would be."
"Yes!"
"What is that mean? Please say so...say it clear. Come on. Don't make fun of me like that."
"Will I say Yes. Yes I love you too. Do I look like I am just making it fun."
Sumabog na ang pagpipigil ni Alex. Hindi niya pala talaga kaya. Nasa hangganan na siya upang magpakatotoo.
"Oh! Yes thank you."
Napayakap siya ng mahigpit sa dalaga. Napakasaya ni Eurice nang mga sandaling iyon. Wala ng mapagsidlan ang kaligayahang nadarama.
"Salamat sa tiwala mo. Pangako mamahalin kita hanggang sa dulo ng ating pagsasama."
Napahiga na sa damong bermuda si Alex. Nakadagan si Euric habang mariing naglapat ang kanilang mga labi. Ayaw na rin bitawan ni Alex ang mga labi ni Eurice. Ang sarap mabuhay na may minamahal pala. Ang sarap maging babae. Bahala na 'yong mga susunod na araw sa kanya. Ayaw niya munang alalahanin ang tungkol sa kanyang naging karanasan at sa kanyang pagiging dalagang ina. Magkahawak ang kanilang magkabilang kamay na magkalapat din ang kanilang mga palad. Naunang bumitaw si Eurice sa pgkakahalik.
"Gusto mo dito na tayo titira."
Pabulong nitong sinabi sa tainga nga dalaga. Malambing at parang musikang banayad sa pandinig.
"Ha?"
Napabangon ang dalaga. Hindi akalaing sa pagsasama kaagad mapupunta ang usapan. Hindi ba sa kasal muna.
"Para malayo sa lahat at para nasosolo kita. Ayokong mawala ka pa sa kin. Ayokong mapunta ka pa sa iba. At gusto kong magpakasal na kaagad tayo.
"Haa! Teka."
At iyon na nga ang salitang kasal. Hindi niya pa pala ito gustong marinig. Hindi siya handa. Lalong-lalo na may kailangan pa siyang sabihin sa nobyo. Hindi nga niya alam. At natatakot siya na magbago ito ng pagtingin sa kanya.
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Teka 'yong sinasabi mong hanggang sa dulo ng ating pagsasama. Saka huwag muna ang kasal. Ang bilis naman para pag-usapan iya na kaagad ang ating pag-uusapan. Hindi ba pwedeng tayo muna. Saka na iyong plano ng kasal," kinakabahang sagot ni Alex.
Bigla siyang natauhan. Para na sana siyang nanaginip na nakaduyan sa saya. Ngunit nagising din.
"Gusto ko ng maniguro na akin ka ngang talaga," seryosong sabi ng binata.
Napayakap na sa kanya ito ng mahigpit habang nakasandal siya sa mga bisig nito.
"Ayaw mo bang kilalanin muna ako bago mo ialok sa akin ang kasal."
"Hindi na kailangan. Matagal na kitang gusto. Sobra na ang pagtitiis ko. Kung alam mo lang."
Napakunot-noo si Alex sa kanyang narinig. Pero naiintindihan niya kung bakit. Inaamin niya na rin sa sarili na iniwasan niya noon si Eurice dahil naiirita siya dito. Baka nga the more you, will be the more you love.
"Basta ang kasal para sa akin is not now," mariing sabi niyang sabi.
"Natural not now. Pero bukas o sa makalawa."
Napatawa ng malakas si Alex. Alam niyang parang biro pero iyon nga naman talaga ang gusto ng lalaking kanya ng naging nobyo.
"Parehas lang. Minamadali mo pa rin ang kasal na gusto mo.
"Parang ayaw ko ng bumalik ng Manila. Dito na lang tayo please, Alex.
"Nagbibiro ka ba gusto mong uwiin tayo ng mommy mo dito. Naka chopper ora mismo. Pag nalaman niya na may relasyon tayo. At kaladkarin ako palabas ng resort.
"Hindi niya pwedeng gawin 'yan sa iyo," pangakong sabi ni Eurice.
"Uwi na tayo. Gusto ko ng magpalit naman ng suot. Kahapon pa itong mga suot natin di ba. Parehas tayong amoy dagat," natatawang sabi ni Alex.
"Okay."
Hinalikan na siya nito sa pisngi. Hinatak pataas 'yong naiwan sa baba nilang dalang basket na nakatali sa lubid.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (387)

  • avatar
    MamansagMaria Cristina

    I give u 5 stars dahil maganda ang istorya.

    17/01/2022

      0
  • avatar
    Caasi Onallisac

    npakaganda ng istorya at mapupulutan ng mga aral,tulad panunuyo na punong puno ng Respeto at pag mamahal,pagpapakumbaba at pag galang basahin nyo ang kuwento at maantig ang inyong mga kalooban maraming salamat po sa author ng kuwento

    16/01/2022

      0
  • avatar
    DungaoArcel

    Ang Ganda nag history na ito

    03/01

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด