Matagal pa ba yan," nangangambang tanong ni Alex. "Dito muna tayo." Hindi maipinta ang hitsura ni Eurice nang siya ay sumagot. Hindi rin niya akalaing mangyari ang ganoong aberya. "Oh! My gosh! Baka malakas mamaya ang hangin dito," kabadonh sabi mi Alex. "Hindi ko akalaing magloloko ito." "So saan tayo pwede mamayang gabi?" "Balik tayo doon sa kubo. Hindi rin tayo puwede dito sa yate. Hahampas ang mga alon. Hindi tayo safe." Hindi rin alam ni Eurice kung paano sila sa magdamag. Naalala niya ang generator sa kubo. Sana aandar pa iyon. Para may ilaw magtatanglaw sa kanila sa magdamag. Pero hindi na rin siya sigurado kung sisindi pa ang mga ilaw sa kubo. Ang alam niya hindi na napapandar ang generator. Baka ito ay sira na. "Ano na ang gagawin natin." Gusto ng maiyak ni Alex. Unti-unti na siyang dinadaig ng takot. "Don't be scared kasama mo ako," pampalakas loob ni Eurice sa dalaga. Nagmadali si Eurice na humanap ng paraan. Kailan nila ng ilaw. Nakakatakot na magdamag na walang liwanag. May mga gagapang na ahas. Mabuti na lang may nakita siyang batery ng sasakyan. Nagbaka sakali siyang maayos pa ito. Makapagpasindi pa kahit isang bombilya sa kubo. Lumalakas na ang ulan at may kasama na itong mahinang hangin. "Oh! Sana huwag ng malakas na hangin ang tatama dito," takot na sabi ni Alex. Nasa kubo na sila. Nakahalukipkip pa din ang mga braso ni Alex. Giniginaw na ng husto sa hangin. Sa kabutihang palad napasindi rin sa wakas ni Eurice ang bombilya. Nagkaroon sila ng ilaw para magamit nila sa magdamag. Nanguha ng tuyong sanga ng kahoy ang binata sa paligid ng kubo. Para makapag siga ng apoy. Mabuti laging may nakakasabit na pangsindi sa susian ng yate. Iihawin nya ang nahuli nilang isda para may makain sa hapunan. Sumasama na lalo ang pakiramdam ni Alex sa init ng maghapon at naambunan siya kinahapunan. Pagka kain nakatulog ito. Malamig ang simoy ng hangin at bumubuhos ang malalaking patak ng ulan. Hindi na natulog si Eurice nakaabang na lang siya sa oras. Nakikiramdam siya sa paligid at sa ihip ng hangin sa magdamag. Mahimbing ang tulog ni Alex na may lagnat. Giniginaw na ito sa sobrang init ng pakiramdam. Nag-alala si Eurice dahil wala silang dalang pwedeng gagawing kumot. Niyakap niya na lang ito para maibsan ang panggiginaw. Lumalakas ang hangin kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan. Mag- uumaga na nang siya ay nakatulog. Hindi na nga niya namalayan na siya ay nakatulog na pala. "Wala na bang hangin?" Ito kaagad ang unang tanong ng dalaga nang siya ay nagising kinaumagahan. Maliwanag at mataas na ang sikat ng araw. Nakita niyang nakayakap ang kanyang boss sa kanya. 'Wala kayang ginawa sa akin. Siguro naman wala' tanong niya sa isip. Siya din ang sumagot sa sariling tanong. Hindi naman siya nainis sa pagkayakap sa kanya. Kinilig pa nga siya, pero nahihiya siyang isipin ito. Dahan-dahan niyang inaalis ang kabilang braso ni Eurice para makawala siya sa pagkakayakap nito. Ngunit nagising niya na rin ito. "Sorry! Sorry! Niyakap lang naman kita dahil inaapoy ka ng lagnat. Nanginginig ka na sa ginaw. Hindi ko alam kung ano gagawin ko dahil wala namang kumot," tarantang paliwanag ng binata. 'Nagustuhan ko pa naman. Bakit pa kaya ito nagpapaliwanag? Kapilyahang nasa isip ni Alex. "Paano nga ba tayo makaalis dito?" nag-alalang niyang tanong. Hindi na nakakibo ang dalaga pagkatapos niyang nagtanong. Inaalala niya ang kanilang kalagayan dahil wala namang signal roon. Bumangon na siya ng pilit kahit medyo nahihilo pa. Pero muntik din siyang matumba. Mabilis siyang nasalo ni Eurice. "O! Mamaya na. Baka hindi mo pa kaya," nag-aalalang saad ng binata. "Nakakahilo nga, sumakit uli ang aking ulo." Napaupo uli si Alex sa papag. Naghanap siya ng masasandalan. Hindi niya masabi sa na kailangan niya uli ang mga braso para siya ay may unan. "Mainit ka pa ng konti, humiga ka muna." Nag-aabot na ang kanilang mga titig. Kinakabahan na si Alex sa lagkit ng tingin ng binata. Nangungusap ang mga titig nito. Unti-unti dumikit na ang mukha nito sa kanyang mukha. Alam niya na ang susunod na mangyayari. Hahalikan na siya nito. Hindi pa rin nakuhang umiwas sa halip ay ipinikit na niya ang kanyang mga mata. At hinintay ang paglapat ng mga labi ni Eurice sa kanyang mga labi. Sobrang saya ang nadarama ni Eurice. Ang mga labi ng napakagandang dilag na inaasam-asam niyang maging kasintahan ay kanyang tinitikman. Gumaganti ng halik at banayad na kagat sa labi ng binata si Alex. Ang tamis ang mga labi nito. Unang halik na kanyang naranasan. Babae na nga siya kinukuryente ang kanyang buong katawan sa halik. "Sir Eurice," mahina niyang usal. Gusto niyang ipaalala na mag-amo sila at wala pang relasyon. "Pssst! I told you not to call me sir again. Not ever please," malambing nitong bulong. "Ka--si...." Hindi na naituloy ng dalaga ang kanyang sasabihin. Dumampi kasi uli sa labi niya ang isa pang halik ni Eurice. "I love you so much, Alex. Please say you feel the same." "Puwede bang pag-iisipan ko muna?" Nakaakma nang humalik uli ang binata ng inilihis ni Alex ang kanyang mukha. "Ouch! That hurt me so much. Alam ko namang may nararamdaman ka sa akin. Bakit tila ba pinipigilan mo ang iyong sariling mahalin ako?" "Hindi tayo bagay," maiksing sagot ni Alex. Naalala ng dalaga ang kanyanh sitwasyon. May anak na siya. Dalaga nga siya pero isa na ring ina. "Bakit? Dahil ba sa mommy ko. Please let me know the reason why," maluha luhang tanong ni Eurice. "No." "I won't take No. That's not an answer Alex. I feel like you like me too. Hindi ko lang makita ang mga dahilan kung bakit ayaw mong ibigay ang pagkakataon na maging tayo," pangungulit ng binata. "So! Anong gagawin mo. If I say No that's final. Huwag mo ng ipilit or pwersahin ako para magbago ang desisyon ko," naiiritang niyang sagot. "What made you think na..? Hindi ko maaring gawin iyan sa'yo." Hindi na kumibo si Alex maling akusasyon kasi ang kanyang nasabi. Nahimasmasan na siya sa mga binitawang salita. Kaya ayaw na niyang dagdagan ang mga maling nasabi. Tumigil na din si Eurice sa kanyang pangungulit. Tumayo na binata sa pagkakahiga at pumunta sa yate. Sinusubukan nitong paandarin uli. Naiwang nagsisisi sa mga sinabi si Alex. Marahil dahil sa nangyari sa kanya kaya ganun siya kung mag-isip. Walang kasalanan ang binata kaya wala siyang dapat ikagalit. Ihihingi niya ng paumanhin ang kanyang maling nasabi. Bumalik sa kubo ang binata. Nabigo siyang paandarin ang yate. Siguro nga talaga kailangan na lang maghintay sila kung sino ang susundo sa kanila. "Sorry," nauunang bungad nito sa binata. "Sorry for what?" "Sa mabigat kong paratang para nga namang inakusahan kita ng rape gayong wala ka namang ginagawang masama sa akin." "Wala 'yon. Ako nga dapat ang humingi ng sorry kasi para na rin kitang pinipilit. Maghihintay ako kung kailan mo sabihin sa akin ang matamis mong Oo." Nakayuko na ang binata. Taos sa puso nitong tinanggap ang desisyon ng dalaga. "Kailan kaya tayo makakaalis dito? Paano na ba tayo dito?" Sunod-sunod na ang tanong ni Alex. Kinakabahan na siya. Baka abutan pa sila ng gabi o kaya baka kinabukasan pa. Walang katiyakan kung kailan. "Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano. Maya-maya lang may darating na susundo sa atin." "Sana naman." Malungkot ang dalaga sa nangyari. Hindi siya kampanteng magtagal sila sa isla. Kasama niya ang lalaking unti-unti niya ng nagugustuhan. Paano kung tuluyan ng mahulog ang loob niya dito.
npakaganda ng istorya at mapupulutan ng mga aral,tulad panunuyo na punong puno ng Respeto at pag mamahal,pagpapakumbaba at pag galang
basahin nyo ang kuwento at maantig ang inyong mga kalooban maraming salamat po sa author ng kuwento
I give u 5 stars dahil maganda ang istorya.
17/01/2022
0npakaganda ng istorya at mapupulutan ng mga aral,tulad panunuyo na punong puno ng Respeto at pag mamahal,pagpapakumbaba at pag galang basahin nyo ang kuwento at maantig ang inyong mga kalooban maraming salamat po sa author ng kuwento
16/01/2022
0Ang Ganda nag history na ito
03/01
0ดูทั้งหมด