logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter Six-Scared

“ALAM ko na kung ano ang ikinatatakot mo,” ani Wyn nang ibalita niya rito ang naganap sa opisina ni Madam Rivera ng umagang iyon. Kasalukuyan silang nananghalian sa kantina. “Natatakot ka na ma-fall kay Sir Andrew.”
Kamuntik nang maibuga ni Allie ang pagkain sa bibig. Bakit naman kasi agad natumbok ni Wyn ang tunay na dahilan kung bakit hindi siya agad makapagpasya.
“Hindi no!” sobrang napalakas ang tugon niya. “Bakit naman ako matatakot? At higit sa lahat bakit naman ako mafa-fall sa kanya? Hinding-hindi no! As if naman kamukha siya ni Piolo Pascual,” nanghahaba ang nguso niya.
“Ah, ganoon ha. Mga tulad pala ni Piolo Pascual ang tipo mo. Para sabihin ko sa’yo marami ritong may crush kay Sir Andrew at hindi naman iyon nakapagtataka. Bukod sa guwapo siya, sa edad na beinte nuebe ay isa nang matagumpay na negosyante. Bukod sa Glenford University na itinatag ng kanyang ama noong bata-bata pa, mayroon din siyang sariling negosyo. Sa kanya iyong VDD Construction Company sa highway. He is an engineer by profession. At higit sa lahat, isa na yata siya sa pinakabatang Chairman of the Board of Directors sa bansa.”
Grabe naman pala. Ang tindi nga pala talaga ni Andrew. Napangiti naman siya sa kaibigan. Hinuha niya ay isa ito sa mga may crush sa binata. Hindi niya ito masisisi at ang iba pang mga babaeng may crush kay Andrew sapagkat talaga namang kahanga-hanga ang lalaki.
“At isa ka sa mga may crush sa kanya. Ganoon,” tukso niya kay Wyn.
Agad naman namula ang pisngi ng dalaga. “Konti lang pero huwag mo ‘kong isusumbong kay Renz ha,” anito saka sinabayan ng tawa. Si Renz ay manliligaw nito na sa tingin niya ay malapit na nitong sagutin.
“Don’t worry. Your secret is safe with me,” aniyang natatawa sa kaibigan.
***
“O, eh ano ba ang gusto mo?” tanong kay Allie ng kanyang ina na si Mrs. Amelita Diaz. Hindi nalalayo ang edad ni Mrs. Diaz kay Madam Rivera. Kapwa nasa middle fifties ang mga ito. Sinadya ni Allie na tumambay sa kusina habang naghahanda ang ina ng hapunan. Kailangan niya ng wisdom nito. Kaagad niyang ipinaalam dito ang mga naganap ng mga nakaraang araw. Wala siyang de-ni-lete. Pati na nga noong araw na una silang nagkita ni Andrew. Ayaw na nga sana niyang ipaalam ang pangyayaring iyon. Mag-aalala pa kasi ito. Ngunit kailangan niyang sabihin sapagkat kaugnay iyon ng ipinagpapaalam niya dito.
“Ganoon naman pala at humingi na ng sorry sa’yo at maraming beses pa. Dapat naman sigurong patawarin mo na at kalimutan ang nangyari. Aksidente at walang sino man ang may gustong mangyari ‘yon.”
“Sabagay, tama ka, Ma,” ang nakapangalumbaba sa mesang saad niya.
“So, ano pa ang problema? Ano ba ang ikinatatakot mo?”
Mabilis na umangat ang mukha ni Allie nang marinig ang salitang takot. Napatitig siya sa ina. Bakit naman pati ang kanyang ina ay nasabi iyon? Una ay si Wyn pagkatapos ngayon naman ay ang kanyang ina. Mukha ba talaga siyang takot? Halatang-halata ba talaga?
Yup, girl. Halatang-halata. Bakit ba kasi? Kung ma-fall, eh di ma-fall. Go with the flow. Follow your heart.
I wish it’s as easy as that.
Well, maybe kaya mong pigilan ang puso mo, but I know you, too well, Allie. You cannot say no to Isabella.
Kaagad siyang nag-focused sa ina. May sinasabi ito eh. Hindi niya tuloy masyadong napakinggan. Ano ba naman kasi? Pati sarili niya ay kinakausap na niya.
“Ikaw na rin ang nagsabi na mukhang mabait naman itong si Andrew. Pinangalawahan naman ito ni Madam Rivera. Hindi ka naman siguro ilalagay ng boss mo sa alanganing sitwasyon. Saka sabi mo gusto mo rin naman itong batang si Isabella dahil natutuwa ka sa kanya. Ngayon ay naaawa ka sa kanya dahil ulilang lubos na ito. So go and accept it, anak. Baka makatulong ka sa batang iyon.”
“Pero paano kayo ni Elize? Okay lang ba sa inyo na weekend na lamang ako uuwi?”
“Oo naman, anak. In case, nakalimutan mo, nasa hustong gulang na kami ng kapatid mo.” Napangiti na lang si Allie sa tangkang pagpapatawa ng ina. Minutes later ay napabuntunghinga siya. She just suddenly felt at peace pagkatapos marinig ang payo ng ina. Iyan ang kanyang Mama. Isang babaeng walang ka-hang-up-hang-ups sa buhay. She accepts things with an open mind. Sobrang maunawain ito at mapagmahal. Sa kabila ng mga naging pagsubok sa buhay nito dahil sa biglaang pagkawala ng kanilang ama ay nananatili itong matatag. Kaya number one fan siya nito eh.
***
“What a nice surprise. I didn’t expect to see you.”
Mabilis na nilingon ni Allie si Andrew. Kanina pa niya ito hinihintay eh. Isang hapon ng Biyernes iyon at sinadya niyang dumaan muna sa bahay nito bago umuwi. Nasabi na niya kay Madam Rivera na tinatanggap na niya ang alok nito pero gusto rin niya itong personal na makausap.
“Hello, Sir Andrew. Ikaw talaga ang hinihintay ko,” aniya sa lalaki. Halata namang gulat na gulat ang binata. Nakataas pa ang mga kilay habang nakatingin sa kanya.
“Really? I admit it feels good to know na mayroong magandang babaeng naghihintay sa’kin pag-uwi ng bahay,” ani Andrew sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.
Imbes naman na matuwa ay nangunot ang noo ni Allie. Hindi siya nagpunta rito para makipagbiruan dito. Bagaman may hatid na kilig ang sinabi nitong magandang babae. Kung gayon ay maganda ang tingin nito sa kanya?
“I have no doubt na sanay na sanay kang may magagandang babaeng palagi nang naghihintay sa’yo,” naiinis na tugon niya.
“As a matter of fact, yes. Though they are not quite as interesting as the one who’s at the moment waiting for me,” Andrew replied so sweetly.
Gosh! This man could earn a living by flattering women, sa isip isip ni Allie. For sure ngiti pa lang nito ay nag-uunahan nang makalapit ang mga babae na animo’y mga bubuyog sa pulot.
Bago pa tuluyang mainis ay sinabi na niya ang kanyang sadya. Baka magbago pa ang isip niya at maging dahilan iyon upang ma-disappoint si Madam Rivera.
“Kaya ako narito ay upang ipaalam sa’yo na tinatanggap ko na ang offer mong maging live-in tutor ni Isabella. Lunes ako magsisimula. Pakisabi na lang kay Yaya Perla na umalis na ‘ko. Thanks a lot.”
Pagkasabi niyon ay maliliksi ang mga hakbang na lumakad palabas bahay. Pakiramdam kasi niya ay maririnig na ng lalaki ang kabog ng dibdib niya. Sobrang lakas niyon eh. Ngunit bago tumalikod ay kitang-kita niya ang naging hitsura ni Andrew. He looked completely surprised. Malinaw na hindi nito inaasahan na tatanggapin niya ang alok nito.
“Magkano?”anito mula sa likuran niya. She knew what he was asking. Syempre ang bayad sa pagtu-tutor niya.
“Two thousand,” walang kalingon-lingong sagot niya.
“Ang mura naman. I’ll make it five thousand.”
Ramdam ni Allie ang paghakbang ni Andrew palapit sa kanya.
“No. Two thousand and that’s it,” mariing saad niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad.
“No. I’ll pay you five thousand,” pangungulit ni Andrew habang sinusundan siya.
Mas makulit ka pa kaysa sa mga fifth grader na eskwela ko ah.
Naalala tuloy ni Allie iyong tagpong nais nitong bayaran ang damit niyang narumihan. Ano ba ang akala ng lalaking ito? Lahat na lang ay nadadaan sa pera? Oo nga at kailangan niya ng pera pero hindi siya manlalamang ng kapwa para lang magkaroon nito no!
Tanggapin mo na kasi ang five thousand niya. Tutal naman marami siyang pera!
Well, kunsabagay puwede naman. Marami naman talagang pera ang binata. Wala lang naman dito ang five thousand. Pero baka naman kasi hindi siya patulugin ng kanyang konsiyensya. Tama lang ang two thousand. Halos isang oras lang namang pagtuturo iyon sa loob ng isang araw. At kung doon pa siya titira, makikikain pa siya. Huminto si Allie paglalakad at taas ang babang hinarap si Andrew.
“Alam mo kasi, Sir Andrew, hindi naman lahat ng ginagawa ng tao ay ginagawa niya dahil sa pera,” naiinis na wika niya. Napipika na kasi siya eh. Masarap ngang titigan ang mukha, nuknukan naman ng flirt. Feeling lahat na lang ng babae ay may crush dito. Kahit ba totoo eh. Lahat nga yata ng babae ay may crush dito.
Pati na ikaw, Allie.
Hindi no!
Lihim na natuwa si Allie nang mamasdan ang nakamaang na mukha ni Andrew. Congratulations, Allie. Nakaganti ka na nang bonggang-bongga sa kanya, girl.
“At ano naman ang iba pang dahilan kung bakit nagtatrabaho ang tao bukod sa pera? Please, explain to me, Miss Brainy.”
Hindi malaman ni Allie kung matutuwa doon sa Miss Brainy thing. Compliment ba iyon o nang-aasar lang ito?
“How about dahil gusto ko talagang turuan at makasama si Isabella dahil natutuwa ako sa kanya.”
“Sigurado ka? Hindi dahil sa charm ko?” buong pagpapa-cute na wika ni Andrew. Saka ito sinundan ng pagkaluwang-luwang na ngiti.
Nakagat ni Allie ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling mapangiti.
“Hindi. Huwag kang masyadong assuming no!” irap niya dito. Saka muling tinalikuran ang binata. Para kay Andrew at sa boses na nanggagaling sa utak niya ang sagot niyang iyon.
“Just kidding, okay. Magmeryenda ka muna, Allie,” malambing na habol ni Andrew sa likuran niya.
“No. Thanks. I’m good.”
***
Well, Allie was definitely a woman of surprises.The funny thing was, Andrew couldn’t seem to stop himself from smiling or laughing everytime he sets his eyes on her. He had to admit he had never met anyone like her. Habang unti-unti niya itong nakikilala ay lalong hinahanap-hanap niya ang presensya nito. He wondered kung kailan niya masisilayan ang mga ngiti nito o maririnig ang tunog ng pagtawa nito? Napansin kasi niya na tila palagi itong seryoso. At palagi nang nagmamadali. She couldn’t seem to bear being near him. Sininghot ni Andrew ang sarili. Wala naman siyang masamang amoy. Bigla tuloy siyang namisteryosohan sa dalaga.
Kanina, akala niya ay mapapatawa na niya ito. Napansin niyang kinagat nito ang pang-ibabang labi, a mannerism that was becoming so endearing about her. Alam niya pinipigil lamang nito ang sarili. Natitiyak niya na masarap pakinggan ang tawa nito. At sigurado rin siya na mas bagay rito ang nakangiti o nakatawa.
Hindi niya inaasahan na mapapapayag ito ni Tita Linda upang maging live-in tutor ni Isabella. Ano kaya ang ginawa ng mahusay na principal ng Glenford na tiyahin niya? Truth was, he was just trying his luck. Hindi niya inaasahan na papayag si Allie. Well, considering the fact na hindi maganda ang simula nila ng dalaga. He took note on his mind to thank his very efficient administrator.
“Tito Andrew, come here. Let’s have snack. Yaya cooked your favorite turon.”
Matinis na boses ni Isabella ang nagpahinto sa tinutungo ng isip niya. Nasa kusina ito at kasalukuyang nagmemeryenda.
“Coming, sweetie.” Pumunta na rin siya sa kusina. Sobrang nagpapasalamat siya sa Diyos dahil naagapan ang pagkakasakit ni Isabella. Kung nagkataong may masamang nangyari rito ay hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili. At lalong hinding-hindi siya mapapatawad ng ama nito. Napahugot siya ng malalim na hininga. Ipinilig ang ulo upang pigilan ang sariling bumalik sa nakaraan. There’s no use dwelling in the past. Ni-let go na niya ang lahat. Kinalimutan ang sakit. Para kay Isabella na siyang nagsilbing lifeline niya.
At ngayon nga parang nabunutan siya ng tinik sa dobdib. Ngayong tinanggap na ni Allie ang alok niya. Lumalaki na kasi ang bata at kailangan na nito ng female influence. Okay naman si Yaya Perla. Ito nga ang nagpalaki kay Isabella. Pati nga sa kanya ito ang nagpalaki eh. Pero may edad na ito at alam niyang nahihirapan na sa pag-aasikaso kay Isabella.
Tama lang talaga ang suhestiyon ng kanyang Tita Linda. Kailangan nang magkaroon ng kasama si Yaya Perla na titingin sa bata. At hindi kung sino lamang kundi isang taong magsisilbing magandang impluwensiya rito. Mas makabubuti raw na medyo bata pa at may pinag-aralan. Isang taong magsisilbing role model nito. Ewan niya pero basta si Allie ang unang-unang pumasok sa isip niya. She would be a perfect tutor. He couln’t think of anyone more qualified than her. She had class kahit na nga may taglay na kasungitan. Funny, he kind of liked it in her. Parang ang cute kasi nito habang nagsusungit. Napangiti siya sa isiping iyon. Isa pa, it was obvious she liked children.
“How about dahil gusto ko talagang turuan at makasama si Isabella dahil natutuwa ako sa kanya.”
Halos naririnig pa niya ang winikang iyong ng dalaga. Allie liked Isabella. Iyon ang pinakamahalaga sa lahat. Walang kaalam-alam ang dalaga na kaagad nitong naipasa ang isang pagsubok.
Katulad ng dati bago sila maghiwalay ay muli na naman siyang hinimok ng tiyahin na mag-asawa na upang magkaroon daw ng isang inang maituturing si Isabella. May katwiran naman ang matanda. Bigla tuloy niyang naalala si Louise. Agad na gumuhit ang lungkot sa mukha niya. Napahugot siya nang malalim na hininga. Iyon nga din sana ang nasa isip niya noon. Ngunit hindi pa ipinag-adya ng tadhana. Umiling siya. Pinigilan ang sarili na muling alalahanin ang dating nobya.
*****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (65)

  • avatar
    Vince Barillo

    hahahah

    3d

      0
  • avatar
    Nathanael Cacao

    gyjjhghjii

    27d

      0
  • avatar
    Saud

    oke

    28/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด