logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

Chapter 5-Red Roses

“Okay. Ang pangalan mo na lang.”
“What?” nalilitong sambit ni Allie. Hala! Saan na napunta ang utak niya?
“Ang sabi ko, ibigay mo na lang ang pangalan mo. Hindi mo ito ibinigay.” Nakangiting ulit ni Andrew.
“Oh. A..Allie. Alison Diaz,” ang nalilitong sambit niya.
Naman kasi. Wag mo ‘kong ngitian.
Humakbang si Andrew palapit sa kanya at inilahad ang kanang kamay.“It’s a pleasure to meet you, Allie,”
Nagdadalawang-isip na napatitig si Allie sa palad ng binata. Hindi siya makapagpasiya kung aabutin iyon o hindi na lamang papansinin at tuluyan nang aalis. Hindi porke’t tinanggap na niya ang apology nito ay ayos na sila. Ngunit nang maalala ang pangitain niya kanina ay mabilis na tinanggap ang pakikipagkamay ni Andrew. Dapat niyang pakatandaan na ito ang may-ari ng Glenford. Posible talagang mawalan siya ng trabaho anumang oras mula ngayon kapag pinakitaan niya ito ng hindi maganda.
“Glad to meet you po, Sir Andrew,” aniya. Nahigit niya ang hininga nang maglapat ang kanilang mga kamay. Para kasing may kung anong init na nanulay mula roon patungo sa kamay niya. Naglakbay iyon sa buong katawan niya at umabot pa hanggang sa dulo ng mga daliri niya sa paa.
“Call me Andrew. At hindi mo kailangan mamupo sa’kin, Allie. I’m still on the calendar.”
Halos matulala si Allie sa pagkakatitig sa nakatawang binata. Pantay-pantay ang mala-perlas sa kaputian na mga ngipin nito. Pigil ang kilig na tinapunan na lang niya ito ng tipid na ngiti at saka tumango. Ilang saglit pa ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay. Para lang droga ang mga ngiti ni Andrew eh. Nakaka-addict.
***
Na-plaster naman ang ngiti sa mga labi ni Andrew. Hindi pa rin maalis-alis iyon kahit ilang minuto nang nakakaalis si Allie sa harapan niya. Hindi niya malaman kung bakit parang nanghinayang siya dahil umalis na ito. Pakiramdam niya ay nabitin siya sa pakikipag-usap rito eh. Gusto pa niya itong matitigan at makausap nang matagal. Nakakaaliw palang kausap ang babae. He wasn’t sure why but he was starting to enjoy their encounters.
Hindi mabura sa isip niya ang araw na una niya itong nakita. Basa, marumi ang damit at halos manlisik ang mga mata sa galit sa kanya. Hindi niya ito masisisi kung bakit hanggang ngayon ay inis pa rin ito. Hindi biro iyong pagkabasa niya rito. Ang totoo ay naawa siya rito kaya hindi niya natiis na hindi ito balikan upang humingi ng pasensya. Malinaw pa sa isipan niya ang shocked na mukha nito nang kumulay ang maruming tubig sa magandang damit nito.
Sa isang banda, marahil ay hindi na siya dapat bumalik pa. Hindi sana siya nakita nito. Ngayon tiyak na sa tuwing magkikita sila nito, ang pangit na pangyayaring iyon ang una nitong maaalala. Isang pangit na alaala.
Na-distract lang naman siya sa pagkakatingin dito na kabababa lamang ng dyip at aktong tatawid ng kalsada. Hindi tuloy siya nakapag slow down sa bahaging iyon. Kung bakit naman siya na-distract ay bagay na hindi niya maipaliwanag. Napakasimple naman ng babae. In fact, there was nothing on her face but a dash of pink lipstick. Bilugan ang maamong mukha nito. Dark eyes with long lashes.
But there was something different about her. It was the way she looked and stared. Kapag tumititig ito sa kanya na kadalasan naman ay agad ding binabawi ay tila tumatagos hanggang kaluluwa niya. Katamtaman ang tangos ng ilong nito at heart-shaped ang mga labi. Not very tall. Although ayos lang naman ang height. Sexy rin naman pero not his type of sexy. Payat ito at sa tingin niya ay flat-chested.
He rather liked his girls to be near his height at hindi iyong yumuyuko siya nang husto upang matitigan ito. At iyong medyo may laman naman ang katawan. She was pretty, though. But definitely not a hottie like the girls he used to date. Yet, there was something about her that he couldn’t put a name to.
Siguro ay dahil sa masarap itong kausap. She looked witty and intelligent. And then her small hand was soft and warm. He rather liked the feel of it in his own hand.
Napaangat ng ulo si Andrew at napatingin sa may pinto. Naririnig niya kasi ang tunog ng heels. At si Allie lamang naman naka-heels ngayong araw na ito. Hayun nga at papalapit ito sa kanya. He wondered why she came back.
“You’re right. I should apologize for calling you unggoy and heartless. I’m very sorry for that okay?” Allie said looking straight into his eyes. He was lost for a moment. Parang may magnet ang mga mata nito. He found himself staring at a pair of long-lashed dark eyes filled with emotions. He barely heard what she was saying. All he could think about was how beautiful her eyes were.
“It’s okay, Allie,” sa wakas ay nasabi niya. “You really don’t have to apologize. I was just kidding earlier. I know you didn’t mean to call me those things.”
“Right. Thanks.”
Pagkasabi niyon muli nang tumalikod ang dalaga at tuluyan nang lumabas ng bahay. Siya naman ay nakatingin pa rin sa pinto. He felt like he was struck hard by something.
***
“Allie, tawag ka ni Madam Rivera sa opisina niya,” tawag ni Wyn kay Allie isang umaga.
“Ha! Bakit daw?” nagtatakang tanong niya.
“Hindi ko alam eh. Mabuti pa pumunta ka na sa opisina niya at nang malaman mo.”
“Okay. Sige. Pupunta na ‘ko,” aniya. Nagtataka talaga si Allie kung bakit siya ipinatatawag ng kanilang boss. Wala naman silang faculty meeting ngayon. Tuloy ay bigla siyang kinabahan. May ginawa ba siyang mali? Binalikan niya sa isip ang mga naganap nitong nakalipas na mga araw. Ewan at mukha ng tito ni Isabella na si Andrew ang biglang nag-flashed. Hayss! Ano na ba ang nangyayari? Lately kasi ay madalas mag-flashed sa isip niya ang mukha ng lalaking iyon eh.
“Good morning po, Madam Rivera,” kaagad na bati niya sa kanyang boss.
“Good morning, Teacher Allie. Halika. Pumasok ka,” ganting bati ni Madam Rivera pagkaangat ng ulo mula sa pagkakayuko sa mesa. Tila naabala niya ito sa pagsusulat. Kaagad naman nitong binitiwan ang hawak na ballpen at saka ngumiti sa kanya. Nabawasan ang kaba sa dibdib niya.
“Maupo ka, Teacher Allie.”
Naupo si Allie sa silyang nasa harap ng mesa nito. Humahangang napatitig siya sa mukha ni Madam Rivera. Kahit may edad na kasi ang kanyang boss ay mababakas pa rin ang ganda nito. Madalas na kapag kaharap niya ito ay parang nais niyang sumulyap sa salamin at tingnan ang sarili kung may misplaced na buhok o kaya baka may lukot ang kanyang damit. Nakakahawa kasi ang pagiging metikulosa nito. Pati nga pag-upo niya sinisigurado niyang upong pang-Miss Universe eh hihi.
“May nagpapabigay sa’yo nito,” ani Madam Rivera pagkaraan ng ilang sandaling pagkakatingin sa kanya. Tila may kakaibang kislap sa mga mata nito. Agad nitong iniabot sa kanya ang isang pumpon ng red roses na naka-arranged ng magandang-maganda.
“S..sakin po, Madam?” takang tanong ni Allie. “S…sigurado po kayo?”
Nagtataka man ay inabot din ni Allie ang mga bulaklak. Sino naman ang magbibigay sa kanya ng bulaklak? At sadyang ipapadala pa talaga rito sa Glenford. Oo nga’t may mga nagtatangkang manligaw sa kanya. Ngunit wala pa namang sobrang lakas ang loob na hantarang gawin iyon. Sabi nga ni Trix takot daw sa kanya. Baka tarayan niya ng bonggang-bongga.
Sinasadya daw niyang magtaray para walang masyadong makalapit na boys sa kanya. Napapangiti lang siya. Medyo swak din kasi. Mahirap na eh. Baka ma-fall nang wala sa oras. Paano na lang ang pangako niya sa ina at kapatid? Pero aminado siyang medyo humaba ang hair niya ng mga oras na iyon.
“Oo. Sigurado ako na para sa’yo ‘yan. May card na naka-attached eh. Puwede mong tingnan.”
Hayss! Oo nga naman. Syempre ay may card na naka-attached. Medyo napapahiyang hinanap ito ni Allie. Hindi niya agad naisip iyon eh. Sobrang excited lang.
“Just want to sincerely say sorry”
Andrew
Oh my gosh! Nanlalaki ang mga matang nasambit ni Allie sa isip. Galing kay Andrew! Nag-aalalang napatingin siya kay Madam Rivera. Baka kasi magalit ito sapagkat pati ito ay naabala. Nakahinga lang siya ng maluwag nang ngumiti ito.
“Madam, I’m so sorry. Wala naman pong masamang kahulugan ito. Siguro po ay gusto talagang humingi ng sorry sa’kin ni Sir Andrew. Siya po kasi ‘yong dahilan kung bakit pumasok akong marumi ang damit noong unang araw ko po rito kung natatandaan ninyo,” mabilis na paliwanag ni Allie.
“It’s okay, Teacher Allie. Alam ko na. Ikinuwento na sa’kin ni Andrew. Dumaan siya rito kanina para ipabigay sa’yo ang mga bulaklak na ‘yan. Nagpasalamat siya sa akin doon sa prutas at pork steak. At salamat din daw sa’yo sa paghahatid mo sa kanila,” nakangiting paliwanag ni Madam Rivera.
“Wala pong anuman, Madam. Natutuwa nga po ako at ako ang inutusan ninyo kahapon. Dahil doon ay nakilala ko ang maganda at pagka-cute-cute na batang si Isabella. Ismarte at Inglisera pa,” ang natatawang sabi niya. “Mabuti naman po at magaling na siya.”
“Oo, Teacher Allie. Natutuwa rin ako at magaling na ang batang ‘yon. Noong umagang unang nakita mo si Andrew ay kagagaling lang niya sa ospital. Kakauwi lamang niya dahil binantayan niya si Isabella ng gabing iyon. Kaya sana ay nauunawaan mo kung bakit hindi ka niya napansin sa iyong pagtawid.”
Oh, well. Kaya naman pala. Ngayong malinaw na ang lahat ay tuluyan nang naglaho ang inis na nararamdaman niya kay Andrew. Meron naman palang malalim na dahilan at hindi out of carelessness and reckless driving lamang. Malamang sobrang pagod at inaantok ang binata ng umagang iyon kaya wala sa huwisyo. That explained why he looked like he just woke up on that unfortunate morning. Mabuti na lamang pala at hindi ito naaksidente.
“Pakisabi po kay Sir Andrew, Madam na hindi na ako galit sa kanya. At buong pusong pinatatawad ko na siya.”
Muling napangiti si Madam Rivera. “Hayaan mo at makakarating, Teacher Allie.”
“Nagpadala pa talaga siya ng bulaklak. Hindi naman kailangan eh. Naabala pa tuloy siya.”
“Well, mabait talaga ‘yang si Andrew. At saka meron siyang inaalok sa’yo, Teacher Allie.”
Agad na nakuha ni Madam Rivera ang buong atensyon niya. Si Andrew? May inaalok sa kanya? Ano naman kaya ang maaaring ialok sa kanya ni Andrew?
“Gusto ka niyang kuning tutor ni Isabella. A live-in tutor.”
What?
***
Ilang minuto na ang nakalilipas ay nakatitig pa rin si Allie a kay Madam Rivera. Hindi niya ma-gets ang sinabi nito.
Agad namang ipinaliwanag ito ng matanda. Request daw ni Andrew na mag-tutor siya kay Isabella. Gusto rin daw nitong doon siya tumira sa bahay nito para mas maturuan niyang mabuti at magkasabay na rin silang pumasok ni Isabella sa eskwelahan.
Pinigil ni Allie ang mapa-omg nang malakas. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya maderetsa si Madam Rivera at sabihin ritong ayaw niyang mag-tutor. At lalong ayaw niyang tumira sa bahay ni Andrew. Sa isang banda, iyong pagtu-tutor ay baka maisingit niya sa schedule pero iyong tumira pa mismo sa bahay nito ay hindi okay sa kanya. Bakit naman kailangan pa niyang tumira sa bahay nito? Ang maisip nga lang ang lalaki at makita ito sa malayo ay tila may fireworks na sa dibdib niya. Ano pa kung makakasama niya ito sa iisang bubong. Hayss! Wala siyang balak ma-fall head over heels sa lalaking iyon no!
“O siya, pag-isipan mong mabuti, Teacher Allie,” ani Madam Rivera nang hindi pa rin siya kumikibo. Nginitian lamang niya ito. Wala pa kasi talaga siyang maisip na maaaring idahilan sa boss niya. Hindi niya alam kung paano tatanggi nang hindi naman ma-di-disappoint ito.
“Hindi naman kita pinipilit na tanggapin ang alok ni Andrew pero para sa iyong kaalaman, siya ang may-ari ng Glenford. At ikatutuwa naming lahat kung tatanggapin mo ito. Hindi mo naitatanong, si Andrew ay aking pamangkin. Pinsang buo ko ang kanyang yumaong ama. Kaya masisiguro ko na mabait na tao siya at wala kang dapat na ipag-alala kahit tumira ka man sa bahay niya.”
Lalo nang natahimik si Allie. Sa tono kasi ng amo ay tila ayaw nitong tanggihan niya ang alok na iyon. Hindi niya malaman kung matutuwa o malulungkot. Sinusuwerte ba siya o minamalas? Isa lang ang natitiyak niya. Hindi siya maaaring mawalan ng trabaho. May mga taong umaasa sa kanya.
“Eh, Madam, nasaan po ba ang mga magulang ni Isabella?”Kanina pa talaga niya nais itanong ang bagay na iyon eh. Bakit ang tito at yaya lamang nito ang kasama sa bahay?
“Namatay sa aksidente ang mga magulang ni Isabella kasama ang ama ni Andrew walong taon na ang nakalilipas. Nakababatang kapatid ni Andrew ang ama ni Isabella. Galing sila noon sa Baguio nang magloko ang kanilang sasakyan at mahulog sa bangin. Milagro lang na nakaligtas si Isabella na noon ay five months old lamang. His mother died after giving birth to his brother.”
“Oh my God!”Nanlalaki ang mga matang nasambit ni Allie. Natutop niya ng dalawang palad ang bibig. Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. Matinding trahedya pala ang pinagdaanan nina Andrew at Isabella. Parehong wala nang mga magulang. Kung gayon pala ay hindi na nagisnan at nakilala ni Isabella ang mga magulang at mga abuwelo nito. Her heart melted for Isabella. Pagdating pa naman sa mga bata ay sobrang lumalambot ang puso niya. At si Andrew, kaya pala kahit ngumingiti ay may nababanaagan siyang lungkot sa mga mata nito. .
Ilang minuto na ang nakalipas na hindi pa rin makakibo si Allie. Hindi talaga matanggap at ayaw tanggapin ng isip niya na naganap ang ganoong trahedya sa pamilya ni Andrew. Nang yumao ang kanyang ama ay napakatagal bago niya natanggap na wala na nga ito. At kahit magpahanggang ngayon naroon pa rin ang kirot at naiiyak pa rin siya sa tuwing maaalala ang ama. Guess, you can never let go of the pain of losing a parent. Isang magulang lang ang nawala sa kanya pero grabe na ang hinanakit niya sa Diyos noong mga panahong iyon. Samantalang si Andrew at Isabella, halos lahat ng mahal nila sa buhay, bigla na lang naglaho sa isang iglap.
“Teacher Allie, are you crying?”
Mabilis na napaangat ang mukha ni Allie sa nag-aalalang tinig ni Madam Rivera.
“No, Madam. N…nag-iisip lang po ako.” Pero dapat na siguro siyang lumabas ng opisina nito bago pa makita na naiiyak na nga siya. Kaya bitbit ang pumpon ng mga bulaklak na bigay ni Andrew ay agad na siyang umalis. Sinabi na lamang niya sa amo na pag-iisipan niyang mabuti ang alok na iyon ni Andrew.
*****

หนังสือแสดงความคิดเห็น (65)

  • avatar
    Vince Barillo

    hahahah

    3d

      0
  • avatar
    Nathanael Cacao

    gyjjhghjii

    27d

      0
  • avatar
    Saud

    oke

    28/07

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด