logo text
เพิ่มลงในห้องสมุด
logo
logo-text

ดาวน์โหลดหนังสือเล่มนี้ภายในแอพ

KABANATA 5

“Winter.” Kumatok ako sa pinto nila ng maraming beses para alamin kung gising na ba ito at nakapaghanda na.
6:30 na ng umaga, kailangan na dapat naming umalis bago pa mag-seven kasi babyahe pa. Kung walang traffic, inaabot kami ng halos kalahating oras sa daan bago makarating sa school. Paano na lang kung traffic nga mamaya? Baka abutin na naman kami ng siyam-siyam.
“Oh, hija, naliligo pa lang siya. Pasok ka muna,” bungad sa akin ng ina ni Winter pagkabukas niya ng pinto.
Naliligo pa lang? Hay naku! Ang bagal pa naman niya kumilos.
“Ganoon po ba...? Nga pala, good morning po,” bati ko bago pumasok sa bahay nila. Naupo ako sa sofa na katabi lang ng pintuan.
“Good morning din. Kumain ka na ba ng agahan?”
“Yes po.”
“Mabuti naman, ito kasing si Winter, eh, walang gana raw,” she said, sighing.
Sa paglabas ni Winter mula sa banyo; gusto ko sana siyang samaan ng tingin kaso napansin ko ang pamumula ng mga mata niya at medyo puffy pa. Buong gabi na naman siguro siya umiyak.
Dumiretso siya sa kanyang kwarto ng walang lingon-lingon para siguro itago ang kalagayan ng itsura niya sa paningin ng mama niya. Wala kasing alam si tita tungkol sa madalas na pagtatalo nina Winter at Paul. Ang akala nito, ayos lang at masaya ang anak niya sa lalaking iyon. Ayaw rin naman kasi ni Winter ipaalam ang totoong sitwasyon dahil ayaw niyang maging masama ang tingin nito sa boyfriend niya.
HINDI naman naging matagal ang paghihintay ko, lumabas ng kwarto si Winter ng nakapag-ayos na. Simpleng oversized shirt na white habang naka-denim shorts ang porma niya. Bitbit niya sa likod ang bag niyang puno ng gamit.
“Aalis na po kami, Tita,” paalam ko.
“Sige, ingat kayo.”
Pinauna kong makalabas si Winter bago ako sumunod sa likuran niya.
“Iyang suot mo ang binili natin sa SM, ‘di ba? Bagay sa iyo,” komento niya matapos pasadahan ng tingin ang kabuuan ko.
“Oo, ito nga ‘yon.”
Last week, pumasyal kami sa mall at napadaan sa isang boutique na naka-SALE ang mga paninda. Suot ko ngayon ang binili ko no’n na windbreaker jacket na may ka-ternong pants. Hinayaan ko lang naka-open ang zipper ng jacket para makita sa loob ang black sleeveless crop top na humuhubog sa katawan ko.
“Break na kami ni Paul,” out of the blue na balita ni Winter.
Natigilan ako sa paglalakad habang siya naman ay nagpatuloy lang. Pinagmasdan ko ang likod niya, hindi ito nag-abalang lingunin ako kaya naman ay hinabol ko siya para tumabi at sumabay sa mga hakbang niya.
“Sino ang nakipaghiwalay?” usisa ko.
“Ako. Ugh! Mamaya na lang natin pag-usapan.” Pinunasan niya gamit panyo ang luhang dumaloy sa pisngi niya. Nagpipigil itong maiyak para siguro hindi mapansin mamaya ng mga kagrupo naming may pinagdadaanan siya.
Nang marating namin ang paradahan ng mga jeep; pinili naming sakyan ‘yong madadaanan ang lokasyon ng school namin. Tulad nga ng inaasahan, medyo traffic ngayon.
Nang makababa ay naabutan namin si Molly na naghihintay sa tapat ng gate. Sumulyap muna siya sa katabi ko bago binalik ang tingin sa akin na may halong pagtatanong at pagtataka. Marahil, naramdaman niya ang pagka-gloomy sa awra ni Winter.
Inilingan ko siya para ipabatid ditong hayaan na muna at huwag pag-usapan. Mabuti nga, naintindihan kaagad niya ang ibig kong sabihin kaya naman ay inilaan na lamang niya ang atensyon sa ibang bagay.
“Bakit ka nga pala nakaabang sa gate, Molly?” tanong ko habang diretso lang ang tingin sa daan.
“Hindi ako mapakali. Nag-aalala ako na baka ma-late na naman kayo ng dating,” sagot niya.
Tinanaw ko ang orasan na nakasabit sa dingding, malapit sa guidance office. “EH? May ilang minuto pa naman bago mag-eight.”
“Himala ngang napaaga kayo this time. Remember? Walang araw na hindi kayo late sa bawat kitaan.”
“Look, I am a proud being of our country. Sinusunod ko lang ang Filipino Time.”
“Hindi ka talaga nauubusan ng irarason,” umiiling niyang komento habang hinihilot ang kanyang sintido.
Malayo pa lang ay naririnig ko na ang musikang gagamitin ng grupo sa paligsahan mamaya. Pagdating sa basketball court, naabutan namin silang nagre-rehearsal ng blockings at ng steps.
“Aha! Himala. Congratulations, hindi kayo late!” sarkastikong wika ni coach habang gamit ang mic; dahilan para lumingon sa direksyon namin ang mga naririto.
Kumunot ang noo ko sa malalakas na palakpakan nilang umalingawngaw sa paligid. Kahit ang mga estudyanteng napadaan lang ay nakiusisa kung bakit ganiyan ang kani-kanilang reaksyon.
Niyukom ko ang pareho kong kamao saka nagpakawala ng mabigat na buntonghininga. Ito ang huling araw na makakasama ko sila sa sayaw. Ayokong sumabog o abalahin pa ang sariling pagsabihan sila.
“Wala kasi kami sa mood painitin ang ulo mo ngayon, coach Jon!” birong komento ni Winter. Patakbo siyang lumapit sa kinauupuan nito para magmano. Sumunod naman kami ni Molly sa kanya at ginaya siya.
“Parating pa lang ang service natin. Recall n’yo muna ang steps habang naghihintay.”
Hindi ko siya sinagot. Pagkalapag ko ng gamit ko sa bench, hinubad ko ang jacket ko at pinatong iyon sa bag ko.
Tinungo ko ang bakanteng espasyo para mag-warm up exercise. Nakisabay rin sa akin sina Molly at Winter. Magkaharap kaming tatlo sa isa’t isa at salitan sa pagbibilang every sixteen counts. Isang beses na ulit ang musika bago kami natapos sa pag-eehersisyo. Sa natitira pang minuto, nagawa pa naming mag-ensayo kasama ang buong grupo.
KUMPLETO na ang lahat nang dumating ang bus na magiging service namin papuntang Pasay. Umupo ako sa tabi ng bintana. Nasa kaliwa ko si Molly, gumigitna siya sa amin ni Winter. Hindi pa umaandar ang sasakyan ay namumutla na ako. Feeling ko, bumabaliktad ang sikmura ko. Nasusuka ako sa amoy ng aircon. Sana tumalab ang ininom kong gamot kanina para hindi mahilo sa byahe.
“Oh, eto. Alam mo bang buong balot talaga ang binili ko para lang sa iyo?” sabi ni Molly sabay ipinatong sa kandungan ko ang balot ng menthol candy.
“So kind of you. Thank you.”
“In case of emergency, nagdala na rin ako ng plastik, lalagyan ng suka mo! But please ... ayaw kong nakakaamoy ng hindi kaaya-aya. Magpigil ka kung kakayanin! Kung sakaling nasa lalamunan mo na, lunukin mo!”
Inirapan ko siya. “Gross ... shut up.”
Nang maramdaman namin ang pag-andar ng bus, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa labas ng bintana. Gustuhin ko man pumikit ay hindi ko magawa dahil parang iikot ang aking paningin. Dadagdag lang iyon sa hilo ko.
Kalaunan, sa kabutihang palad, marahil dala ng kakulangan sa tulog at pagkabagot. Nagpadala ang katawan ko sa antok.

หนังสือแสดงความคิดเห็น (81)

  • avatar
    Jhunaimah Palo

    fjfd

    7h

      0
  • avatar
    Melvin Dela Cruz

    super cute story

    6d

      0
  • avatar
    CayasLeonardo

    nice

    16d

      0
  • ดูทั้งหมด

บทที่เกี่ยวข้อง

บทล่าสุด